Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

'KUROT' Principle.... (MUST-READ!)

Sana may lesson din tungkol sa kurot/dakot ni GF :) kahit wag na ipautang ni gf.. ibigay mo na lang! haha joke

Galing! sana nga magbago ang mentalidad ng Pilipino :)
 
share ko lang from facebook

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang
ganda nitong Kurot Principle na ito.
To better understand this, I will tell
you a story of a person na balak
bumili ng cellphone worth P1,000.
Nagkataong mayroon siyang
P100,000 na savings. Puwede ba
siyang bumili ng cellphone?
Puwede, kasi yung P1,000, KUROT
lang ‘yon sa kanyang savings.
May pangalawang taong balak
bumili ng cellphone. Ang bibilhin
niya ay worth P1,000 din. Mayroon
siyang savings sa bangko na
P1,000. Bumili siya ng cellphone.
Anong tawag dun? DAKOT na ‘yun!
Dinakot lahat ang pera niya!
May pangatlong tao, balak bumili
ng cellphone, pero walang
savings. P1,000 lang naman ‘yung
bibilhin niya. Bumili siya. Anong
tawag ‘dun? UTANG na ‘yun!
Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang
ginagamit mo sa buhay mo?
KUROT, DAKOT, o UTANG?
Magtataka pa ba tayo kung bakit
tayo naghihirap o baon sa utang?
Ang gagaling nating dumakot! Ang
gagaling nating umutang! Gusto
mong yumaman? Starting today,
matutong kumurot. Kapag may
bibilhin, dapat kinukurot lang!
Nagkakaintindihan ba tayo?
Kapag ginawa mo ito, pangako,
yayaman ka.
Pag-aralan nating muli ang mga
pinakamayayaman sa Pilipinas,
ang Chinoy. Again, bakit sila
mayayaman? Ang gagaling
nilang… kumurot! Tayo ang
gagaling nating… dumakot!
Sasampolan kita…
Pinoy vs. Chinoy Businessman
May dalawang negosyanteng
nagsimula ng kanilang negosyo,
isang Pinoy at isang Chinoy. Ang
capital nila pareho ay P100,000.
Sa unang buwan, si Pinoy, kumita
ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin?
Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng
P10,000. Ano ang gagawin niya?
Idadagdag niya sa puhunan.
So magkano na ngayon ang
puhunan ni Chinoy? P110,000! Si
Pinoy, P100,000 pa rin, pero may
bago siyang cellphone. Ang
ganda!
Ituloy natin. After a few months,
maganda ang takbo ng negosyo.
Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang
Pilipinong may P50,000, ano ang
balak bilhin? Bibili siya ng home
theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy,
kumita rin ng P50,000. Anong
gagawin niya? Idadagdag uli sa
puhunan niya. Magkano na ang
puhunan niya? P160,000 na!
A few months later pa, ang Pinoy
kumita ng P150,000! Ang Pilipinong
mayroong P150,000, ano ang
balak bilhin? Second-hand na
kotse o pang-downpayment sa
bagong kotse. Ang Chinoy, may
P150,000. Ano’ng gagawin niya?
Idadagdag sa puhunan! Magkano
na ang puhunan niya? P310,000!
Buwan-buwan, si Pinoy kumikita.
Dagdag siya ng dagdag ng gamit.
Magkano ang puhunan niya?
P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan
kumikita. Ano ang ginagawa niya?
Dagdag ng dagdag sa puhunan
niya. One day, Chinoy was able to
save P1 million! So ginawa niya, he
approached one supplier and said,
“Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng
worth P1 million, bibigyan mo ba
ako ng discount?” Hulaan mo kung
ano ang sasabihin ng supplier. “Of
course, ang dami mong bibilhin,
kaya bibigyan kita ng additional
5% discount!”
Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi
naman yata maganda na sa akin
lahat ang 5%. Ang gagawin ko,
bibigyan ko ang customers ko ng
3% discount at sa akin na lang
‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa
ang presyo ng kanyang mga
ibinebentang produkto.
It just so happened na magkatabi
ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy.
Pareho sila ng mga produktong
ibinebenta. Given the situation,
kanino kayo bibili? Kay Chinoy,
because it’s cheaper. Ano ang
mangyayari sa negosyo ni Pinoy?
Malulugi na. Kasi mas mahal ang
kaniyang produkto. Ano ang
gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung
kotseng nabili niya ng P150,000.
Sino ang bibili? Siyempre, ang
maraming pera, si Chinoy.
Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse
ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy,
kahit palugi ay ibebenta na rin
niya. Si Chinoy ngayon ay
nagkaroon ng kotse na murang-
mura lang!
After a few months, mauubos din
ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang
susunod na gagawin ni Pinoy? Ang
home entertainment niya ay
ibebenta na rin. Magkano? P20,000
na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy.
Darating ang araw na pati ang
cellphone ni Pinoy ay ibebenta na
niya. Magkano niya ibebenta?
P2,000 na lang! Isang araw,
magsasara na ang negosyo ni
Pinoy. Ano ang gagawin niya?
Malamang, magtatrabaho na lang
siya kay Chinoy. Ito ang kuwento
ng bansang Pilipinas!
Naalala mo pa ba noong araw,
mas mayayaman ang mga Pinoy
kaysa sa mga Chinese. Bakit
nagbago? Ano ba ang problema
natin? Dakot kasi tayo ng dakot!
Sila, kurot lang ng kurot!
Mayroon kaming naging
participant before na nagsabi, “Sir,
hindi naman totoo ‘yan! I know a
Chinoy, he drives a BMW. That’s a
P5 million car! Kurot ba ‘yun?”
Malamang kurot ‘yun! Noong binili
niya ‘yun, mayroon na siyang P100
million na savings! So kurot lang
‘yun! Nandiyan ka pa ba?
Isang Kahig, Isang Tuka
Saan ka makakakita ng mga
taong isang kahig, isang tuka?
Saan? Sa squatters area? Magtigil
ka! Gusto mo’ng makakita ng mga
taong isang kahig, isang-tuka? Sa
Ortigas, sa Makati, may makikita
ka.
What do I mean? Kapag hindi ka
sumuweldo ng isang buwan,
mabubuhay ba ang pamilya mo?
Kung wala kang credit card, kung
mawalan ka ng trabaho ngayon,
ilang araw ang aabutin para
mabuhay ng matino ang pamilya
mo? Kapag nawalan ka ng
suweldo, patay ka!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna
kumita o magnegosyo,
mabubuhay ng maganda. Bakit
po? Kasi many years ago, kumahig
sila ng kumahig at tumuka lang
konti. Kaya marami sa kanila
ngayon, tuka na lang ng tuka.
Maraming Pinoy, kapag hindi tayo
kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit
matanda na tayo, kahig pa rin
tayo ng kahig. Gaano karaming
Pilipino ang 60 years old na ay
trabaho pa rin ng trabaho?
Puwede ba, simula ngayon,
kumahig ka nang kumahig at
iwasan munang tumuka. I-deprive
ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–
one day, you want to work, but
you cannot work. You are already
old. Why? Nagpakasasa ka kasi
noong bata ka pa. Inubos mo na
lahat ng lakas at kalusugan mo sa
bisyo.
Tanong: Masama ba’ng bumili ng
mahal? Sagot: Hindi! Basta
kinukurot lang! Kapag nakakita ka
ng kasamahan mong naka-Nike
shoes, huwag mong husgahan
kaagad iyong tao! Malay mo,
kinurot lang niya iyon. At the end
of the day, what is happening to
other people is not important.
What’s more important is what is
happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians
4:11, “Make it your ambition to
lead a quiet life. You should mind
your own business and work with
your hands, just as we told you.”
(Excerpted from Vic and Avelynn
Garcia’s book entitled Kontento Ka
Na Ba Sa KaPERAhan Mo?)


very well, i've learned a lot! :clap::clap::clap::clap::clap::clap:
 
thank you dito.. gagawin ko etong gabay sa paguumpisa ko ng mga pangarap ko sa buhay.... kc ako din jan yung puro kurot lng pag meron ako diko laht dinadakot...
 
kukurot nalang ako simula ngaun.. puro ako dakot ng utang eh haha joke
 
Back
Top Bottom