Good day po.. matanong lang po ... Ako lang po ba nakaka experience ng issue ni xiaomi redmi 5plus na nag go ghost touch minsan? Tapos pag nag lalaro ako biglang tigil yung touch screen? Ng mga 2seconds.. as in d mo talaga mapipindot.. yung 2seconds na yun mahalaga na kase sa online games eeh.. gaya ng mobile legend.. minsan din may times na nag ttouch sya sa screen random.. yun bang parang 5 daliri mo naka lapat sa screen.. yung d nya ma detect saan yung daliri mong tunay... Sarap nanga hatiin sa dalawa tong mokong eh... Kainis na.. naka ilang factory reset na nga ako.. sayang yung mga files ko nung una eh.. konti lang yung nag back up... Hina habaan ko nalang talaga pasensya ko.. patulong naman oh... Baka may alam kayong solusyon dito... Yung factory reset gumana naman sya nung una.. lumipas isang linggo, ayan nanaman xa... Tas pa ulit2 nalang din... Sanay matulungan nyo ko sa problema kong ito... Maraming salamat mga kapatid,kapamilya,kapuso,kabarkada..