Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Spoken Words (updated with recording)

Himutok Sa Bus Stop (LDR DRAMA)








Ang tulin talagang lumakad ng oras kapag kasama kita,parang hinihila ang maghapon.

Parang isang iglap lang ang isang oras.

Parang isang kisap-mata lang.

Parang eskwela lang,maya-maya lang uwian na.

Kabaligtaran naman pag wala ka,ang isang araw parang ayaw ng matapos.

Para akong kandila,unti-unting nauupos.

Ang bigat sa pakiramdam at mahirap kumilos.





Parang engot na parang hindi..

Kapag paalis ka na ulet,pakiramdam ko nawawalan ako ng sariling baet.

Sisimangot tapos ngingiti ulet!





Ang labo at ang gulo.

Ako nga din eh naguguluhan!





Nakakahilo,nakakalito,nakaka-aburido.

Paikot-ikot lang at paulet-ulet!!





Bakit?

Ano?

Paano?

Ha?

at kelan ulet??

Mga katanungang walang matinong kasagutan,kung meron man,puro lang din ewan.





Pawisan na ang pagitan ng ating mga palad.

Nagsisimula ng mangalay ang aking kamay pero ayokong bumitaw.

Holding hands while walking,may pa-sway sway pa pero panlasa ko'y mapakla kapag inihahatid kita.

Otomatikong bumibitaw ang kamay mo pagdating sa hintayan ng sasakyan pero para lamang iyakap sa aking tagiliran.

At para lang mas malungkot ako....





Ihihilig mo pa nga ang iyong ulo sa aking balikat.

Para lang mas lalong madoble ang bigat ng dibdib na aking kinikipkip...

Aakbay pa at aapir.

Magbabaka-sakaling makabawas sa lungkot at sakit...

Baka-sakaling mapahiya ang aking mga mata sa pag-iyak,baka sakaling magkusa ang mga luhang,wag pumatak!

Pero hindi eh...

Wa-epek!!

Ngayon pa nga lang namimiss na talaga kita.

Namimiss na agad kita!!

At kapag pala ang lungkot at ang sakit ay nagsabay....

Parang naghihiwa ka ng sibuyas.

Parang tubong may butas.

Ang luha kahit pigilan,kusang tumatagas.







Ayokong tignan mo ako sa aking mga mata..

O mas tamang,ayokong makita mo'ng mahina ako.

Pero para saan ba ang pagpapanggap na malakas?

Nadudurog na ang loob,magpapakatatag ka pa sa labas??







Nauubos din pala ang tamis ng iyong halik.

Sa goodbye kiss kasi,nalalasa ko'y puro lang pait!







Susundan ko ng tanaw ang sinasakyan mo.

Hanggang sa tuluyang mawala sa aking paningin.

Hanggang sa wala na.

At kapag wala ka na talaga,at mag-isa na lang ako.

Saka ako magsisisi at manghihinayang.

Sana hindi kita pinayagang umalis..

Sana pinigilan kita..

Sana humirit ako ng hanggang bukas,o kahit hanggang mamayang gabi lang!

Sana,sana,sana at napakarami pa'ng sana.

Sana dito ka na lang!

Pero hindi pwedeng dito ka na lang..

Kelangan nating maghiwalay.

Hindi sa dahil iyon ang ating gusto,pero iyon ang dapat..

Iisipin ko na lang na may magandang panahon na inilalaan ang langit para sa'ten.

Pero sana ngayon na yun!!

Ngayon na lang sana.....

Ngayon habang sariwa pa ang saya.

Ngayong hindi ko na kayang mawala ka!!







"Ingat ha!!"

"Sa'yo na lang ang ingat ko para sure akong safe ka talaga!".....





Panghahawakan ko na lang ang tugon mo'ng mahal kita,upang maging masaya kahit sa mga sandaling hindi ka kasama...









PS: Walang tatawa sa recording ko ha,alam ko'ng boses palaka ako. Subok lang naman,mag-isa sa apartment eh. Goodvibes lang,apir!
 

Attachments

  • Himutok Sa Bus Stop (LDR DRAMA) (1).mp3
    2 MB
Last edited:
Re: Spoken Words

Maalam ka maglapat ng nota kapanalig? Wala pa yang lapat,matagal ko na gustong makahanap ng maglalapat ng nota. Wala kasi akong alam na instrumento,naubos na daliri ko hindi pa din ako maalam maggitara. Gumagawa din kasi ako ng kanta. May isa pa akong nagawang kanta ipost ko dito or pag usapan natin sa PM,english yun.


Teka: Pwede ba yan lapatan ng tugtog,sensya bano talaga ako sa musika thingy. Salamat sa pagdaan dito sir.
 
Last edited:
Re: Spoken Words

Dangang spoken word ito marahil mas maiging nairecord mo ang pagbigkas dito:yes:

Nadinig sana ng madla ang mga damdaming naipapahayag ng iyong tinig.

:thanks: sa pag babahagi kapanalig!
 
Re: Spoken Words

Nakakahiya kapanalig panget ng boses ko ahaha,hayaan ko na lang ang babasa ang mag-imagine haha.
Repost ko lang yan dun yan galing sa nabanned kong account,iniisa isa ko lang pagrerepost para magsama sama lahat ng works ko dito sa bago kong account,matagal ko na nasulat yan kaso hindi pa uso or (hindi ko lang alam)spoken words nuong nasulat ko yan.


Pero try ko irecord pagbigkas nyan mamaya kapag mag-isa na lang ako dito sa bahay,lol.
 
Re: Spoken Words

nice naman..

Pero para saan ba ang pagpapanggap na malakas?

Nadudurog na ang loob,magpapakatatag ka pa sa labas??


awts yung line na to..



ang galing galing idol na rin kita.. :clap: :clap:
 
Re: Spoken Words

Salamat sa pagdaan dito kapanalig. Wala naman yang idol idol na yan,ikaw yung totoong idol ko. Ikaw at kayo na nagtyatyaga at aktibo dito sa lits,kayong lahat ang dahilan kung bakit kahit papaano may pag-asang lumawig pa ang mundo ng literatura,apir! Salamat!
 
Back
Top Bottom