Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
Aaahh kaya pala. Hehe. Yung daan pala ang tinutukoy mo akala ko yung mismong bridge. Alam mo ba kung anong ahensiya ng gobyerno ang dapat gumawa jan? Tanong lang.

Baka kasi hindi ka pamilyar sa mga ahensiya ng gobyerno e, kaya pwede mo i google.. you know, do a bit of research? 😌
Post automatically merged:

BBM tayo kaysa naman sa lutang
Hehe si bbm po ba hindi lutang na paulit ulit na sinasabi yung "pagkakaisa"? Saka yan lang ang dahilan mo po?
Post automatically merged:

Ako BBM Kasi Nung si Ferdinand Marcos, mababa kuryente, at may nutribun lahat ng bata s public school.
Ngayon sobra taas ng kuryente, at yung kasali Lang s feeding program n bata ang may food supply galing deped,,
Aahh so ang dahilan mo ay yung tatay ni ferdinand marcos jr kaya mo siya gusto?
Post automatically merged:

Oi @techn0mech eto yung mga sample ng sinasabi mo oh, kung hindi ba nag research 😆😅
 
Last edited:
severe bruxism - grinding ng teeth, isa sa side effect ng cocaine. i don't like BBM but i cannot simple accuse the man na nagco-cocaine siya. wala tayo solid evidence kasi. oo, posible, since nasa point naman yung explanation ni @LoremIpsum , bakit nga naman ayaw ng public? di naman siya iihi sa harap ng madla. meron pang sinasabi na nagbigay si BBM ng cocaine, alcohol at drugs kay keith richards, member of rolling stone noong isa sa mga tour daw nila. pero since magazine lang nailathala, di pa rin siya solid evidence for me, kaya i'll consider this as tsismis/tamang-hinala pa rin. di yan kagaya ng mga kaso niya or interview na nagsinungaling siya at may solid evidence. BBM on cocaine is still a myth for me parang tallano gold. pwede ko siya ilagay sa kategorya ng paninira lamang. kaya sa mga nilalagay kong argumento, never ko nilagay yung BBM using cocaine.
 
Di naman din ako nag accused... Di ko naman sinabing nagko-coke siya. Sabi ko lang ngumi-ngiwi siya at what a coincidence na yung pag ngiwi ay one of the side effects ng mga addict sa coke. Kaya nga sabi ko malapit na tayo magkaroon ng presidenteng ngumi-ngiwi e... Kasi totoo namang ngumi-ngiwi siya at siya pa ang nangunguna sa survey with 64% :( :D

Kaya ko nga sila tinatanong kasi may duda na naiwan sa isip ng mga tao. Sabi kasi ni PRRD may presidentiable na gumagamit ng coke. Yung pag ngiwi ay side effect ng coke. Sa lahat ng candidates na nagpa test sa PDEA, tanging si bbm lang ang hindi sa PDEA at ginawa yung test sa private tapos ayaw niya ng mag retake in public. So okay na ba sa mga bbm supporters yun? As in tipong kaduda-duda e pero wala na sila pakialam basta magkaisa lang? Yun na yun ganon nila kadaling tanggapin yung sagot sa kanila without verifying it?

Correct ka jan myth yung coke issue ni bbm. So para mawala talaga yung duda, napakadali sanang tapusin ni bbm yan kapag pumayag siya mag retake ng drug test. Pero ayaw niya e... WHYYYY? Paninira? I don't think so kasi talaga namang ngumi-ngiwi siya. May duda ba regarding sa pag ngiwi niya na dahil ba sa coke? Yes definitely. :)
 
Last edited:
bbm ako dahil lahat ng kamag anak ko ay maka bbm hehe
Oi @techn0mech eto pa isa oh haha :LOL:
Post automatically merged:

severe bruxism - grinding ng teeth, isa sa side effect ng cocaine. i don't like BBM but i cannot simple accuse the man na nagco-cocaine siya. wala tayo solid evidence kasi. oo, posible, since nasa point naman yung explanation ni @LoremIpsum , bakit nga naman ayaw ng public? di naman siya iihi sa harap ng madla. meron pang sinasabi na nagbigay si BBM ng cocaine, alcohol at drugs kay keith richards, member of rolling stone noong isa sa mga tour daw nila. pero since magazine lang nailathala, di pa rin siya solid evidence for me, kaya i'll consider this as tsismis/tamang-hinala pa rin. di yan kagaya ng mga kaso niya or interview na nagsinungaling siya at may solid evidence. BBM on cocaine is still a myth for me parang tallano gold. pwede ko siya ilagay sa kategorya ng paninira lamang. kaya sa mga nilalagay kong argumento, never ko nilagay yung BBM using cocaine.
Tanong ko po pala. Legit question, no sarcasm. Maayos na tanong po... Ano masasabi mo bilang Leni supporter na may endorsement na si Joma Sison kay Leni? Tapos si Leni hindi naman niya makondina yung NPA. Pano yun?
 
Di naman din ako nag accused... Di ko naman sinabing nagko-coke siya. Sabi ko lang ngumi-ngiwi siya at what a coincidence na yung pag ngiwi ay one of the side effects ng mga addict sa coke. Kaya nga sabi ko malapit na tayo magkaroon ng presidenteng ngumi-ngiwi e... Kasi totoo namang ngumi-ngiwi siya at siya pa ang nangunguna sa survey with 64% :( :D

Kaya ko nga sila tinatanong kasi may duda na naiwan sa isip ng mga tao. Sabi kasi ni PRRD may presidentiable na gumagamit ng coke. Yung pag ngiwi ay side effect ng coke. Sa lahat ng candidates na nagpa test sa PDEA, tanging si bbm lang ang hindi sa PDEA at ginawa yung test sa private tapos ayaw niya ng mag retake in public. So okay na ba sa mga bbm supporters yun? As in tipong kaduda-duda e pero wala na sila pakialam basta magkaisa lang? Yun na yun ganon nila kadaling tanggapin yung sagot sa kanila without verifying it?

Correct ka jan myth yung coke issue ni bbm. So para mawala talaga yung duda, napakadali sanang tapusin ni bbm yan kapag pumayag siya mag retake ng drug test. Pero ayaw niya e... WHYYYY? :cautious:🤨

yan ang malaking tanong WHY talaga. unfortunately di natin makukuha yung sagot and we cannot force candidates para sa drug test. manalo-matalo siya, isa yan sa mga katanungan na malabo ng masagot ng katotohanan.

bbm ako dahil lahat ng kamag anak ko ay maka bbm hehe

kahit saang may usaping BBM at leni, di mawawala yung mga trolls. napasok na tayo dito. haha. newly created account.
 
Last edited:
yan ang malaking tanong WHY talaga. unfortunately di natin makukuha yung sagot and we cannot force candidates para sa drug test. manalo-matalo siya, isa yan sa mga katanungan na malabo ng masagot ng katotohanan.
Nadale mo. Pero ang nakakatawa lang talaga para sa akin ay yung mga supporters kasi. Okay na sa kanila yon basta magkaisa lang sila hehehe

yan ang malaking tanong WHY talaga. unfortunately di natin makukuha yung sagot and we cannot force candidates para sa drug test. manalo-matalo siya, isa yan sa mga katanungan na malabo ng masagot ng katotohanan.

kahit saang may usaping BBM at leni, di mawawala yung mga trolls. napasok na tayo dito. haha. newly created account.
sure ka sa sinasabi mo? 2011 pa ako member ng symbianize.. nagregister lang ako ulit

goodluck sa botohan
 
pasensya na akala ko kasi di ka seryoso sa sagot mo. saka newly created yung account. akala ko tuloy niloloko kami sa sagot, seryoso pala yung dahil sa mga kamag-anak. pang fb kasi sagot. pasensya na ulit.

Post automatically merged:

Tanong ko po pala. Legit question, no sarcasm. Maayos na tanong po... Ano masasabi mo bilang Leni supporter na may endorsement na si Joma Sison kay Leni? Tapos si Leni hindi naman niya makondina yung NPA. Pano yun?

eto ay personal na sagot ko lamang, wala akong pake sa endorsement ni Joma Sison. kagaya ng wala akong pake sa endorsement ng mga artista, pintor, influencer, author at iba pa. MILF nga si leni pa rin ginusto. ayoko naman sabihin na baka dahil kay leni, MAGKAISA. baka tumino. kung tiwala si Joma Sison kay leni, edi sige. may usapan ba sila? di ko alam. pwedeng meron, pwedeng wala. ang tinitingnan ko yung plataporma, achievement, educational attainment, mga naging kaso sa korte ng mga kandidato, interviews. nandun dahilan ng pagboto ko. hindi sa suporta ng partido o kung ano pang samahan.

sa pagkondina ng NPA, ngayon pa ba. ilang weeks na lang botohan na. sabi nga nila, double time. haha. pokus sa kampanya. parang wala ng time isipin sila sa ngayon. kung halimbawa lang, palarin si leni manalo as president, tapos may ginawa na naman katarantaduhan ang NPA, at wala siyang aksyon, iba na usapan yan. di porket leni boboto ko, di ko siya iki-critic kung may di ako magustuhan sa gagawin niya. saka yung ibang kandidato ba sa presidentiables, kumukundina NGAYON sa NPA?
 
pasensya na akala ko kasi di ka seryoso sa sagot mo. saka newly created yung account. akala ko tuloy niloloko kami sa sagot, seryoso pala yung dahil sa mga kamag-anak. pang fb kasi sagot. pasensya na ulit.
Post automatically merged:

eto ay personal na sagot ko lamang, wala akong pake sa endorsement ni Joma Sison. kagaya ng wala akong pake sa endorsement ng mga artista, pintor, influencer, author at iba pa. MILF nga si leni pa rin ginusto. ayoko naman sabihin na baka dahil kay leni, MAGKAISA. baka tumino. kung tiwala si Joma Sison kay leni, edi sige. may usapan ba sila? di ko alam. pwedeng meron, pwedeng wala. ang tinitingnan ko yung plataporma, achievement, educational attainment, mga naging kaso sa korte ng mga kandidato, interviews. nandun dahilan ng pagboto ko. hindi sa suporta ng partido o kung ano pang samahan.

sa pagkondina ng NPA, ngayon pa ba. ilang weeks na lang botohan na. sabi nga nila, double time. haha. pokus sa kampanya. parang wala ng time isipin sila sa ngayon. kung halimbawa lang, palarin si leni manalo as president, tapos may ginawa na naman katarantaduhan ang NPA, at wala siyang aksyon, iba na usapan yan. di porket leni boboto ko, di ko siya iki-critic kung may di ako magustuhan sa gagawin niya. saka yung ibang kandidato ba sa presidentiables, kumukundina NGAYON sa NPA?
Ganito ang sagot. May dahilan at paliwanag. Okay po salamat sa sagot mo :)

Tungkol sa huling sentence mo, yup. Si Isko sabi niya peace talk sige, papakinggan sila kung maayos makipag-usap. Pero kung may violence and armies involved, di niya hahayaan yon. Parang si PRRD din dati pagkaupo noong 2016. May peace talk. Pero during peace talk ginegera ng NPA yung mga sundalo e ayun kaya ayaw na ni PRRD.
 
Tanong ko lang @TheProdigalSon , no sarcasm, seryosong tanong lang, ikaw po, bilang isang bbm supporter, ano ang tingin mo kay bbm na ayaw niyang mag retake ng drug test sa PDEA? Ginawa niya kasi yung test in private e alam naman natin yan dahil nasa news yan at siya nagsabi niyan tapos "negative" daw siya, but when he was asked if he is willing to be tested again in public at sa PDEA, ayaw niya na. Siya lang ang tanging sa private nagpa test, lahat sa PDEA at negative sila.

Sabi ni PRRD may presidentiable daw na nagko coke. Ang isa sa side effect ng gumagamit ng coke ay pag ngiwi. Tanging si bbm lang ang nagpapakita ng ganyang pag ngiwi.

Ayos lang ba sayo na ayaw na ni bbm mag retake ng drug test sa PDEA para mawala talaga yung agam-agam o doubt ng tao sa kaniya?

Totoo naman na pwede niya gawin yan kahit saan dahil wala naman yan sa batas. Sabi nga nung isang bbm supporter dito ay parang sa work lang yan hahanapan ka ng drug test sa clinic. Ang problema kasi, ang reality, yung mga company merong PREFERRED clinic kung saan ka dapat magpa test. Pag di galing yung result sa clinic na recommended nila ay di valid yun. Sa kaso ni bbm, highest public position ang ina applyan niya. Makatwiran lang po na sa PDEA gawin ang test at hindi sa kung saang private hospital o clinic at private session pa.
Post automatically merged:

Di ka po ba updated? Check mo nalang, tagal ng naayos niyan :)

All your posts are instigating, sana constructive naman.

Yung cocaine issue, it was brought up to badger the presidential candidates.
It was never a qualification based on the 1987 Constitution and the public only made an issue with it since it was brought up by PRRD.
No one told them it was compulsory to provide one, yet they did anyway.
At nung binigay naman, di parin naniwala. Walang satisfaction.

Knowing BBM and the Marcos' stance on repetitive criticism, it was likely na di na nila papatulan pa ulit yan.

Kasi some of us are never satisfied when it is not in our side yung nabigay na result,
It would be easy to try and invalidate it rather than accept it.
 
Ganito ang sagot. May dahilan at paliwanag. Okay po salamat sa sagot mo :)

Tungkol sa huling sentence mo, yup. Si Isko sabi niya peace talk sige, papakinggan sila kung maayos makipag-usap. Pero kung may violence and armies involved, di niya hahayaan yon. Parang si PRRD din dati pagkaupo noong 2016. May peace talk. Pero during peace talk ginegera ng NPA yung mga sundalo e ayun kaya ayaw na ni PRRD.

badtrip din kasi mga rebelde rin yan. naalala ko tuloy yung time na pinaulanan nila ng bala yung mga maghahatid lang na mga militar ng relief goods few years ago. pero medyo trivia muna tayo, pwedeng myth. si marcos sr. daw number 1 recruiter ng NPA noon? tapos nung before martial law, kung tama ang alala ko, sorry agad kung mali, 2,000 lang members. after martial law, tumaas ng 20,000 ang estimate dahil hindi sila masaya sa pamamahala noon.

buti si isko may comment regarding NPA. wala pa ako narinig from leni as of now, baka di ko nabalitaan or none at all. di ko rin narinig na nagpasalamat man lang siya. hahaha. sa bagay baka ma-isyu lalo. kung ano man koneksyon nilang dalawa, leni at joma, kung meron man, sana para sa ikabubuti ng lahat. nangangapa pa tayo sa usaping ito.
 
Aaahh kaya pala. Hehe. Yung daan pala ang tinutukoy mo akala ko yung mismong bridge. Alam mo ba kung anong ahensiya ng gobyerno ang dapat gumawa jan? Tanong lang.

Baka kasi hindi ka pamilyar sa mga ahensiya ng gobyerno e, kaya pwede mo i google.. you know, do a bit of research? 😌
Tapat lang ng cityhall tapos iaasa sa ibang ahensya? Ang tagal na sira tapos hindi man lang maayos :p
 
All your posts are instigating, sana constructive naman.

Yung cocaine issue, it was brought up to badger the presidential candidates.
It was never a qualification based on the 1987 Constitution and the public only made an issue with it since it was brought up by PRRD.
No one told them it was compulsory to provide one, yet they did anyway.
At nung binigay naman, di parin naniwala. Walang satisfaction.

Knowing BBM and the Marcos' stance on repetitive criticism, it was likely na di na nila papatulan pa ulit yan.

Kasi some of us are never satisfied when it is not in our side yung nabigay na result,
It would be easy to try and invalidate it rather than accept it.
Korek. Tama ka naman po talagang hindi required yung drug test dahil wala talaga sa batas yan sa qualifications. Pero bilang isang ordinaryong mamamayan, na hinihingan ng drug test pag mag a apply sa trabaho, hindi ba nararapat lang na ang highest public position ay meron ding ganyang qualifications? Now siyempre wala tayo magagawa jan unless mabago ang constitution.

Ngayong naging issue yan dahil sinabi nga yan ni PRRD, para mawala talaga sana ang duda ng mga tao sa issue ng cocaine kay bbm, hindi ba sana sa tamang venue ginawa ni bbm yung test at hindi private? At kung hilingan siya ng retake sa PDEA in public tapos negative talaga siya, eh di tapos na yung issue sana hindi ba? Kumbaga masasabi pa sana ni bbm ng taas noo sa critics niya na "Oh ano kayo ngayon mali na naman kayo no pahiya kayo?". Kaso hindi ganun e

So okay na po talaga sayo yon? Kumbaga wala ka ng duda talaga na negative si bbm sa coke kahit na ngumi-ngiwi siya na sign ng gumagamit ng coke kahit private niya ginawa yung test at hindi sa PDEA? Just to be clear lang po :)
Post automatically merged:

Tapat lang ng cityhall tapos iaasa sa ibang ahensya? Ang tagal na sira tapos hindi man lang maayos :p
Ay? Hehehe. Seryoso ka?
Post automatically merged:

badtrip din kasi mga rebelde rin yan. naalala ko tuloy yung time na pinaulanan nila ng bala yung mga maghahatid lang na mga militar ng relief goods few years ago. pero medyo trivia muna tayo, pwedeng myth. si marcos sr. daw number 1 recruiter ng NPA noon? tapos nung before martial law, kung tama ang alala ko, sorry agad kung mali, 2,000 lang members. after martial law, tumaas ng 20,000 ang estimate dahil hindi sila masaya sa pamamahala noon.

buti si isko may comment regarding NPA. wala pa ako narinig from leni as of now, baka di ko nabalitaan or none at all. di ko rin narinig na nagpasalamat man lang siya. hahaha. sa bagay baka ma-isyu lalo. kung ano man koneksyon nilang dalawa, leni at joma, kung meron man, sana para sa ikabubuti ng lahat. nangangapa pa tayo sa usaping ito.
Yung sa NPA, ewan ko lang. Pero sabi ang founder daw niyan ay sina Ninoy at Joma. Hindi siguro magiging recruiter si FM sr kasi pinakulong nga niya sina Joma at Ninoy e. Kaya lang siguro tumaas yung members ng NPA after ML ay dahil narin nakawala na leaders nila. Siguro lumala din yung ML later period na, kung hindi man si FM may alam e yung mga ibang sundalo sa baba niya baka gumagawa ng masama talaga tapos ang sisi kay FM, kaya nakahikayat ng maraming member yung mga nasa bundok

Alam naman nating hindi gagawa ng makakabuti sa pinas sila Joma at grupo niya sir. Kaya parang tagilid kung may usapan man sila Leni and team o Joma (kung meron man).
 
Last edited:
Ako BBM Kasi Nung si Ferdinand Marcos, mababa kuryente, at may nutribun lahat ng bata s public school.
Ngayon sobra taas ng kuryente, at yung kasali Lang s feeding program n bata ang may food supply galing deped,,
Thank you sir, for stating your reason, pero again po, Ferdinand Marcos Sr. and Ferdinand Marcos Jr. are not the same person. Sr's achievements are made by him. Hindi po dapat ma credit yung mga yun kay Jr. dahil hindi naman po siya yung may gawa.

Hindi po dahil mag-ama sila parehas na sila ng magagawa, actually po up to now. Kahit anong magandang sabihin ng mga tumatakbong presidente, kung hindi nila kayang ipaliwanag or ilatag kung paano nila ito magagawa, parang pambobola lang po yung ginagawa sa atin.
 
Yung sa NPA, ewan ko lang. Pero sabi ang founder daw niyan ay sina Ninoy at Joma. Hindi siguro magiging recruiter si FM sr kasi pinakulong nga niya sina Joma at Ninoy e. Kaya lang siguro tumaas yung members ng NPA after ML ay dahil narin nakawala na leaders nila. Siguro lumala din yung ML later period na, kung hindi man si FM may alam e yung mga ibang sundalo sa baba niya baka gumagawa ng masama talaga tapos ang sisi kay FM, kaya nakahikayat ng maraming member yung mga nasa bundok

Alam naman nating hindi gagawa ng makakabuti sa pinas sila Joma at grupo niya sir. Kaya parang tagilid kung may usapan man sila Leni and team o Joma (kung meron man).

ayun ay tsismis lang naman din. tsismis noon, nasa kasaysayan ngayon. alam mo naman involved politika. kakampi mo ngayon, pwedeng bukas kalaban mo na. may di raw pinagkasunduan, lumaban, kulong. yan din isa pa, ninoy naman daw isa sa founder. pero friends sila dati ni marcos sr di ba? marcos sr involved in NPA ay haka-haka lang din. myth. no solid proof. word of mouth lang kaya nakarating sa kasalukuyan. unless sabihin ni joma. may nakwento na ba siya? di ko talaga alam.

kung gagawa ng mabuti o hindi, may usapan ba o wala, magkaalaman na lang din kapag pinalad si leni umupo which is hindi sure kung uupo. sabi ko nga kung meron man usapan, sana para sa ikabubuti ng lahat. di lang talaga kasama si joma sa factor ng pagpili ko ng kandidato. kung sumuporta siya sa ibang kandidato, di ko rin magagamit yun as minus points sa kanila o ilagay pangpadumi sa profile at credentials nila.
 
Oi @techn0mech eto pa isa. Ano nasagot na ba yung sarili mong tanong? :)
Haha, akala ko ba kayo tong mga taong WELL RESEARCHED? E fact check mo kaya baka ma confirmed mong troll na naman yan at mag file ng complaint sa staff na rigged ang poll. Galingan niyo pa po sa pag explain kasi 13 days nalang po bago ang botohan, baka maka akay ka pa po ng 10 persons sabi ni Ateng Angel Locsin. 🤣
 
Wahaha pinakitaan lang kita ng sampol kasi. Angat ka pa ng konti ng post, meron din dalawa apakababaw ng dahilan nila. Magaling daw kasi yung "tatay" kaya niya gusto si bbm eh sinabi na nga sa simula ng thread na to na yung mga ganong dahilan ay wag na sana kasama e. Ibig sabihin hindi marunong magbasa. Parang yung isa, nagalit pa nung sabihan ni TS ng troll akala niya troll yun pala matagal na daw siya sa SB haha. Nakikiuso e 😆

By the way paps, tanong ko lang ikaw, seryosong tanong walang halong sarcasm. May tanong ako kay theProdigalSon about sa pag tanggi ni bbm mag retake ng drug test dahil ginawa niya ito in private instead na PDEA at public. Siyempre sa power and money niya posibleng rigged yung ginawa niyang test in private. Out of all candidates kasi, si bbm lang ang ngumi-ngiwi na one of the side effects ng cocaine. It's true hindi niya kailangan mag drug test dahil wala naman yan sa requirements ayon sa batas. Pero para patunayan lang ba sa tao at maalis ang duda na hindi talaga siya yung tinutukoy ni PRRD na presidentiable na gumagamit ng cocaine at matapos na yung issue o myth na gumagamit siya ng drugs, mag retake sana siya ng drug test sa PDEA at in public na pinakatamang venue. Kaso ayaw niya e.

So ikaw ayos na sayo yan? I mean, tipong wala ka na pakielam o duda kahit "baka" there is probability na gumagamit nga talaga siya dahil siya lang naman out of all 10 ang ngumi-ngiwi, basta manalo lang siya okay na yon sayo. Kahit "baka" magkaroon nga tayo ng presidenteng nakapag drugs ng cocaine ayos lang din sayo. Ganun ka rin ba?

Seryosong tanong yan, gusto ko lang malaman opinyon mo/niyo. Anyone pwede sumagot :)

Post automatically merged:

Thank you sir, for stating your reason, pero again po, Ferdinand Marcos Sr. and Ferdinand Marcos Jr. are not the same person. Sr's achievements are made by him. Hindi po dapat ma credit yung mga yun kay Jr. dahil hindi naman po siya yung may gawa.

Hindi po dahil mag-ama sila parehas na sila ng magagawa, actually po up to now. Kahit anong magandang sabihin ng mga tumatakbong presidente, kung hindi nila kayang ipaliwanag or ilatag kung paano nila ito magagawa, parang pambobola lang po yung ginagawa sa atin.
Exactly. Iba kasi yung nangangako ng may proof na nagawa niya na yon e kesa nangangako na puro salita lang. Pambobola lang talaga. Kaso okay na sa karamihan ng pinoy yung binobola sila e. Masaya na sila don. Local o national man
Post automatically merged:

ayun ay tsismis lang naman din. tsismis noon, nasa kasaysayan ngayon. alam mo naman involved politika. kakampi mo ngayon, pwedeng bukas kalaban mo na. may di raw pinagkasunduan, lumaban, kulong. yan din isa pa, ninoy naman daw isa sa founder. pero friends sila dati ni marcos sr di ba? marcos sr involved in NPA ay haka-haka lang din. myth. no solid proof. word of mouth lang kaya nakarating sa kasalukuyan. unless sabihin ni joma. may nakwento na ba siya? di ko talaga alam.

kung gagawa ng mabuti o hindi, may usapan ba o wala, magkaalaman na lang din kapag pinalad si leni umupo which is hindi sure kung uupo. sabi ko nga kung meron man usapan, sana para sa ikabubuti ng lahat. di lang talaga kasama si joma sa factor ng pagpili ko ng kandidato. kung sumuporta siya sa ibang kandidato, di ko rin magagamit yun as minus points sa kanila o ilagay pangpadumi sa profile at credentials nila.
Sabagay may punto ka jan. May tanong pa ko seryoso din...

Di mo ba gusto mga ginawa ni PRRD sa bansa or di ka ba bilib? I mean, in 6 years kasi sa mata ng dilaw at kahit si Leni ay parang wala ng ginawang tama ang current admin dahil puna siya ng puna. Kaya tuloy sabi ni PRRD na walang alam si Leni kahit abogado kaya wag daw iboto. Ano masasabi mo?

Nakita naman din kasi ng majority ng pinoy yung mga nagawa ng prrd admin like airports, roads, trains, etc dahil sa bbb kaya kahit patapos na si prrd e apakataas parin ng feedback sa kaniya. So naniniwala parin ang majority ng tao sa kaniya. Ikaw ba?

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom