Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Need advise for my son being bullied in school

Krambluer

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
Long time lurker here po.

Hingi po sana ako ng advise. OFW po kami pareho ng misis ko at hindi rin kami basta basta nakakauwi ng pinas. Ung 10 year old ko po kasi na anak eh nabubully sa school nya. Unang incident ho nito eh nung sinuntok sya ng kaklase nya sa school. Sa takot nung anak ko hindi sya nagsumbong. Nalaman lang namin nung me nagsabi sa katulong namin sa bahay.

Agad naman na confirm ito nung kinausap ko ung anak namin. Pinapunta ko ung mother in law namin para kausapin ung guidance, principal at adviser ng school. Ang sagot ng adviser eh ipapatawag daw nila ang magulang nung bata pero kami na daw ang bahala kumausap dahil wala naman daw sya nung araw na nangyari ung incident. Sa madaling sabi nakausap ng mother in law ko ung magulang nung bata pero nagmataas pa ito.

Ngaun naman nagsumbong ang anak ko na inumbaan sya ng suntok nung magulang nung bata sa school at inaasar nila ung anak ko. Ano po ba kaya ang maganda dito, Nagaalala din kasi ako sa kaligtasan ng anak ko dahil ung lola lang nila at katulong ang kasama sa bahay. Pwede ko ho ba itong dalhin sa baranggay habang hindi ko pa naililipat ng school ung anak ko?
 
I hope I'm not too late. Alam ko may batas na ngayon na pwede ka mag demanda sa school dahil ngayon obligasyon na ng school na maproteksyunan ang mga bata against bullying. ngayon eh wag ninyo po tigilan ang school na yan na gawan ng paraan kasi po makaka apekto po yan sa paglaki ng bata baka mawalan ng confidence at ma-depress. kawawa naman po. kung kailangan magmatigas kayo eh sige po idemanda ninyo po and get a good lawyer. mananalo kayo dyan.
 
may katwiran naman ang payo ng sa taas ko.... :yes:

dangan nga lamang TS, ang sa ganang akin naman kung hindi nyo din naman matututukan ng personal ang usaping yaon at iaasa lamang sa mil mo at kasambahay makabubuting ilipat na lang ang bata gaya ng desisyon nyong mag asawa dahil mauuwi din naman sa wala ang lahat kung walang nagpa follow up... ngayon, habang nag iintay na mailipat, makabubuting patutukan mo muna sa kasambahay nyo yung anak nyo, halimbawa maagap na pag hatid sundo sa bata ng sa ganun hindi magkaron ng pagkakataon yung batang nangbubully na mabully ang anak nyo. tingin ko naman nangyayari ang mga bagay na yun pag walang titser na nakikita ang mga mag aaral.

kung ang paaralan ay ayaw mamagitan sa problema ng mga magaaral sa paaralan nila walang mabuting edukasyon na matutututunan dito.. sa kaso naman ng bully na bata, likas na sa kanya yun dahil sabi mo nga mismong magulang nila at binully ang anak nyo. makabubuting umiwas na lamang sa gulo.

para sa inyo naman mag asawa, walang masama sa hangarin ninyo na para sa ikabubuti ng anak nyo ang ginagawa nyo pero sa panahon natin ngayon na mapupusok na ang mga kabataan kung kakayanin din lang pagplanuhan nyo sana mabuti na isa man sa inyo eh makasama ng anak nyo kung talagang hindi kakayanin na magkasama sama kayo. guidance pa din ng magulang ang pinakamabisang paraan para mapalaki ng maayos ang bata, hindi ang marangyang pamumuhay, hindi ang magagandang paaralan.
 
Hello TS. mam/sir
dapat diretso na po yan sa DSWD ng lugar niyo para naaksyunan agad. :)
mas nakakatakot ang batang hindi nagsusumbong sa magulang kasi baka hindi mo alam madami na palang nagagawa sa knyang hindi maganda ang ibang istudyante.
after DSWD, ipa.BLOTTER mo sa barangay :) ..And while pina.process niyo ang mga ito.
Hanggat maari ay wag iparinig o mabanggit sa bata ang mga nangyayari kasi lalo itong matatakot at iisipin niyang baka lalo siyang saktan nung mga yun.
Then, ilipit niyo na ng SCHOOL yung anak nyo, hindi pwedeng ililipit niyo nlng ng hnd kayo umaaksyon.
hindi matututo yung mga yun pag hindi mo inaksyunan. :) mauulit lng yun sa ibang bata.
Maigi sana sa PRIVATE SCHOOL, ako public school ako nag.aral dati, maayos naman, pero iba na kasi ngayon, ang dami na masyadong istudyante at wala ng pakialam ang mga guro ang mahalaga ay sumesweldo sila.
Yun lang po. :]
 
tengeneng mga bully yan... naalala ko tuloy nung elementary ako... madami bully sa school namin... buti na lang i know how to protect myself :D I been running every race just to save my face :D

para kay TS...

make sure na sakto pumasok ang anak nyo sa tamang oras... wag too early or too late umuwi kapag uwian... usually yung mga bully dyan lang yan nakakaporma... syempre yung recess din poporma mga yan... so dikit lang kay teacher :D
 
Payo ng isang brutal:
Ts tell your son to learn mwuai thai. Tpos papanuorin nyu ng mga action movie, kung.fu and the likes. Ewan q lang umubra pa sa kanya ung nambubuly na un.

Matinong payo:
Since walang kwenta ung pag approach sa teacher/guidance councelor at magulang nung bull, why not report it on DepEd? Meron na po tayou Anti.Bullying Act or RA 10627

Sarili kong payo:
Give me the name and address of the bully. I will find them and I will kill them.
 
Long time lurker here po.

Hingi po sana ako ng advise. OFW po kami pareho ng misis ko at hindi rin kami basta basta nakakauwi ng pinas. Ung 10 year old ko po kasi na anak eh nabubully sa school nya. Unang incident ho nito eh nung sinuntok sya ng kaklase nya sa school. Sa takot nung anak ko hindi sya nagsumbong. Nalaman lang namin nung me nagsabi sa katulong namin sa bahay.

Agad naman na confirm ito nung kinausap ko ung anak namin. Pinapunta ko ung mother in law namin para kausapin ung guidance, principal at adviser ng school. Ang sagot ng adviser eh ipapatawag daw nila ang magulang nung bata pero kami na daw ang bahala kumausap dahil wala naman daw sya nung araw na nangyari ung incident. Sa madaling sabi nakausap ng mother in law ko ung magulang nung bata pero nagmataas pa ito.

Ngaun naman nagsumbong ang anak ko na inumbaan sya ng suntok nung magulang nung bata sa school at inaasar nila ung anak ko. Ano po ba kaya ang maganda dito, Nagaalala din kasi ako sa kaligtasan ng anak ko dahil ung lola lang nila at katulong ang kasama sa bahay. Pwede ko ho ba itong dalhin sa baranggay habang hindi ko pa naililipat ng school ung anak ko?
Hi,wala pong pinag kaiba halos ang nag yayari sa anak nyo nung bata pa po ako,ang pinaka efective na way po dyan e lumipat po sya ng ibang school sa paglipat nya po e malamang na magkaroon sya ng bagong circle of friends and classmates na magiging comportable at magiging confident sya hanggang mag highschool sya,kasi ganun po ang naging solusyon ko nung bata pa ako at naging masaya po ako sa mga naging kaklase ko na hanggang ngayon na may asawa at anak na ako e nagkikitakita pa kami pag may mga reunion or special occasions,very effective po yan,sana makatulong god bless.
 
Back
Top Bottom