Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mga Panandalian Naming Pagsasama [si Haifa]

alas kwatro na pala ng madaling araw..
Masiyado na pala akong nahuhumaling kay HaiPa.
Well, wala naman akong karapatan sa kanya talaga. Di ko siya pag-aari.
Actually, di naman talaga siya pasado sa standard ko. Pero sa totoo lang, siya lang ang meron ako ngayon.
Mula pa kagabi ko kapiling si HaiPa. Di ko nga alam kung kelan na naman siya aalis. Nung nakaraang linggo, ilang araw ko ding nakasama si HaiPa.
At inaamin ko naman, halos di ko maalis ang tingin ko sa kanya.
siguro kahit di ko na mahawakan ang cellphone ko basta hawak-hawak ko lang si HaiPa.

Pero alam ko naman eh, mulat naman ako sa katotohanan.
Tong kasiyahan naming ito ni HaiPa, panandalian lang. Kailangan din naman kasi siya ng tunay na nagmamay-ari sa kanya.

But then, I'm grateful. Kasi, natitiis niya ko. Minsan nga, Ilang oras lang ang pahinga namin.
Masasabi kong sinusulit ko talaga ang mga paahon at oras na kasama ko siya.
Pero, ayoko din namang isipin niya na ginagamit ko lang siya.
Hindi. Hindi ko kailanman siyang tinuring na ganun.

Alam ko.. May mga katulad pa niyang darating, mas maganda, mas may itsura, mas malakas ang dating at higit sa lahat, magiging akin ng buo.

Pero eto lang masasabi ko, hindi ko makakalimutan si HaiPa at ang mga araw at gabing pinagsaluhan namin.
mga araw at gabing pinasaya niya ko at dinala niyako sa iba't-ibang lugar. dahil kay Haipa, nadagdagan din ang aking mga kaalaman bukod sa pagkaaliw sa kanya.

May maghapon pa kami para pagsaluhan ang bawat oras sa araw na ito. Pero kailangan din naming magpahinga.
Oo nga't maganda ng kanyang pangangatawan, at maganda ang pisikal niyang kaanyuhan, napapagod din naman ang kanyang sistema.
Kung pwede lang wag matulog para mabantayan pa kita.
Kung pwede nga lang na akin ka na lang..
Pero yun ang katotohanan, di kita pag-aari.

Good Mornight Haipa. I love you. :-*



NOTE: si HaiPa ay isang HP mini 1000 netbook
na hiniram ko lang sa aking hilaw na hipag
>>vhonskall

www.yourbeau.blogspot.com
 
Hahahaha.. Sorry na
 
Back
Top Bottom