Magandang umaga po.
Ang imahe po ng Kristo o mas kilala sa tawag na Black Nazarene (o
Nuestro Padre Jesús Nazareno) na matatagpuan sa Minor Basilica ng St. John the Baptist Church sa Quiapo, Manila, simula pa noong taong 1787, ay dinala po dito sa’tin ng mga Augustinian Recollect friars noong 1606 mula Mexico. (Agoncillo 1990) Una, inilagak muna po ito sa simbahan sa may Bagumbayan (ngayon ay bahagi na ng Rizal Park), at makalipas ang dalawang taon, inilipat po ito sa simbahan na may mas malaki ng gusali, na denedika kay St. Nicholas of Tolentino (Melton 2011: 118). At, bago pa man mamatay ang arsobispo ng Maynila na si Basilio Sancho de Santas Junta y Rufina - membro ng
Cofradia de Santo Cristo Jesús Nazareno - noong taong ding 1787, nailipat po muli ang imahe, ngayon ay sa kinalalagakan na nito, sa simbahan ng Quiapo. May mga literatura po na nagbibigay paliwanag kung bakit ito maitim; ang una po rito ay bago pa man daw po nakadaong ang barkong kinalalagikan nito sa isang pulo dito sa’tin ay nasunog ito, gayunpaman ito po'y naisalba ngunit, naging dahilan naman po ito ng pagkakaroon nito ng maitim anyo (Wainwright, Tucker 2005; Mercene 2007: 129-30). Meron din pong ilang nagsasabi na ito'y dahil sa ang kahoy na ginamit daw po dito'y may maitim na kulay (Melton 2011: 118)
Hello sir. Meron po ako
ditong maikling sagot po patungkol po sa binanggit mo po sa taas, sana po kahit papaano makatulong. Salamat po.
_____________
Additional Readings:
Geoffrey Wainwright, Karen B. Westerfield Tucker, The Oxford History of Christian Worship, Oxford University Press, 2005.
Milagros M. Aguinaldo, The Devotion to the Black Nazarene of Quiapo: A study on Filipino culture, MMA Publications, 2002.
Francisco S. Gianan, The Black Nazarene: His Devotees: a Discovery of the Motives Behind the Peculiar and Extraordinary Manifestations of Faith and Devotion at Quiapo Church, Manila, F.S. Gianan, 1979.
Floro L. Mercene, Manila Men in the New World: Filipino Migration to Mexico and the Americas from the Sixteenth Century, UP Press, 2007.
J. Gordon Melton, Religious Celebrations: An Encyclopedia of Holidays, Festivals, Solemn Observances, and Spiritual Commemorations, ABC-CLIO, 2011.