]Isa... ang labi ko'y hanging walang bait
Ni hindi alam kung saan ako nakapiit
Sa panaginip ba na may ngiting pilit
o sa realidad na kinukurot ng pait
Dalawa...ramdam ko ang bawat segundong hikbi
kasabay ng kamay kong nanginginig sa tabi
lamig ang kalasag sa katawang naghahabi
wala ng sigla, wala ng masabi
Tatlo...muling pipikit at sisigaw
tila baliw ang aalingawngaw
pagkatao'y unti unting nalulusaw
hubad sa talino, sa pagkatao ay uhaw
Apat...malaya na ang diwa't laman
sa katas ng ligaya naging gahaman
Hindi kailanman malalaman
ang hiwaga kanyang nilalaman
Ni hindi alam kung saan ako nakapiit
Sa panaginip ba na may ngiting pilit
o sa realidad na kinukurot ng pait
Dalawa...ramdam ko ang bawat segundong hikbi
kasabay ng kamay kong nanginginig sa tabi
lamig ang kalasag sa katawang naghahabi
wala ng sigla, wala ng masabi
Tatlo...muling pipikit at sisigaw
tila baliw ang aalingawngaw
pagkatao'y unti unting nalulusaw
hubad sa talino, sa pagkatao ay uhaw
Apat...malaya na ang diwa't laman
sa katas ng ligaya naging gahaman
Hindi kailanman malalaman
ang hiwaga kanyang nilalaman