Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Rights as a kapitbahay??

jajek1234

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
Kailangan ko po nang tulong niyo. Ako lg po mag-isa namumuhay, at meron akong job from 8-5pm. Gusto ko mag pahinga pagkatapos nang duty na yan, kaso, pag dating ko sa bahay, amoy tae nang manok ang nadadatnan ko. Meron po kasing maliit na manukan (3-5 chickens) yung kapit bahay ko.

Ang tanong ko po, ano po ba ang magandang gawin sa mga sitwasyun na ito? Irereklamo ko po ba yung kapitbahay ko? dahil sa amoy, or anu po ba ang dapat kong gawin?:pray:
 
kung mabait naman ang kapitbahay mo, subukan mo munang daanin sa mabuting usapan. sabihin mo nang derekta ang problema mo sa kanya.
 
Bago ka magreklamo sa bgy. kausapin mo muna.. Pakiusapan.. if di madala e-barangay mu na.. Speakin' frm exp.
 
I agree sa mga payo nila. Tamo po yun, personally talk to them first. Mas mabuti po na malinaw sa kapitbahay nyo ang sitwasyon nyo. Kasi po madalas hindi tayo aware sa situation ng kapitbahay natin pero hindi naman ibig sabihin e wala tayong pakialam. Baka ganun nga po, hindi nila narealize na ganyan ang magiging epekto sa inyo ng manukan nila. Better let them know and wait for their response. Kung after po ng usapan nyo ay wala silang gagawing aksyon, mabuti po na sumangguni na po kayo sa kapitan ng Barangay po nyo. Paghaharapin po kayo doon at hopefully ay mag come up po sa solution ng problem nyo. Sana nga po ay maayos po nyo yan. God bless po. :)
 
Try mo din kausapin yong iba nitong kapitbahay. If pare-parehas kayo ng issue, magsumbong na kayo sa kinauukulan.
 
may free consult sa mga attorney sa city hall sa QC :D ikaw ang bahala para alam mo yung mga legal actions
 
Sa "Barangay" muna yan. kausapin mo muna yun Brgy. Captain nyo.
 
Tulad nga po ng sabi ng iba tama po na kausapin nyo muna yun kapitbahay nyo bago kayo mag punta sa Barangay Hall nyo. Kung mapapakiusapan naman at mag kakaayos pa. Kung hindi kayo mag kakaayos dyan na po kayo makipag ugnayan s Barangay hall syempre ang unang lalapitan nyo muna Konsehal/Kapitan. Tapos ipatawag nyo at dun kayo mag usap na sa Barangay Hall, BTW nag tra-trabaho po ako sa barangay kaya medyo alam ko yan ;) :lol:
 
una kausapin kapitbahay. pero ung pakikipag usap na di naman masyado seryoso na bigla mo na lang sasabihan. pwede mo daanin sa intrada na biro. o kaya yayain mo uminom minsan si kapitbahay tapos pag maganda na takbo usapan ipasok mo dahan dahan ung isyo mo pero yng di naman gaanng pa seryoso. pero pag pumalag talaga at sia pa galit barangay mo na. pag ginulo ka pa din talaga ipatumba mo na.
 
Kausapin mo muna kapitbahay mo, hindi naman gaano kabaho yung dumi nang manok maliban nalang cguro kung hindi nililinisan nang maayos yung kulungan nang manok.

Kung nahihirapan ka or natatakot ka mag confront, pwede mo idaan sa barangay tawag dun ata "summon" parang e mitigate dyan.
 
Back
Top Bottom