Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Doon sa Kamalig..

sy_20110619200327722116.jpg

Naglalakad ako nang unti-unting magbago ang kapaligiran. Pamilyar ang lugar na ito sa akin dahil sa lugar na ito kami madalas magpunta ng aking mga kababata tuwing hapon. Ang kamalig na nagmistulang aming hide-out at minsang ginawang palikuran ng aking mga kaibigan. ( hindi ako kasali doon, over my dead nails ) Sa aking patuloy na paglalakad ay nakita ko ang isang babae sa di kalayuan. Nakatalikod ito at nakaupo. Sinimulan ko ang paglapit sa kanya at napansin niya marahil na ako ay papalapit kaya siya dahan-dahang lumingon. Sandali akong napahinto at natulala. Bagaman ang kanyang mukha ay wala pang bakas ng anumang kulubot at mahaba pa ang hibla ng kanyang buhok, hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko siya. Siya ang babaeng nasa likod ng pasang minsang nagmarka sa aking dibdib dahil hindi niya matanggap na ang kaisa-isang matinong larawan na meron ako ay ginupit ko lamang para ilagay sa aking kalupi. Ang tinig niya ay yung tipong kasusuklaman mo sa oras na isisigaw ang pangalan mo dahil ayaw mo pang umuwi ng bahay at tatadtarin ka ng mura, na kung may lasa nga lang ay baka matanggap ko pa. Gayunpaman, kahit ganyan si nanay ay mahal parin ako niyan. Tumatakas pa ako dati sa bahay para lang maka-arkela ng bisikleta kahit may sarili namang paarkelahan si tatay. Baka daw kasi maagang mawala ang aking kabirhenan. ( ayun naman pala..) Imbes na pagalitan ako ay niyakap pa niya ako ng mahigpit nang minsang magtago ako sa ilalim ng aming TV rack. Gusto ko mang buksan ang pintuan ng kabinet niyaon ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako at nakita kong umiiyak na si nanay at patuloy na inaalo ng aming mga kapitbahay. Ngiti lang ang kanyang isinukli ng minsan ko ring akalaing lahat ng perang papel ay play money kaya ginupit ko yung babaeng may hawak na basket, bata at dalawang sundalong makikita sa Liman-daang piso. Siya rin ang kasabay ko sa pag-oorasyon para sa mukha na noong panahong yun ay matanda na at patuloy paring nakikigulo sa pagmamaganda namin ng pinsan ko. Hindi pa man ako natutong gumamit ng blush on ay halos mamula ang mukha ko nang kalkalin niya ang bag ko noong ako ay Grade 5 palamang at nakita niya ang face powder na dala ko sabay sabing, "Dalaga na ang anak ko".

Ilang hakbang na lang at lumiliit na rin ang distansya namin ni nanay mula sa kanyang inuupuang malaking bato. Bata palamang ay alam ko ng hindi siya ang aking tunay na nanay at maaga ko rin naman itong natanggap pagkat wala naman akong naramdamang kakulangan sa kanyang pagpapalaki. Siya ang aking unang naging kritiko sa aking mga iginuhit at idinikit sa aming dingding. Akala ko ay ituturing niya itong karumihan ngunit siya pa ang bumili sa akin ng mga gamit pangkulay. Sa wakas ay isang hakbang nalang ay mayayakap ko na ang batang bersyon ng aking ina na labing-apat na taon nang namaalam at sa mga larawang kupas ko na lang nasisilayan. "Mam, Lazada delivery po", ang malakas na tawag ng mamang kumakatok sa aming gate. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang hinihintay na dumating ang bluetooth headset na binili ko sa Lazada. Isang araw ding nanahimik ang bahay namin dahil nasira ang headset na ginagamit ko sa Smule, isang online Karaoke application sa cellphone. Malamang ay hindi kinaya ng aking one-year-partner headset ang tinig ko kaya sumuko na siya. Isa sa pangarap ni nanay ang maging mahusay akong mang-aawit pero hindi ko yun kayang tuparin dahil pangarap kong maging isang pintor. Sinubukan ko na lang maging mang-aawit sa aming simbahan para kahit papaano ay matupad ng kaunti. Bagamat hindi ako biniyayaan ng magandang tinig ng Panginoon ay biniyayaan naman ako ng mapagmahal na magulang.​

CCTO para sa image na iminungkahe parin sa akin ni Mang Kanor este Manong Gugel..
 
Last edited:
wuhaw!! patuloy ang pagmamature mo sa pagsusulat. from wholesome, to mature, to more mature on topic.

ipagpatuloy mo ang pagsusulat...malayo ang mararating mo
 
Masarap talaga magbasa ng maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay, lalo na kong maganda ang pagkaka-arrange
 
Back
Top Bottom