Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Must read mga 90's kids!

Share ko lang po tong napulot ko! Eto rin siguro yung mga ginagawa mo dati. Enjoy reminiscing the past! good times... Danda talaga!


Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (alam mo yan!)

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Hadukken!)

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (ako, hanggang kaskas lang sa sapatos. takot ako pag kamay. haha)

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (panalo!)

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (i loved Toni Kukoc

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (HAHA!)

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (the best!)

May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (panalo!)

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (eto sakin! hahaha!)

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (girls, may shorts sa ilalim ng palda para sa 10-20 tas pag-uwi sobrang dumi na ng socks!!!! HAHA!)

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (man! i actually had one of those! haha!)

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (don't forget Bomber Man and Pacman! haha. good times

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (i was sporty spice!)

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (oo na, i was a BSB fan. wild! haha!)

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha!)

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, (calling Vincent and Renel) at Cedie. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Cedie: pang-afternoon kids!)

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (haha!)

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (nanginginig ako nung nag-new year non! haha!)

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (di ako naniwala. i thought she was one of those people who would live forever.)

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (who knows SPLASH???)

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.


Saya noh? :excited: Ang saya maging bata!
 
Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.​


kung sino yung mga clasmate ko na ganito ang pencil case e sila yung zero sa quiz hahahaha :rofl:


Lahat ng nag reply dito 20 and above na haha
 
Last edited:
galing TS alam ko lahat yan...pwd ko maerepost?para maalala ng mga klasmyt ko dati?
 
ok no problem, nkacredit tol sayo...salamat d2...bat di kasma ung text money? adik din kasi tropa nmin non sa MOrtal Combat, nintendo, 90 kid's RULE!!!
 
HIHIHIHIHIHIHIHI BATANG 90s PALA AKO!!!! ................................................................. Astig ka pag UNDERCUT ang Gupit at may WALKMAN!!! ang tape mo ay korn, slipnot, red hot chili pepper, at any HARDCORE band! lol
 
Ok toh 90's din ako eh nka relate ako d2 hahah nkakatuwa pag binasa mo toh may naaalala ka hahaha:lol:
 
Ok toh 90's din ako eh nka relate ako d2 hahah nkakatuwa pag binasa mo toh may naaalala ka hahaha:lol:

Yun nga ang purpose ng thread na to sir! Para makapag- reminisce din at maalala yung masasayang bagay noon.. Na simple lang, di gaanong kabigat ang mga problema, at higit sa lahat masaya! :yipee: :clap: :thumbsup: :salute:
 
:lol:


Those were the times...


Ngayon,, pa english english na yung mga millenium kids...
 
:lol: Nag bago na nga eh.. Yung mga alam ng mga bata ngayon, di ko alam nung ganung edad ako.. :lol:
 
hindi ko to gaanong pinapansin nung una
pero matapos kong basahin tawa na ako ng tawa :rofl:

those were the days na di pa uso ang facebook, twitter, tumblr, blogs, etc
yung mga panahon na [ag may gustong kang sabihin talagang mag de-dear diary ka :lol:


sana yung panahon dati na masasaya pa tayong mga bata ay maranasan din ng mga
kabataan ngayon :lol:
 
hindi ko to gaanong pinapansin nung una
pero matapos kong basahin tawa na ako ng tawa :rofl:

those were the days na di pa uso ang facebook, twitter, tumblr, blogs, etc
yung mga panahon na [ag may gustong kang sabihin talagang mag de-dear diary ka :lol:

Thanks for appreciation! :salute:

sana yung panahon dati na masasaya pa tayong mga bata ay maranasan din ng mga
kabataan ngayon :lol:


Kaya lang mukang di na yata mangyayari yun eh, iba na ngayon! :lol:

Sayang sila di nila naranasan kung gaano kasaya nun! :dance:
 
homaygad! :wow:

super relate ako dito lalo na dun sa siesta sa hapon. nilalagyan pa nga kami dati ng vicks sa mata para lang makatulog eh..haha..

pati yung sa takip ng gatorade, Cedie, Ghostfighter, chinese garter, teks, kisses, Baby-G, Power Rangers, Hiraya Manawari and Bayani..

and yes, I know SPLASH! We actually had a VHS of that. Pati yung Titanic sa VHS ko din pinanuod. Dalawang bala pa nga yun eh, may part 1 at part 2. :lol:


I miss those times.. :sigh:
 
homaygad! :wow:

super relate ako dito lalo na dun sa siesta sa hapon. nilalagyan pa nga kami dati ng vicks sa mata para lang makatulog eh..haha..

pati yung sa takip ng gatorade, Cedie, Ghostfighter, chinese garter, teks, kisses, Baby-G, Power Rangers, Hiraya Manawari and Bayani..

and yes, I know SPLASH! We actually had a VHS of that. Pati yung Titanic sa VHS ko din pinanuod. Dalawang bala pa nga yun eh, may part 1 at part 2. :lol:


I miss those times.. :sigh:


Haha! Mukang 90's ka nga! :D :salute:

sayang lang at wala ng ganto!
 
ano nga pala ang ending ng julio at julia? di ko kasi napanood nun pagbukas ko ng tv natapos na.

natalo ba nila si reyna dowager?
 
ano nga pala ang ending ng julio at julia? di ko kasi napanood nun pagbukas ko ng tv natapos na.

natalo ba nila si reyna dowager?

Don't know sir... Di ko na din kasi maalala kung napanuod ko ba yun ba yun o hinde... :lol:
 
Back
Top Bottom