Karma
Ang iyong tahana'y magdidilim,
pagkat ito'y tahanan ng mga sakim
Ang iyong mga pananim ay malalanta,
pagkat ito'y ani ng iyong kabuktutan
Pagtulog sa gabi'y di na hihimbing
dahil sa bangungot na ikaw ang may gawa,
Ito ang kabayaran sa lahat, sa lahat ng iyong
makamundong paghahangad
Ang dating trono mo'y mawawala,
pagkat ito di iyo.
Babalik ka sa putikan kung saan ka nagmula at
kahit kailan ay di na aangat pa