Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
Oh no. Sorry. Na-skip ko pala.

Here.

CHAPTER 63

Mabilis pa sa alas kwatro akong umalis sa floor na yun at sinara ang elevator.

Habang sumasara ang mga pinto nakita ko na si Chuck na nagmamadaling lumakad papunta sa akin, I see him and I knew kung anong gagawin niya so pagkababa ng isang floor bumaba ako 9th floor at doon nagpalipas ng sama ng loob.

Kilala ko si Chuck, he will not let me out of that building nang hindi niya nakakausap, so pagtataguan ko na lang siya.

It will take him a while to figure out na hindi ako umalis ng building niya, kahit matalino yun, nagpapanic rin yun minsan.

Iniwasan ko ang mga CCTV at napadpad sa isang maliit na pantry, doon ako naupo at nagmukmok.

Sayang walang alak dito, sarap sana uminom.

"Hay."

Nakapangalumbaba ako habang nag-iisip kung anong susunod kong gagawin, I think pwede naman ako mag-walk out dito, pwede ko naman sabihin sa kanya ng kalmado na ayaw ko muna siya makausap.

Pero alam mo yung mga times na parang ayaw mo muna harapin kung ano yung dapat mong harapin? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. I feel sad. Just sad.

After nung galit ko kanina initially nung nakita ko siya na nakikipag-inuman at nakikipag-usap doon sa mga foreigner, parang ngayon lungkot lang ang nararamdaman ko.

Nalulungkot ako kasi feeling ko wala akong halaga na, parang feeling ko sobra akong hindi importante kasi nakalimutan lang ako.

Chuck is sobrang mabait na boyfriend, halos wala na akong hihilingin pa talaga sa isang lalaki. I think siguro dahil sobrang busy siya na-miss niyang sabihin sa akin na may lakad pala siya. Nakalimutan niya lang ang date night namin, hindi naman ako talaga.

First time naman ito nangyari so tingin ko naman talagang hindi niya sinasadya.

Nag-riring na ang cellphone ko for a while pero hindi ko lang pinapansin.

"Ngayon ka tatawag ha? Kung kailan nahuli na kita? Tapos mag-sosorry ka..."

Daldal lang ako ng daldal habang hinahanap ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Pagkakuha ko ng cellphone I feel more disappointment. Kasi hindi si Chuck ang tumatawag, si Sir Tristan.

Huminga ako ng malalim at sinagot ang phone, "Hello Sir. Sorry po bumaba ako agad ng kotse, okay na po Sir, busy lang pala si Chuck kaya hindi niya nasasagot ang phone niya. Panikera lang ako."

Medyo matagal bago siya sumagot, "Where are you?"

"Nagpapahinga lang sir, somewhere quiet medyo maingay kasi doon sa office ni Chuck."

He sighs, "I know. I'm at the lobby kung gusto mo na umuwi, I'll give you a ride."

May incoming call at nakita kong tinatawagan na ako ni Chuck, "I'll be fine sir. Thank you. I'll see you tomorrow po sa office, pasensiya na sa abala."

"Are you sure?" he asks.

May biglang pumasok sa pantry at napalingon ako, I look up and see Chuck holding his phone up to his ear.

"I'm sure Sir, thank you po."

He sighs again, "Alright. Ingat Andi."

I put my phone back in my bag and stand, "You found me."

Binalik ni Chuck sa bulsa niya ang phone niya, "Shit Andi you had me worried!"

Nanlaki ang mata ko ang I exaggerated a "WOW!" As in sobrang haba nung "O".

He rolls his eyes and puts his hands on his hips.

He has the nerve to roll his damn eyes at me.

Yung kaninang sad sad? Wala na yun, away pala talaga yata ang gusto nito eh.

I put my hand up, "Did you just roll your eyes at me? Seriously?"

Tiningnan niya ako then closes his eyes, minamasahe niya ang sentido niya habang nagsasalita, "Don't get worked up over this okay, Andi? I left some investors upstairs to talk to you."

What?

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko and doing my best impersonation of Kris Aquino I say, "Oh my gosh! For me? You left them for me? For little old me? I feel so special!"

I try to leave the pantry pero hinarangan niya ako, "Damn it Andi, don't leave."

"Ay, ayaw mo akong umalis, pero you're telling me you left some important people for me diba? Edi bumalik ka na doon sa mga importanteng taong naiwan mo! I can go home by myself!"

Tinulak ko ang dibdib niya pero siyempre hindi manlang siya gumalaw, me and my upper body strength.

"I thought you'd be here earlier, I told my assistant na itext ka that there will be a small party here tonight. I don't know what happened, I haven't asked my assistant kung anong nangyari."

He's trying to explain to me that he didn't forget about me, that he knew we had plans pero may mga nangyari sa work na hindi niya na-plano.

Pero bakit ang sakit pa rin sa puso na malaman na ang assistant niya ang inutusan niya para i-cancel ang date namin. Talaga? Wala siyang sariling daliri para magtext, tiningnan ko ang kamay niya mukhang okay naman.

I will not cry. I wil not cry.

I look up at him, "I'm tired Chuck, I need to go home. Bukas na lang tayo mag-usap."

I push at his chest pero hindi pa rin siya gumagalaw.

Tiningnan ko siya ulit, "I promise we'll talk tomorrow, pagod lang talaga ako."

Ngayon ko lang naramdaman na parang may namumuong headache at kailangan ko na talaga magpahinga.

Hinawakan niya ang mga braso ko, "Fine. I'll get my keys, ihahatid na kita."

I shake my head, "May mga importante kang bisita sa taas, unahin mo muna yun. Bukas sunduin mo na lang ako sa office para makapag-usap tayo ng maayos. I'll be fine."

Hindi ko alam kung anong gusto kong marinig sa kanya ngayon, pero I think kahit anong sabihin niya will be a mistake.

He assesses my face and says, "Okay, I'll be there to pick you up tomorrow. Let me know if nakauwi ka na ha."

I try not to cry ulit and I nod.

Nakaakbay sa akin si Chuck habang bumababa ang elevator papuntang lobby. When we get there may sumalubong kay Chuck na isa pang foreigner, binati ni Chuck ang lalaki at ipinakilala ako as his girlfriend.

"You're a lucky guy." Sabi ng foreigner kay Chuck.

Hindi pa nakakasagot si Chuck nagpaalam na ako, "I'll get going. I'll just text you when I get home."

Sabi ko sa foreigner, "It was nice to meet you."

Hindi ko na sila binigyan ng chance sumagot dahil tumalikod na ako at lumabas ng lobby.

I look around at medyo umaandar na ang kaninang mabigat na traffic, at least makakauwi ako ng maaga sa bahay. Kailangan ko lang ng taxi.

Tumayo ako sa sidewalk at nakatingin sa kaliwa nang may napansin na umaatras na kotse sa kanan ko, tumigil sa tapat ko ang kotse and I recognize the car – a 1978 Toyota Corolla SR.

Yumuko ako ng konti para makita ang driver, "Hey Andi. Need a ride?"

- - - Updated - - -

CHAPTER 64

Ang tahimik ng biyahe namin.

Hindi nagsasalita si Sir Tristan and wala rin naman akong maisip na sabihin sa kaniya. Anong sasabihin ko diba? Eh magkaibigan sila ni Chuck. Malamang kampihan niya yun, magsama silang mga lalaki.

“I’m sure he’s got his reasons.” Diba? Tama ako.

At hindi ko na napigilan dahil napairap na lang ako at tumingin sa labas looking at the cars that pass us by.

Tumigil kami sa isang stoplight.

He says, “Did you just roll your eyes at me?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, I look at him and he’s looking at me with his eyebrows up.

“Ay hindi sir. Hindi naman sa ganun. Napareact lang ako kasi yan din ang sinabi ko kay Chuck kanina.”

He smiles, “At last, she talks.”

Ini-cross ko ang arms ko sa chest ko, “So, trap pala yun.”

He drives nang mag-green na ang light, “I’m just trying to save you from yourself.”

That gets my attention, “Paano?”

He starts, “I don’t want you to think too much in that head of yours. You’re making up scenarios, overanalyzing things, making it worse in your head than it really is.”

He continues, “Just rest. When you get home just go to bed and don’t think about it. Lahat naman ng questions mo will be answered tomorrow. There’s still tomorrow at hindi pa tapos ang pag-uusap ninyo, I assume.”

Napatango lang ako, “I know. Sa totoo lang pagod na rin ako mag-isip eh. I know makakapag usap kami ng maayos tomorrow. And really, I don’t want to think about it, pero I’m still bothered by one fact.”

He looks at me, “What’s that?”

I get sad again, “He didn’t say sorry.”

I sigh, “I repeat the conversation in my head, inuulit ulit ko, pilit kong iniisip kung na-miss ko lang ba or what, pero parang hindi talaga. Parang wala talagang apology doon sa pag-uusap namin. Wala ring pasasalamat sa pag-iintindi ko sa position niya. Because that’s exactly what I did, what I’m still doing. I’m trying to be patient and understand his situation. But where was the understanding of mine? “

He stays quiet pero after a while he says, “I can’t answer for him Andi, I don’t know what happened tonight or kung anong pumasok sa utak niya that he did what he did, pero I know Chuck. He’s not a bad guy, he’s one of the best guys I’ve met. I’ve never known him do anything that would jeopardize his relationships. He’s not the type.”

He stops then starts again, “But he’s not perfect. No one is. I think he screwed up this time, and by the looks of it siguro it’s the first time he screwed up with you. He’s been a great boyfriend diba?”

He’s not wrong so I nod.

“He’s going to make mistakes, Andi. And if he screws up you’re going to tell him he did, don’t wait for him to realize it for himself. We’re men, we’re not as sensitive as women…”

I look at him with daggers in my eyes. Sensitive?

He laughs a little, “Not that type of sensitive, I mean minsan nagiging what’s that word – manhid? We become insensitive to the people around us, especially women.”

He continues, “Hindi lahat ng lalaki sinasadya yan, it’s just that sometimes women are more sensitive to things that matter and we need that extra push to try harder to be better. Kailangan lang ni Chuck na sabihin mo sa kanya yan that it bothers you para maintindihan niya, para hindi na niya gawin ulit.”

May point naman, hindi naman talaga kalakihan ang understanding ng mga lalaki pagdating sa sensitivities ng pagiging couple. I just think I am expecting too much from Chuck kasi I’ve never known him to screw up before. Siguro nga kailangan ko lang siya kausapin ng maayos para maintindihan niya na nasasaktan ako at affected ako sa ginawa niya.

Malamang naman he’s not trying to hurt me intentionally.

I nod, “You’re right. Kakausapin ko na lang siya tomorrow.”

He smiles, “There you go.”

Then I roll my eyes, “Magpapa-appointment muna ako sa assistant niya baka fully booked na schedule niya tomorrow eh.”

He laughs, “That’s a good idea. He’s a busy guy.”

Malapit na kami sa bahay ko nang naglakas ng loob na ako magtanong sa kanya, since wala na naman kami sa office at tingin ko naman friendly conversation na ito dahil binibigyan na niya ako ng relationship advice.

“Speaking of schedules…” I start.

“Parang wala pa akong nabu-book na date para sa’yo Sir, or may iba ka bang calendar for that.”

He keeps driving pero may smile sa boses niya, “Are you asking about my lovelife, Miss Martinez?”

Ay teka, baka hindi pa kami friendly masyado para pag-usapan ito.

“Ay hindi naman Sir. Kasi maraming nagtatanong sa office, dami yata may crush sa inyo doon pero syempre hindi ko sinasagot yung mga ganung tanong kasi unprofessional yun, so sabi ko lang sa kanila hindi ko yun business at personal niyong buhay yon so wala kaming pakielam.” Syempre ninerbyos na naman ako kaya puro kagagahan ang nasabi ko.

He laughs, “Well, the next time they ask just tell them I’m too busy to date.”

Tiningnan ko lang siya, sarap sabihing “Sayang ang lahi mo!”

Pero siyempre hindi ko yun sinabi, “So wala ka talagang date date sir? Ganun? What do you do during your spare time?”

He smiles, “I keep myself busy with other things. Marami namang ibang bagay to do than to date.”

I nod, pero siyempre hindi ko naman maintindihan kasi yun ang hobby ko. Parang feeling ko wala akong ibang pwedeng gawin kundi magtrabaho at umawra at lumovelife.

Nakarating na kami sa bahay at bumaba na ako ng kotse, yumuko ako bago isara ang pinto, “Salamat sa ride Sir. Pasensiya na ulit sa abala.”

He smiles, “No problem Andi. Sleep well.”

Tumango lang ako at sinara ang pinto, unti-unti nang lumayo ang kotse ni Sir Tristan pero I’m still looking at the road he took.

I know he’s right sa mga sinabi niya tungkol kay Chuck pero I can’t shake the feeling na parang this is not going to be over and it’s not going to be easy.
 
CHAPTER 65

Alam mo yung may araw na parang kinakaladkad mo lang yung paa mo para makapasok sa trabaho? Ganun ang feeling ko ngayon.

Feeling ko Monday, syet.

Pero since adult na ako, hindi ko afford na magpaka-victim dahil nagtatrabaho na ako.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa pwesto ko pumasok ng office si Sir Tristan and sinabihan ako na mag-prepare dahil sasamahan ko siya sa lahat ng meetings niya today.

At noon ko lang naintindihan yung sinabi ni Sir Tristan that he’s too busy to date, dahil ang meetings niya sunod-sunod and he’s too into what he’s doing na hindi niya naiisip na ang mga kausap niya hindi pa rin kumakain.

Dahil sa pag-iinarte ko hindi ako kumain ng dinner kagabi at hindi rin ako nag-breakfast kaninang umaga.

It’s already one in the afternoon wala pang kalaman laman ang tiyan ko.

Feeling ko ang baho na ng hininga ko.

“Alright, I think this looks good. Let’s reconvene next week same time and get the Marketing heads to attend so we can polish everything before we proceed.”

Nanginginig na ang kamay ko habang sinusulat ang sinasabi ni Sir Tristan at unti unti nang lumabas ang mga ka-meeting niya.

Lampas lunch pa lang pero naka tatlong magkakaibang meeting na kami.

Sumandal si Sir Tristan sa upuan niya, inilagay ang mga kamay niya sa batok niya at pumikit. Iyan na yata ang pahinga niya eh.

Naglakas na ako ng loob magsalita, keber na kung amoy basura na ang bibig ko, “Sir, anong gusto niyong lunch? Wala pa po kayong kinakain.”

Napa-iktad siya sa upuan niya at tiningnan ako, “Shit! What time is it?”

Tumingin ako sa relo ko, “It’s almost one na Sir.”

Parang bigla siyang nastress at tumayo.

May pumasok sa loob ng meeting room, yung 1pm meeting niya.

Sir Tristan folds his long sleeve shirts to his elbows and says, “Sorry guys, let’s re-schedule ng three?”

Tumango lang ang mga ka-meeting at tumayo na rin ako. Magpapaalam na sana akong sasaglit sa canteen nang sinabi ni Sir, “Let’s go.”

Napatingin na lang ako sa kanya at dahil dere-derecho siyang lumabas sumunod na lang ako sa kanya.

Sumakay kami ng elevator at bumaba sa lobby, hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta kasi baka may sumingit siyang meeting sa labas, nangyayari daw yun usually sabi ni Dee.

Tumawid kami dun sa restaurant sa tapat ng building namin and Sir Tristan opened the door for me, “Tara.”

Pasok naman ako.

Kung ito kidnap, wala na nakuha na ang mga lamang loob ko hindi pa ako sumisigaw para humingi ng tulong.

May sumalubong sa aming waiter at binati si Sir, “Sir, the usual?”

Tumango lang si Sir at tinuro ng waiter ang dulong booth sa loob ng restaurant. Parang bistro ang pinasok namin, may malalaking TV sa loob at may nag-pplay na NBA game.

Umupo na ako at umupo sa tapat ko si Sir, inabutan niya ako ng menu, “Try their burger it’s super good.”

Kinuha ko lang ang menu at nag-tingin sa menu, jusme kung pwede lang umiyak iiyak na ako kasi sobrang sasarap ng nasa menu parang gusto kong orderin lahat. At leche lahat may bacon!

“I’m sorry.”

Napasilip ako sa ibabaw ng menu, nakayuko si Sir Tristan at nagbabasa ng menu.

Tama ba yun? Siya ba yung nagsalita?

Biglang tumingin sa akin si Sir habang binaba ang menu niya, “I’m sorry I made you miss lunch.”

Nanlaki mata ko, “Ay Sir. Wala po yun, busy lang talaga kayo, kayo nga hindi rin nakakain eh.”

Napailing siya, “That’s not a good enough reason to forget about the welfare of my employees.”

Binaba ko na rin ang menu ko, “Naku Sir, huwag niyo po isipin yun. Hindi niyo naman po sinasadya eh.”

Feeling ko ako yung mamamatay sa hiya kasi parang guilty talaga siya sa pagpapalipas ng gutom ko.

He nods, “Can you order some merienda later for the guys I met with this afternoon? I know they missed lunch too.”

Tumango lang ako, “Noted Sir.”

Bilang nasa tabi kami ng bintana nakaupo, tumingin lang siya sa labas na parang ang lalim ng iniisip.

Bumalik ang waiter at umorder lang ako ng salad at carbonara at si Sir naman umorder ng steak.

Sumandal sa upuan niya si Sir at tiningnan ako, bigla naman akong na-conscious.

After a while nagsalita na siya, “So, did you guys talk already?”

Tumingin siya sa relo niya, “It’s technically still your breaktime so I think it’s okay for me to ask about your personal life.”

Ngumiti lang ako at dumating ang water namin, “Well, hindi pa po kami nag-uusap kasi buong umaga akong nasa meeting.” Tumingin ako sa kanya na parang kasalanan niya.

He laughs, “Touchē.”

Ngumiti lang ako, “Joke lang sir. Actually buti nga wala masyado akong time kanina, na-distract ako sa dami ng kailangan kong gawin hindi ko na naisip na hindi pa kami nakakapag-usap.”

Napaisip ako at nalungkot ulit, “Actually hindi pa rin niya ako tinetext since yesterday.”

Alam mo yung feeling of dread? Yung parang may mangyayaring hindi maganda pero hindi mo alam kung ano? Yun ang nararamdaman ko ngayon and it’s getting worse the more I think about it.

Pagtingin ko kay Sir kumunot ang noo niya, “He hasn’t texted you all day at all?”

Tumango lang ako pero agad ko naman binawi, “Busy lang talaga yun Sir, baka may mga meetings rin kaya hindi niya napansin ang oras – parang kayo. Di bale mag-uusap naman kami nun mamaya so okay lang.”

Hindi ko alam ngayon kung kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko or talagang nalimutan na niya ako.

Hay naku, Andi. Huwag ka mag-isip ng ganyan, arte nito.

Hindi na nagsalita si Sir at dumating na ang pagkain namin.

Wala na masyado kaming napag-usapan more on schedule niya na kinailangan kong i-bring up kasi nagkagulo gulo na ang sched niya dahil sa medyo mahaba naming lunch.

Naurong na lahat ng oras hanggang sa imbes na six PM tapos na kami naurong na ng seven.

Sabay na kaming bumaba ni Sir sa lobby. Dahil sa basement siya pupunta, nauna na akong bumaba ng elevator, “Bye Sir. Ingat po.”

Medyo nakalayo na ako ng konti nang narinig ko ang pangalan ko, “Andi.”

I turn around and nakita kong nakasandal si Sir sa pinto ng elevator, hinarang niya ang katawan niya para hindi magsara, he says, “Are you gonna be okay?”

Itinaas ko lang ang strap ng bag ko sa balikat ko, “I’ll be fine Sir. Ingat po!”

Tumango lang siya at umatras, inantay ko munang sumara ang mga pinto ng elevator bago ako naglakad palabas ng lobby.

Nakita ko na ang kotse ni Chuck, sa passenger window I can see him sitting on the driver’s side talking on his phone.
 
CHAPTER 66

"...that's obviously the problem. Call up the programmer tonight and have him fix it. We can't wait 'til morning."

Halos nakaka- twenty minutes na kami sa byahe pero simula ng pumasok ako sa kotse ni Chuck hindi pa niya binababa ang phone. Ay binaba niya na pala - I mean literal na binaba niya at binago niya ang setting to handsfree.

Sino ba kasi ang nagpauso ng on call? Alam kong presidente na siya ng kompanya niya pero hello, kaya ka nga nagpapasweldo ng mga tao mo, para ikaw ang magmamando sa kanila tapos sila ang gagawa ng trabaho. In this phonecall lang parang walang silbi itong kausap niya at siya pa ang pinag-iisip ng solusyon.

"It's been weeks, man. It should have been discovered already, not a week before we launch the product. What the hell?"

At ayan na, kanina pa galit ang jowa ko, paano kami makakapag usap ng maayos diba? Paano ko sasabihin sa kanya ang mga kababawan kong pag iinarte kung may malaki siyang problema sa opisina.

Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong ang tamang gawin ko dapat ngayon is hindi na dumagdag sa mga problema niya. I'll just distract him and if this will affect his passion - his business then anong klaseng girlfriend ako diba?

I look at his face and I can see the stress is taking it's toll on him, mukha siyang pagod at mukhang kulang na siya sa tulog. Ako ang sarap sarap ng tulog ko, itong jowa ko parang biglang tumanda dahil sa stress. Pero gwapo pa rin siyempre.

"Just fix it. Keep me posted, I'm available any time."

Andi, hayaan mo na. Kahit na sinabi niyang available siya para maistorbo tonight, okay lang yan. Kailangan mong suportahan ang jowa mo. Huwag kang selfish.

Finally binaba na niya ang phone nya. He sighs.

He says nothing.

At parang may ugat na tumitibok tibok sa noo ko.

I grit my teeth and look at him.

He's still thinking about work, alam mo yung parang lutang? Ganun ang itsura niya.

I need to be a good girlfriend so I ask, "Kumain ka na ba?"

He shakes his head, "I forgot to eat."

Hinawakan ko ang braso niya, "Kumain na muna tayo. Masama yan nalilipasan ka ng gutom."

He shakes his head again at nag iisip siya habang nag-ddrive pero alam kong distracted siya, finally he says, "You know I think I need to the office. I need to be there when the programmer arrives..."

Napanganga na lang ako.

He's still driving pero wala sa piling ko ang utak niya, and a girl can only take so much.

"So sinundo mo ako para saan?" I ask, hindi ko na napigilan ang irritation ko - hello? Tao lang.

He looks at me, and I feel like first time niya akong tingnan mula ng sumakay ako dito sa kotse niya. I feel so hurt. Ignored.

He says, "Shit."

Then he parks sa isang available spot.

He turns off the engine and puts his head on the steering wheel.

I feel, I don't know, parang disappointed? Sa sarili ko for being selfish and not thinking that this will make things worse. Bakit ba kasi hindi ako makapagpigil eh.

He sits up and faces me, "I know this isn't what tonight should be. I'm just under a lot of stress sa office. You know that right?"

I look at him and get uncomfortable, I don't know what to say to him now. I feel like anything na sabihin ko will sound selfish and petty. Kumpara naman sa mga pinagdadaanan niya diba. Ako hindi lang mai-date at mai-text nagkakaganito na. Siya, ang future ng kumpanya niya ang pinakamalaki niyang concern.

My problems seem juvenile compared to his.

Pero hindi ko pa rin mapigilan masaktan, I want to smack him sa mukha niya for not even apologizing, gusto ko siyang kalugin dahil hindi niya manlang tinanong kung ako ba kumain na. Alam ko ang position niya sa kumpanya niya pero alam ko rin naman ang worth ko as a person. And I deserve his time too.

Tumango na lang ako sa sinabi niya, "Of course I know. I think supportive naman akong girlfriend diba?"

He looks at me and smiles, "The best."

Kulang pa rin eh, bakit parang kulang pa rin?

He looks inside the car, "Did you leave it?"

Napalingon rin ako sa loob ng kotse, I check my bag at nasa tabi ko naman, so I ask, "Anong naiwan?"

"The flowers. I sent you flowers this morning sa office mo, I thought you hated me na nga eh because you didn't text me all day", napaisip na lang ako pero wala naman akong nareceive sa office.

Umiling lang ako, "Wala akong nakuha."

He rolls his eyes and gets his phone, "Oh my God, this person is impossible..."

Nakakunot ang noo ko habang pinapanood siyang magpi-pindot sa phone niya, tapos nilagay niya sa pisngi niya ang phone, “Hello? I thought I asked you to send flowers to my girlfriend?"

He what?

"No. She didn't get them. Are you sure you sent it?" He continues.

I'm still confused with what's happening here.

"Well yes, check immediately tomorrow please. Thanks."

He puts down his phone and looks at me. Medyo madilim dito pero siguro hindi niya nakikita ang nagniningas kong ilong at ang usok na lumalabas sa tenga ko.

"My assistant didn't check if nareceive mo ang flowers, I'll make sure you get it tomorrow." He said that, he really said that.

Did I enter a nightmare? Ito ba ang boyfriend ko? Namaligno ba siya?

At dahil hindi na ako makapagpigil, I say, "Next time yung assistant mo na rin ang utusan mo para sunduin ako."

He looks stunned, "What?"

I laugh drily, "You heard me. I don't even know who I'm talking to right now. Saan mo dinala ang boyfriend ko? Ano ka ba twin brother ni Chuck?"

Sa asar ko may mga naka escape na luha and I wipe at it angrily, "Leche. Wala naman dapat iyakan pero naiiyak talaga ako."

I look outside and feel tired bigla so I say, "Pakihatid mo na lang ako. Please."
 
CHAPTER 67

“You can’t expect me to drive you home after you say something like that.” He says sounding angry for some reason.

Pinupunasan ko ang luha ko na parang gripong may tulo kasi ayaw niya tumigil, “Busy ka, so let’s just go.”

He says nothing.

Hindi na ako makatingin sa kanya so sa bintana na lang ako nakatingin, with both my arms crossed over my chest, sabi nila isang malaking sign daw yan kapag ayaw mong tanggapin ang sinasabi ng kausap mo, sana lang marecognize niya ang body language ko.

“I don’t understand, I send you flowers but I’m an asshole?” He asks.

Hindi ako physical na tao, hindi ako pang-UFC na gagamit ng dahas kapag gusto ko, pero ngayon talaga gusto ko siyang saktan as in jombagin ganun.

But I calm down and instead I say, “Wala akong sinabing asshole ka, sa pagkakatanda ko wala akong sinasabing ASSHOLE. Ikaw ang may sabi niyan.”

He lightly grabs my arm para tumingin ako sa kanya and I reluctantly do, wala naman ako magagawa dito trapped ako sa kotse niya. I have nowhere to go.

“Listen, I know I’ve been busy but I thought you understood. I thought you know me enough to know that this means a lot to me and that this in no way affects how I feel about you.” He says softly.

Naalala ko ang sinabi ni Sir Tristan, that I need to let him know how I feel para malaman niya so I do, “Alam ko kung gaano kaimportante sa’yo ang trabaho mo and I know that this is a very important time for you. Hindi ko binabalewala lang ang mga gusto mong mangyari, pero you need to understand rin na may feelings rin naman ako. That I feel ignored sometimes, that I feel like this has taken over our lives, both of us.”

Humarap na ako sa kanya so he’ll understand, “Sumasama lang ang loob ko kapag hindi mo manlang ako maisip, as in parang wala na ako sa priority list mo. At yang pag-padala ng bulaklak, hindi naman ako nanghihingi ng bulaklak eh, ang mas gusto ko yung maalala mo ako – yung ikaw talaga, hindi yung assistant mo.”

Nakita ko nang parang mag-eeyeroll na naman siya kasi tumingala siya so hindi ko na napigilan, pinitik ko ang noo niya, “Makinig ka. Huwag mo akong i-eyeroll, eyeroll diyan kundi lalayasan kita!”

Napayuko siya at natatawa, I slap his arm, “Hindi ako nagbibiro gago ka ha.”

He laughs.

I assume my I’m-not-talking-to-you position.

He grabs my arm, “Sorry babe. Joke lang. I missed you lang kasi.”

Hinatak niya ako palapit sa kanya and he hugs me, sobrang higpit and I want to cry again.

Pakipot pa ako syempre hindi ko nirereturn ang hug niya, “Leche! Kelan ka pa nagkaroon ng assistant ha? Bwisit na yan, nakakadalawa na yan sa akin ha.”

He lets me go but still holds on to my arms, “What do you mean?”

“Yung party hindi ako sinabihan, diba? Pinatext mo lang dun sa assistant mo para sabihan yung girlfriend mo na hindi na tuloy yung date nyo?” I say in the most annoyingly nasal way I could say it.

He puts his head against my shoulder, “Shit. Sorry, that was a dick move. I can’t believe I did that to you.”

Hindi niya ako makita pero I roll my eyes and say, “Oh diba? Talagang grabe yung ginawa mong yun. Ano ka walang daliri para hindi mo ako ma-text? Ganun ka na ba ka-busy?”

Hindi pa ako tapos, “Kaya yang assistant mo pagsabihan mong ayusin niya ang trabaho niya ha.”

Umupo siya ng derecho at hinawakan ang mga kamay ko, looking into my eyes he says, “I’m sorry babe okay? You mean more to me than you realize, I’m just an asshole for not showing you.”

He rubs my fingers, “I’m sorry for neglecting you, I didn’t mean for this to happen. Alam ko naman na susuportahan mo ako, that you are rooting for me and I’m sorry that I’m treating you badly.”

There’s the guy I fell in love with, I’m super relieved that he’s still here. Nagtatago lang siya ng konti kasi kailangan niyang mag-focus on other things.

Tumango lang ako pero I put my hand up, sa mukha niya, “Ok na, pero I need to meet your assistant. Kailangan maturuan yan, ang dali dali ng trabaho hindi magawa ng ayos!”

He laughs, “Yes ma’am. Sorry hindi ko pa siya napapakilala sa’yo, she came around two weeks ago, binigay siya ng HR sa akin because they felt I need an assistant for all the other things I should be doing. Alam mo na, hindi naman ako sanay sa ganyan so I miss some stuff like signing documents and making appointments.”

I nod pero kinuha ko ang cellphone ko dahil hello? She? Babae ang assistant ni Chuck, “Teka, ise-search ko na ngayon, ano ba pangalan niyang assistant mo?”

He smiles, “Why? I’ll just introduce you to her personally.”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Bakit ayaw mong ibigay ang name niya? I’ll just check her out on Facebook.”

He smiles and starts the car, “Fine. Can we get out of here first? Gutom na ako babe.”

I wave my hand, “Oo na. Oo na. Anong pangalan?”

As he’s backing out of the parking spot he says, “Carla Cruz.”

Dali dali kong nilagay ang pangalan ni Ate Girl sa search ng Facebook, habang nag-aantay akong mag-load ang mga profiles he says, “Saan mo gustong kumain?”

I look at him, “Akala ko ba kailangan mong bumalik ng office? Somewhere near na lang doon okay lang sa akin.”

He says, “Nope. I’m not going back sa office tonight, hayaan ko na sila. They can handle it without me.”

Napangiti lang ako, “Oo naman. Boss ka na eh, dapat sila na lang yun. Tiwala rin sa mga tao mo.”

He laughs, “Yes Ma’am.”

Nag-load na ang Facebook ko at ang daming Carla Cruz, “Anong school siya galing?”

Napailing lang siya but he says, “Assumption yata.”

Jackpot, nag-iisang Carla Cruz na taga Assumption, I open her profile and I immediately regret it.

Carla Cruz – in all her tanned glory lying down on a beach somewhere wearing a two piece bikini. She’s blessed in a ll the right places.

Panga, meet sahig.
 
CHAPTER 68

Kahit anong gawin ko at pilit na magpaantok kagabi wala akong magawa kundi bumalikwas sa kama at kunin ulit ang cellphone ko para tingnan ang profile ng assistant ni Chuck.

Kumain lang kami ni Chuck and I pretended to be okay, I pretended not to care na ganun ang itsura ng assistant niya.

I just said, “May itsura siya ha.” Sobrang labas sa ilong! Gusto ko nang magwala kagabi.

Higa, bangon, check ng Facebook search sa google… I’m obsessed.

And I’m fucking stressed.

sa lahat naman ng pwedeng kuning assistant bakit sobrang ganda at sexy pa?

Sana hipon manlang, yung may lamang ako, pero punyeta wala eh – mukha akong kulugo kumpara sa babaeng ‘to.

It’s not fair, Lord naman.

Tsaka wala masyadong hiya si Ate Girl ha, ang profile niya naka-Public.

I’m biting my nails habang tinitingnan ang mga posts niya, bwiset wala akong makitang grammatical errors – syempre Assumptionista maayos mag-English.

Hanggang sa makaupo na ako sa pwesto ko sa office hindi ko pa rin matigil ang pag-sscroll sa profile niya.

I can’t get it out of my head, na kasama ito ni Chuck araw araw, oras oras, siya ang nagpe-prepare ng mga kailangan ng boyfriend ko.

“Leche! Leche! Leche!”

Kaka-obsess ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Sir looking at my phone, “Sino yan?”

Muntik ako mahulog sa upuan ko and I look behind me to see Sir Tristan looking smug that he found me wasting my time on Facebook.

Hindi naman siya mukhang galit so I say, “Wala Sir. May ini-stalk lang ako sa Facebook.”

Feeling ko ang pula pula ng mukha ko.

He bends down so he’s close when he says, “Sino? Patingin nga.”

Ang hirap ng wala si Dee, wala akong machismisan at mapaglabasan ng sama ng loob, nag-alert lang ako kina Jem at sinabing may emergency session kami mamaya nila Cherrie sa isang nearby bar.

At dahil hindi na ako makapagpigil sa bugso ng damdamin ko I say, “Sir! Ito ang bagong assistant ni Chuck!”

As in whining voice, wala na akong pakielam kung isipin niyang para akong bata, but instead of laughing he just takes the cellphone na inaabot ko sa kanya and scroll through Ate Girl’s pictures.

Walang reaction si Sir habang tinitingnan ang pictures.

I’m waiting for him to say na, ano? Pangit ganun? Malabo naman mangyari yun.

After a few minutes he hands me back my phone and sits sa guest chair ko.

He says nothing and looks at the ceiling, I get frustrated, I tap my table, “Sir! Ano? Anong masasabi niyo?”

Nagulat siya at tumawa, “What do you want me to say?”

I slump back in my chair, “Ewan ko. Mas maganda ako? Or something na mapagaang ang loob ko. Kampihan mo naman ako Sir.”

He laughs again, “I don’t know what you want me to say, Andi. But I will not lie to you, she’s pretty…”

Punyemas.

Nakita niyang lalo akong nag-deflate so he says, “But there will always be pretty girls. There will always be someone he meets outside of your relationship, but you should be confident enough in your place in his life that you won’t get affected no matter how ‘better’ you think they are.”

I blow up my cheeks and he laughs, “Para kang bata.”

I sit up and then I bend down to put my right cheek sa table ko and I fake cry, “Gusto ko mag-tantrums! Nakakabwiset!”

I feel a touch on my head and I look up, he’s seated naman ng maayos ano yun mumu?

He looks at me and lowers his head para halos magka-eye level kami and he says, “Andi…”

Looking at him like this I realize kung anong gusto niyang sabihin, I mean I am always with Sir Tristan and he’s good looking, matalino, mabait, mabango… este masipag, pero I’m not attracted to him like I’m attracted to Chuck.

Magka-level sila ni Chuck, some might say he’s better pero I am still loyal to Chuck because I love him, and Chuck is confident enough that he will not think of Sir Tristan as a threat to him, to us.

Sir Tristan smiles at me and says, “Andi, you is smart. You is kind. You is important.” Quoting the movie The Help.

And I laugh out loud.

Gago ‘to ginawa pa akong special child.

He smiles and says, “Ano? Okay ka na ba? Hindi ka na magmumukmok?”

I sit straight and pout, “Try ko Sir.”

Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya parang nag-iisip, “Hmm. I can think of a way to help you feel better.”

Umusad ako paharap at nilagay ang elbows ko sa table ko, chismosang chismosa lang ang dating, “Paano Sir?”

He stands up and walks back to his office, “I’ll give Chuck a visit this afternoon.”

Dali dali akong tumayo at hinabol siya papasok ng office niya, “What do you mean? Mag-spy ka sa akin Sir?”

He laughs while sitting down on his chair, “I didn’t say that Andi, I’m just going to check out your competition.”

Naupo ako sa guest chair niya and I cross my arms over my chest, “Hmp. Akala ko ba Sir walang competition? Akala ko kampi ko kayo.”

He laughs, “Oo nga sorry. I didn’t mean it that way. You’re the best, Andi. I’m just saying, I’ll check her out and let you know what I think okay?”

I pout, “Talaga ba? Baka naman kunyari lang yan Sir tapos hindi mo naman sasabihin sa akin ang totoo.”

He looks at me and seriously says, “I will never lie to you. I will be perfectly honest even if it hurts.”

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko, “Nakakatakot naman yan Sir.”

He raises his eyebrows as he says, “You’d rather I lie?”

I think about it, siguro nga nag-mi-mixed emotions na ako kasi I feel threatened, talagang natatakot ako sa pwedeng malaman ni Sir. Pero may tiwala pa rin naman ako kay Chuck, sa amin para hindi siya pag-isipan ng masama. Kung gagawin ito ni Sir for me makakatulong ba ito sa amin or palalalain lang ang situation?

I decide that my curiousity wins over my common sense, “No Sir. Sige po, if okay lang can you check and let me know?”

He stands up at lumipat siya sa guest chair sa harap ko and puts his elbows on his knees, “You understand that if I do this, this could either give you peace of mind or make things worse, right? But I’m willing to do it as your friend.”

Iyan na nga ang naisip ko eh, pero I’m going out of my mind with all the questions I have so I say, “I know Sir.”

I take a deep breath and say, “Go tayo!”
 
Last edited by a moderator:
sulllllliiiiiittttt as usual!!!!

bitin pa din hahahaha
 
sulllllliiiiiittttt as usual!!!!

bitin pa din hahahaha

Hehe. Maraming salamat. :) Bukas na yang utang kong next chapter ha. Hanap buhay muna, baka mawalan ako ng pambayad sa internet tuluyan ko na di ma-update. Hahaha!

- - - Updated - - -

ahahaha "panga meet sahig!" :lol::lol::lol: really fascinating story...
more more more TS ;)

Salamat sa patuloy na pag-antabay sa storya nila Andi. :)

Sana matapos na to, nakakapagod. Char. hahaha!
 
ayan na! threat has been detected hahahaha

Hahaha! :)

Enjoy na mga kasunod. Hehe

- - - Updated - - -

CHAPTER 69

Tatlong oras nang wala si Sir Tristan, medyo na-guilty ako kasi sira ang schedule niya buong araw sa kagagahan ko. Ang dami nang naghahanap sa kanya sa office pero sabi ko na lang may meeting siya sa labas.

Ang tinde mo, Andi! Inutusan mo yung boss mong mag-spy para sa’yo. Luka luka ka nang gaga ka!

Eh siya naman nag-offer so I think hindi ko naman kasalanan talaga.

I prepare documents for him to sign at nag-ayos ng mga gamit sa office, kanina pa ako paikot-ikot para hindi ako kabahan.



Ano kaya ang nakita niya doon sa office ni Chuck?

Nag-text sa akin si Chuck kaninang morning and lunch, alam ko nag-ttry siyang bumawi. Hindi na namin ulit pinag-usapan ang assistant niya.

Hindi nga ako affected diba?

Plastik ang pucha.

Naglalapag ako ng documents sa table ni Sir nang bigla siyang dumating pero may kausap siya sa cellphone, so kahit na sobrang curious na ako sa sasabihin niya lumabas ako at sinara ang pinto ng office niya.

After all, nasa office pa rin kami at nakakahiya namang makinig sa usapan ng may usapan diba.

Umupo ako sa pwesto ko at nag-basa muna ng mga emails.

“Andi, please come to my office.” Sabi ni Sir sa intercom.

I stand up and go to his office, sinara ko ang pinto behind me and sit on his guest chair.

Tiningnan niya lang ako at parang naniningkit, “Are you ready?”

Bigla akong nag-panic, “Ewan ko Sir. Parang ready na hindi, hindi ko alam.”

He smiles, “You’re nervous?”

I give him a “hello?” look and say, “Syempre naman Sir.”

He smiles and says, “Well, I’ll just tell you what I think para mabawasan ang questions sa utak mo.”

I nod and he starts, “Well I got there and Chuck was not expecting me so naturally, he was surprised. But I proceeded to his office and his assistant came in behind me asking me who I was – so she was doing her job.”

Malamang kung ako yun nagwala na ako kung may nakalampas sa akin na bisita ng boss ko no.

He continues, “Chuck told her it’s okay but I introduced myself to her before I talked to Chuck, she’s…”

He looks at me like it’s going to hurt and I brace myself, “She’s pretty and seems intelligent based on our short conversation.”

Bakit? Ako rin naman ah.

He looks at me and smiles, “A lot like you.”

Hindi ko napigilan na parang mag-pout, we both know she’s better looking. Pucha, kahit masama sa loob ko alam ko naman ang totoo no.

He wags a finger, “Don’t. Don’t do that. She’s got nothing on you, in my opinion.”

Medyo kumalma ako and I smile, “Thanks Sir.”

He goes on, “So, we talked a while and I introduced myself as Chuck’s friend, Chuck waves her off and lets her know it’s okay so she leaves. Chuck and I pretty much talk about his business after that.”

Yun na yun?

Siguro he reads that on my face so he says, “Then I ask him about his new assistant and where he’s been hiding her. Of course I had to act like I was interested so he wouldn’t be suspicious of me. It’s a guy thing, don’t worry.”

I roll my eyes, he laughs.

“Anyway, he told me she was hired originally for a Marketing post but because he was missing out on so much work, she came in to help him sort it out.”

Tama naman yun sa kinwento sa akin ni Chuck.

“So, he didn’t request for an assistant or one who looks like her.” He smiles.

Hindi pa ako nakuntento so I ask, “So tingin nyo Sir hindi naman interesado ang boyfriend ko sa assistant niya?”

He looks at me and seriously asks, “Did you ever wonder why Chuck went here on your first day?”

I scoff, “Aside from the reason na gusto niya akong pag-tripan?”

He raises his eyebrows at me, “Chuck and I have been friends for a long time, we have business discussions but he’s never done that before. I didn’t confirm with him, but I’m pretty sure he just wanted to see how you’ll react to working for me.”

Hala siya!

Ano nagselos ang boyfriend ko kay Sir? Or at least natakot siya na baka magkagusto ako kay Sir Tristan?

Nagsalubong ang kilay ko, “Eh magkaibigan kayo diba Sir? You mean nag-isip rin siya na baka magkagusto ako sa inyo?”

It’s super weird talking about this pero at least we’re being honest.

He nods, “It’s possible. I’m not saying it’s a fact but it seems likely na he wanted to see how you will react to me.”

Tapos bigla siyang natawa, “That sounded super conceited.” Parang kinilabutan siya dun sa sinabi niya natawa naman ako.

Then I sober up, “I get your point Sir. Sobrang thank you po sa pag-punta nyo doon kahit na you didn’t have to.”

He nods, “For a friend.”

Tumayo na ako at paalis na but he says, “Also, you did me a favor.”

Tiningnan ko lang siya and he says, “You can put in my calendar now – I’ve got a date.”

Halos lumuwa ang mata ko, “Hala! Talaga?”

Bigla akong tumayo at tumakbo palabas ng office niya, “Wait lang Sir ha, kunin ko lang calendar mo.”

Dali dali akong bumalik sa office niya and exaggerated to stop at humingal, then I compose myself hold my pen and getting ready to write I say, “Kelan Sir and with who?”

He grins, “Tomorrow, seven PM please reserve us a table at Teppan, the Japanese resto…”

Sumingit ako, “I know that one Sir.”

I smile at sinulat ko ang sinabi niya.

He says, “Great!”

I look at him and I say, “Pwede malaman Sir kung sino?”

He gives me a knowing smile and says, “Carla.”
 
Last edited by a moderator:
sino yung ka date niya ate? si carla? carla cruz? yung assistant ni chuck? hokage tong si tristan ah hehehe
 
sino yung ka date niya ate? si carla? carla cruz? yung assistant ni chuck? hokage tong si tristan ah hehehe

Hahaha! Oo. Si Carla nga yung assistant ni Sir Tristan.

Abangan natin kung anong trip nitong bagong boss ni Andi. :beat:

- - - Updated - - -

pang malakasan ka talaga maam!!!!

Ano na naman pang-malakasan diyan? Hehehe
 
hahaha nakew si Tristan liligawan si carla para di mag isip si andi :D
 
CHAPTER 70

Sino ba yang Carla na yan at anong tingin niyang ginagawa niya ha?

Leche, una si Chuck ngayon naman si Sir Tristan, lahat Ate Girl agawin ganun? Teka, bakit ba ako nagagalit?

“Bakit ka ba nagagalit?” in-echo ni Jem ang nasa utak ko.

I whine, “Bakit ba kasi siya dumating? Hindi ko pa siya nakikilala, I hate her already!”

Piningot ni Jem ang tenga ko, “Bakit ka nga nagagalit na gaga ka? Wala naman ginawa sa’yo yung girl ah.”

Tumingin ako kay Jem para mag-protesta pero pinandilatan niya ako at sinabing, “Ano? Meron ba? Meron siyang ginawa sayo na dapat mong ikagalit?”

I hate na may sense ang sinasabi sa akin ni Jem. Naasar lang ako sa kanya, bakit?

Binatukan ako ni Cherrie, “Yan tayo eh, maaalala mo lang kami kapag may problema ka!”

Niyapos ko si Cherrie, “Sorry na. Busy lang talaga sa trabaho kaya hindi ko kayo nadalaw ni Jem.”

Iniiwas ni Cherrie ang katawan niya palayo sa akin, “Sus. Wala, sabihin mo nagkalovelife ka lang nakalimutan mo na talaga ang mga kaibigan mo.”

Kiniliti ko ang tagiliran ni Cherrie, “Eh, huwag ka nang magtampo, eto naman.”

Parang inasinang bulate si Cherrie kakagalaw at tawa siya ng tawa, “Oo na, sige na. Baliw ka.”

Binitiwan ko na siya at ngumiti, “Sorry talaga guys, promise gawin nating regular session ito. Para naman akong single sa sobrang busy ng boyfriend ko eh.”

Hinataw ni Jem ang kamay niya sa lamesa, “Enough! Sagutin mo muna ang tanong ko, ano bang ginawa sa’yo nung babae para magalit ka?”

Para akong nakaamoy ng mabaho sa pag-lukot ng ilong ko, alam ko namang mali at wala naman talaga siyang ginagawang kasalanan sa akin pero naiinis ako eh. Feelings ko ‘to kaya walang pakielamanan.

Tiningnan ko si Jem, “Hoy Jeremy, kung makapagsalita ka kala mo wala kang mga eksenang ganyan ah, kung makalait ka nga dati sa office kala mo kung sino.”
Inirapan ko siya, “Galit sa kapwa…”

Natawa si Cherrie, “Kaya nga nandito tayo lahat eh, pareho tayong masasama ang ugali.”

Humarap sa akin si Jem, “Oh eh anong gagawin mo? Alangan namang sugurin mo yung babae!”

Tumingin lang ako kay Jem, “May sinabi ba ako? Ha? May narinig kang ganun ang gagawin ko? Naiinis lang ako sa kanya pero hindi naman para sugurin siya, ano ako baliw?”

Kinuha ko ang pitcher ng Margarita at nilagyan ang baso ko, nakalahati na pala agad namin kaya pala parang tinatamaan na ako. Nilapag ko ng may gigil ang pitcher at tumingin kina Jem.

“Ewan ko lang talaga kung bakit pero parang sobrang na-iinsecure ako dun sa girl, I mean nakita nyo naman yung picture niya, ano naman panlaban ko dun?”

Uminom muna si Cherrie at sumagot, “Bakit ba kasi kailangang may labanan ha? Hindi ba ikaw ang girlfriend? Siya assistant, so anong kailangan niyong paglabanan?”

Oo na nga eh, naiintindihan ko naman na wala dapat talaga pero yung nga ang feeling ko, ano ba?

Siyempre takot akong mabatukan so hindi ko yun sinabi, “Alam mo yung minsan may feeling kang hindi mo maintindihan? Yung parang may mangyayari pero hindi mo mawari kung ano? Ganun ang feeling ko, I have a bad feeling about that girl.”

Nilapag ng medyo pagalit ni Jem ang baso niya sa table, “Ayan! Kapapanood mo ng mga TV series at movies kung ano ano nang iniisip mo, huwag mo akong sasabihan ng premonition at mga intu-intuition ha, jojombagin kita.”

Sumagot si Cherrie, “Hoy in fairness bakla totoo yan, iba talaga ang intuition ng babae.”

Umiling lang ang natawa si Jem, “Walang ganyan, ‘di totoo yan, may nangyari at may nakita ang babae kaya yan nag-iisip ng kung ano ano, pero hindi yan parang espiritung may ibinubulong sa isang babae para magduda. Gawa gawa lang yang intuition na yan.”

Kung hindi ko lang bestfriend itong si Jem itinakwil ko na ‘to eh.

Sumabat ulet si Cherrie, “Ano ka, ganyan ang nanay ko, may isang araw gusto niyang pumunta sa mall pero hindi niya alam kung bakit, parang may humahatak daw sa kaniya doon. Ayun, nahuli niya ang tatay ko lumalabas ng sinehan iba ang kasama.”

Nag-cross ng arms sa chest niya si Jem, “Eto tanong lang Che, yan bang tatay mo ay nambabae na before mahuli ni nanay mo?”

Sumagot naman si Cherrie, “Oo. Bakit?”

Tinuro ni Jem si Che, “Ayan. Yan yung sinasabi ko, nangyari na before so yung ‘humahatak’ sa nanay mo, hindi yun galing sa espiritu or kung ano man, galing sa experience ‘yan. May pagdududa na si Mudang mo kaya ganun ang naging reaction niya. Simple as that, huwag nyong gawing superpowers yan, utang na loob.”

Kung sabagay may point dun si Jem, pero ano wala namang ginagawa sa akin si Chuck at yung Carla wala namang ibang ginagawa pero parang feeling ko talaga hindi siya okay, something’s fishy talaga.

Naramdaman ko na lang ang daliri ni Jem sa centido ko diniinan niya at napalingon na ako sa kanya, “Kaya ikaw ha babaeng OA, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano ano kung wala naman dapat ipag-isip. Mabait naman ang jowa mo sa pagkakaalam namin, wala naman ginawa yun before para mag-isip ka ng ganyan kaya tigilan mo na, baka mapasama pa ang relasyon niyo kasi paranoid ka.”

Kinagat ko ang labi ko at nagsabing, “Oo na. I get your point, hindi na ako makikielam doon sa girl kung wala siyang gagawin sa akin or kay Chuck or kay Sir Tristan, hindi ko siya papansinin or iisipin.”

Kakatapos lang uminom ni Cherrie at medyo lumulunok pa nung nagsalita, “Teka, bakit ba pati si Sir Tristan mo eh hindi pwedeng salingin nung Carla na yun? Nagseselos ka ba dahil magde-date sila?”

Pinandilatan ko si Cherrie, “Wha-, what? Ako? Bakit naman ako magseselos eh boss ko yun, ayaw ko lang na mapalapit siya dun sa babae kung bad news siya…”

Magsasalita na sana ulit si Jem pero sumingit ako, “At oo na, hindi ko siya kilala pero I still have a bad feeling about her, so concern lang ang meron ako kay Sir Tristan, nothing more.”

Nagtinginan si Cherrie at Jem, having a silent conversation about me.

I still back quietly assessing if I gave the most honest answer I can give.

Yun lang naman talaga yun, he’s good to me so ayaw ko siyang masaktan. But I can’t shake the fact na I couldn’t ask him why he’s going out with her. Nung sinabi niya sa akin na lalabas sila I just froze, wrote it down and walked away.

He’s my boss and kung gusto niyang i-date ang babaeng yun, that’s his choice. Wala akong karapatang magtanong or makielam, know your place, Andi.
 
Back
Top Bottom