Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sayang

"Sayang"


“Pare, haha! Wag kang ganyan, di pa nga kami eh. Nahihiya pa kasi ako, kaya medyo adjust adjust ko lang sarili ko kapag andyan sya, hehe. Kailangan ko pa ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na mahal ko sya” sabi ko.

“Tol, yan ka nanaman eh, baka sa huli walang mangyari sa inyong dalawa, ikaw din” sabi ni Ken.

“Haha, hindi yan, ako pa, kayang kaya ko yan syempre! Don’t you worry my friend, I got it all under control, nagkakausap kami, natutuwa sya sakin, eh di ibig sabihin, napapalapit narin ang loob nya sa akin.”

“Ok sige, sabi mo yan.”

Hindi ko akalain na magiging ganito ang pakiramdam ko kapag napalapit na sa isang babae, sobrang bilis ng tibok ng puso ko grabe! Kaya kailangan ko na talaga ipag tapat ang aking nararamdaman sa kanya! Wala na akong palalampasin pa, lalakasan ko talaga ang loob ko.

Iniisip ko parin sya ngayon, habang tinititigan ko ang kisame sa aking pag higa, nakikita ko ang kanyang maaliwalas na mukhang parang anghel. Gusto ko syang laging nakangiti at tumatawa, pero ayoko naming maging loka loka syang tawa ng tawa, haha. Bentang benta ang mga korni jokes ko pagdating sa kanya kaya napapabilis nya ang tibok ng puso ko. Hayy, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo kapag naging kami na.

Bigla akong nakatulog ng mga oras na iyon. Napanaginipan ko si Mika. Masaya kaming kumakain sa isang mall. Kasama nya ang mga kaibigan nya, ako naman ay mag-isa lang kaya medyo naiilang pa ako at puro babae sila pero kinaya ko rin naman kahit papano, di nga lang ako makarelate sa usapan nila. Kaming dalawa lang ni Mika ang nag-uusap kaya umalis muna ang kanyang mga kaibigan. Pinigilan ko sila pero ituloy nalang daw naming ang usapan.

“Kamusta ka naman Mika? Hehe” sabi ko.

“Ok lang naman ako Don, masaya at nakapag gala kahit papano” sabi ni Mika

“May joke ako, para mas maging masaya ka, hehe.”

“Sige nga, make me laugh Don.”

“Game, Mika, nakakita ka na ba ng wala?”

“Eh Don, wala nga eh, pano mo makikita yun aber?”

“Ipikit mo ang mga mata mo, anong nakikita mo?”

“Wala.”

“Oh eh di nakakita ka ng wala! Hahahaha!”

“Haha, grabe ka Don, napatawa mo nanaman ako, kaw talaga.”

“Syempre naman Mika, ikaw pa, hehe, malakas ka sakin kaya lagi akong may baong joke sa’yo. Gusto ko kasing lagi kang natawa, mas nagiging maganda ka.”

“Bolero, tawagin na nga natin mga kasama ko, uwi na tayo.”

“Ay teka Mika, alam mo kasi, ano.”

“Ano?”

“M-maha-m-ma-maha”

Poof! Biglang dumating ang kapatid ko, nagsisisigaw. Gusto ko ulit matulog para maituloy ang panaginip ko pero hindi na naituloy, saying, dun na lumakas ang loob ko eh. Nakakainis tong kapatid ko ang KJ eh, sarap na nga tulog ko with matching nakakainlove na panaginip tapos biglang darating sa kwarto para sumigaw! Kainis!

“Kuya! Kumain ka na daw! May meryenda na!”

Hindi na ako sumagot, unat unat muna pagkatapos ay dumiretso na sa sala para kumain ng meryenda.

Lumipas ang mga araw, nag-attempt akong sabihin kay Mika ang nararamdaman ko pero wala talaga akong lakas ng loob, matagal na kaming magkakilala, matagal ko na syang pinapatawa, matagal na kaming laging nag-uusap pero bakit ganito? Wala parin akong lakas ng loob sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.

Isang araw, nagyaya sya pumunta sa isang restaurant para kami ay kumain. Akala ko kaming dalawa lang pero kasama parin nya ang kanyang mga lecheng kaibigan. Pero alam kong iiwan din nila kami kaya ito na ang oras para sabihin ko sa kanya.

Iniwan nga kami, at nag-usap nanaman kami ni Mika, as always may joke ako sa kanya. Usap usap kami ng matagal, bumalik ang mga kaibigan nya, usap usap kaming lahat tapos ay kumain. Busog ang lahat kasi libre lang dahil doon nagtatrabaho si Mika at malapit pa sya sa boss nya.

“Potek na yan, di ko parin masabi sa kanya ang nararamdaman ko pano ba to? Pauwi na ang lahat, hayyy, next time talaga, sasabihin ko na” sabi ko sa sarili ko.

Nag online ako sa facebook, at bigla kong nakita ang status ni Mika. In a relationship na sya, at di ako makapaniwala, kabarkada ko ang naging BF nya. Nag message ako sa kanya at buti na lamang ay online sya.

”Nice Mika, may BF ka na pala, at si pareng Jess pa ha, galing mo mamili ah. Kamusta naman kayo?” tanong ko kay Mika.

“Hehe, sa tagal na kayang kami, until now masaya kami, walang mga problema” sagot ni Mika.
“Oh sige Mika, out na muna ako ha, may gagawin pa kasi.”

“Oh Don, yung joke mo? Yun pa naman ang hinihintay ko sa’yo.”

“Sorry Mika, wala akong joke ngayon eh.”

Nag-offline na ako sa chat, di ko nakayanan ang nasabi nya. Masaya na sila. Tama nga si Ken, dapat habang maaga pa, sinabi ko na ang nararamdaman ko. Eh di sana ako nalang ang pinili nya kaysa kay Jess na seryoso at walang sense of humor.

Pumunta ako kanila Ken. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at may naisip syang plano kung paano ko makukuha si Mika.

“Don, wag kang mag-alala, may chance ka pa kay Mika. May plano ako dito” sabi ni Ken.

Um-oo nalang ako kay Ken, may tiwala ako sa kanya at alam kong darating ang panahon na magiging kami rin ni Mika kahit naging tanga ako, nagkagusto ba naman sa isang may BF na, pero ilalaban ko ang pagmamahal ko.




**END**
 
outs:slap: nakakarelate ako dito:weep:

hirap nga ng ganyang pakiramdam ung parang may bomba ka sa katawan:weep:
durog pati lamang loob ku nung bagpakasal na sya sa ibang lalaki:weep:
 
hmmm.. ansama naman yata kung paghihiwalayin si jess at mika para sa pag-ibig ni don..hehe

laging ang torpe ang talo kahit sila yung totoong nagmamahal.
 
Hindi ko alam, pero parang may kulang pang parts sa story.
Sana hindi ito yung huling installment... LOL!

So si Don yung nagyaya ng inuman sa Pulang Kahon? #malamang #nagtatanongpaeh
 
choy, nagawa ko lang tong story gawa ng isa kong kaibigan.. :(

levin, wew.. :D

panjo, hehe, desperado ata si Don..haha :evillol:

heinriq, ehem, tingnan natin :naughty:
 
sayang.. Bakit hindi kita niligawan.. Ngayon ako'y nanghihinayang..kasi naman tatanga tanga pa ako noon walang humpay na paghihintay sa hindi dumarating na pagkakataon:lol:


simple pero rock iskay!:rock:

:thanks: dito
 
masakit man isipin pero nakakarelate ako sa kwento mo.
ang hirap talaga maging torpe. anu kaya ang gamot sa sakit
na ito.?? :((
 
Yes sir, hehe. Kaya nga waiting ako sa isa pang sequel para trilogy na :D. Mas nakita ko kasi POV ni Jess sa "Ang Pulang Kahon" e. :)

kakabasa ko lang uli, 2011 pa kasi to .. but deeeem! yung twist, haha. kahit ako natuwa :lol: kaya pala gusto mo ng POV ni Mika, sige gagawan ko if ever magka time uli gumawa ng stories :)
 
kakabasa ko lang uli, 2011 pa kasi to .. but deeeem! yung twist, haha. kahit ako natuwa :lol: kaya pala gusto mo ng POV ni Mika, sige gagawan ko if ever magka time uli gumawa ng stories :)

hehehe salamat sir. ngayon lang kasi ako napadpad dito sa section na to and nakita ko mga stories nyo :) waiting na lang ako/kami sa update :D thanks and more power! :D
 
Wow sir. You really made one tho that was 8 years apart. Our deepest gratitude for your works. Salute! :)

haha, though sinimplehan ko lang, di ako masyadong naglagay ng detalye. still left the mystery open, hanggang dun na lang. :lol:

salamat sa pagbabasa :thumbsup:
 
Back
Top Bottom