Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Results 1 to 2 of 2
  1. #1

    Post Tatlong Araw, Tatlong Gabi ni Eros Atalia

    Mga Pre, post ko lang ang sulat ni Eros Atalia (na naging prof ko nakaraang semester). Magaling talaga tong kumag na to. hahaha ang galing pang magturo. Sana matuwa kayo.

    PS. Napulot ko to sa FB niya.

    Tandang tanda ni Mong ang bakawang ito. Dito nila pinagmamasdan ni Lumen ang pagdapo ng mga ibong bakaw tuwing umaga at hapon. Dito rin nya unang nakitang umiyak si Lumen kapag nangungulila ito sa namatay na nanay. Dito rin nya unang nayakap si Lumen nang iniyakan sya sa balikat. Naluhaan at nasipunan ang kanyang balikat. Sya rin ang tanging saksi nang parang bulateng inasnan si Lumen.

    "Bakit... bakit?" nabitawan nya ang kinokolektang suso na inilalagay nya sa binulumbong t-shirt.

    Umiiyak pa rin si Lumen. Naglulundag. Bigla itong lumusob sa kanya. Sumubsob sa dibdib nya. Umiiyak. Itinuro ni Lumen ang gawi ng hita. Bandang singit. May dugo. Nataranta din sya. Kahit alam nya kung ano 'yun, iba pa rin kapag aktwal na nakita Lalo na sa kababata. Lalo na sa tulad ni Lumen.

    "May period ka na.... mens..." ngumingiti sya para hindi lang si Lumen ang mabawasan ang kaba, pero lalo na sya.

    Lalo silang kinabahan nang marinig ang boses ng mga kalarong paparating. Bitbit ng mga ito ang bayawak, alimangong bato at palakang bukid.

    "Raymundo... Raymundo,"

    Hindi nya maipaliwanag pero parang naiintindihan nya na ang gusto ni Lumen.

    Sinalubong nya ang mga kalaro. Binulungan nya ang mga ito. Umugong ang kantyawan. Tumakbong papalayo ang mga ito.

    "Ano sinabi mo?"

    "Sabi ko, iiwan namin ka dito, pagtataguan,"

    "Ano?"

    "Basta,"isinaboy ni Mong ang mga pinulot na suso na binalumbon sa tshirt. Hinila nya si Lumen sa likod ng bakawan. Itinulak nya si Lumen sa makapal at malabay na mga dahon at sanga ng bakawan.

    "Ano ang gagawin mo sa 'kin, Raymundo, ha?"

    "Talikod ka, wag kang lilingon, bilis?"

    "Ha! Ano?"

    "Iiwan kita dito pag di ka sumunod, bilis, baka bumalik na sila,"

    Sumunod si Lumen. Sa pagtalikod nito, biglang bumagsak ang isang short pants at brief sa harapan.

    "Palit tayo. Bilis!"

    Nag-aalangan man, sumunod si Lumen. Habang napapalit, naghahalo ang ngiti at kilig. Minantsahan ng dugo ang inosenteng tagpong iyon.Hinubad din nito ang panty. Tinupi at itinapat sa pagitan ng hita.

    "Hagis mo patalikod, ha? Wag kang lilingon, wag, ha?"

    Lumipad ang shorts na may bahid ng dugo. Nilundag ni Mong ng isang kamay ang inihagis habang nakatakip sa pagitan ng hita nya ang hinubad na damit. Agad isinuot ang ibinato ng kababata. Itinapi nya palibot ang kamiseta nyang hinubad sa bahagi ng shorts na may dugo. Inipit nya sa gilid ng shorts ang t-shirt.

    "Okay na ko,'kaw?" inaayos-ayos ni Mong ang sarili.

    Iniluwa ng mga sanga at dahon ng bakawan si Lumen. Ngumingiti si Lumen. Parang humahalakhak ang bakawan. Iniabot ni Mong ang kamay nya. Iniabot ni Lumen ang kamay. Hawak-kamay at patakbo nilang iniwan ang alaala ng pilyong eksena. Umaasa silang sa pagdako doon ng mga ibong bakaw, kasamang ililipad ng mga ito papalayo ang napunit na sa retaso ng kamusmusan.

    Tatlong Araw, Tatlong Gabi
    (Unang nobelang horror, daw)

  2. #2

    Default Re: Tatlong Araw, Tatlong Gabi ni Eros Atalia

    Kelan ilalabas yung book na to?

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •