Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

i just wonder kung anu nga ..

shinrhuie

The Devotee
Advanced Member
Messages
302
Reaction score
0
Points
26
OFF topic ..
may mga bagay akong hinahanap ..
hindi ko lang maintindihan pero parang galing sa nakaraan ..
gusto ko makita ulit ang dati ..
simoy ng hangin na tumatak mula sa aking pagkabata ..
huni ng ibon na nakakatuwa ..
habang hinihintay yung magtataho ,, nakaupo sa gilid ng kalsada at nag aabang ..
hinihintay yung mga kalaro na lumabas., maririnig yung malalakas natugtugan ng mga kapitbahay mong jumper ang kuryente ..
uuwi sa bahay para manghingi ng limang piso sa tatay ko., tapos lalabas ulit .. lagi kasi syang nag kakape sa umaga habang nakaupo
sa tapat ng pintuan namin .. hinihintay ang nanay kong makauwi galing sa palengke ..
makikipag biruan sa mga kapatid ., mapipikon ., iiyak ..
hinahanap ko yung bukang liwayway na hindi ganun kainit sa katawan ang sikat ng araw ..
paglabas ng mga kaibigan ko sabay mag aaya ng text., pog ., turumpo ., yoyo ., moro moro o kung anung laro ang pwedeng simulan ..
pauuwiin ng nanay ko dahil maliligo na .. kakaen ,., matutulog sa tanghali ..
walang internet ..
walang cellphone ..
walang landline ..
walang computer ..

simple lang ang buhay
ngayon may asawa at anak na ..
tumanda na ang dati ay kalaro ko lang ..
nakapag abroad na yung iba .. yung iba namatay na .. yung iba nakakulong ..
may mga bagong kakilala ..
pero parang may kulang ..
parang may bagay na hindi ko mawari na hinahanap ko pa din hanggang ngayon ..
kaya kong bumili ng gamit o bagay na gusto ko ..
kainin ang dati ay kinukulit ko sa nanay ko hanggang mapalo ako sa daan ang jollibee ..
hindi ko na din gusto ang mga laruan dahil makabago na ngayon ..

nakakapagod din pala ..
nakakapagod lahat ng bagay na ginagawa mo .. pag gising mo isang umaga ganun ulit ang gagawin mo ..
ang kumita ng pera pero pagkaraan ng ilang araw ay wala na sa kamay mo..
hmm ..
 
Last edited:
Ang ganda TS, nakaka refresh at nakaka alaala ng kabataan.. :)
 
Ang ganda TS, nakaka refresh at nakaka alaala ng kabataan.. :)

ahaha ..
pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita yung bagay o lugar yun ..
ginawa ko nang mag swimming .. kumaen sa labas .. gumala sa mall ..
pero hindi ko pa din alam kung anu yun ..
hmm ..
 
Back
Top Bottom