Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SOCCER / FOOTBALL ™ - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

kapeesh143

The Devotee
Advanced Member
Messages
327
Reaction score
1
Points
28
tif2o.jpg

attachment.php


ok....start tayo sa basic...2 nets...2 teams..1 bola...dalhin mo lang yung bola sa net ng kalaban gamit ang paa,likod,tuhod,tyan,ulo,pwet...pwera lang ang kamay,braso at siko ...simple diba?...

parang ganito lang...

attachment.php


attachment.php


10 field players at isang goalie/goalkeeper(goalie lang ang pwede gumamit ng kamay) kada team ( 11 per team sa court o field )
image.jpg

1 Referee sa loob ng court / field...
2 sa gilid (linesman) ng field/court na magbabantay sa offsides(explain ko to sa baba) at
isa sa may gitnang gilid ng court para sa pagreregulate ng mga substitution at magbantay na din baka yung mga coach sa gilid eh magsuntukan..lolz.


kung sa Basketball pag may 6/5 fouls kana tanggal kana sa laro...at may papalit sayo..
sa soccer naman mas lugi...Unlimited ang mag foul...wag mo lang baliin paa ng kalaban at wag ka din magpahalata sa referee..pasimplehan mo lang...pag nakita ka ng referee ito matatanggap mo

1 Yellow card = warning...ililista ng referee pangalan mo sa card...wag kalang mag pa dagdag nang isa pang yellow card
1 Red card = boom..tanggal kana sa laban..at ang masakit walang papalit sayo.. yung team mo 10 nalang VS sa 11..lolz...
1 Yellow card + 1 Yellow card = 1 red card...

90 Minutes lang ang buong laro ng soccer/football . nahahati sa tig 45 minutes per half..at may half-time break na 15 minutes..

3 substitution lang per team..= pwede mag substitution pag pagod na players or may injury or strategy ng coach...pero pag na sub-out kana hindi kana pwede makabalik sa laro...kaya mga soccer players..ang titibay ng stamina..nag ti-training sila para FIT makalaro sa buong 90 minutes

padamihan lang ng scores para manalo...


kung nagtataka kayo kung bakit may mga laro sa soccer/football na natatapos sa score na
Arsenal 0 - 0 Chelsea or Real Madrid 1- 1 FC Barcelona
explain ko...may mga leagues o tournament na ang basehan ay consistency ng teams..walang tinatawag ng regular>playoffs style..ang tournament na to ay tinatawag na Domestic Competition/LEAGUE, like Premier League,La Liga,BundesLiga,


ang ginagawa nila ay double-round robin...pag manalo ka sa kalaban may 3 Points and team mo, Pag matalo ka may 0 point lang ang makukuha mo.. at pag mag TABLA and laban may 1 point bawat team..Arsenal 1-0 Chelsea -may 3 points ang arsenal-Arsenal 0-1 Chelsea may 3 points ang chelsea..ganun lang...padamihan ng points..hanggang matapos ang double-round-robin...Tingnan nyo ang standings...sa Table..at after matapos and DOUBLE ROUND ROBIN kung sino yung TOP 1 sya ang Champion

attachment.php


explain ko nakikita nyo sa table..
P = Games played..bilang ng mga laban
W = Panalo
D = Tablang laban
L = Olats
+/- = kung baga sa basketball ..yan yung quotient
Pts = Points na naipon ..pinakamaraming naipon after double-round robin yung yun mananalo ng League..

another note natin...ito ang UNIQUE SA SOCCER ...tinatawag na Relegation Battle or laglag ka sa lower league..
20 ang teams sa isang liga..like ENGLISH PREMIER LEAGUE ... ang top 1 yung ang champion ng league at ang top 18,top 19,top 20 mala-laglag..at papalitan ng ibang 3 teams...


ito ang RELEGATION BATTLE SA ENGLISH PREMIER LEAGUE
Premier_League_Table_Goal_com_htm_201503191227.png



COUNTRY - ENGLAND lahat ng league na yan sa isang country lang...
Premier league 20 teams ( division A - ito pinakamaganda mag laro..dami sponsor,laki sweldo,dami pera ng bawat team )
English C-league 20 teams ( division B - di gaanong malaki sweldo,kunti budget ng teams,bilang lang ang sponsor)
English League 1 20 teams ( division C - pfft! meh)
English League 2 20 teams ( division D -sino mga player dito?)
English League 3 20 teams ( division E -mga taxi driver,tambay, waiter,truck diver mga players dito,lolz)


explain ko na yung relegation...yung top 18,19,20 ng Premier League ay papalitan na top 1,2,3 ng English C-league,,pagkatapos ng season..
ganun din sa C-league..yung top 18,19,20 ay papalitan ng top 1,2,3 ng English League 1..
laglagan kumbaga...kaya dapat pursigido ka hanggang matapos ang liga..kung hindi eh malalaglag ka sa kankungan,,sa league na walang sponsor,kunti ang fans at liliit ang sweldo mo(depende kung magaling ka)....

ITO ANG LABANAN SA C-LEAGUE, ang top 1,2,3 dito ang papalit sa top 18,19,20 ng ENGLISH PREMIER LEAGUE

attachment.php


ganyan ang style sa soccer / football..kung sa top league ka naglalaro mas OK..kaya dapat buwis buhay every match..yung mga coach dito sa soccer/footbal.. magkaroon ng 6-10 na talo sa kalagitnaan ng season..tanggalan agad..lolz


ok sa Equipment naman tayo...

attachment.php



Ang mga Soccer players gumagamit ng sapatos na may studs...may mga tinik sa ilalim para pag tumatakbo buma-baon.. mas maganda grip ng paa sa field/courts..at may Shin guards..para protektado sa ibang sapatos ng kalaban kung sakaling gustong mambali ng paa...ikaw kaya slidan ng sapatos na may patusok..lolzz..at yung mga goalie may gloves na gamit..high-tech ang mga yan at mga grip-criss-cross...dapat lang..magsasalo ka ng bola na may bilis na 70-90 kph..at pano pag basa pa dahil sa ulan? at harap-harapan..masasalo mo kaya....kaya mga goalie may mga CATLIKE reflex yan..may mga players nga na pag tinamaan sa ulo..tulog..lolzz..

Ito naman ang Playing Field/Court

soccer_field.png


Ito naman ang rules kung labas na or pasok pa ang bola



next..sa Signal naman ng Referee pag nag whistle/may foul...
___________________________________________________
1-DIRECT FREE KICK
direct_free_kick.jpg

Direct Free Kick = ...pwede mong itira sa net/goal ng kalaban..or pwede mo rin ipasa sa kakampi mo.pero pwede gumamit ng wall ang defending team....see image below
freekickwall.jpg

____________________________________________________
2-THROW IN

trow_in.jpg

Throw in = kumbaga sa basketball ay out-of-bounds...(linesman ang tuturo kung kanino mapupunta ang bola at mag to-trowin)

____________________________________________________
3-SUBSTITUTION
subs.jpg

Substitution = magpapalit ng players..(3 lang ang limit)
____________________________________________________
4-CORNER KICK
corner_kick.jpg

Corner Kick =sa Endline/Goal line lumabas ang bola..(see playing field image)
___________________________________________________
5-GOAL KICK
goal_kick.jpg

Goal Kick = mapupunta sa nagdedefend na team ang bola pag ang umaatake ang nagpalabas sa endline/goalline(see playing field) at sisipain ng goalie and back to action
___________________________________________________
6-CARD
card.jpg

Card = pag napasobra na ang pag pa-foul mo..o pag nasipa mo na kahit mahina at nag inarte yung kalaban..lolz..bwahaha..yellow card ka or red..hehehe ..
___________________________________________________
7-INDIRECT FREE KICK
indirect_free_kick.jpg

Indirect Free Kick = pwede mo ipasa pero di mo pwede i-diretso sa goal/net ng kalaban...
___________________________________________________
8-PENALTY
penalyy.jpg

Penalty = pag nag-foul ka ng kalaban sa loob ng penalty area.. or hinawakan mo ang bola at hindi ka naman yung goalie sa loob ng pen area...ituturo ng ref yung spot at magkakaroon ng penalty kick( see image )
penalty_take.jpg

___________________________________________________
9-PLAY-ON/ADVANTAGE
play_on_advantage.jpg

Play-on/Advantage = kumbaga sa basketball ay continuation play... kung na foul ka at ikaw parin ang may hawak ng bola at umaataki kayo for chance na maka goal/score..
___________________________________________________
10-OFFSIDE
offside.jpg

Offside = tinaas ng linesman referee ang flag at tinuro kung saan o sino yung offside..pag nagpasa ka sa nag advance na players..kaya di ka pwede tumayo sa base ng kalaban at umabang ng bola..kumbaga sa basketball eh 3 Second Violation..ito naman ang kaibahan lang pinasahan mo yung nag advance..ang TAMANG gawin ay tapatan mo yung last defender pag papasahan ka ng bola.see additional images below

attachment.php



_______________________________________________________

ok sa Match Duration naman tayo...

Kung nagtataka kayo bakit 90 Minutes lang ang match tapos may 90'+4 pa sa oras... san galing yung 4 minutes?
ito ang tinatawag na added time or injury time..dahil tuloy-tuloy yung oras pag naglalaro..eh pano naman yung nasasayang na oras pag lumabas yung bola, may nagkainjury,may pumasok na fans sa field at nanuntok ng player heheh..may nagka redcard,.

ang sagot dyan eh..ina-add ng organisers or match officials ang mga nasayang na oras na yun..at ina-add nila sa end of 1st half 45'+2 or end of match 90'+4...depende sa

tagal..see images below


injurytime.jpg

injurytime2.jpg

injurytime3.jpg



Ok...tapos na tayo sa League Style of Soccer/Football..NEXT ay ang Tournament Style of Football ito yung may group stage at knockout stage na tinatawag...



ang group stage ay pwedeng double round robin(UCL) or pwede single round robin..(World Cup) see example images below





2014 World Cup Group Stage Table
attachment.php


sa ganitong format yung top 2 lang kada group ang mag-aadvance sa Knock-out Stage

sa Knock-out stage naman ay may dalawang klase din...Single Match Knockout Stage (World Cup) or 2 Leg Match Knock-out Stage (UCL)..


Single Match KO stage

attachment.php


maglalaro ang team for 90 minutes at pag tabla parin magkakaroon ng tinatawag na Added-Extra-Time,iba ito sa injury time.

Added-Extra-Time = kumbaga sa Basketball ay overtime...pero sa football 30 minutes..na hahatiin nag tig 15 minutes per half,(mag chi-change court pa eh)

pag wala parin nanalo sa AET- magkakaroon ng tinatawag ng Penalty-Shoot-out

pipili ang coach ng tig 5 players each team..at magtetake ng penalty kick..kung sino pinakamadami yun yung panalo...see image below

pk_shootout.jpg

image.jpg

maxresdefault.jpg


GERMANY's ROAD TO GLORY ( FIFA 2014 WORLD CUP)
knockout_fix.jpg

2014group_tables1.jpg

2014group_tables2.jpg


2 Leg Match Knock-out Stage
dahil may mga Football Club na may sariling Home Ground/Stadium..hindi pwede na 1 match lang ang KO Stage
kaya 2 games ang laban at may AWAY rules na tinatawag

AWAY rules in Football

ganito ang rules nito...

Situation 1
1st Leg Real Madrid vs Schalke 04 - yung match sa home court ng schalke ..result - Schalke 1-1 Real Madrid
2nd Leg Real Madrid vs Schalke 04 - yung match sa home court ng Real Madrid..result - Schalke 3-4 Real Madrid
Final Aggregate ay Real Madrid 5-4 Schalke..ang result

talo ang Schalke 04 dito kasi..4 lang yung total score nya..eh naka 5 yung real madrid..


Situation 2
1st Leg Chelsea vs PSG - yung match sa home court ng PSG..result ang score 1-1 tabla
2nd Leg Chelsea vs PSG - yung match sa home court ng Chelsea..result.. ang score 2-2 tabla
Final Aggregate ay Chelsea 3-3 PSG...ang result

talo ang chelsea kasi sa HOME COURT nila naka score ng 2 ang PSG ...eh nong HOME COURT ng PSG nakascore ang chelsea 1 lang..
kaya sa football dapat malakas ka sa HOME Court mo..wag ka magpatalo..


Situation 3
1st Leg Arsenal vs Monaco- yung match sa home court ng Arsenal..result .. Arsenal 1-3 Monaco
2nd Leg Arsenal vs Monaco - yung match sa home court ng Monaco..result ..Arsenal 3-1 Monaco
pag ganyan ang nangyari..magkakaroon ng Added-Extra-Time(overtime) na 30 minutes..at pag wala paring nanalo magkakaroon ng Penaty-Shoot-out


REAL MADRID's ROAD TO CHAMPIONSHIP ( UEFA Champions League Trophy )
attachment.php

attachment.php



END of Soccer/Football Know-How..now this is the exciting part for the first timer to choose a club and/or country to support

FIFA World Cup
-lahat ng best of the best ng bawat continent naglalaban dito..pahirapan makapasok.qualifiers palang..

UEFA -Champions League
-lahat ng best of the best football club from all-over europe nag lalaban dito...top 1-4 lang ng bawat liga..top 1-4 ng la liga,premier league,Bundesliga,Serie A at Ligue 1 at iba pang leagues sa europe..grabe sarap manuod nito..

England - Premier League
-nandito yung mga astig din na team, like arsenal,manchester united,chelsea,manchester city, liverpool etc., pili ka lang lahat malakas.

Spain - Spanish La Liga
-nandito yung dalawang HALIMAW sa mundo ng football/soccer.. ang FC Barcelona at Real Madrid, at iba pa na malakas din. Athletico Madrid,Valencia,Sevilla etc.

Germany - BundesLiga
-nandito naman yung HALIMAW din ..na halos kainin yung ibang teams..lolz..FC Bayern Munich,,nandito din yung mga exciting na panuorin na teams, like BVB,Schalke,Leverkusen etc.

Italy - Serie A
-nandito naman yung powerhouse teams through the years at may awesome winning history...like AC Milan,Inter Milan,Juventus,Napoli, etc.

France - Ligue 1
-nandito naman yung malalakas at emerging na teams..like PSG,AS Monaco,Marseille,Lyon,Lille etc.


Madami pang Tournament/Leagues na pwedeng panuorin..puno ng talent all-over the world..like our very OWN (Philippine United Football League)
COPA America,AFC Champions League,COPA Libertadores,MLS,AFC Cup,J-league,A-league,K-league,Dutch Eredevisie,Belgian Jupiler League,Africa Cup of Nation etc.


pwede mong i-Follow ang Type mo na TEAMS in this sites and many more..

for funny football stuff from your teams

Kung gusto mo PC game na FIFA 2015, Direct Download pa
fifa_cover.jpg


THATS ALL OF IT..ngayong alam nyo na ..Enjoy!
Follow your League!,Choose your TEAM!, WEAR Their COLORS!, Shout their chants! , Ole', Ole' , Ole' , Campione' ,



world_cup.jpg

key_art_uefa_champions_league.jpg





Football will make you Cry and make you smile


Brazil_crying_fan.jpg

cry3.jpg

266061_image016_jpg84e9dda8a243d0e18e22b0438bd81.jpg
 

Attachments

  • 11.jpg
    11.jpg
    755.9 KB · Views: 1,097
  • final pic.jpg
    final pic.jpg
    1.5 MB · Views: 130
  • premier league table.png
    premier league table.png
    60.3 KB · Views: 134
  • equipment32.png
    equipment32.png
    1.9 MB · Views: 132
  • line up 11.jpg
    line up 11.jpg
    535.8 KB · Views: 136
  • sdsdsdsd.-.png
    sdsdsdsd.-.png
    404.5 KB · Views: 136
  • champions league liverpool vs real.png
    champions league liverpool vs real.png
    134.4 KB · Views: 124
  • germany ko stage.png
    germany ko stage.png
    40.7 KB · Views: 126
  • groupstage.png
    groupstage.png
    81.4 KB · Views: 127
  • groupss.png
    groupss.png
    57.3 KB · Views: 123
Last edited:
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

ayun o, pang human kinetics thesis na yan. hehe.

great job. iwan na natin yung isang thread...? :lol:
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

ngayon ko lang naisipan eh...lolz...dami pa sanang aspects na idadag-dag ko...like UCL ,Copa America,Confed Cup,..lolz..

pero inaabangan ko yung el classico..wow...ganda nito for barca..out of form ang real madrid..pero darating ng yung maestro nila MODRIC..hala!..wahahaha
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

Nice thread ts. mabuti my kasama na pag usapan football dito sa sb.. anyway tama si Kape bout El clasico. Im routing for barca to win la liga and copa na lang siguro. hehehe. Though natalo sila noon at the first game but they have excuse like the changes or enriquez, also it was the first appearance of suarez and a homefield advantage. Base rin sa play nila sa atletico madrid which is the 3rd sa laliga.. oh no.. 4th na ata. hehehe. rma loss to atletici twice and a draw.. while atletico is no match to barça thrice.
tama ba.? lol updated eh.

hehehe anyway e push natin tong thread mo Ts para ma appreciate din ng mga ka Sb natin ang football at ma like nila ang barca para mabuhay rin thread ko. hehehe.

BRB TS. lets talk about the el clasico here. Next week :)
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

bat laliga at copa lang?,,buhay na buhay pa kayo sa ucl ah?..
ewan ko anong nangyari sa athletico madrid...palagay ko dahil sa mas lumakas ang Barca at RM,,kaya hindi nya kayang makipagsabayan sa la liga.

lolz..el classico na nga talaga...ganda nun..tapos..ucl pa this coming weekdays...damn!..
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

Iba talaga nagagawa pag nagpapanalo team (read: arsenal) ...inspired...:lol:
Countdown sa clasico. Pero sina aguero muna...
Badtrip na naman si ronaldo kay bale, inagawan ng goal, hahaha!
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

:thanks: at may nag-explain sa simpleng tagalog ng rules ng football. di ko pa kasi masyadong maintindihan ang rules nito.. ngayon pa lang ako nagka-interest na manood.

ayaw na ayaw ng mga European at latino na tawaging soccer yang football:lol: galit sila sa amerika sa mga furom site..
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

:thanks: at may nag-explain sa simpleng tagalog ng rules ng football. di ko pa kasi masyadong maintindihan ang rules nito.. ngayon pa lang ako nagka-interest na manood.

ayaw na ayaw ng mga European at latino na tawaging soccer yang football:lol: galit sila sa amerika sa mga furom site..

you're welcome...tama yan..pili ka ng best club/or national team that suits your personality and celebrates essence of winning mentality..lolzz

Iba talaga nagagawa pag nagpapanalo team (read: arsenal) ...inspired...:lol:
Countdown sa clasico. Pero sina aguero muna...
Badtrip na naman si ronaldo kay bale, inagawan ng goal, hahaha!

lolz... try lang natin i-share sa iba yung football/soccer...para maexperience nila ang most popular sports in the world ..the beautiful game ika nga....pareho lang ang form ng Man SHitty at Real..lolz...tough matches for barcelona pero kaya..both home fixtures eh
 
Last edited:
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

...para di lang tayo ang nagpupuyat...haha...para maexperience din ng iba manood ng games at ungodly hours.... :lol:
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

hahaha true story...kawawa talaga..halos lahat ng leagues ganun.,.lalo na pag euro or world cup or UCL..wan to sawa kakapanuod..iba parin ang feeling pag live panuorin eh..
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

...the current form of arsenal gives me the feeling it would give chelsea and manU (which is also having a kind of revival) run for the money next year... their attack and total play is just getting deadlier each game. too bad monaco caught them on a bad night in their first meeting :lol: sanchez is not even in his magical form (tsk, tsk, dahil kaya sa scandal...? :) speaking of which, it seems i have that funny feeling about his sex life even before each time i see him seemingly flaunting his front, though not in such a loud way, and mind you, there for the discerning eye only :lol:
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

why next year?....heheh.. kunting choke pa ng chelsea..touching distance na kami sa Premier League..lolz..at nasa Semis pa kami ng FA CUP..good feeling indeed..
wahahah..si sanchez..batak shorts talaga yun eh..
 
Last edited:
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

why next year?....heheh.. kunting choke pa ng chelsea..touching distance na kami sa Premier League..lolz..at nasa Semis pa kami ng FA CUP..good feeling indeed..
wahahah..si sanchez..batak shorts talaga yun eh..

nyahaha, at talagang may masamang pakay kay mou. hala sige, habulin ang chelsea na yan. choker din naman pala eh. kakahiya pa yung ginawa kay ibra. at eto ha, close na naman si perez at mou. hahaha.

langyang sanchez yan. pero parang di matino yung girl na dawit sa scandal. di sure, di ko rin pinagtiyagaan halungkatin pa, hehe.

- - - Updated - - -


papunta na yan sa...messi, aka, The One :lol: :lol:

at wag ka, may konting similarity nga rin pala si jet li tsaka si messi....same height pa ata....??? nyahahahaha
 
Last edited:
@emokills.... sayang nga at hindi nanalo si Messi ng World Cup...ang feeling ko nga parang si Mario Goetze ang nagbigay ng Ballon D'Or kay CR7 eh..

@Storm ... hahaha..Mourinho Haters talaga ako..kakabwisit eh..sinabihan si Wenger na "Specialist in Failure".. pero hindi natin maikakaila na magaling sya..at exciting ang league pag nandun sya..lolz..
..ewan ko pa bat daming mga scandal na nangyayari sa arsenal players?...Last Season si Olivier Giroud nga may nai-Booking na Model eh..lolz.si Celia Kay..
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

bat laliga at copa lang?,,buhay na buhay pa kayo sa ucl ah?..
ewan ko anong nangyari sa athletico madrid...palagay ko dahil sa mas lumakas ang Barca at RM,,kaya hindi nya kayang makipagsabayan sa la liga.

lolz..el classico na nga talaga...ganda nun..tapos..ucl pa this coming weekdays...damn!..

hahaha.. di pa sure eh my man. city pa game this wednesday. . . but away goal nila mataas na parang aure na rin kahit paanu. ahh basta d pa masasabi. RM? hahaha.. talo ng atletico real madrid. hahaha.. pru 4th nlg sila ata sa la liga.. hay. ano update sa barclay po? chelsea number one pa rin?
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

top 1 parin chelsea+may game-in-hand pa sila...pero touching distance na...konting choke pa at malalagot si Mourinho...waheehehe
ito tables na top 5 leagues..as of March 16 , 2015

Football_Tables_Standings_Goal_com_htm_20150.png
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

Good as done deal na ang bundesliga, serie a. Madugo pa sa liga tsaka ligue 1. Magkakaalaman ang tatag ng Lyon sa huling games, lalo na at nanggigigil si ibra sa mga araw na to, hehe. Sa PL, striking distance pa, wag lang sumablay ng isa hanggang 2 games ang citeh at gunners.... :)
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

Good as done deal na ang bundesliga, serie a. Madugo pa sa liga tsaka ligue 1. Magkakaalaman ang tatag ng Lyon sa huling games, lalo na at nanggigigil si ibra sa mga araw na to, hehe. Sa PL, striking distance pa, wag lang sumablay ng isa hanggang 2 games ang citeh at gunners.... :)

grabe naman kasi sa bundesliga (BayernLiga nga dapat tawag eh waheheh) ..sa Serie A naman...ganda kasi and depth ng squad ng Juventus..at anjan pa yung favorite ko na MF ..PIRLO!..
gigil talaga si Ibra..pero tingin ko PSG talaga magchachampion sa Ligue 1..on paper malakas sila eh..ang downside lang nasa UCL pa sila..mahirap mag focus..
..sana nga mag choke ang Chelsea..prang Liverpool lang last year..baka mag Surprise PL winner pa ang Arsenal nito..lolz.makakalaban na namin sila for Home fixtures eh.
 
Re: SOCCER / FOOTBALL - Alamin ang Rules, Gameplay, Thrills and Excitement

deadly masyado ang combo ni pep at aggressive recruitment ng bayern, kaya ganyan nangyari sa league nila. sama mo pa yung mga player fans ni pep, kahit wala transfer fee lumipat para lang makasama sa squad ni pep in pursuit of trophies, eh di patay ang naiwang mga teams. kaya bilib ako kina reus at hummels di nasilaw.

sana si xavi iretain pa ng barca hanggang may pinapakita pa na play. like pirlo. or totti. to his credit, during his last couple of games pinakita ni xavi na nakuha na nya ang gusto mangyari ni lucho, and he's shown he's capable of those long passes as well as rakitic could, hehe.

ang problema ng psg consistency. factor din kase ang overfatigue, eh di naman kaextensive din magrotate si blanc. prone to injury pa players nila. maganda sa knila kaya nila ipanalo psg kahit wala si ibra, hehe.

isang talo pa ng chelsea may tulog talaga sila. down the wire finish na nman, ala liverpool. sayang nga chance ni suarez nun, ganda sana naipanalo bago lumayas pabarca, haha.
 
Back
Top Bottom