Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kaya niyo ba mag isa basta meron computer internet, pagkain at pera?

Misandry

Apprentice
Advanced Member
Messages
83
Reaction score
0
Points
26
Tanong ko lang po. Meron po ako napanood na anti social na tao pero hinde po siya pumapatay ng tao po. Harmless naman po siya pero for how many many years po, hinde raw niya po kilala ang mga kapitbahay niya dahil ilan taon na rin po siya na hinde lumalabas po ng bahay. First time interview na sabi daw po niya na pwede siya mabuhay ng mag isa basta meron pera, pagkain at computer internet connection po.

Ediba po, meron ng shop online po? Halos kumpleto na nga po sa computer internet po e. Meron naman virtual reality at non virtual reality, meron games, meron facebook, meron job online---ano po ba?

Kaya niya mabuhay mag isa basta kumpleto lahat tulad ng pagkain, tubig, pera, computer internet connection. Wala lovelife, wala family---wala lahat.

So tatanungin ko po kayo?

Kayo niyo ba mag isa basta meron lang computer internet connection, pagkain, pera at tubig po?

Nakayanan ko nga po mag isa sa sarili ko kwarto na wala labas-labas except kapag kukuha ng pagkain at tubig, doon na rin po ako kumakain then meron ako sarili computer laptop po, then meron po ako mobile phone with internet din po. Wala po ako lovelife---wala.

So ano yung kasabihan na no one is an island po?
 
Last edited:
kaya kung hindi lumabas ng bahay, basta may pagkain at internet connection. But I cannot live without talking to someone, like my family/siblings/friends/loved-ones kahit virtual lang. ;)
 
ganyan ako ts kaya ko naman basta meron lang ang pamilya ko maka usap, hindi ko na kailangan makipag kaibigan sa mga kapitbahay. introvert kasi ako hindi ako mahilig makipag usap maraming tao. nasa pc lang ako palagi solves na hehe
 
No one is an island ay kung magisa ka lang talaga sa mundo, walang ibang inaasahan, walang ibang tumutulong.
yung mga pagkain mo, internet mo, tubig mo, kuryente mo, pera mo, galing yan sa ibang tao. ibig sabihin nun ay nakadepende ka pa din sa kanila.

hindi porket antisocial ka, ay na break mo na yung sinasabi na "no one is an island"
 
Boss, kahit gaano ka pa ka introvert walang taong kaya mabuhay ng mag isa na nasa tamang pag iisip, eventually pag wala ka nakausap ng matagal na panahon, mababaliw ka or mag iiba na ang takbo ng utak mo.
 
ganyan ako dati.. pero na realise ko na kelangan ko rin makasalamuha... parang nakakabaliw din kapag ganyan lagi masisira utak
 
kaya naman ts, kaso mahirap din pag matagalan, makakafeel kana ng emptiness
 
Kayang-kaya yan :lol:

Kung pinanganak kang may introverted na klase ng personality tulad ko, walang problema dyan. Magiging challenging lang siguro yung ganyang klase ng lifestyle sa mga taong extroverted or lumaking nasanay makisalamuha sa family, friends, or people in general.

Pero yung about dun sa kasabihan na no man/no one is an island, well ibang usapan na yan.
For me it's impossible na maging 100% independent ka sa mundong 'to. It's because of the simple fact na hindi naman natin kayang malaman lahat ng pwedeng malaman sa mundong 'to. Tsaka meron din tayong mga physical limitations, may mga bagay na hindi natin kayang gawin on our own kaya inevitably, kakailanganin pa rin talaga natin ng tulong ng ibang tao kahit papano. Dun pa nga lang sa simpleng pagtatanong ng directions sa isang stranger, isa na yun sa mga simplest form ng dependency sa ibang tao eh, kasi syempre imposible mo namang malaman yung directions na kelangan mo malaman kung di ka magtatanong sa iba di ba? Assuming na kunwari unsearchable sa Google Maps or Waze yung lugar na pinuntahan mo :lol:
 
Back
Top Bottom