Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 26
  1. #1

    Read Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    Gagawin natin ang thread na 'to para sa mga kapwa Pinoy nating naghahanap ng trabaho Lokal man o Abroad.

    Bakit? Isa lang ang hangad natin kung bakit tayo naghahanap ng trabaho. 'Yun ay guminhawa ang buhay at kaakibat sa inspirasyon na 'yun ang pamilya at mga mahal natin sa buhay.

    Pero sa likod ng pangarap na 'to. May mga taong gumagawa ng di kanais-nais sa kapwa. 'Yun bang gagamitin ito para tayo ay pagkakaperahan.

    Minsan sa kagustuhan nating maghanap ng trabaho. Lahat gagawin, tulad ng pagtanggap sa trabahong mababa ang sahod, walang benipisyo, at minsan pwedeng ikasama sa katawan natin. Maaring dahilan para imbes hanap-buhay ay hanap-patay pala. Pero syempre trabaho pa rin. Isa pa marangal!

    Pero alam ng iba na dahil sa kagustuhang iyon, makaka-isip sila ng paraan kung paano tayo pagsasamantalahan. So ganito yun, una magpopost sila ng mga job hirings, iba't-ibang trabaho, maganda sa mata at pandinig. Mapapatulala sa kaka-imagine ng buhay kapag natanggap sa posisyon. Maiingganyo tayo na magpasa ng mga dokumento at magpapa-interview. Ngayon, kating-kati na ta'yo. Bigla silang maglalagay ng sched sa medical exam, syempre babayaran natin 'yun. Trabaho daw kasi agad. Mangangakong next days or weeks, ididispatiya ka sa mga employers. Pero dumating ang araw, linggo, buwan, at taon wala pa rin.

    Hanggang sa huli maisip na natin na, "HALA! NALOKO AKO DUN AH...."

    So para maiwasan ang ganitong eksena, magtulungan tayong mag-contribute ng mga agency o mga nagpapanggap na employer kono. Kasi hanggat may aplikanteng naghahanap ng trabaho nandiyan lang din sila nag-aabang. PARASITES ng LIPUNAN ika nga. Parang Virus ng AIDS di kayang puksain kasi kayang mag-immitate. Matatawag ring sindikatong may permiso ng gobyerno. Madali sa kanila ang magbalat-kayo, kukuha ng permit sa kung anong ahensya ng pamahalaan pwede na agad mag-operate so mahirap din sugpuin. Nagpapalit din ng pangalan minsan.

    Kaya mga kababayan, kung sakaling may alam kayo, share nyo rin dito.

    Ito ang number 1 tip ko. Kapag naningil sila at wala pang permahan ng Job Order, Kontrata, o kasiguraduhan ang papasukan wag magbigay kahit ni singko.

    Gamitin na natin ang HUMAN INSTINCT sa mga sitwasyon na 'to. Kaya natin makahanap ng trabaho. Basta mag-apply lang kayo.....


    WAG LANG DITO
    Company Confidential other name LEXVI Inc.
    Location: 892 Alfina Bldg., Unit 8, Brgy. Gulod,Quirino
    Highway. Novaliches, - Quezon City

    Contact: (02) 794-5437
    Medium: Jobstreet, Ayosdito, Sulit
    Offers: Data Encoder, Office Staff, Factory Worker, etc.
    Modus: Magpapa-exam arithmetic pero malalaking numero. Manual calculation bawal gumamit ng cellphone. Self explainatory questions sa part two. Syempre, walang babagsak kahit blangko yung sagot mo. Paanong blangko? Well, subukan mo magdivide ng millions, ibawas mo million at multiply sa million at idagdag ang million. Isang buong kartolina na nagamit mo di mo parin naso-solve.
    Paano na 'yan? Sige pasado lahat sunod interview. Yan parang EDSA at MMDA todo bantay sa bus. Kaya nagkaroon ng Close Door Policy si LEXVI. Pagpasok bawal naka-on ang cellphone. Wait! Silent mode bawal din. Patayin ang cp. Baka may mangtangkang magrecord o magtake ng photo o video. Kaya siguro Company Confidential. Sa di na titingnan ang resume mo. Tatanungin agad anong trabaho gusto pasukan. Ngayon si LEXVI dadahilan wala daw bakante dun. Pwedeng di ka suitable sa posisyon. Offer sayo nauwi sa factory worker.

    Oo na si aplikante syempre trabaho na eh sayang pagpinalampas. Next move medical agad. May slip na ibibigay. Nandun na rin list ng kailangang documents naipapasa. Higit sa lahat presyo ng medical kukolektahin na rin. Magkano? P750.00 lang naman daw. May kontak na ring health clinic. Kung wala pa pera kahit bente, 50, 100 pwede na raw basta balikan na lang sa sunod na araw 'yung kulang. Kapag tapos na next week pa daw hiring. Hanggang naubos na ang next week. Magpaparefund si aplikante pero di na pwede nagmedical na eh. Huli na, nagpaghatian na ni clinic at Lexvi ang pot money.
    More reviews to come... Post nyo rin experience n'yo guys.

    Anyway, may pinsan ako at kasama ko rin sya sa pag-aapply isishare na rin sa akin yung scammers at fraud na natukalasan nya.

    'Yung iba pa na-ikwento o napag-usapan din ng mga nakikilala kong kapwa aplikante kaya gawin natin solid ito.

  2. #2

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    up ntin pra mkita ng iba...buti ala pko naeencounter na ganyan...panu un di nyu po ba pdeng idimanda ung ganyan..plipat lipat po ba cla ng office??tnx

  3. #3

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    Nako ts, n0valichez ba kam0? Wag kayo magaaply sa mga agency dyan halos lahat yata ng agency dyan c0l0rum or peperahan ka lang...

    Gaya nung inaplyan ko dati dyan sa tapat ng n0va mall revi manp0wer name ng agency nila manlolok0 yan wla naman silang alam kundi mamera pero di naman ako nabiktima ng mga yan kasi
    po ang teknik ko pag nagaaply ako lalo na sa mga agency kapag pinapalabas ka nila ng pera or may pinapabayan sabihin ko wala ako pera next time nalang tap0s di na ko babalik d0n kasi mga manloloko yun...

  4. #4

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    Kapag nanghingi agad ng bayad wag mo na ituloy, naghahanap ka nga ng trabaho para magkapera tapos ikaw naman ang hihingian at peperahan ..

    Magbackground check muna sa isang agency o company .. wag magpapamedical kong wala namang kasiguruhan o job order ..

    walang maloloko kung walang nagpapaloko, maging mautak parati ..!

  5. #5

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    Galing na po ako sa abroad via agency, 'eto po ang payo ko:

    1. Kunin niyo yung pangalan ng kumpanya na kumuha sa agency. Importante po ito , para maresearch niyo rin yung pupuntahan niyong company sa abroad. Marami na po akong nalusutan maslalo na nung nag-apply ako sa Hong Kong (Technician position, okay salary, pero work-camp yung residence SHET!). Kung wala sila maibibigay, alis na kaagad.

    2. Sangkatutak po ang interviews. Most of the time may pupuntang representative yung main company at siya na mag-interview mas lalo na kung big-time yung company.

    3. Ang medical bago po kayo umalis (one day/one week before flight) at after ng interviews. Nag-medical ka nga pero bagsak sa interview, wala na ngang trabaho nawalan ka pa ng pera.

    4. Classifed Ads parin yung solid. Job Fair and yung online e madali lang po lusutan yan. Mahal daw po yung pa-advertise sa Classified Ads (mas lalo na 'ata pag yung mga Inquirer, etc.) kaya hindi basta-basta na scam pero ingat-ingat parin po mga sir.

  6. #6

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    mga ka SB may alam ba kaung agency na nd manloloko sa applicante? share nmna po kau pls need ko lang talga mag ka job na .

  7. #7

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    nadali din ako ng agency dun sa cubao dati,.. bagong salta pa lang ako nun sa manila. nagpamedical ako 500 tapos 50 sa membership card daw.. wala naman akong napala dun..

  8. #8

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    Ito pa lang tested ko na totoong tutulong sa kababayan nating naghahanap ng trabaho. Kaso BPO ang hawak nila kadalasan. If incase gusto nyo mag-call center agent pwede na rin kayo dumiretso sa BPO companies like Teleperformance, Convergys, Sitel etc. Pero kung dadaan kayo sa kanila makakakuha kayo ng tips kung papano papasa at duretso sa contract signing.

    Name: INTERNATIONAL WORK CENTRAL
    Location: Room 202&203 Southwest Center bldg, Makiling st. corner Southsuper highway, Palanan, Mkt. City!! Our office is a 5min walk from CASH&CARRY Buendia
    Offer: CSR/TSR, nonvoice-GAMING
    Benefits: HEALTHCARE, financial, DAYSHIFT, back office n other IT POSTS

    Name: Servimax Technologies, Inc.
    Location: #20 North rd. Cor. 3rd Ave, Cubao, QC.
    Contact: Andrea 7243340 loc.1212
    Offer: Local Jobs in different fields and position
    Sketch: Frm MRT3 Cubao/ Samson College, walk al0ng EDSA or ride a bus going to South bound area untl u reach BAVARIA GAS STATION(across SM HYPERMART-former MAKRO). North Road is between Shooter & Bavaria Green Gas Stati0n.

    Name: ACQUIRE
    Location: unit 403 cattleya bldg, 235 salcedo st. Legaspi Vill Makati City
    Offer: BPO/CSR/TSR (Mostly Call Center Jobs)
    Contact Person: Kate

    Name: GLOBAL MILESTONE ASIA
    Location: suite 112, 11/FLOOR, ''LEGASPI SUITES BLDG'' SALCEDO ST. LEGASPI VILL. MAKATI
    Offer: BPO/CSR/TSR (Mostly Call Center Jobs)
    Contact Person: MS. GEORGINA

    Until now looking for a better job pa din ako. Galing na kasi akong call center. Kaya lang wala talaga ang passion ko dun. Update update na lang tayo.

  9. #9

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    up pra sa thread n to.. malaking tulong to pra sa mga naghahanap ng trabaho

  10. #10

    Default Re: Mga Aplikanteng Kontra Panloloko [MAKOPA]

    MAKOPA rules

Page 1 of 3 123 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •