Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Buti na lang

Sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala pero minsan ayoko maniwala sa ganong kasabihan kasi minsan parang hindi totoo…parang lang naman. Mas naniniwala ako sa kutob sa totoo lang, bakit ko nasabi? Simple lang ang sagot tungkol dyan hayaan niyong ikwento ko ang karanasan ko sa isang bagay na nangyari ng hindi inaasahan.

Nangyari ang sinasabi ko last October lang pagkatapos ng fiesta dito samin, ganito yan may nakilala akong bagong kaibigan na pinakilala sakin ng kaibigan ko nung time na pumunta kami sa bahay ng bagong nakilala niya, bago pa dumating ang fiesta eh nagimbita na siya na pumunta kaming dalawa ng kaibigan ko, di na ko nagdalawang-isip agad ayun oo na lang ang sagot ko hindi dahil may food trip, gusto ko lang umalis sa bahay dahil sigurado madaming dadayo sa bahay para maki-fiesta buti na lang nagsabi agad ako na walang handa kaya nga-nga lahat ng kaibigan ko hehehe…

Bago pa ko makapunta sa bahay ng nagimbita sakin eh may nangyari na hindi inaasahan, biglang nagpasama sakin yung pinsan ko na pumunta sa ospital para ihatid ang biyenan niya dahil sa blood transfusion dahil bumaba ang hemoglobin kaya kailangang i-admit, ilang oras din akong naghintay para makarating sa kwarto na tutuluyan ng biyenan ng pinsan ko, ilang beses ko narin pinipigilan ang pwet ko dahil talagang kanina pa gustong magkaron ng gera sa tiyan ko dahil nagkaron ako ng diarrhea dahil napainom ako nung bisperas ng fiesta hahaha….alas 5 na kami nakauwi ng pinsan ko kaya nung nakauwi ako sa bahay ay nagmadali akong lumabas at dumiretso sa bahay ng bagong nakilalang tao dahil kanina pa nila ko hinihintay pero nagtext naman ako sa kaibigan ko na male-late ako ng dating dahil nasa ospital pa ko kaya ayun late nga ko nakarating, nung saktong andon na ko sa bahay nung nagimbita sakin ay pumunta agad kami sa kusina para kumuha ng pagkain syempre self-service kaya ayun namili ako ng pagkain pero di ko dinamihan kasi baka magkaron na naman ng gera sa tyan ko, nagulat yung kakilala ko kung bakit konti yung kinuha ko ang sabi ko lang hindi na ko nakain ng marami saka sinabi ko na busog pa ko para hindi na ko kulitin ulit pero ang totoo eh nagdahilan lang talaga ko.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain sa sala ay dumiretso agad kami sa kwarto niya at alam kong andon yung kaibigan ko at may nakita pa kong isang bisita nung nagpapunta sakin pero alam ko na yun kasi nung nasa ospital palang ako eh ka-text ko na yung kaibigan ko at sinabing may naghihintay sakin, cess ang pangalangan ang reply ko lang “weh di nga?”

Okay balik na ulit sa kwento, nung andon na ko sa loob ng kwarto at bago pa ko makaupo eh pinakilala agad ako ng kaibigan ko kay cess, ngiti lang ginawa ko na kunwari shy type na may kasamang kaway pa, maya-maya umupo na ko sa couch saka kumain pero mabagal ang kain kasi baka isipin nila na patay-gutom ako, kapag nagtatanong si cess at yung nag-invite sakin napapahinto ang kain ko syempre kabastusan na kapag di ako huminto buti na lang madali lang yung tinatanong nila sakin kasi too much familiarity, nabanggit nila na nag-enroll pala silang dalawa sa boxing gym na pinanggalingan ko kaya nakwento ko yung mga naranasan kong torture dati kaya tawa sila ng tawa sakin, kwentuhan, tawanan at may picture taking pa saan ka pa. Nabanggit ng kaibigan k okay cess at sa nagimbita samin sa fiesta na natakbo ko kaya nagulat silang dalawa.



Itutuloy...
 
“tuwing anong oras ka natakbo?” si cess
“depende eh pero madalas sa hapon para di mainit pero minsan sa umaga kaso kailangan maaga akong tatakbo para hindi gaanong mainit”

“ah ganon ba? Eh bukas tatakbo ka” si cess
“oo, sa umaga ulit para matunaw yung kinain ko”

“bukas ng umaga nasa gym kami, daan ka don ha?” si cess
“mga anong oras ba?”

“mga 8 or 9 ng umaga andon na kami” si cess
“ganon ba? sige daan ako tapos na ko tumakbo ng 8 panigurado”

Medyo lumalalim na ang gabi kaya nagpaalam narin si cess sa naginvite sakin kaya nagpaalam narin kaming dalawa ng kaibigan ko kaya sabay kaming tatlong umalis sa bahay, habang naglalakad tinanong ko kung saan siya nauwi, sinabi naman niya kung saan maya-maya humirit yung kaibigan ko.

“hatid ka dawn ni mandy cess”

Pareho kaming napatingin ni cess sa sinabi ng kaibigan ko, si cess parang napaisip ng konti sa sinabi ng kaibigan ko, tinanong ko siya agad kung may pupuntahan pa siya, ang sabi niya wala kaya.

“kung okay lang sayo, hatid na kita”

Pumayag naman siya kaya sumakay na kami agad ng tricycle, akala ko hanggang sa labasan lang pero sinabi niya na idiretso na sa bahay nila kaya napaisip ako, sigurado mas mataas ang singil ng driver kasi special trip na yun kaya nag-suggest agad ako.

“hati na lang tayo sa pamasahe para makatipid ka”
“hindi okay lang”

“sure ka?”
“oo naman”

Pagkatapos nun di na ko umangal pero nakakahiya, biro mo babae pa nanlibre sakin ng pamasahe. Bago pa kami makarating sa kanila eh pinara na agad niya yung tricycle at kami’y bumaba na, nagbayad siya pagkatapos ay umalis na agad yung sinakyan naming tricycle, tinuro niya kung saan ang bahay niya, maya-maya.

“uy paano, una na ko inaantok narin ako” si cess
“sige text text na lang kaso di ko alam number mo”

Pagkatapos nun nilabas ko agad yung phone ko, nagpatawa pa ko ng konti ewan ko lang kung natawa nga siya.
“okay ano number? Okay lang di naman makukuha tong phone ko” sabay ngisi

Maya-maya’y sinabi niya agad yung number niya, buti na lang mabilis ako magtype pero syempre double check muna para sigurado mahirap na at baka magkamali ako hehehe….maya-maya’y nagpaalam na siya syempre ganon din ako, habang naglalakad pauwi papunta sa sakayan ng jeep ay bigla akong nagtext sa kanya.

“salamat sa time”

After two minutes

“thanks sa paghatid, see you tomorrow”

After ko mabasa ang reply niya sumakay na agad ako ng jeep pauwi sa bahay, akala ko maaga ako makakatulog pero nagkamali ako, kasi nawili ako sa mga kausap ko thru online, sabihin na natin na sa forum world kaya madalas akong puyat pero 2 am natulog na ko at nag-set ng 6 am sa alarm para makatakbo ako sa umaga, kahit alam kong bawal tumakbo ng kulang sa tulog pero balewala sakin basta sa ngalan ng pag-ibig gagawin ko ang lahat hehehe…

Kaya kahit tinatamad pa bumangon parin ako para makatakbo kaso 6:20 na ko natakbo kasi naghilamos pa ko tapos nag-stretching sa bahay para hindi pulikatin habang natakbo, habang natakbo ay wala akong iniisip kundi matapos ang pagtakbo ko ng maaga para hindi ako abutan ng init dahil nung huling takbo ko ay halos sumakit ang ulo ko dahil sa init kasi naman quarter to 9 na ko natapos kaya ayun sobrang init.

Okay balik sa kwento, maaga akong natapos sa pagtakbo habang naglalakad ako pabalik ay tinignan ko agad yung phone ko sakto may text pala ko at dali-dali kong binasa agad yung message, text galing kay cess.

“good morning, andito na kami sa gym natuloy ka sa jog mo?”
“sakto ang text mo, kakatapos ko lang tumakbo naglalakad na ko pabalik”

“okay, daan ka dito sa gym”
:sige daan ako dyan maya-maya”

Pagkatapos kong mag-reply ay nagmadali akong naglakad papuntang 7-11 dahil talagang nauuhaw ako, pagkapasok ko palang sa 7-11 tinignan ko agad yung oras, quarter to 8 palang kaya nagulat ako kasi akala ko mahigit dalawang oras yung jogging ko yun pala’y hindi pero okay lang ang mahalaga nakapaglabas ako ng pawis kahit papano hehehe….nang nalaman ko na yung oras ay dali-dali akong pumunta sa beverage section para bumili ng tubig dahil talagang uhaw na uhaw ako pagkatapos ay dumiretso sa cashier para magbayad pagkatapos ay umalis na.

Itutuloy...
 
Habang naglalakad papuntang gym ay ramdam na ramdam ko ang bawat lagok ko ng tubig dahil sa sobrang uhaw at walang hinto ang pagpatak ng pawis dahil sa init buti na lang may suot akong sweat shirt na makapal pero mainit parin, sakto nung naubos ko na yung tubig na binili ko eh nasa tapat na ko ng gym at dali-daling umakyat, nung malapit na ko sa pinto saktong andon yung kabigan ni cess at nag hi sakin, ako syempre ngiti lang ang ginanti ko at nagkamustahan saglit, sakto andon din yung dating trainer ko kasama yung kabigan ni cess at nagpapahinga sila saglit dahil kakatapos lang ng circuit training sa loob ng gym, kakaakyat ko palang eh tinanong na agad ako nung kaibigan ni cess.

“tapos ka na tumakbo?”
“oo, tapos na ko tumakbo nung nagtext si cess kaya dumiretso agad ako dito akala ko hindi ako maabutan ng sobrang init eh naabutan ako kaya ang sakit ng ulo ko”

“bakit, anong oras ka ba tumakbo kanina?”
“mga 6:30 kaso naabutan parin ako ng init eh kailangan talaga mga 5:30 palang tumakbo na ko kaso madilim pa yun eh”

“andyan si cess sa loob”
“ah ganon ba?”

Nung sumulip ako sa loob ng gym sakto nakita ko si cess naglalabas din ng pawis sa circuit training at nakita niya ko agad kaya.

“hi”
“hello, kaya pa ba?”

“oo kaya pa”
“sa una lang mahirap yan pero pag nasanay ka na, wala na yan”

“oo nga, sabi nga nila, kanina ka pa?”
“hindi, kakarating ko palang”

“okay”

Pagkatapos ay lumabas saglit si cess kung saan andon ako pati yung kaibigan niya at yung isang dati kong trainer para magpahinga at makipag-kwentuhan saglit pero bago dumating sa ganong tagpo ay tinext ko agad yung kabigan ko, nung bago pa lumabas si cess para magpahinga ay andon na yung kaibgan ko kaya apat kaming nasa labas ng gym malapit sa pinto at naguusap, tinanong agad ako ni cess tungkol sa nangyari bago ako pumunta ng gym.

“uy kamusta ang jogging mo?”
“eto pawis at masakit ang ulo”

“hala bakit naman?”
“naabutan kasi ko ng sobrang init eh maaga naman ako gumising kanina kaso 6:30 na ko nakatakbo kasi nag-stretching pa ko sa bahay para hindi ako pulikatin”

“saka tunaw na lahat nung kinain ko nung fiesta hehehe…nailabas ko na kanina lang” sabay ngisi

Natawa na lang si cess pati yung kaibigan niya dahil sa sinabi ko, nagpakatotoo lang talaga ko sa totoo lang eh anong magagawa ko eh ganon talaga ko kung makipagusap sa tao.

Bigla kong tinanong si cess at yung kaibigan niya habang andon kami sa labas ng gym kasama yung dating trainer at yung kaibigan ko pero sila yung magkausap nung tagpong yun.

“anong oras kayo pumunta? Kasi nung napadaan ako kanina habang natakbo sarado pa yung gym eh”
“mga 7:30 kami dumating, kaya nung nagbukas yung gym eh umakyat kami agad”
“ah halos magkasunod lang pala tayo kasi quarter to 8 tapos na ko tumakbo kanina hehehe…”

“oo nga eh”
“hehehe…”

“teka, balik na ko sa loob para matapos na agad yung circuit training”
“sige”

Habang naglalabas ng pawis si cess sa loob ay kausap ko yung dating trainer ko pati yung kaibigan ko, as usual walang humpay na kwentuhan at tawanan, isama mo pa ang asaran.

Matapos ang ilang oras na pagpapalabas ng pawis ni cess ay nag-ready na siya para umuwi, nagualt ako dahil hindi na siya nagpalit ng damit pati yung kaibigan niya ganon din ang ginawa kaya lumabas na agad siya, yung kaibigan ko naiwan sa gym kaya nagpaalam narin ako para umuwi dahil ramdam ko yung pagod at amoy pawis narin ako.

Sinamahan ko si cess at yung kaibigan niya na maghanap ng tricycle na sasakyan nila, sinabi ko na sasabay ako kaya sa back ride ako sumakay, habang tinatahak ang daan papuntang labasan at tinanong ako ng kaibigan ni cess.

“saan ka pala bababa?”
“sa labasan narin magbabayad pa ko ng bill”

“ay ganon ba? ikaw bahala”

Maya-maya ng madaanan yung isang kanto.

“dyan ako banda”
“ah malapit ka lang pala”

“oo, kaya nga sa bandang southwoods ako natakbo para may challenge ng konti hehehe….”
“buti sanay ka na”

“nung una hindi eh pero unti-unti yung ginawa ko kaya ayun kaya ko na ngayon”
“sabagay mahirap naman talaga sa una”

Maya-maya pa’y pinara saglit ng kaibigan ni cess sa kanto yung tricycle at nagpaalam na saming dalawa kaya lumipat ako ng pwesto at umupo sa loob kaya katabi ko si cess, as usual tinanong na naman ulit ako.

“saan ka pa pupunta?”
“sa labasan magbabayad ng bill pero may pupuntahan muna ko saglit”

Akala ko sa mismong babaan ng tricycle lang hihinto yung sinakyan namin pero sinabi ni cess na idiretso ng driver sa shopwise, nang andon na kami sa shopwise ay nagbayad na si cess na ikinagulat niya.

“manong kulang yung sukli mo”
“pag diretsong labasan special na kahit tatlo lang kayo, dose ang isa”

Hindi na nagsalita pa si cess pagkatapos ay umalis na kami, habang naglalakad.

“yaan mo na, may mga ganon talagang tao”
“oo nga eh madaming magulang pagdating sa pera”

“kaya nga pag ganon hindi iniiwasan ko na lang kasi ayokong mapa-away”
“huh? Bakit ka naman naiwas”

“kasi nung high school ako lagi akong napapa-away sa tricycle driver dahil sa pamasahe, waste of time lang kung makipagtalo pa ko sa kanila kaya naiwas na lang ako”
“sabagay”

Habang nag-aabang kami ng jeep at sakto may huminto.

“saan ka ba?”
“wala, sasabay sayo hatid muna kita saglit”

“okay” sabay abot ng bayad pero pinigilan ko
“ako na, para mabaryahan yung pera ko”

“okay, thank you”

Maya-maya’y nagbayad na ko sa driver, habang nasa biyahe tuloy ang kwentuhan naming dalawa kahit yung ibang pinaguusapan namin eh wala na sa talagang pinaguusapan namin, maya-maya pa ay bumaba na kami pero nauna siya sakin kaya bumaba agad ako, nung saktong tatawid na kaming dalawa malayo palang sumenyas na ko sa paparating na sasakyan kaya nagsalita na naman si cess.

“ang layo pa nung sasakyan sinesenyasan mo na” sabay ngiti
“mabuti nrin yun para hindi siya humarurot bigla saka para alam din niyang may tatawid”

Nang nakatawid na kaming dalawa ay naglakad kami papunta sa kanila, walang kibuan dahil baka mabangga pa kami ng mga dumadaang sasakyan, siya yung nauunang naglalakad samantalang ako nasa likuran niya, nang malapit na kami sa bahay nila.

“uy paano pasok na ko sa bahay”
“sige, text text na lang”

Pagkatapos ay bigla na siyang pumasok sa gate nila, hinintay ko siyang makapasok sa gate nila pagkatapos ay umalis narin ako, habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep narinig kong may nagtext sakin pero hindi ko agad binasa dahil wala lang, tamad lang ako magbasa ng text minsan hehehe…

Nang nakarating na ko sa bahay saka ko lang nalaman kung sino yung nagtext sakin.



Itutuloy...
 
“salamat sa paghatid, sa uulitn”

Si cess pala yung nagtext kaya nagreply agad ako kahit late.

“likewise, ingat sa pagpasok mamaya”

Pagkatapos ko siya i-text ng ganon ay nagpalit na ko ng damit saka natulog dahil kanina ko pa ramdam yung pagod dahil sa ginawa kong morning jog.

Nagising ako ng alas-tres ng hapon at nag-ayos dahil papunta ko ng sta.rosa para magpractice mag-drive, bago ako makaalis ay tinext ko muna si cess at nagbaka sakaling mag-reply.

“kamusta?”

After 5 minutes nag-reply siya.

“ayos lang, san ka?”
“andito sa bahay, paalis narin papunta ko sa sta.rosa ngayon para magpractice mag-drive yung in-law ko yung nagtuturo sakin mag-drive ng matic”

After nung ganong tagpo hindi na siya nag-reply pero ayos lang. Nang naka-ready na ko ay umalis na ko agad para hindi gaanong ma-trapik sa byahe, pagkatapos ng isang oras na byahe dahil sa trapik ay nakarating din ako sa pupuntahan, walang sinayang na oras kaya’t nagumpisa na ang driving session sa bayaw ko, pagkatapos ko magpractice saka ko lang tinignan ang phone ko kung may nagtext eh sakto may text pala ko at galing kay cess yung message.

“in-law? May asawa ka na pala, hindi halata”

Medyo nagulat ako sa reply ni cess, na-misinterpret niya pala yung sinabi ko kaya nagtext ulit ako.

“nyak, single ako hehehe….ibig kong sabihin eh bayaw ko yung nagtuturo sakin mag-drive ng matic”
“ah akala ko married ka na”

“ahmmmmmmmmm……..pwede magtanong? Single or taken”
“single po”

“I see, akala ko taken ka eh baka kasi may magalit”
“sino naman ang magagalit”

“sino pa eh di yung boyfriend mo”
“wala akong bf”

“I see, akala ko meron wala natanong ko lang”

Pagkatapos ng ganong usapan sa text, hindi na siya nag-reply. Hindi ko rin alam kung bakit pero inisip ko na lang nab aka may ginagawa siya o kaya eh busy lang siguro siya kaya tinuloy ko ang daily routine ko.

Pagdating ng gabi tinext ko ulit siya.

“ingat sa pagpasok”

Akala ko magre-reply siya pero gaya ng inaasahan hindi siya nag-text pero ayos lang sakin kasi alam kong andon na siya sa trabaho niya o kaya eh nasa byahe pa, dumating ang gabi nakatutok na naman ako sa computer at nakikipag-usap sa mga tao sa forum site at kagaya ng dati kulitan parin kahit yung pinag-uusapan wala na sa topic.

Nang matutulog na ko pagkatpos magbabad sa computer, tinignan ko kung may text si cess pero sa kasamaang palad wala pero ayos lang kaya natulog na lang ako kaso kada isang oras nagigising ako kaya minsan nasilip ako sa phone ko kung may nagtext o wala kaya balik ulit sa dreamland dahil sa sobrang antok talaga.

Kinabukasan, maaga akong nagising at tinignan agad ang phone kung may text si cess, sa kasamaang palad wala ulit pero ayos lang, nakahiga pa ko ng mga oras na yun dahil tinatamad pa ko bumangon dahil sa sobrang antok gawa kulang sa tulog, nang hindi ako makatiis bigla kong tinext si cess.

“good am”

Pagkatapos ay natulog ulit ako, nagising na ko ng bandang alas-10 ng umaga at syempre yung phone agad ang unang tinignan, nagulat ako dahil may text message pala ko at ng pagkabukas ko ng message si cess pala yung nagtext.

“good morning, kamusta?”

Sa sobrang atat ko nag-reply agad ako kahit hindi ko alam kung ano sasabihin, ika nga eh bahala na.

“ayos lang, ano gawa mo?”
“kakagaling lang sa gym, pauwi palang”

“ganon ba? ingat sa pag-uwi”
“thanks!”

Pagkatapos kong mag-reply saka lang ako bumangon mula sa higaan, kumain saglit maya-maya tumawag na pinsan ko at sinabing mag-ayos ako dahil may pupuntahan kami, pagkatapos kong kumain diretso ligo na at nagbihis.

Habang nasa byahe kami ng pinsan ko bigla kong naisipang i-text si cess

“kamusta?”
“pwede magtanong? Ahmmmmmmmmmmm…..anong oras yung sched ng pasok mo? Balak ko sana sumabay sayo kung sakali kasi may titignan ako sa alabang”

Expected ko na agad-agad magte-text si cess dahil malamang sa malamang tulog siya o kaya naman ay may ginagawa at ayaw magpaistorbo.

Dumating ang hapon at malapit ng magdilim sa daan ay may biglang nag-text sakin, pagkatingin ko palang nakita ko agad na si cess yung nag-text kahit hindi ko pa nababasa yung tinext niya, ayun sa sobrang excited dali-dali kong binasa agad yung laman ng text.

“sorry, late reply kaka load ko lang.kamusta?”
“I’m good, anong oras ang pasok mo?”

“depende sa sched ko minsan 8 kaya 6 palang umaalis na ko sa bahay minsan naman 7 why?”
“sabay sana ko sayo kung sakaling papasok ka na, pupunta kasi ko sa alabang”

“ganon ba? ano gagawin mo sa alabang?”
“may titignan lang ako saglit, pag hindi kaya ng budget eh canvass muna ko tapos balikan ko na lang ulit”

“ah I see”
“sa miyerkules 8 pm ba pasok mo?

“oo eh why?”
“balak ko sana sumabay papunta kung okay lang, text na lang kita kung anong oras”

“okay”

Pagkatapos ng huling text niya ay hindi na ko nag-reply dahil naubusan ako ng sasabihin sa kanya kaya hinayaan ko na lang at nilibang ang sarili.
Dumating ang miyerkules, umaga palang tinext ko na siya regarding sa napag-usapan namin sa text pero ni isa wala siyang reply kaya napaisip ako bigla.

“anong nangyari at hindi siya nagte-text?”

Sinubukan ko siyang i-text, nagbaka sakali na mag-rely siya.

“anong oras ka aalis mamaya?”

Pinalipas ko ng ilang oras pero wala parin, sa bawat segundong tumatakbo sa orasan napapatingin ako at sakaling baka mag-text parin siya kahit isa lang pero wala talagang text kaya nga-nga na lang ako hanggang sa sumuko ako na huwag na muna siyang i-text dahil baka mainis lang siya sakin kaya nag-attempt akong buksan ang facebook ko, nagulat ako sa newsfeed ko dahil kita ko agad ang post ni cess.

“LOADLESS! Hahaha….”

Ayun doon ko lang na-gets kung bakit hindi siya nagte-text, wala palang load pero ayos lang, after ko mabasa yung status niya nag log-out na ako at nag-isip ng bagay na pwede gawin buong araw.

Kinabukasan, akala ko magte-text si cess as usual hindi na naman kaya nga-nga ulit. Bigla kong naisip kung may nasabi ba kong hindi maganda kaya hindi na siya nagte-text pero para sakin wala akong nagawang mali kaya medyo tuliro ako ng mismong araw nay un pati yung kaibigan ko tinanong ko na kung bakit hindi nagte-text si cess pero isa lang ang sinabi sakin.

“pre, baka busy lang yun o kaya may ginagawa”
“sana nga busy lang o kaya walang load”

“huwag ka mainip, magte-text din yun sayo”
“sabagay, sana magdilang anghel ka”

Pagkatapos ng huling reply ko sa kaibigan ko ay hindi na ko nag-text muli dahil bigla akong tinamad.

The next day, same routine parin as usual wala parin siyang text kaya medyo naparanoid na ko, nagulat ako dahil biglang nag-text yung kaibigan ko.

“nag-text na sayo si cess?”
“hindi pa pre, baka wala paring load”

“malay mo may ginagawa lang kaya hindi nagpaparamdam sayo”
“nagpaparamdam? Ano siya multo”

“sira! Hindi yun ang ibig kong sabihin”
“alam ko naman hehehe…..pero baka mabaliw ako kakaisip dahil lang hindi siya nagpaparamdam kahit man lang sa text”


Itutuloy...
 
anyare basted na ata ts hahahhaha:slap::lmao::lmao:

malapit na matapos yung story, on going na yung last part pero post ko mamaya yung karugtong :yes:

:thanks: for reading :salute:


- - - Updated - - -

“ano ka ba, magte-text din yun hintay ka lang”
“ayoko, baka mainip ako lalo at ma-praning”

“okay”

After nun hindi na ulit ako nag-reply dahil dinapuan na naman ako ng sakit ng katamaran. After 1 hour tinext ko ulit yung kaibigan ko.

“hindi kaya may nambuyo kay cess kaya medyo nagbago ang ihip ng hangin?”
“kung may nambuyo sa kanya eh sino naman?”

“hindi ko rin alam pre pero may hinala ako, medyo masama ang kutob ko”
“ganon din yun napansin ko dun sa isa eh medyo nanlamig narin sakin nitong mga nakaraang araw”

“hindi kaya may nambuyo talaga sa kanilang dalawa kaya ganon ang pakikitungo nilang dalawa satin?”
“pwede din, ano pre may suspect ka na ba?”

“tingin ko yung isang trainer sa gym yung nambuyo”
“alam na no?”

“oo alam na talaga pre, pero bakit ganon wala naman tayong ginawang masama tapos ganon pa gagawin satin ni wala nga tayong taong natapakan eh”
“inggit yun kaya siniraan tayo”

“langya, bakit naman mai-inggit satin yun?”
“simple lang pre, naktia niya mga yung picture natin kasama nila sa kwarto so ano ibig sabihin nun, naalala mo yung sinabi nung andon tayo sa gym na ang bilis ah”

“ah yun ba? mukhang alam ko na ang sagot kung bakit naging cold si cess sakin”
“tumpak! may nai-inggit satin”

“pero pre, napapa-isip pa rin ako sa totoo lang, bakit naman mai-inggit satin yun?”
“di ba nga client nila yun sa gym? iisipin nila dinidiskartehan natin kaya ang ginawa nilang move nilaglag tayo”

“bad trip yung ganon pre, wala naman tayong ginawang masama ah, unfair yun”
“unfair talaga”

“ano na plano natin?”
“hindi ko rin alam eh, napapa-isip pa rin ako kung bakit naging cold sila satin”
“ganon din iniisip ko pre, pero ayokong isipin ng todo kasi masisira lang ulo ko kakaisip”

“oo tama, huwag mo muna masyadong isipin ituon mo na lang muna sa ibang bagay, magpaka-busy ka”
“sabagay may punto ka”

“ano trip mamaya, tambay ba?”
“ayos lang, wala na naman akong gagawin sa gabi eh text na lang”

“okay”

Pagkatapos kong basahin ang huling reply ng kaibigan ko ay nag-isip na lang ako ng bagay na pwede kong pagka-abalahan para hindi ko maisip yung sitwasyon namin ni cess, dahil alam kong mababaliw talaga ko kakaisip sa totoo lang, buti may naisip akong gawin, walang iba kundi ang magpatugtog habang online ako kaya kahit papano nawala sa isip ko yung tungkol kay cess panandalian pero minsan naiisip ko pa rin pero pilit kong inaalis para hindi ako ma-distract pero kapag ako’y matutulog na bigla-bigla ko na lang naiisip ulit ang bagay na tungkol kay cess kaya hindi agad ako nakakatulog ng maaga kahit gustuhin ko pa, ang nakaka-asar lang sumabay pa sa insomnia ko ang bagay na ayokong isipin madalas kaya late na talaga ko nakakatulog, kapag bitin ang tulog ko at may lakad ako inaantok ako sa byahe kaya pagdating sa bahay saka ko binabawi yung tulog ko, kapag nakabawi na ko ng tulog ayun maiisip ko na naman yung bagay na tungkol kay cess, kahit pilit kong inaalis sa isip ko, wala ganon pa rin, sadyang ganon talaga ata ang nangyayari kapag alam mong gusto mo yung tao.

Wala pang isang linggo ang araw na nakilala ko si cess pero napansin ko na tuluyan na talaga siyang naging cold sakin, pati rin yung kaibigan niya ganon din ang pakikitungo sa kaibigan ko kaya medyo nakakahalata na talaga ko, hindi ako nakatiis bigla ko siyang tinext.

“pre, nag-text na sayo?”
“hindi pa eh sayo ba?”

“wala pre, negative”
“sakin din, negative din”

“mukhang matindi ang ginawang panlalason sa kanilang dalawa tsk…tsk…tsk…tsk…”
“alam na no?”

“oo pre, alam na talaga hay…….ano ba ginawa nating dalawa at ganon ang ginawa sating dalawa? Wala naman tayong taong tinapakan pero bakit ganon ang nangyari, masyadong unfair”
“oo, unfair talaga pero hindi ko na masyadong iniisip yun pero hindi na kagaya dati ang pakikitungo natin sa taong nanlaglag satin”

“tablado na ba pre?”
“oo pre, tablado talaga”

“hindi na makakaulit satin yung taong yun, *** siya!”
“alam na no?”

“hahaha….alam na talaga pre, ngayon may dahilan na ko kung bakit ayoko na bumalik sa gym na yun, kahit pilitin nila kong bumalik doon wala na talaga kong balak, bahala silang mangulit sakin, magus-suplado lang ako”
“oo, saka hindi mo na kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanila, oo nakabalik ka nga don tapos ang trato sayo iba, halatang pina-plastik ka lang”

“kaya nga eh, hindi ako tanga para gawin yun, magsama-sama sila *** sila lalo na yung nanlaglag satin pwe!”
“hindi ka naman galit nyan pre?”

“hindi naman, inis lang ako hehehe….bahala sila sa trip nila, ginusto nila yun eh”
“sabagay, ako wala na kong pakielam sa kanila, hindi naman tayo ang nawalan ng kaibigan eh”

“oo nga, sus! masaya naman tayo kahit nung di pa natin sila nakikilala di ba? ayos lang yun no hahaha….magsu-suplado na lang ako kapag nakikita ko sila para kunwari hindi ko sila nakita eh ang totoo ayoko naman talaga sila kausapin”

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap namin sa text biglang nakaisip ng idea ang kaibigan ko.

“punta na lang ako mamaya sa inyo, pag-usapan natin yung tungkol don”
“okay lang, anong oras ka pupunta?”

“mga 8 punta ko”
“sige, text ka lang”

“maya na lang pre”
“sige, sige”




Itutuloy...
 
Last edited:
hahahha busit ka ts parang naulit ung post mo sa baba binasa q pa naman haba2 ta pala naulit ulit lang ung post mo sa baba basted na :slap::slap::lmao::lmao:
 
7:30 palang, biglang nag-text yung kaibigan ko.

“uy lurks, tuloy ba mamaya?”
“oo rusifer, text ka lang kung papunta ka na mamaya”

“okay”
“mamaya na lang”

Pagkatapos ko mabasa ang text niya, nagmuni-muni ko sa kwarto at nag-iisip pa rin tungkol sa nangyayaring hindi maganda, kahit iniisip ko ang magiging solusyon talagang alam kong wala nang mangyayari kaya sumuko na lang ako dahil tinatamad ako, kahit dinadalangin ko na maayos pa ang gusot pero tingin ko ganon pa rin ang outcome kaya huwag na lang.

Pagsapit ng alas-8 biglang may nag-text sakin ng hindi ko inaasahan.

“lurks, papunta na ko”
“sige lang rusifer”

Pagkatapos ko mag-reply bigla akong nagbihis para lumabas at pumunta sa tindahan, wala pang 5 minuto nakarating na ko sa destinasyon dahil sa kabilang kanto lang ang tindahan na madalas naming tambayan ni rusifer kaya una akong nakarating, maya-maya may narinig akong motor na paparating, alam kong siya yung paparating kaya hinintay ko na siyang huminto, nang nakahinto na siya saka niya pinatay yung makina ng motor niya kaya bumili na ko sa tindahan, pagkatapos ay naupo kami sa gilid ng tindahan para pag-usapan ang issue tungkol kay cess.

“lurks, sa tingin mo sino yung nanira satin?”
“tingin ko pre, si pajie?

“si pads? Oo pwede din”
“siya lang naman ang madalas kasama ni cess at bless dahil yun ang nagtuturo sa kanilang dalawa di ba? so sino pa ang paghihinalaan ko kundi siya lang saka mukhang tama ang kutob ko sa totoo lang”

“hmmmmmmmmmm………….pwede lurks, tingin ko si pads nga ang nanira satin kaya nag-iba tingin nila satin, pati nga si bless naging cold na rin sakin nitong mga nakaraan”
“ganon ba? alam na pre, mukhang tama yung hula natin kung sino talaga yung nanira satin kaya nagbago ang ihip ng hangin, masyadong unfair rusifer, wala naman tayong tinapakang tao para siraan tayo ng ganon-ganon na lang, nakakainis na nakaka-bwisit sa totoo lang tsk…tsk..tsk..tsk…”

“basta sakin pre, tablado na sakin si pads, okay lang naman ako sa nangyari kasi wala naman akong pakielam sa kanila, yung sa part mo ang masyadong unfair”
“may dahilan na rin ako para tablahin si pajie, s**t! siya, sa lahat ng tataluhin niya ako pa tsk…malas niya dahil sira ulo din ako hahaha….”

“ano plano mo nyan lurks?”
“as usual, ano pa nga ba magsu-suplado, mabuti na rin yung ganon agad ang nangyari sa umpisa palang eh wala pang feelings na matindi kesa naman yung nasa kalagitnaan ka na tapos sa huli friend zone ka, mas masakit yun”

“yaan na natin sila, bahala sila sa buhay nila, wala naman tayong mapapala kung sila lang lagi ang iisipin natin”
“alam na lurks”

“oo rusifer, alam na talaga hahaha….pero may napansin ako kay cess”
“ano yung napansin mo lurks?”
“naalala mo nung andon tayo nung fiesta kina bless tapos kinakausap ko si cess”
“oo, naalala ko yun bakit ano ba yung napansin mo?

“hindi siya tumitingin masyado sakin kasi alam niyang mas makinis ang mukha ko sa kanya”
“ah ganon? Parang ano ba lurks?”

“parang crater ng moon hehehe…ayos lang, hindi naman ako ang nawalan eh saka hindi lang siya ang babae sa mundo, mukha namang buwan yung pisngi niya eh baka pag hinalikan ko pisngi niya masugatan pa labi ko”
“eh papano kung nag-request siya na halikan mo pisngi niya, payag ka?”

“hindi parin kasi ayoko, PWE!”
“alam na no?”

“oo, alam na talaga rusifer hahaha…..ngetpa na nga, feelingera pa hindi naman kagandahan, PWE!”
“lurks napansin ko galit na galit ka sa kanya ah”

“hindi naman ako galit rusifer, naiinis lang hehehe….”
“okay”

“maiba tayo, kamusta naman ang mga chicks mo?”
“wala lurks, tumal nga eh”

“ay yun lang, akala ko ba hindi ka nauubusan ano nangyari at zero ang rasyon mo?”
“wala naman, ayoko lang muna”

“huh? Ikaw ba yan pre? Parang naninibago ako sayo, parang hindi ikaw yan ah”
“loko-loko, ayoko lang talaga”

“weh? Maniwala ako sayo”
“bahala ka kung ayaw mo maniwala”

“hindi talaga ako naniniwala kasi sa ngiti mo pa lang, kaduda-duda na hahaha….”
“yuck fou!”

“eh totoo naman eh hehehe….”
“hehehe….”

“kitams! So paano ako maniniwala sayo?”
“hehehe…..”

“tawang pang demons ah rusifer hehehe….”
“hehehe….”

Nang magkasawaan na sa asaran, biglang may kinuha sa kanyang bulsa.
“lurks, pakinggan mo to” (sabay abot ng earphone)”
“langya, pang demons na naman yan eh” (kinuha ang earphone)

“basta pakinggan mo lurks, panalo yan”
“langya, ikaw lang natutuwa eh”

“basta pakinggan mo”
“sige, sabi mo eh”

Makalipas ang 3 segundo.

“t**! Pang demons ba talaga yung sounds na pinarinig mo?”
“oo lurks, ayos ba?”

“hindi ayos rusifer, tae! Natatawa ko hahaha…..boses ipis eh”
“hahaha…..astig nga eh”

“loko-loko ano naman astig don, basta boses ipis o kaya parang nagmu-mumog ng mouthwash yung nakanta hahaha….sa lahat ng pinarinig mo saking pang demons na sounds, doon ako natuwa sa boses ipis hehehe….”
“astig kaya”

“ikaw lang natutuwa sa boses ipis eh, natatawa talaga ko sa boses hahaha…”
“hehehe….ayos kaya”

“okay, sabi mo eh hehehe…..”
“hehehe….”

“teka lurks, final na ba talaga yung desisyon mo?”
“oo rusifer, suplado forever na talaga ko kay cess. Hindi ko na rin ipipilit sarili ko sa kanya dahil masasayang lang oras ko sa kanya”

“oo, tama yan lurks”
“saka hindi naman ako gumastos ng malaki sa kanya hehehe….parang lugi pa nga ata siya sakin eh kasi di ba nung galing tayo kina bless eh dalawa kaming sumakay ng tricycle na akala ko hanggang labasan lang pero tinamad na siya bumaba kaya nag-special na lang kami diretso sa bahay nila para hindi na siya sasakay ng jeep, tapos nung sumunod na araw siya pa rin yung gumastos ng pamasahe sa tricycle nung sumabay ako sa kanilang dalawa ni bless palabas, yung pamasahe naming dalawa sa jeep, yun lang ang ginastos ko hehehe….kaya sino ang lugi di ba? kundi siya hahaha….doon palang bawi na ko, hindi man naging kami, ayos lang siya naman ang nawalan hindi ko hehehe…..”

“ah, sabagay”
“di ba? hehehe….buti na lang hindi ko naisip na gumastos agad-agad sa kanya kasi ako pa rin yung lugi sa huli hehehe….whew! buti na lang talaga rusifer hehehe…….”

“hehehe….alam na lurks”
“alam na talaga rusifer hehehe…..***! siya, hindi ako maghahabol sa kanya after ng ginawa niya”

“pero hintayin natin ang susunod na mangyayari, pero feeling ko malabo na magbago ihip ng hangin sa totoo lang”
“oo nga eh, maghintay na lang muna tayo sa susunod na mangyayari”

“mabuti pa nga”

Nung medyo wala nang mapagusapan, nagdesisyon kaming umuwi dahil tinatamad na kami at late na rin ang oras. Kapag ako lang mag-isa sa kwarto kung anu-ano ang naiisip ko lalo na kung si cess ang iniisip ko, iniisip ko kung bakit nagbago siya, maraming bagay ang tumatakbo sa utak ko paulit-ulit na minsan gusto na talagang umiyak dahil sa inis pero hindi ko ginawa dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama na kinagalit niya. Kahit nagdesisyon akong mag-suplado na talaga sa kanya ng tuluyan ay marami pa ring bagay ang gusto ko malaman ang sagot mula sa kanya pero hindi na ko umasa dahil alam kong magmu-mukha lang akong tanga kapag ako mismo ang nagtanong sa kanya kaya hinayaan ko na lang at pilit kinakalimutan ang mga nangyari, kahit aliwin ko sarili ko maya-maya bigla ko na namang naiisip kaya minsan nakakainis talaga, kulang na lang masiraan na ko ng bait para lang malaman ang totong dahilan kung bakit naging cold sakin si cess ngunit inisip ko na lang talaga na magiging okay pa rin ang lahat pagkatapos ng nangyari.


Itutuloy.....
 
wala ng pag asa ts basted kana automatic na yan nyahahahahahha napaka sakit kuya eddie hehehe:lmao::lmao::lmao::lmao:
 
Lumipas ang dalawang linggo, halos wala pa ring nagbago, ganon pa rin ang sitwasyon na kahit anong gawin kong paglilibang sa sarili ay wala talaga, hindi ko maalis sa isip ko ang pangyayari kaya sira na naman ang araw ko.

“Sh*t! ano ba naman to, naiisip ko na naman”

Salita na biglang nabigkas sa aking isipan para lang ma-relax ng konti pero pagkatapos ng ilang minuto ganon na naman.

“T*e! ano ba yan, ayaw akong tantanan kainis talaga”

Kaya ayun tuluyan akong na-badtrip, sakto bigla kong naisipang i-text si rusifer.

“t*e! naiisip ko na naman yung nangyari”

Pagkatapos ng ilang minuto nag-reply siya.

“ako nga di ko na iniisip yung tungkol kay bless, wala naman akong pakialam sa kanya, malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali”
“buti ka pa, ako kahit anong gawin kong paglilibang wala talaga rusifer, bigla-bigla ko na lang naaalala talaga kahit ano pa gawin ko ***!”
“isipin mo na lang lurks, hindi mo siya nakilala. ganon lang yun”
“sana nga rusifer pero kahit anong gawin ko para lang makalimutan siya lalo na yung nangyari eh bigla-bigla ko na lang naaalala bigla, kainis”

“ano plano mamaya lurks? Tindahan ba tayo?”
“ahmmmmmmmmm…..pwede din rusifer tutal wala naman akong gagawin mamaya eh”

“mamaya na lang”
“kita kits”

Pagkatapos ng huling text k okay rusifer ay hindi na ko nagreply muli dahil wala lang, bigla lang talaga kong tinamad.

After 6 hours

Habang naghihintay ng reply sa ibang tinext ay bigla akong may na-receive na text.

“papunta na ko lurks”
“ako rin, naglalakad na”

Kaya’t nagbihis na ko agad pagkatapos ay umalis na ng bahay, nang malapit na ko sa tindahan sakto dumating si rusifer, medyo nauna siya ng konti dahil naka-motor siya, halos araw-araw niya dala motor niya dahil yun ang ginagawa niyang transportation kapag naalis pwera na lang kung walang gas ang motor niya don lang niya naiisipang mag-commute. Nang nakarating na ko sa tindahan bumili agad ako ng madalas kong binibili sa tindahan, matapos makabili umupo agad kaming dalawa sa gilid ng tindahan.

Habang nainom ng mountain dew na nasa baso biglang nagsalita si rusifer

“badtrip yung nangyari no lurks?”
“sinabi mo pa, sino bang matutuwa sa nangyari di ba? Hindi ko akalain na magagawa ni pajie yun satin, p*nyeta siya!”

“halos ganon silang magkakapatid lurks, pwera lang yung dalawang mas matanda kay pajie”
“sino si jigs at jheritz?

“oo lurks, kahit si jigs nilaglag ni pajie dati, kahit si jag saka yung bunso nilang si jon-jon ganon din ang ugali, si jheritz wala namang pakialam sa ganon”
“g*go lang ah, langya kahit kadugo na tinatalo pa rin, anong klasing kapatid sila kung ganon ang ginagawa nila, hindi ba nila alam na may karma yung ganon”

“di uso sa kanila ang salitang karma lurks, basta may money involve lahat talo-talo kahit kaya yung tatay nila ganon din”
“ah may pinagmanahan pala”

“oo lurks, saka matagal ko na alam yung sistema nila sa gym, saka wala namang sweldo yung mga yan, yung kinikita sa gym tinatago ng tatay nila walang inaabot sa kanila”
“greedy naman nung tatay nila, t*ng in* nagsisimba kuno tapos greedy naman”

“pwede ka sa ganon lurks, kunwari nagsisimba tapos greedy”
“hindi na oy, kahit hindi ako relihiyosong tao may takot pa rin ako sa taas, kaya minsan hindi ako bilib sa ibang tao na madalas magsimba kasi nagsisimba ka nga tapos may ginagawa ka namang kag*guhan na mas malala pa, ano purpose ng pagsisimba kung nagawa ka naman ng kasalanan di ba? Ano yun front lang?”

“madami talagang ganon lurks, kahit saan merong ganong tao”
“ah oo, aware na ko sa ganon pero wala naman akong pakialam sa mga ganong tao trip nila yun bahala sila”

“eh sa ginawa ni pajie lurks, pwede ka?”
“sh*t siya! Akala ko totoo siya, doble kara din pala ang hayop ”

“bumalik ka na daw sa gym lurks sabi nila”
“di na oy, ano ko gago pagkatapos ng nangyari babalik pa ba ko don, hindi ko na kailangang ipagsisikan ang sarili ko sa kanila kung halimbawang bumalik nga ko don wala eh magmumukhang lang ako t*ng* tapos may mabubuong tensyon doon kapag bumalik ako kaya wala akong balak bumalik pa kahit kulitin pa nila ko, saka mabuti na rin yung hindi ako bumalik don para walang magpalibre sakin tang ina akala mo may pinatagong pera sakin, ginawa pa kong banko sh*t sila lalo na si pajie”

“alam na no lurks?”
“alam na talaga rusifer, saka kung sino ang client nila na alam nilang may pera yun ang binibigyan talaga nila ng atensyon, parang motto sa dota, kapit sa matatag”

“oo lurks, tumpak ganon nga sila”
“kaya wala na talaga kong balak bumalik pa sa gym na yun, pwede naman akong magjogging saka maraming paraan para pagpawisan”

“eh kay cess pwede ka don lurks?”
“hindi na oy, ayoko na sa kanya pagkatapos kong malaman ugali niya, pangit na nga pangit pa ugali”

“kiss mo daw siya lurks”
“di na oy, kapag ginawa ko yun para narin akong humalik sa buwan tapos magdudugo pa labi ko dahil sa gaspang ng pisngi nun na bako-bako”

“para bang crater ng moon lurks?”
“oo rusifer, parang ganon nga naiisip ko palang nandidiri na ko”

“eh kay bless pwede ka don lurks?”
“wala namang ginawa sakin si bless rusifer pero lumabas yung totoong ugali niya, akala ko mabait siya pero may tinatago din pala, mahal daw niya mga kaibigan niya kaya todo tanggol niya kay cess kahit alam niyang may mali sa ginawa ng kaibigan niya, sinabi mo lang naman na nagmamaganda si cess na totoo naman talaga tapos pati siya nagmamaganda din, kaya niya sinabi yun sayo rusifer kasi naipit na siya, na-disarm mo na siya kaya hanggang doon lang yung sinabi niya saka halata naman na naiwas siya sa issue pansin mo nung pinabasa mo sakin yung text niya bigla siyang bumanat na matatanda na tayo, alam na natin ang tama at mali halatang nililihis niya yung issue di ba?”

“oo lurks, halata naman eh”
“oh di ba? ganon ata style niya, kung alam niyang mabobola niya yung kausap niya eh itutuloy niya yung pambobolang ginagawa niya pero kung alam niya hindi eh ililihis niya ang usapan”

“saka napansin ko rin na takot siyang harapin at unawain yung tama sa totoong lang, kasi tignan mo rusifer. Alam na nga niyang mali si cess pero bakit pinagtatanggol pa niya, di ba dapat kinausap na lang niya tapos ipaintindi kung ano talaga ang mali ni cess, pero hindi eh kabaligtaran lahat ng iniisip ko, hindi siya patas, nakaka-badtrip ang inasta niya. Masyadong unfair talaga”
“ganon talaga lurks, mukhang solid ang pagkakaibigan nila eh”
“solid ba? eh kung gawin ko kaya solid ang mukha nilang dalawa para maging liquid naman hahaha…..joke lang, bad yun kasi babae pa rin sila pero ngetpa talaga si cess at para talagang crater ng moon ang pisngi niya kaya PWE!”

“lurks, talagang galit na galit ka kay cess ah”
“hindi ako gaanong galit sa kanya rusifer, naiinis lang ako sa nangyari, yung badtrip ko kay cess panandalian lang to pero may magbabago talaga, suplado mode na talaga ko sa kanya u-unfriend ko na siya sa fb kasi hindi naman siya importanteng tao, kahit mag-react pa siya sa ginawa ko oh kahit mag-pm pa siya kung bakit ganon ang ginawa ko eh isa lang gagawin ko, “WALA AKONG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN MO!” saka t*ngin* hindi ko kailangan ng ganong tao sa mundo ko, kahit nung wala pa siya sa buhay ko masaya ako, akala ko nga nung nakilala ko siya mas magiging okay pa lalo kaso hindi eh may isang lapastangan na nanlaglag sating dalawa eh, sh*t siya!”

“yaan na natin yung lurks, wala na tayong magagawa don, kung tingin nila eh totoong kaibigan nila si pajie eh bahala na sila sa trip nila, ginusto nila yun eh, enjoy na lang sila sa tinuturing nilang totoong kaibigan”
“ako tatablahin ko talaga si pajie dahil sa ginawa niya pero ikaw depende sayo kung ano talaga balak mo”

“simple lang lurks, hindi ko ipapahalata na alam na natin ang ginawa niya, kakausapin ko pa rin naman siya pero hindi na kagaya dati, tipid na sagot sa mga itatanong niya para mahalata niya kung ano ang gusto ko iparating”
“sabagay may point ka rusifer, siguro ganon din gagawin ko para makahalata siya ayaw ko talaga siya hehehe….tutal lumabas na totoong kulay niya pwes! Unti-unti niya malalaman ang totoong ugali ko, total demonyo naman ang nakaharap natin eh di magpapaka-demonyo na rin ako kahit konti hehehe…labasan na ng sungay kung ganyan din naman pala mangyayari di ba?”
“matagal ko ng alam yun lurks”
“ay oo nga pala no, demons ka nga pala hahaha…”

“umanib ka na kasi sa pagiging demons ko lurks”
“ayaw ko rusifer, tinatamad ako”

“sus! nahihiya ka lang eh”
“hindi ako nahihiya rusifer, tinatamad lang talaga ko hehehe…”

“okay”
“so ano talaga plano rusifer, stick tayo sa balak natin sa kanila?”

“sakin ayos lang ang nangyari, kasi hindi naman ako apektado sus! di naman sila kawalan sakin”
“sabagay, ako wala ng balak gumanti sa kanila kasi wala naman talaga akong mapapala kapag gumanti pa ko, oo nga nakaganti nga pero sa huli ako pa rin yung lalabas na talunan di ba?”

“sabagay may punto ka lurks”
“ganon ang realidad rusifer, kahit hindi mo isipin masyado maiintindihan mo pa rin”

“sign off na tayo lurks, inaantok na ko”
“maaga pa inaantok ka na, ano nakain mo?”

“wala naman sadyang mabilis lang talaga ko antukin”
“ako din kaya ganyan minsan pero kapag nakahiga na ko eh hindi naman ako nakakatulog agad kaya ayun late na ko nakakatulog pero kusa naman akong nagigising sa umaga ewan ko ba kung bakit ganon ang body clock ko”

“lagi ka kasing puyat lurks kaya nagkaganon body clock mo”
“siguro nga rusifer pero minsan naman nakakatulog ako ng maaga kapag hindi ko na kaya labanan ang antok ko”

“tara na nga, uwi na tayo inaantok na talaga ko hatid na muna kita”
“okay”

Ilang segundo inistart na ni rusifer ang motor niya

“tara”

Kaya hindi na ko nagaksaya ng oras kaya sumakay na ko agad sa motor ni rusifer, Nang makarating na sa bahay.

“oh pano lurks, text text na lang”
“sige thank you”

Nasa harap palang ako ng gate nag-iba na naman ang mood ko, as usual naisip ko na naman yung nangyari sino ba namang tao ang hindi magi-iba ang mood di ba? kaya’t isang bagay lang ang nasabi ko sa sarili.

“sh*t! talaga”

Kahit bad mood na ko nung mga oras na yun ay pumasok na lang ako sa bahay at dumiretso sa kwarto para magmuni-muni na lang, kahit alam kong wala namang mangyayari sa idea na naisip ko, no choice ganon talaga eh. Ilang minuto na naman ang lumipas humiga na lang ako at tumingin sa kisame, biglang naisip na magpatugtog na lang kaya’t dali-dali kong binuksan ang portable speaker na malapit sa aking higaan at naghanap ng kanta na pwedeng pakinggan gamit ang ipod, nang may nahanap na kong kanta na pwedeng pakinggan ay dali-dali akong humiga ulit at tumingin sa kisame kahit alam kong wala naman akong makikitang butiki doon ay tinitigan ko pa rin.

Habang nakatitig sa kisame at nakikinig ng pinapakinggan sa ipod ay biglang may umagaw ng atensyon ko.

“I’ve gotta stay high, all the time, stay high all the time, to keep you on my mind woo hoo wooo”

Kahit alam kong walang sense ang lyrics ng narinig ko ay naging catchy para sakin, kahit hindi ako addict natuwa ako sa lyrics ng pinapakinggan ko sa totoo lang, sa pagkakaalam ko kaya ganon ang lyrics ng kanta ay simple lang ang paliwanag ko. Mas gusto niya nasa party tuwing gabi, uminom magdamag isama mo pa ang drugs para maibsan sandali ang sakit na nararamdaman niya ika nga mas gusto niya ang laging high kahit alam niya na may hangover siya kinabukasan hindi ko alam kung bakit ganon ang concept ng lyrics ng kumanta, ang sagot hindi ko alam at ayoko alamin kasi wala lang, bigla lang ako tinamad.

Nang matapos ang kantang umagaw ng atensyon ko ay inulit ko ulit, wala pa sa kalagitnaan ng kanta ay medyo nadadala ako kaya’t pinikit ang dalawang mata nagisip ng kung anu-ano, inisip kung bakit ganon ang nangyari, akala ko hindi mauudlot na magkaron ulit ako ng girlfriend kaso naudlot dahil sa isang putanginang inggiterong tao, kahit alam kong nababalot ng galit at paghihiganti ang buong pagkatao ko isang bagay ang gumising sakin sa katotohanan.

Ano ba ang mapapala ko kung gumanti ako sa ginawa nila sakin kahit alam kong masakit? Magiging masaya ba ko pagkatapos kong makaganti sa kanila?

Dalawang tanong na gusto ko hanapan ng sagot, akala ko mabibigo ako ngunit hindi pala. Isang paraan lang ang naisip ko na alam kong mararamdaman nila kung bakit magi-iba ang ihip ng hangin.

Isipin ko na lang na parang walang nangyari, hindi ko sila nakilala at kapag tinanong ako ni pajie kung bakit hindi ako namamansin kapag nakikita niya ko, isang bagay ang sasabihin ko sa kanya na talagang panigurado tagos sa buong pagkatao niya.

“wala akong kaibigang inggitero” sabay walkout para hindi na makahirit ulit.
Pero imposible na mangyari ang bagay na yun pero okay lang, basta may back-up plan ako kung sakaling mag-krus ang landas naming dalawa, mas maganda kung kasama ko si rusifer para masaya di ba? para siguradong sampal talaga sa kanya ang bagay na nais kong sabihin. Maaring mali ang binabalak ko pero kung tatanungin ko ang ibang tao tungkol sa nangyari sakin malamang ganon din ang gagawin nila kung sakaling sa kanila ginawa ang bagay na naranasan ko o kaya naman ay pwede silang gumanti ng mas matindi pa sa naranasan nilang sakit dahil hinudas sila ng walang dahilan.



itutuloy........
 
Habang nag-iisip ng mga bagay-bagay sa aking pag-iisa sa kwarto, mga bagay na gustong gawin sa mga taong nanakit, nagpanggap bilang kaibigan, tumalikod sa pinagsamahan sa maikling panahon saka lang ako nakapagdesisyon na sigurado ako na marami talagang magbabago lalo na sa pagkatao ko. May magagalit, may matutuwa at may magtataka kumbaga palit anyo hehehe….pero isang bagay ang lagi kong iniisip.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil hindi naman sila ang nagdedesisyon para sa sarili ko”
Salitang tumatak sa aking pagkatao. Kagaya nga ng sinabi ko nagdesisyon na talaga ko para sa sarili ko, inan-friend ko si cess para wala ng issue, si bless naman ina-follow ko na para hindi masira araw ko kaso minsan talaga hindi maiiwasan na magkrus ang landas naming sa iisang lugar na madalas puntahan ng tao para mamili ng grocery para may stock sila sa bahay, nagkataon na nakapila ako sa bayad center para magbayad ng bill ng bigla ko siyang nakita mula sa malayo, alam kong si bless ang nakita ko pero sinugurado ko na tama ang nakita ko, nung saktong papalapit siya sakin ayun…confirmed na si bless nga pero habang papalapit siya kunwari hindi ko siya nakita kahit dumaan pa siya sa harapan ko hahaha….tutal wala naman siyang balak mamansin eh di ganon din ang gagawin ko sa kanya so patas lang di ba?

Lumipas ang buwan isama mo na rin ang taon, naging okay ang lahat dahil hindi ko na nakikita ang taong ayaw ko makita sa paligid ko kagaya ni pajie, one time papunta ako sa jogging place ko nang mapadaan ako sa gym nila, nasa parehong tenga ko ang earphone na tama lang ang volume ng music na pinapakinggan ng biglang may sumigaw ng “Manyak” ngunit hindi ko na lang pinansin para maramdaman niya na naging cold ako dahil sa ginawa niyang panglalaglag samin ni rusifer although wala kaming katibayan ngunit malinaw na sakin ang lahat dahil nabanggit sakin ni rusifer kung ano talaga ugali nilang magkakapatid kaya mas pinili kong huwag na sila kausapin kahit kalian, makipagusap man siya sakin normal conversation na lang hindi na yung katulad ng dati na may biruan at asaran pero ngayon iba na kumbaga ang pagkakabigan nagkaron na ng lamat dahil sa inggit.

Pati ang group page ng gym nila nag leave group na rin ako para hindi ko na maisip lahat lahat, at para wala na rin akong connection sa kanila kahit kalian, kahit nakakasalubong ko ang ibang kapatid ni pajie ay hindi ko pinapatagal ng 10 minuto ang paguusap dahil alam kong masasayang lang oras ko, sa ibang kapatid naman niya nakikipag plastikan na lang ako na kuwanri parang wala lang pero minsan biglang bumabalik lahat ng nangyayari lalo na yung ginawa saming panlalaglag na walang sense.

Habang lumilipas ang taon unti-unti ko nang nakakalimutan ang lahat ng nangyari, move on move on din pag may time hahaha….teka bakit nga ba ko nagmove-on sa nangyari? Wala lang bigla lang akong tinamad hahaha….

One time naisip kong silipin ang profile ni cess sa fb, hindi ko pinatagal ng limang minute sa mga nakita ko sa profile niya ay puro gala niya sa iba’t ibang lugar pagktapos ay umalis na ko sa profile niya pero may napansin ako sa kanya, ganon pa rin ang itsura niya kahit ano pa ang ilagay niya sa mukha niya, buti na lang talaga hindi ko na binalak mag pm pa sa kanya sa totoo lang kasi alam ko namang ganon at ganon pa rin ang mangyayari kaya minabuti ko na lang huwag na ituloy ang balak kong gawin sa kanya.

Atleast less stress pa ko eh hindi pa masasayang ang oras ko di ba?
Sa ngayon payapa na ko sa mga taong nabanggit ko dahil ilang taon na rin talaga ang lumipas sa totoo lang, oras na rin para magpatawad sa mga taong nanakit, hindi nagpakatotoo, nagma “maganda” nanla “laglag” sa kapwa, “nagyayabang” at higit sa lahat “assuming”
Bakit ko nasabi? Sa totoo lang nakakasawa din yung may kaaway ka kaya minabuti ko na patawarin na lang sila ngunit hindi porket pinatawad ko na sila ay magiging okay ulit ang lahat, isa yung malaking kahibangan kapag ganon ang ginawa ko, hanggang pagpapatawad lang ngunit hindi na pwedeng ibalik ang dati dahil may lamat na.

Oo, alam kong nasawi nga ko kay cess pero masasabi kong hindi talaga sawing-sawi sa kanya dahil bago ko pa siya balak ligawan ay kagaya nga ng nasabi ko, lumabas na agad ang totoong ugali niya after ng ginawa ko although alam ko na sign yun ng pagiging gentleman ang paghatid sa isang babae sa kanyang bahay pauwi ngunit ang aking ginawang askyon ay mapapasama pa pala kahit alam kong wala akong ginawang mali. Masasabi ko na ang karanasang iyon ang gumising sakin sa katotohanan, sa maniwala kayo’t hindi isa lang talaga masasabi ko sa totoo lang.


“BUTI NA LANG”
 
tutal naman ts wala kana pakialam kay cess at basted kana pwedi makita fb profile picture nya
kung talagang pang display talaga ang ganda nya ung fb nya talaga ah d ung imbinto ng makita cya :thumbsup::thumbsup::salute::salute:
 
tutal naman ts wala kana pakialam kay cess at basted kana pwedi makita fb profile picture nya
kung talagang pang display talaga ang ganda nya ung fb nya talaga ah d ung imbinto ng makita cya :thumbsup::thumbsup::salute::salute:

wala naman akong pakialam sa sasabihin mo kung imbento ang kwento ko o hindi, hindi tayo close kaya huwag kang feeling nakibasa ka na nga kung anu-ano pa sasabihin mo :slap: mga tao nga naman talaga oh :sigh:
 
wala naman akong pakialam sa sasabihin mo kung imbento ang kwento ko o hindi, hindi tayo close kaya huwag kang feeling nakibasa ka na nga kung anu-ano pa sasabihin mo :slap: mga tao nga naman talaga oh :sigh:

kalma lang basted ka na nga ganyan kapa easy lang hahahaha:lmao::lmao::lmao:
 
Last edited:
ako hindi natutuwa sa sinasabi mo :sigh:

ito naman d mabiro oh easy lang kalma lang po kau uncle gusto q lang naman makita ung fb ni cess
tutal naman hindi ka nya gusto at wala ka naman pakialam sa kanya wala naman mawawala cguro tignan
lang naman po diba :ashamed::ashamed:
 
Back
Top Bottom