Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pagkaing pang-energy

renelyn05

Novice
Advanced Member
Messages
26
Reaction score
0
Points
26
PAGKAING PANG-ENERGY
By Dr. Willie T. Ong
Tayong mga Pilipino ay mahilig sa kanin. Ngunit alam ba ninyo na sa ibang parte ng mundo ay hindi sila kumakain ng kanin?
Heto ang iba pang carbohydrates na puwedeng magbigay ng lakas sa atin. Ang mga tinatawag na “Go” foods na puwedeng pamalit sa kanin.
1. Mais – Ang mais ay napakataas sa fiber na magpapabusog sa atin. Ang mais ay ginagawa ding cereals (corn flakes) at popcorn. Ang pagiging dilaw ng mais ay dahil sa sangkap nitong Vitamin A at lutein na mabuti sa mata. May mga B vitamins din ito para sa ating nerves.
2. Patatas – Ang patatas ay mataas sa potassium at iron. Ang potassium ay nakatutulong sa paggalaw ng masel at pagtibok ng puso. Ang iron ay kailangan ng ating pulang dugo (red blood cell). Tandaan lamang na isama ang balat ng patatas sa pagluto dahil nandito ang fiber, potassium at iron. Puwedeng pang-sahog ito sa mechado, menudo o giniling. Ngunit hindi masustansya ang French fries dahil naiprito ito sa mantika at nilagyan ng maraming asin.
3. Kamote (sweet potato) – Ang kamote ay kulay orange dahil sa taglay nitong carotenoids at Vitamin A. Ang carotenoids ay isang sangkap na maaaring makatulong sa pag-iwas sa kanser sa baga, kanser sa balat at kanser sa prostate. Sa mga naninigarilyo, kumain ng isang tasang kamote araw-araw para mabawasan ang tsansang magkaroon ng lung cancer.
4. Saging – Masustansya ang lahat ng klase ng saging tulad ng saba, lakatan at latundan. Makatutulong ang saging sa may ulcer o nangangasim ang sikmura dahil tinatapalan nito ang ating tiyan. Ang saging ay nagpapasaya at nagpapa-kalma sa atin dahil sa taglay nitong tryptophan na nagpapataas ng serotonin (tinatawag na happy hormones). Puwedeng pakainin ang mga bata ng saging para ma-relax sila sa oras ng eksamen. Ang saging ay mayaman din sa potassium na kailangan ng mga nag-e-ehersisyo. Madali pang ibaon ang saging.
5. Yacon – Ang yacon ay hawig ang hitsura sa kamote. May taglay itong pampatamis, ang fructo-oligosaccharides, na ayon sa eksperto ay mabuti sa mga diabetic. Mataas din sa fiber ang yacon kaya nakakabusog ito at puwedeng makapayat.
Sa katunayan, mas masustansya ang mga nabanggit kong pagkain kumpara sa kanin. Kaya mas madalas nating kainin ito bilang kapalit ng kanin.
 
Back
Top Bottom