Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Mr.torpe meets ms.complicated

Tatlong taon na kaming magkaibigan ni John. Naging magkaibigan kami nung taong 2012. At nakilala ko siya sa computer shop kung saan ako madalas. Nung panahon na yun, nagaaral pa kami ng mga kaibigan ko ng DOTA. At simula nun, sinasali nila ko. At natutuwa ako pag lagi akong sinusuportahan ni John. Bakasyon nung mga panahon na yun. At may boyfriend din ako nung time na yun, pero hindi naman serious kind of relationship. Yung nararamdaman kong nagkakagusto na ko kay John, nakipagbreak na ko sa boyfriend ko. Una, dahil ayokong paasahin na yun at pangalawa, wala din naman patutunguhan yung relasyon namin. At napagpasyahan kong magka-crush nalang kay John.Lumipas pa ang araw, tinutukso na siya ng mga kaibigan niya sakin. At yun naging magkaibigan kami. Nagkakachat din kami sa fb. Ewan ko ba. Gusto ko siya nun, pero parang hindi ko naman ramdam na ganun din siya sakin. Tapos, maraming nagsasabi na may gusto na sakin si John, pero bakit hindi niya masabi sakin? Kung aamin siya sakin nung time na yun, OO agad ang sagot ko dahil gusto ko siya. Lumipas ang isang taon at nanatili kaming magkaibigan. Madalas sabay din kaming umuwi galing school. Magkaiba kami ng pinapasukan pero madalas tugma yung sched. namin. Buong 2013, naging magkaibigan lang kami, at nawawala na din yung magkakagusto ko sa kanya. Ang tagal ko ding naghintay kaya hindi niyo ko masisisi. Dumating yung last month ng taon ng 2013 at nagpasya akong magopen sa kanya, na kung gusto niya ko, sabihin niya at yun tinanong niya ko kung pwede siyang manligaw. pumayag ako. Pumayag ako nun, pero ewan, parang hindi ako masaya. Akala ko, pagdumating yung time na yun, magiging masaya lang kami, pero hindi. Simula nun, parang nawawlaan na ko ng gana sa kanya. Parang ayoko na ituloy. Ewan, ang gulo. Pumasok ang bagong taon (2014) at hininto niya na din ang panliligaw, alam kong alam niya na ayaw ko na ituloy. Mula nun, naging magkaibigan lang ulit kami, na para bang walang nangyari. Ilang buwan pa ang nagdaan, naging kami. Pero hindi din kami nagtagal, nakipaghiwalay na ko at agad naman siyang pumayag kung yun daw ang gusto ko ako na ang bahala. Parang pumasok na naman ako sa bagay na hindi ko gusto. Alam ko na sobra ko na siyang pinaasa, at hanggang ngayon nagi-guilty ako. Sinubukan ko naman na magustuhan siya ulit tulad ng dati, pero kahit anong try ko, hindi na eh. Pagtapos naming maghiwalay, balik ulit kami sa pagiging magkaibigan pero hindi rin nag tagal, nagkakalabuan na pati yung friendship namin. Yung kahit pilitin kong ibalik ang pagiging magkaibigan namin, parang masyado nang imposible, dahil alam kong may hinanakit siya sakin. Marami din nagtatanong na kaibigan namin kung pinagtripan ko lang siya. Hindi ko agad masagot at hindi ko kayang sagutin. Ayoko sabihin sa kanila na sinusubukan kong bumalik yung feelings ko sa kanya dati, pero kahit anong pilit ayaw na eh. Hindi din naman niya ko kinulit o sinuyo dahil matalino siya. Kung anong desisyon ko, ayos lang lagi sa kanya. At hindi ko alam kung ano talagang iniisip niya. PAASA, PAFALL, BADGIRL, PLAYGIRL. yan yung tawag nila sakin. At alam kong mali naman yung ginawa ko, napakaselfish ko kung tutuusin. Isa lang yung pagkakamali ko at yun ay yung HINDI AKO NAKUNTENTO SA KUNG ANONG MERON KAMI (as friends). Sabi ng mga kaibigan ko, hindi din nila ko maintindihan at napakakumplikado ko daw. Kasi, pati ang sarili ko ay hindi ko din maintindihan. May babaeng matagal nadin may gusto kay John, at sa tuwing nagkakamabutihan sila, parang gusto kong ipagdamot si John sa kanya noon, at ngayon na sila na parang hindi ko tanggap. I know na napakaselfish ko, pero gusto ko ulit siyang ipagdamot. Pero tinanong ako ng kaibigan ko "Bakit hindi mo tanggap? Mahal mo pa si John?" "HINDI AH!" yan ang sagot ko. Wala na kong feelings sa kanya, pero bakit hindi ko magawang maging masaya para sa kanila?
 
Back
Top Bottom