Pag-ibig mo ay nasaan?
Musika'y unti-unting naglalaho,
mga pangarap ay unti-unti ring nauupos.
Mga ngiti sa labi ay napalitan,
ng mga luhang kay tagal pinipigilan.
Pag-ibig mo'y nasaan?
Agos ng karagata'y tumigil,
kasabay ng pagdaloy ng pangungulila
Ihip ng hangin ay kay lamig,
sa bawat hakbang ng iyong pamamaalam
Pag-ibig mo ay nasaan?
Pusong naghihilom kasabay sinag ng haring araw,
Pag-asang ika'y magbabalik at muling mahahagkan.