- Messages
- 227
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Sa ikadalawampu't isang siglo nangangarap ang sambayanang pilipino na sana ay tayo'y umangat na mula sa pagkakalugmok....
ngunit sawimpalad pa rin tayo... kaya itong Thread na ito ay aking ginawa upang himukin lahat ng nandirito na simulan ang pagbabago sa tema ng impormasyon para sa mga susunod na salinlahi at mga umuusbong....
kaya nakikiusap ako.... isang hamon sa lahat ng mga tunay na pilipino na nandito na mula sa iba't ibang sektor ng industriya....
Siyensya, impormasyon, matematika, inhinyero, paggagamot, pulitika, agrikultura at sosyolohika....
mga industriyang nagsisilbing pundasyon sa pagunlad ng bansa....
ang hamon ang pakiusap ko ay ang isalin ang mga aklat na ginagamit sa paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo....
bakit? ang ginagamit nating wika sa pagtuturo ng mga bagay na nabanggit ko ay ingles, na sa katotohanan ay di natin ginagamit sa pang-araw araw....
maaring isa itong dahilan kung bakit nahihirapan tayong bumuo ng sariling atin...dahil di natin tunay naiintindhan ang mga konsepto na napapaluob sa mga subjects na ito....
mangyari lamang ay pakipost ang inyong nalikha at ang titulo ng mga aklat na inyong nagawa...
kung may mga anak, kapatid o pamangkin man tayo na kumukuha ng mga subject na ito mangyari lamang na subukan ipagamit at ng makita natin ang resulta ng kanilang performance sa paaralan...
kung hihintayin natin ang gobyerno, ang decs, mukhang malinaw pa sa sabaw ng pusit ito....
kaya simulan na natin dito at bakasakali ang mga susunod na henerasyon ay mas magiging magaling pa sa atin....
ayaw nilang gawin ito dahil mawawala ang titulong the largest english speaking country in asia... isang titulong walang laman, dahil sa totoo lang ang nagiging papel lamang nito sa atin ay upang matuto tayong maintindihan ang mga amo nating banyaga...