Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)PAMPALAKAS SIGNAL

Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

screenshot naman po na malinaw sa cable wire na nakakabit sa cellphone antenna thanks po
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

oo nga poh more screenshots..gaanu kalalim dapat naka-insert yung wire sa butas ng external antenna? ayaw gumana sa akin ehh..
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

mga bro, complete na yung mga pictures ng sinasabi kong copper wire, ng cable wire,mula sa modem, to cable, to antenna, paki review nalang, nasa page 1,2and3... may picture na din dun kung ano hitsura ng loob ng smartbro pati yung mismong saksakan nung wire..
and bad news pala, may smartbro ata na di functional yung antenna connector,may isa kasi ako smartbro na ayaw lumakas yung sognal e...
yung usb extension nalang ang bilhan nyo ng mahaba.. next time, yun naman gagawan ko tutorial kung pano mag dugtong,kung gusto nyo habaan,

4 lang ang wire sa loob ng usb extension, 5 kung kasama yung ground... color coded naman yun...
 
Last edited:
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

gamitin niyo lang magnetic wire. gaya nung pinost ko previously.
eto yung mukha niyan
MAGNETWIRE.jpg

mas madali kasi yang hanapin kaysa sa mga coaxial na manipis ang size. kiskisin niyo muna yung dulo ng wire na yan kasi may coating pa yan, tapos insert niyo sa modem niyo.

sa aking medyo effective naman siya, kasi mas naging stable na yong HSDPA signal ko. dati naglalaro lang siya sa WCDMA/HSDPA. wala na rin akon antenna na inilagay. yung 1/4 gram niyan siguro sobra na yan ng 10meters, by gram kasi yung pag bili niyan hindi per meter.

modem ko pala e160e globe.
eto yung pic kung saan iinsert.
huawei-e160-antenna.jpg
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

and bad news pala, may smartbro ata na di functional yung antenna connector,may isa kasi ako smartbro na ayaw lumakas yung signal eh

ah kaya pala ayaw gumana sakin ganun pala un.. Panu ga ang sinasabi mung usb extension? Ibig sabihin ga eh yung smartbr0 na mism0 ang ilalay0 sa PC?
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

@dontwotymz

opo, kung di nyo po talaga mapagana yung outdoor antenna, better try po yung extend nyo yung usb extension ng smartbro, may kasama po yun nung binili nyo...

pede po kayo bili ng mahaba or putulin nyo sa gitna para dugtungan..

apat po kulay yung wire sa loob,green, white, red, at black po,, napa gana ko na po, ito po ngayon gamit ko, pag post nitong reply na to.

di ko nalang nilabas ng bahay, baka manakaw! hehehe!
 
ah mukhang maganda nga yan..panu kung sa bubong ko siya ilagay? paano siya hindi mababasa kung sakaling umulan?
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

@dontwotymz

yung mismong smartbro modem???

i dont recommend po na sa labas ng bubong nyo sya ilagay, hindi po sya water tight.. at kung di naman sya masira ng init ng araw, madali po yun magmumukhang luma..

hanap mo nalang ng magandang pwesto sa loob ng bahay nyo na di matutuluan kahit umulan... maganda kung presko din dun sa pwesto nya kasi,madali mag init yung smartbro...
 
ah..kasi bumili na ako ng usb extension na 5 meters ang lenght, dalawa binili ko hehe kala ko kasi pede siyang gawing mas mataas para mas malakas ang signal.
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

pano po pang ung gamit yung smartbro is ung pangalawa nilang labas wala po kc akong makitang suksukan ng antena Model: MS622 kulay black po sya
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

ung modem ko kagaya ng nakapost sa taas,ung bagong tattoo. Ginamit kong wire,ung coaxial.eto ang problema,paginsert ko ng wire sa modem,ung bilog na pagiinsertan,napuersa ata,ngcrack sya. Makakaapekto kya un sa performance ng modem? Ano sa palagay nyo? Tnx!
 
sa tingin ko hindi naman makakaapekto yun as long as hindi na-damaged yung mismong internal antenna niya..try mu rin gamitin kung may pagbabago sa connection properties ng modem mo. parehas tayo ng gamet eh.

eto nga pala gamet ko para lumakas ang signal ng tatoo ko. Dito sa location ko eh 0% yung signal as in hindi talaga makakabrowse. Ganito ginawa ko, kumuha ako ng takip ng kaldero at bote ng wilkins(250ml). Then hinati ko yung bote at inalis yung takip. Sa dulo naman ng bote isinuksok ko yung globe tattoo. PAgkatapos eh isinandal ko ang takip ng kaldero sa PC ko, sa unahan neto ay isinet ko ang globe tattoo na nasa bote. Tingnan niyo na lang ang attachment.
 
Attachments

  • tatu1.jpg
    tatu1.jpg
    80.7 KB · Views: 720
  • tatu2.jpg
    tatu2.jpg
    64.1 KB · Views: 509
  • tatu.jpg
    tatu.jpg
    64.1 KB · Views: 472
Last edited:
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

i-adjust niyo lang ung globe tattoo palapit o palayo sa takip kung saan malakas ang signal. Sa akin kasi full bar ang signal minsan eh WCDMA o HSDPA yung nasasagap niya. Kayo na lang bahalang mag-improve hehe
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

wow unique toh ahh pra kng may disc plate! mhal kya nun! jejeje pro ok toh try ko toh
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

wow unique toh ahh pra kng may disc plate! mhal kya nun! jejeje pro ok toh try ko toh

tried and tested ko na to hehe. ito na siguro pinakamadaling paraan para magkasignal kung sakaling taga-bukid kayo. iadjust lang palapit o palayo yung tattoo kung saan malakas signal:thumbsup:
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

masubukan nga to hehehehehe..........:excited:
 
Re: smartbro prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

pano po yong sa glod tatto ko po ala naman po me mahanap na salpakan para sa antenna? help naman po pls.
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

@basti

bro, nasa page1 first post yang problema mo... option 1, bili ka usb extension, option 2, habaan mo yung dati mo, (color coded yung apat na wire sa loob ng usb adaptor, di ka magkakamali, pwera nalang kung "toottooot" ka. option 3, sundin mo c dontwotym
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

malas ko aman sira agad yung usb extension na nabili ko sa CDR..
 
Re: SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)

@dontwotymz
???? grabe naman, baka na tsambahan mong may putol na talaga... tester lang katapat nyan bro, 5 lang connection ng extension including na yung mismong sinasaksakan nyang wala naman atang silbe (ewan lang kung ground yun)

anyway, 4 lang wire nun sa loob na mahalaga, color coded yun... di mo na kelangan buksan para makita sila...

PAG SINILIP mo yung terminals ng extension, may makikita kang 4 strips of metal, meron nun sa magkabilang dulo ng usb extension mo...

bawat isa nun,isang dugtong ng wire.... so kung talagang sira nga yung wire, 2things should happen,

#1. PUTOL YUNG WIRE
#2. SHORTED YUNG WIRE (meaning, may nag dikit sa kanila.) ,,pede ding basa, kaya para na ring nag dikit yun

how to use tester...
...set the tester so that when you let the positive and negative wire touch each other,
papalo yung dial to the right...

so, pag dinikit mo sa MAGKABILANG dulo ng wire yung positive at negative, papalo sa kanan yung dial kung continuous yung wire mo at di naman gagalaw kung putol... kaya CONTINUITY ang tawag dun ng mga technician...

kung shorted naman, makikita mong may connection sa more than 1 wire, dapat kasi,isang wire, isang connection lang. wala dapat reaction yung tester kapag magkaibang wire ang tini test mo...

kung ayaw mo na mahirapan,yung technician na pa gawin mo ng pag test kung may putol yung wire mo.

hit thanks po kung naka tulong. :-)
 
Back
Top Bottom