Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | ETC.

Re: Everything about DOGS :) SHARE| ASK| REQUEST| ETC.

Suggest ko lang, ipa-spay nyo mga aso nyo para iwas buntis. Para less hassle kasi kung may babae at lalaki na aso. Kapag ni-regla kasi ang babae, maghahanap yan ng partner para mabuntis. Kung lalaki naman, lalapit at lalapit yan sa babae at pwedeng mag away. Nagseselos kapag nilalapitan mo. Kung ayaw ipa-spay, need sila i-separate para hindi magkagatan or mag-away.

Hindi naman aggressive ang mga Husky. Kung aggressive man, pinoprotekhan lang nila ung sarili. About sa exercise, dapat silang mapagod para pagdating sa bahay, hihiga na lang yan kasi pagod. Iwas linis bahay kung sakali, haha. Need mo din ng laruan pang chew niya sa bungaga.

Kung tuta naman ang kukunin, masasanay naman yan sa mga paligid niya, Ibig sabihin, masasanay sa tao(kung nilalabas sa bahay daily), sa mga tunog, at sa mga kasamang aso. Kung adult, mas maganda kunin ung trained na. Kung hindi naman, marami naman kayo sa bahay tulad ng sabi mo para i-trained ang dog. Need lang ng mahabang pasensya.

Kung ilalabas naman, kailangan may tali. Tatakbo agad yan. Magaling tumakas ang mga Husky. Kaya dapat talaga may nagbabantay. Baka makalabas ng bahay ng hindi mo alam.

Never shaved ung buhok or balahibo ng Husky. May chance kasi na hindi na bumalik sa original, pwedeng pumangit, mawala ung protection. Maliban na lang for medical reasons.
 
Re: Siberian Husky

Advisable talaga pag aircon, kahit sa kwarto niyo nalang at i-train niyo na sa labas iihi or tatae para hindi kayo mahassle. Makapal kasi masyado fur coat ng husky, as is the name siberian, dahil pang cold-weather talaga siyang breed...

I hope makatulong. ;)
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE| ASK| REQUEST| ETC.

I just got my first ever puppy last week! So far super okay ang bonding namin. :) First time ko magaalaga ng pet pero I am trying my best.

Husky

Nakabili ako ng siberian husky 2 months old and kanina tinignan ko ung belly nia and i found garapata.. Tpos chineck ko mga ibang parts and meron syang maliliit na garapata.. As in ga tuldok lng.. And dahil siberian sya sobrang hirap hanapin lahat ng garapata nia.. Any suggestion to get rid ng garapata sakanya at sa buong bahay pra sure na di na sya magkaron?
 
ask lang. ano ba sakit ng aso pag namamaga/lumalaki itlog nya? ano kya pwdeng lunas? ilang araw ng nakaratay ung aso dhil sa situation nya tas ambaho ndin di nmin magalaw kasi parang nasasaktan sya. sna may pumansin
 
sir ung aso ko kasi babae shih tzu, nung gnupitan sya irritated sya lagi nyang dinidilaan ung ari nya, to the point na namamaga na sobra, aun binilhan ko ng buster collar para d n nya madilaan ung ari nya nakasuot un hanggang ndi umOK ung magang ari nya, tapos iniisprayan ko ng olive oil na binili ko din sa petshop. sana makatulong
 
salamat sa reply. bale yung samin dnidilaan dn nya dti ung kanya pero ngaun hnd na kasi hirap na syang bumangon. mga magkano ung oil sir? then gano ktgal bago nawala ung maga ng aso nyo?
 
Help po!

Yung aso po kasi namin is nakipagaway and meron siyang basa sa leeg at sobrang lansa pag inamoy mo. Kahit ano hindi siya na tutuyo basang basa.
 
Pakisagot na lang po..

Good Day po,,

Tanong ko lang po kung ano ang pwedeng gamot o anong dapat naming gawin sa aso namin na german sheperd,5 months old po at nalumpo sya,naipacheck na namin sa vet at binigyan kami ng reseta at sabe masahiin lang daw ang mga paa,,naubos na ang gamot nya pero parang lumala sya at ngayon sinusuka nya na ang kinakain nya..thank you po ..

Moderator Note :

Post is moved to this thread. Next time, use search button and reply to the thread with the same topic instead of creating a new one. And always provide a PROPER thread title.
 
Last edited by a moderator:
salamat sa reply. bale yung samin dnidilaan dn nya dti ung kanya pero ngaun hnd na kasi hirap na syang bumangon. mga magkano ung oil sir? then gano ktgal bago nawala ung maga ng aso nyo?

d ko na po maalala kung mgkano bili ko, picturan ko n lang tpos post ko dito, around 250 ata range nya
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

I'm planning to buy a corgi puppy..any idea Kung saan makakabili po..
 
1 month old puppy

Hi ask ko lang po about sa tuta ko na 1month old. Normal lang po ba na mag dumi sya ng dugo and may bulate? Pero masigla naman po sya. And ask ko lang din po if owede po ba syang painumin ng sterilized na gatas? Hindi na po kasi sya pinapadede ng nanay nya. Favor naman po nag aalala ako sa tuta ko :(
 
I have two beagles. pareho silang girls. Yung mas matanda ang pangalan ay Poohpee at yung mas bata ay Bonnie
 
Re: 1 month old puppy

Hi ask ko lang po about sa tuta ko na 1month old. Normal lang po ba na mag dumi sya ng dugo and may bulate? Pero masigla naman po sya. And ask ko lang din po if owede po ba syang painumin ng sterilized na gatas? Hindi na po kasi sya pinapadede ng nanay nya. Favor naman po nag aalala ako sa tuta ko :(

Hello :) Wala ako masyadong maraming alam sa mga aso pero may dalawang aso ako isang 2 and isang 5 yrs old. Mas maganda po ata na dalhin mo po sa vet kasi ang alam ko hindi normal na may bulate at dugo sa poopoo nila. Nung nakuha ko yung first baby ko, 3months old na siya nun kaya diretso agad sa vet tapos nung pinurga siya... ( pasintabi po) parang spaghetti yung mga bulate sa poopoo niya pero wala naman pong dugo. May tamang edad po kasi bago ipurga sila... May mga nabibili po na gatas na pang-tuta talaga. Hindi ako sigurado sa presyo kasi hindi naman kami gumamit ng ganun sa mga baby ko.

Basta maipapayo ko lang po... mas maganda pa rin kung tamang medical attention ang maibigay natin sa kanila para po hindi rin tayo masyadong mag-alala. Make sure din po na okay yung vet na pupuntahan ninyo... Good luck po.
 
Last edited:
Re: 1 month old puppy

Anyone knowledgeable about the current price range ng siberian husky pup nowadays?
with and without papers... :think: but preferably with papers.

Thanks sa makakasagot.
 
Re: 1 month old puppy

Anyone knowledgeable about the current price range ng siberian husky pup nowadays?
with and without papers... :think: but preferably with papers.

Thanks sa makakasagot.

nasa 15k up ang sibe na walang papers depende din po sa quality meron wolly and standard..mas mahal ang wolly.may papers na wolly nasa 25k up po
 
Hello po!! Question lang po. Saan po mai-recommend niyo na vet na mura tas magaling din. Yung ngayong vet namin kasi na pinupuntahan ay medyo may kamahalan sa kanilang professional fee at mga gamot (1.4k yung cbc pa lang.. Ganon po ba talaga kamahal ng cbc ng dog?). Around metro manila po. Thank you po. ;)
 
Congressional Animal Clinic, sa may munoz qc po yan malapit
 
Back
Top Bottom