Chapter 1
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. I am happy with my life kahit sobra akong nasaktan noon. I fell in love with the wrong person. Kahit masakit tinanggap ko na talo ako pero seriously kailangan paba ulit naming magkita? For what? Tapos ngayon heto... heto na naman yung feeling na ayoko na ulit maramdaman... Ang saklap naman... So it means nai-inlove na naman ako kay Eugene? Paktay tayo diyan!
Malapit ng matapos ang klase namin sa Psychology kung saan classmate ko si Eugene. I chosen the course called Information Technology at si Eugene naman ay kumukuha ng kursong Computer Engineering. Sa pitong subjects na mayroon ako ngayong sem tatlo doon ang mga subjects kung saan classmate ko siya. Halos two weeks ago na rin simula nung mag-start ang klase pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap. Well maybe hindi na niya ako nakikila?
I've changed, I've grown. Back then I was soooo boooring... You can call me the typical nerd student who wants to go in the library and read books instead of hanging out with barkadas. Hahahaha! Paano ba naman ako magkakaroon ng barkada? When everyone seems to be afraid of me? Mahaba ang buhok ko na parang si Sadako, hindi mahilig mag-ayos ng sarili. Nakakatakot din daw ako tumingin, minsan kapag tinotopak nagpupunta ako sa garden ng school mag-isa at doon ako kumakanta.
Yes I want to sing pero ayokong may nakakarining. Ehh kung isali ako ng mga hinayupak kong classmate sa mga programme ng school at pakantahin ako "live" sa harap ng maraming tao?
Inferiority complex. That is the right word to be used para i-describe ako. Search ninyo nalang sa Google. Tinatamad akong iexplain eh.
Ang haba na ng flashback ko kaya lets go back to reality.
Heto ako ngayon sa classroom nagdadasal na matapos na si Mrs. Benitez sa kanyang lecture para makatakbo na ako pauuwi. Kanina pa kasi nakatingin sa akin si Eugene at pakiramdam ko kilala na niya kung sino ako.
I caught his eyes looking at me, nagbawi naman siya ng tingin at syempre ganoon din ako. Wish ko lang talaga hindi niya ako nakilala.
"And that is all for today, next meeting may quiz kayo chapters two and three, walang aa-bsent ha." Sabi ni Mrs. Benitez.
"Yes, Ma'am." Sabay-sabay naman naming tugon.
Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at mabilis na lumabas ng room. Medyo mabilis ang paglalakad ko para maka-uwi na ako kaagad ng biglang may humawak sa kamay ko...
"Miyu..?"
Alam kong siya yun... Si Eugene. Wala na akong nagawa kailangan ko siyang harapin. Alam ko naman na darating ang araw na mag-uusap kami. Hindi ko siya maiiwasan dahil three times a week kaming magkikita dahil mag-classmate nga kami sa mga minor subjects.
"Ohh hi... ikaw pala yan Eugene."
"Oo kumusta ka na? Ang laki ng pinag-bago mo Miyu."
"Ok lang naman ako, ikaw kumusta ka na? Akala ko sa Baguio ka mag-aaral kasama si Selena?"
"Sabi kasi ni Papa mas ok na dito nalang sa sa probinsya mag-aral ganoon din naman ang turo. Isa pa medyo kapos kami sa budget ehh." He said while smiling..
Damn it! Bakit ganon it seems hindi siya nagbago. Cute pa rin siya. sigh...
(-____-)
At isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal ay yung cute smile niya. Napaka-inosente at very charming.
Suddenly my phone rings...
"Ahh wait sagutin ko lang yung phone."
"Ok sige lang."
"Hello Ma'am Jean."
"Miyu nasaan ka? I need you now here in the office." Medyo iritadong pagkakasabi ni Ma'am Jean.
"Ma'am sabi ninyo po mamayang 4 o'clock pa ang duty ko?"
"Yes, Pero may lakad ako today and it's urgent, walang magbabantay dito sa office may mga kliyente na darating at kailangan may humarap sa kanila dito dahil may dala silang importanteng documents."
"Ok ma'am on the way na po ako."
"Sige bilisan mo ha."
"Sige po ma'am."
"Sorry Eugene kailangan ko ng umalis may trabaho pa ako ehh."
"Working student ka?"
"Parang ganoon na nga pero hindi naman masyadong mahirap yung mga trabahong ibinibigay sa akin, kakilala ni Auntie Meg si Ma'am Jean parang secretary lang ako ni Ma'am Jean. Hindi na masama para sa weekly allowance na kapalit ng simpleng trabaho."
"Ganoon ba? Sige mukhang kailangan mo na talagang umalis, mag-iingat ka."
"Sige salamat." I smiled at him and waved good bye.
"Buti nalang tumawag si Maam Jean. *sigh*"
Pumunta na ako sa office ni Ma'am Jean, isa siyang lawyer at ako yung cute niyang secretary. Hihihihi
Hindi naman mabigat ang trabaho ko dito, sa katunayan nga minsan may mga kaibigan at kliyente si maam Jean na nagbibigay ng pera o di kaya ay regalo sa akin. Marami ang nagsasabi na maganda daw ako, natutuwa sila sa akin, the way I talked, the way I communicate with them and how I entertained them.
Some of the clients are indigent pero I always talked with them respectfully, hindi ako namimili ng pakikibagayan which is what Ma'am Jean like about me. Hindi ako plastic.
Last time I received a Samsung phone worth 5k. Not bad, mula ito sa mayamang kliyente in Maam Jean. They won the case against her husband. Nangaliwa kasi yung asawa niya and so kinasuhan niya ito ng bigamy.
And this time mukhang mag-uuwi ako ng isang basket ng gulay. Kasi naipanalo ni Ma'am Jean ang kaso ng mga taga San Marcelino.
May mayamang business man ang umaangkin sa lupain ng mga pobreng magsasaka. Pero napatunayan naman ni Maam Jean na ang mga taga San Marcelino ang lehitimong may-ari ng lupa dahil nai-salin ni Don Gustavo ang ownership ng lupa bago pa man ito mamatay. Natagpuan sa last will and testament ni Don Gustavo na ibinigay niya ang lupa sa mga magsasaka bilang ganti sa mahabang panahon na pag-sisilbi ng mga taga San Marcelino kay Don Gustavo at sa kanyang pamilya.
"Atty. Salazar salamat po ng marami."
"Walang anuman Lola."
"Heto pagpasensyahan ninyo na yung mga gulay na dala namin para pasasalamat na rin naming lahat mula sa San Marcelino."
"Ayos lang po iyon Lola Corazon.." sabi ni Maam Jean saka nginitian ang matanda.
Abot-langit ang pasasalamat ng buong San Marcelino kay Maam Jean. Somehow gusto ko maging kagaya niya. I mean I wanted to serve other people.Gusto ko makatulong sa kapwa lalo na yung mga mahihirap.
***
Araw ng Biyernes ang pinaka-ayokong subject sa lahat!
Advance College Algebra...
Naalala ko nung bata pa ako. Marining ko lang ang salitang Algebra halos maiyak na ako. Tapos ngayon may "Advance" Algebra pa pala? Asan ang hustisya?! (As if naman kasing gagamitin to sa real life.)
I can say na mahirap talaga for average students ang intindihin ang mga mathematical problems and formulas.
Well ok lang hindi naman ako naghahangad na maging magaling sa math... Well somehow yes, pero kuntento na ako sa mga biyaya ng Diyos sa akin. Wag naman abusada di ba?
Habang nakikinig ako sa teacher namin pakiramdam ko nahihilo talaga ako. Yung first part palang ng problem solving halos puno na yung papel ko, ehh halos 4 or 5 parts yata yun bago mo kakuha yung Final Answer!
Siyempre lahat ng mahihina sa math na-gegets ninyo ako di ba? Hahaha
Nang matapos ang lecture ng teacher namin agad nitong pina-ayos yung chairs. Halos dalawang upuan ang layo ng mga estudyante sa isa't-isa.
Alam ko na babagsak ako sa quiz na iyon so I prayed.
"Lord please help me."
Ang bilis sinagot ni God yung prayer ko.
Nag-ring ang phone ng teacher namin tapos kailangan daw nitong pumunta sa isang emergency meeting.
Since hindi naman niya ma-su-supervise yung quiz namin she decided na gawin nalang group work yung quiz!
"Ok class group your selves into two, pagbalik ko dapat tapos na kayo diyan. We will consider this quiz as a group activity." She said and left us.
Ang saya-saya ko! Hahaha I really love God Jesus Christ. Thanks po.
Now I need to find a classmate who posses great talents in math. Hmmm.
Halos lahat ng magagaling sa math may ka group na, kaya medyo nag-worry ako until may kumalabit sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko si Eugene.
"May ka-group ka na?"
"Ahhh wala pa.."
"Tayo nalang."
Medyo awkward pero pumayag na rin ako. If ever kasi friend ko naman si Marjorie one of the greatest math geniuses sa klase and since wala si Ma'am kaya libreng-libre kami magkopyahan!
"Sige tayo nalang magka-group." I just agreed since I still have Marjo as an option to pass this group-activity.
Tumabi kami malapit sa upuan nila Marj.
May apat na problem na kailangan sagutin. We decided na tig-dalawa kami nang sasagutan.
Well I choose the problems which are simpler. Hindi naman nagreklamo si Eugene.
After 15 minutes sumuko na ako, tumayo ako at lalapitan ko sana si Marjo pero hinawakan ni Eugene yung kamay ko.
"San ka pupunta?"
"Ahhh may hindi kasi ako maintindihan magtatanong lang ako kay Marjorie." Pagdadahilan ko, pero ang totoo non mangongopya lang ako hehehehe.
"Ha? Ano yung hindi mo maintindihan? Pwede mo naman akong tanungin di ba tayo yung magka-group?"
"Ahhh ehh hindi sige wag na, tapusin mo nalang yung ginagawa mo."
"Tapos na ako, eto ohh." Sabi niya saka ipinakita sa aking yung solution at mga sagot sa problems.
"Ahhh ganon ba sige paki-explain nga kung paano maso-solve yung problems?"
Ang serious niya habang nagpapaliwanag kung papaano makukuha yung final answer. Sa totoo lang para akong tanga because at that moment lahat ng sinabi niya pasok sa isang tenga labas sa kabila. I just enjoyed the moment looking at his handsome face.
Hindi siya nagbago except mas tumangkad siya at lumaki din yung pangangatawan. Maybe nag-gi-gym siya? Back then totoy na totoy pa siya hahaha. I can't imagine na magiging ganito ang itsura niya ngayon... pakshet.... Nag dadaydream na naman ako.
"Miyu... Miyu... Ano nakuha mo ba kung paano sagutan yung problem?"
"Ohhh? Sorry medyo nahilo ako sa paliwanag mo."
Natawa siya and he looked at me.
"Ibig sabihin wala kang naintindihan sa mga sinabi ko?"
(He is teasing me!!!)
"Ahh hindi naman may naintindihan naman ako, pero medyo naguluhan lang."
"Gusto mo ulitin ko?"
"Wag na.. ok na yun, nga pala bakit ang galing mo sa math?"
"Di ba nga Computer Engineering yung course ko? May mga math subjects ako na mas advance pa yung lessons kaysa dito sa itinuro ni ma'am Garcia."
"Ahh oo nga pala sorry po, malay ko ba, noon kasi nung high school pa tayo ang alam kong favourite subject mo ehhh mang-bully."
"Hindi ahh nagbago na ako, saka noon pa man magaling na ako sa math hindi mo lang napapansin kasi bigla nalang parang nag-iba ka nung patapos na yung school year. Hindi ka na nakiki-mingle sa barkada."
Medyo seryoso yung tono ng pananalita niya, but I just laugh to change that awkward moment.
"Hahahahaha ano ka ba, hindi ka na nasanay, di ba nga minsan weirdo talaga ako?"
"Sabagay.." -____-
(Aba! Nag-agree naman ang loko)
Di nagtagal dumating na si Mrs. Garcia at kinolekta na niya yung mga group activities namin.
Agad din kaming pina-uwi ni Mrs. Garcia dahil hindi pa pala tapos yung meeting nila. Pinuntahan lang kami para mag-dismiss na ng klase.
***
Dahil maaga pa naman naglakad-lakad muna kami ni Eugene.
"Miyu, Naalala mo sila Alfred, si Dennis saka si Vincent."
"Oo naman yung tatlong kolokoy na yun, naalala ko sila, kumusta na yung mga yun?"
"Si Alfred at si Dennis sa Cebu nag-college pareho silang Architecture ang kinuha si Vincent naman nasa Manila, sa UST, BS Psychology."
"Hmmmm.... Si Lorein pala nasa States na."
Bigla kong nabanggit yung pinsan ni Dennis, yung batang gifted, 14 lang siya nung gru-maduate ng high school, kumuha siya ng acceleration test. Kasabayan namin siyang gru-maduate yun nga lang sa Gifted class siya nabibilang, kami sa regular class lang.
"Oo nga doon siya nag-college at siguradong ilang taon lang tapos na nya yung masters degree niya." Sabi Eugene habang nakangiti.
"Oo nga mauunahan pa niya tayo magkaroon ng masters degree." Nakanigiti ko naman na tugon.
Hindi ko alam pero... kung tutuusin wala naman nakakakilig sa pinag-uusapan namin pero kinikilig ako.
The way he stares at me is quiet different compare to how he stares at me back then when we were still in high school.
"Ohh bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?"
(Natawa siya)
"Hindi napansin ko lang kasi cute ka din pala."
That moment alam ko nag-blush ako, I am half Japanese so my skin is fair kaya halata kapag nagba-blush ako.
"Ikaw din lalo kang gumuwapo." Sabi ko sabay ginulo ko yung buhok niya.
Palagi ko iyon ginagawa nung high school pa kami, guguluhin ko yung buhok niya kapag corny yung jokes niya o napipikon na ako sa mga pahapyaw niyang pang-aasar. Pero never niya ako inasar in an insulting way.
"Matagal na po akong gwapo..." He said while smiling.
"Yabang....."
"Bakit hindi ba totoo?"
"Ohh di sige na gwapo ka na."
(Natawa lang siya)
Maya-maya bumanat siya ng pick up line.
"Alam mo hindi mo na kailangan ng beautician."
"Bakit naman?" I asked and medyo kinilig ako don ha.
"Ang kailangan mo kasi MAGICIAN!" sabi niya saka tumawa ng malakas.
(-________- ) My reaction to his joke.
Feeling ko gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina na never niya ako inasar in an insulting way. Kasi nakaka-insulto yung banat ng tarantadong ito ehh. Well hindi naman ako papayag na hindi ako gaganti.
"Para ka palang energy drink" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Kasi nakakagising yung ka-gwapuhan ko?"
"Hindi! Muka ka kasing cobra!"
( -________-) His reaction to my joke.
"Ohhh Heto totoo na ito, Hukay ka ba?" tanong niya sakin.
"Bakit?"
"Kasi kung hukay ka, gusto kong mahulog sayo."
Gusto ko sanang kiligin pero bad trip pa rin ako sa kanya... so I asked the same question.
"Hukay ka din ba?"
"Bakit?"
"Gusto kasi kitang tabunan ng lupa." Sabi ko sabay tawa yung nakakaloko talaga.
( -________-) His reaction to my joke.
"Unan ka ba?" He asked me again.
"Bakit? Kasi masarap ako kayakap sa gabi?" Hahaha!
"Hindi, Amoy panis na laway ka kasi."
(-________- ) My reaction to his joke.
(Akala mo papatalo ako ah! Wait!)
It's my turn.......
"Ikaw, Yelo ka ba?" tanong ko kay Eugene.
"Bakit?"
"Ang sarap mo kasi ihapampas sa pader ehh!"
"Kamote ka ba?" he asked.
(Yung totoo hindi pa ba siya titigil? Ayaw paawat eh. Kung sana puro mga magaganda yung sinasabi sakin kikiligin pa sana ako. Kaso puro naman hindi kaayaaya yung mga sinasabi! Tsk)
"At bakit?" gigil na ako this time..
"Muka ka kasing laman lupa."
Bwahahahahahahaha....
"Ewan ko sayo! Ayoko na nga!" sabi ko sabay walk-out pero pinigilan niya ako.
Hindi na sorry na, heto totoo na talaga."
"Ihi ka ba?" tanong niya sakin.
"Eugene wag na nga lang nakakabwisit na ehh, ihi talaga? Ang dami naman ipagkukumpara sakin ihi talaga? Ano dahil mapanghi ako? Ganon ba?"
"Tao ako!! Hindi ako ihi!!! Kasi kung nagkataon na ihi ako muka ka namang abno dahil nakikipag-usap ka sa ihi! Ewan ko sayo adik ka yata ehh."
"Ahh ganon ba, ehh ano nalang sabi ng posporo sa isa pang posporo?" tanong muli ni Eugene.
"Alam ko na yan ehh, sabi ng posporo sa isa pang posporo ay match tayo di ba?"
"Tanga! Walang sinabi, posporo nga di ba? Saan ka nakakita ng posporo na nagsasalita? Ikaw yata ang adik ehh."
Tawa ng tawa ang bugok! Naisahan niya ako don ahh pero hindi ako magpapatalo!
"Eugene kanal ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi "TANGA" lang ang mahuhulog sayo."
Bwahahahahahha....
Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa, until I realized he is not responding to my joke anymore, hindi siya naiinis or natatawa, it seems he is in pain and I guess I hit below the belt, I am not sure kung may mali ba sa joke ko? When I looked in his eyes I saw his pain.
"Sorry may mali ba sa joke ko? Na-offend ba kita?"
"Hindi ok lang.."
He smiled bitterly.
"Tara uwi na tayo." He said.
"Ahhh, Sige...." nasabi ko nalang kasi na-guguilty ako dahil bigla siyang nalungkot ng dahil sa joke ko.
Hanggang maka-uwi ako sa bahay palaisipan pa rin sa akin kung ano ba yung mali sa biro kong iyon. Sigh...
***
Originally posted on Wattpad,
Here's the link:
http://www.wattpad.com/story/38818163
I am Fan of symbianize so I wanted to post some of the stories made in my account.
I will also update here pero mas mabilis po yung update sa Wattpad,(Nasa editor po kasi yung mga drafts) sana po magustuhan ninyo at sana po i-share ninyo din sa iba.
Salamat po.