Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Half asleep/awake

calvinjshades

The Martyr
Advanced Member
Messages
704
Reaction score
2
Points
28
Meron naba sa inyong naka-experience ng sleep paralysis? Last Sunday kasi naka-experience ako ng kakaiba bago matulog. Mga 12am na yon nakaramdam ako antok mula sa panonood ng tv series, so siguro sa pagod nadin kaya di ko na namalayan nakatulog na ako, kaso bigla akong nagising. Iniisip ko na inaatake na naman ako ng sleep paralysis, madalas nangyayari sakin yon kaya di na ako nagpa-panic pero this time hindi na sya katulad ng dati. This time may naririnig akong mga boses. Ang daming boses na naririnig ko na hindi ko maintindihan parang ang wavy ng dating hihina tapos lalakas pero may isang boses na narinig na parang anlapit lang sakin at naiintindihan ko talaga, boses bata siya di ko masabi kung babae o lalaki dahil may pagka-palceto yung boses, paulit-ulit niyang sibasabi "kuya tulungan mo ko." mga ilang beses yon na paulitulit na sinasabi. so medyo natakot na ako nung part na yon kasi parang andyan lang ang lapit ng boses, aware naman ako nung naririnig ko yung mga boses nakikita ko yung paligid pati yung paa ko, ginagalaw ko nga para magising ako e tapos sa right side ng paa ko may naaaninagan naman ako parang korte na ng bata, anino na talaga ng katawan ng bata. kaya natakot na ako pinilit ko na talaga gumising kahit gusto ko pang marinig or alamin yung naririnig kong boses. Then pag-gising ko matagal din ako nagisip, langya pina-process ko ng maigi yung nangyari. Gusto ko lang sana malaman kung ano yung voices narinig ko? nag-research din kasi ako that time pagkagising ko about doon kaso gusto ko din malaman base sa experience din ng iba, baka sakaling meron dito sa symbianize para ma-enlighten din ako.
 
Sa pagod yan TS, nangyari na sakin ito nung high school ako galing kasi ako sa basketball game. ito yung gising ka pero tulog ka tapos di mo maigalaw yung katawan mo.
pag nangyari sayo to TS wag mo lalabanan, just relax and try to sleep again mawawala yan.
 
Sa pagod yan TS, nangyari na sakin ito nung high school ako galing kasi ako sa basketball game. ito yung gising ka pero tulog ka tapos di mo maigalaw yung katawan mo.
pag nangyari sayo to TS wag mo lalabanan, just relax and try to sleep again mawawala yan.

salamat sa pag tugon. nag research din ako, hypnagogia yung tamang term di siya sleep paralysis.
 
Last edited:
Parehas din tayo T.S pero yung sa akin is either sa leeg or sa tiyan nararamdam ko yung sakit para ka bang sinasakal, ginagapos or tinutusok sa tiyan hindi ka makagalaw o makapagsalita..maririnig mo yung weird na weavy sounds(lower frequency). madalas nangyayari ito sa akin mapa araw man o gabi kapag puyat ka
 
Parehas din tayo T.S pero yung sa akin is either sa leeg or sa tiyan nararamdam ko yung sakit para ka bang sinasakal, ginagapos or tinutusok sa tiyan hindi ka makagalaw o makapagsalita..maririnig mo yung weird na weavy sounds(lower frequency). madalas nangyayari ito sa akin mapa araw man o gabi kapag puyat ka

sa akin naman first time palang mangyari to, pero malinaw yung pagkakarinig ko nung boses. tapos kanina pala mga 5am na, half-sleep ulit pero parang buddhist hum lang naririnig ko saglit lang kasi ginising ko na sarili ko. weird. :noidea:
 
My adolescence was plagued by sleep paralysis. Comes to the point that i literally touched the entity in human form (the one that lies upon sleeping women to have sexual intercourse) ang lambot ng katawan na parang walang buto. Seen the hat man multiple times na rin around 11 or 12 yo yata ako. I would describe this entity as a void person. I think void is a much better description of this entity's form of appearance.
IMG_20221215_231417.jpgIMG_20221215_231606.jpg
 
Madalas mangyari sa akin to lalo na kung pagod ka tas natulog. Minsan nga nakapatong na sa akin yung anino. Ginagawa ko nagdarasal talaga ako, pinipilit kong ibuka yung bibig ko dahil hirap na hirap kong bigkasin ung prayer. Last na naencounter ko to, nakayakap na sakin, the more na nagdarasal ako, the more na humihigpit yung yakap nya para hindi ako makakilos. Sa dami ng naexperience ko eto talaga yung hindi ko makalimutan...

Hindi ko alam kung conscious or unconscious that time. Sa ganung pwesto ng aking paghiga bigla na lang akong hindi makakilos bigla. Tapos meron akong katabing nakaitim, nakabihis madre. Parang yung damit ni Valak (The Nun Movie). Ganun na ganun. Sa gawing paanan nya may sanggol na nakabalot ng puting tela. Gusto kong lingunin kung sino sya pero hindi ako makakilos para humarap sa kanya. Pero pinilit kong labanan. Pagkakita ko sa kanya, sarili kong mukha ang nakita ko. Nakasuot ng itim na pang madre. Pagkatapos nun bigla na lang akong napabalikwas. Hindi ko alam kung matatakot ako dahil pakiramdam ko masamang pangitain yun.
 
dati sa akin mdalas mangyari to halos araw araw,pti sa tanghali ifmatutug,hanggang sa nasanay nko tpos ayun medyo nwala na
 
dati sa akin mdalas mangyari to halos araw araw,pti sa tanghali ifmatutug,hanggang sa nasanay nko tpos ayun medyo nwala na
Dahil na rin po cguro sa pagod, stress at overthinking. Buti na lang sa akin mula hindi na masyadong umaatake dahil masarap na ang tulog ko dahil sa multivitamins.
 
Naranasan ko ulit ito knina..

Bumabalik na naman kc ang pagiging overthinker ko at sinusumpong na naman ako ng anxiety..nasstress tlaga ako. Hays.
 
Ikukwento ko na lang sa abot ng maaalaala ko. By the way lalake ako, at 40 years old na. Matagal na ako dito sa symbianize at may mga nai-share na rin ako noon. At sinubukan ko pa ngang gumawa ng thread sa pagi-interpret ng mga panaginip at marami akong nahulaan na tumpak.

So, eto yung mga teorya ko:

1. Ang panaginip ay kabaligtaran ng ating totoong buhay.
~ Yung napapanaginipan natin ay isang resolusyon o sagot sa problema natin sa totoong buhay. So, kabaligtaran ng tanong ay sagot. Ang panaginip natin ay maaaring mag-project bilang katanungan tungkol sa nangyayari sa totoong buhay natin, o kaya naman ay sagot.

Halimbawa: Nanaginip ka ng isang masayang kaganapan o kapayapaan. Maaaring sinasabi nito na malungkot ka sa totoong buhay. At kung nanaginip ka naman ng tungkol sa kalungkutan ay baka masyado mo nang binabalewala yung mga problema mo.

2. Iba't ibang uri ng mata.
una ~ nakakakita tayo gamit ang mata natin habang nakamulat. ang nakikita natin ay mga materyal na bagay

pangalawa ~ nakakakita tayo ng ibang bagay o pangyayari habang nakabukas ang mata. Kumbaga tipong kapag natutulala tayo.

pangatlo ~ nakakakita tayo ng mga bagay o pangyayari habang nakapikit ang ating mga mata. Hindi tayo tulog at conscious naman sa ating paligid.

pang-apat ~ yung napapanaginipan natin. Sa part na to maraming level ang pananaginip. Pero may iba akong hinuha sa paksang ito.

panglima ~ dejavu. yung pakiramdam a parang nangyari na ang isang sandali.

pang-anim ~ close encounter. nakakakita, nakakarinig, nakakahawak, nakakakausap ka ng entity (mula sa ibang dimension). May ibat ibang dimension kung saan nananahan ang iba't ibang entity base sa kanilang frequency (vibration/vibes). Isa dyan ay ang kaluluwa. Iba ang soul (kaluluwa) sa spirits. Kumbaga ang kaluluwa ay remnant ng isang spiritu.

3. Panaginip ~ isa siyang uri ng panalangin. Kaya nating lumikha gaya ng Manlilikha. Nananahan ang Dios sa atin. O kaya kung sa realm ng existentialism, we are just part of the Grand Design.

Kapag nananaginip tayo, bumubuo tayo ng parang 'bubbles' at naga-attract tayo ng iba't ibang energy doon pati mga entity (mula sa pinakamababang inteligence hanggang sa pinakamataas/all walks of spirits). Nananahan sila dun. Depende kung gaano mo kadalas bisitahin ang place na yun sa pamamagitan ng pananaginip ay mas lalong magiging vivid ang mga entity dun. May mga entity na nagaanyong bagay gaya ng lamesa, bato etc... Mga low spirits yun. Syempre kapag mga medyo matataas nang klase ng entity walang pakialam sa atin yan. Godly na ang mga yun. Ang mga halos kapantay natin ng frequency na nasa ibang dimension yun yung mga gustong mag-possess sa atin para mag-manifest yung gusto nilang mangyari dito sa dimension natin (Physical World).

4. Creativity ~ ang creativity ng tao ay isang manifestation na may handog na talino ang Manlilikha sa atin. At sa pamamagitan ng ating mga mata (third eye, six sense, etc), panaginip (lucid, dreaming, astral projection), at mga engkwento dejavu, malikmata, pangitain... Biyaya ng Dios na totoo yan. Yung mga mahuhusay na manunulat, manghuhula etc. Manifestation yan ng ispiritwalidad.

5. Kontrapelo ang mga banal na kasulatan sa tunay na ispiritwalidad ng tao. Hindi ko na lang ielaborate ang tungkol dito dahil umiiwas na ako sa mga turong relihiyon. Gusto kong panunbalikin yung ispiritwalidad ko na walang bahid ng konsepto ng moralidad, ng gawang masama at mabuti. Para sa akin divide and conquer yan para ma-kontrol ang sangkatauhan.

6. Iwasang maghalo ng materialism at scientism sa spiritual experiences. Ang paggamit ng mga terminologies na ginamit ng ibang tao to describe your own unique experience ay isang uri ng Crystalization o Compartmentalization. Dapat manatili tayong "Free mind" / "Free thinker".

Ngayon, kung hindi maiiwasan. Dapat magkaroon ng Teacher-Student interaction (Master-Apprentice) gaya nung panahon nina Socrates at Aristotle. Huntahan. Banggaan ng mga naiisip (hindi yung nalalaman).

Ganun ang naiisip kong paraan para mapakinabangan ang mga spiritual experiences natin.
Post automatically merged:

Tungkol naman sa karanasan ko, halos pareho din sa mga nakaranas ng lucid dreaming, astral, sleep paralysis etc.

Bata pa lang ako ay nakakakita na ako mga entity gaya ng mga engkanto, white lady, black lady, paring pugot, tsaka yung kaluluwa ng kuya ko na unborn child.

Naka-encounter din ako ng isang tao na anak ng duwende. May kapangyarihan syang manghula at manggamot. Kaso namatay na sya.

Totoo na ang pondo mo para mag-sleep paralysis ka, o kaya mag-lucid dreaming at astral projection ay dapat pagod na pagod ka, o kaya stressed, depressed. Kasi kailangan mong kumalas sa material world at mag-immersed sa spirit world/cosmic world. Saglit lang na experience pero kapag nagising ka akala mo nakipaghabulan ka ng milya milya. Ipagpalagay na lang natin na kapag nag-lucid dreaming tayo o astral projection at kung anu ano pang spiritual encounter, para tayong nagda-download ng katakuttakot na data mula sa cosmic ocean/spirit world. Syempre kaunti lang dun ang maiintindihan natin paggising at unti unti naga-unfold sya depende sa pangangailangan natin nung kaalaman na yun.

Bukod sa pagiging pagod, stressed o depressed, ang alak o bawal na gamot o anumang substance na 'downers' nakakapagdala yan sa tao para mag-lucid dreaming, etc. Kaya lang sobrang sadsad ng frequency ng gumagamit ng mga synthetic kaya nilulukuban sila ng masama/lowest spiritual entity.

Ex. May mga naka-droga na tumitilaok na parang sa tandang o kung ano anong kalokohan.

Ang iniisip ko na lang, kung pupwede bang managinip habang high frequency o masaya/good vibes. Ang teorya ko, ay pupwede; gaya ng mga monghe na nagmemeditate. Malamang puro happy thoughts ang iniisip nila.

Sa panahon ba ngayon, at lifestyle natin at maraming mga direct at indirect influences sa atin, kaya ba nating mag-tap sa mataas na frequecy? At magtuloy sa pananaginip (panalangin)?

Anu ano yung mga influences na nakakasira sa ating mataas na frequency o good vibes?
~ entertainment (music, film, games, multimedia, sports)
~ politics (pros, cons, democrats, liberals, lgbtq, vegans, etc..)
~ scientism

Lahat yan can be boil down to one;

Television (Mainstream entertainment, press media)

Yan ang nagdidikta kung paano mag-crystalization or mag-conpartmentalized ang mga tao. Magsama sama kung sinong pare-pareho ang interest o kung anong common meron sila.

Ang Free spirit/Free thinker walang kinabibilangan. Ang Free spirit ay laging mapag-isa/old soul dahil nga may mataas siyang level ng karanasan (spirituality) na handog sa kanya ng Maylikha.
 
Last edited:
Back
Top Bottom