Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naniniwala ka ba sa aswang? Trip to Antique

Yung pinsan ko na nakatira samin together with his wife. Nung buntis sya ang daming paniki dun sa puno ng mangga sa tapat namin. Pero before wala naman..
 
Oo nga, bakit mga buntis ang gusto nila.

Pati yung mother nung dati kong roommate, ayun,buntis daw,pero nasa beach naman, tapos may aso na palagi daw titig ng titig sa kaniya. E di naman common mga aso dun,ayun,pinaalis na lang.

masarap daw e.. whaaa at alam nila dahil sa amoy..
 
Ewan ko ba kung bakit gusto nila yung baby. Kahit yung mga aswang na inexposed dati dun sa NGINIG. Mga bata rin ang target. Pero parang mga cannibal lang sila at walang ability na lumipad o nagbabagong anyo. Ginagawa nila nangingidnap ng bata, tapos papakainin para tumaba, tapos pipapakain ng mga spices tapos nilalagay sa jar yung mga bata parang binuburo.. nakakakilabot episode na yun
 
Yung pinsan ko na nakatira samin together with his wife. Nung buntis sya ang daming paniki dun sa puno ng mangga sa tapat namin. Pero before wala naman..
baka naghahibernate lang sila dyan kung warm weather. aalis din mga yan kapag tag-ulan, maliban na lang kung may butas yong mangga at hollow eto, dyan talaga sila titira.
 

baka naghahibernate lang sila dyan kung warm weather. aalis din mga yan kapag tag-ulan, maliban na lang kung may butas yong mangga at hollow eto, dyan talaga sila titira.

Sa tagal na nakatira kami dun nun lang ngyari yun. After nun wala na sila. 2004 pa un. D na uli naulit..
 
share ko lang eto...may prof ko lumaki sya sa Capiz, Aklan...diba sinasabi nila na maraming aswang dun...pero sa totoo lang wala naman daw talaga ever since pa naman daw sa lugar nila walang nakikita ...pero ang sabi nya ang talagang aswang eh ung mga taong pumapatay na nasisiraan ng ulo kumbaga baliw at nde ang aswang na nangangain ng tao...kaya diba pinagdidiwang sa kanila ung festival na ganun...dahil un ang kinalakihan nila...tama ba ako? pero syempre maniniwala lang ako sa aswang talaga kung mismong mga mata ko ang makakakita na totoo nga talaga na may aswang... :thumbsup: :salute:
 
i do believe na may aswang at multo..may experience na ako nya...
sa multo ako takot..pero sa aswang?haha
ndi nakakatakot yan...
tatlo lang kami sa may gubat mga past 10 fullmoon xmpre nakakatakot..
may narinig kaming huni ng ibong galit sabi ng kasama ko aswang daw un..
at malapit lang sa amin..ala nmn eh puro lang sila cguro pananakot...
iniintay kpa nga sumogd ang aswang kahit flashlight lang dala namin eh..hehe
pero ala nmn eh..
sa multo natatakot ako..ndi ko nmn malabanan yan eh..ghost kasi
 
share ko lang eto...may prof ko lumaki sya sa Capiz, Aklan...diba sinasabi nila na maraming aswang dun...pero sa totoo lang wala naman daw talaga ever since pa naman daw sa lugar nila walang nakikita ...pero ang sabi nya ang talagang aswang eh ung mga taong pumapatay na nasisiraan ng ulo kumbaga baliw at nde ang aswang na nangangain ng tao...kaya diba pinagdidiwang sa kanila ung festival na ganun...dahil un ang kinalakihan nila...tama ba ako? pero syempre maniniwala lang ako sa aswang talaga kung mismong mga mata ko ang makakakita na totoo nga talaga na may aswang... :thumbsup: :salute:

iba ang capiz at aklan.. sa totoo lang ang mga taong yan (aswang) ay hindi nakatira sa banwa ( or parang city proper) o matataong lugar nasa liblib sila na lugar.. sa bulubundukin o sila lang ang nakatira sa lugar na yun..
 
aswang di i think di totoo kasi la pa naman nababalita na nakain nang asawang,,multo pa meron,,pero these are demons.....na nagmumultomultohan,,pero sa totoo mga demonyo yan,,kaya kasi nila mag iba iba nang anyo,,pag replika,,yung tinatawag na optical illusion,,dyan magaling ang mga demonyo,,
 
aswang di i think di totoo kasi la pa naman nababalita na nakain nang asawang,,multo pa meron,,pero these are demons.....na nagmumultomultohan,,pero sa totoo mga demonyo yan,,kaya kasi nila mag iba iba nang anyo,,pag replika,,yung tinatawag na optical illusion,,dyan magaling ang mga demonyo,,

Ang mga aswang naman di literal na nangangain eh.. Dami sa probinsya namin ung mga buntis manganganak na lang namatay pa. Di maexplain panun ngyri.. May ginagawa sila iba. Pwede siguro sorcery.. Pero they do exist..
 
according po sa mga naririnig ko e lahi din daw po yan ng tao ang mga aswang..but personally hindi pa naman po ko nakakaencounter. pero yung pinsan ko po sa lugar namen sa may caloocan north may hinabol daw yung mga bgy tanod na aswang kasi wala daw kuryente sa part ng community nila e nakatambay siya sa likod ng bahay nila bigla daw may tumalon na tao galing sa bubong tapos dire diretso sa bandang ilog e sobrang dilim na sa part na dun tapos puro puno pa.tapos sinabi nya lang sa mga tanod yung nakita nya..ayun lang po.
 
aswang in the city kamo? baka naman po magnanakaw lang yan. kse pag alam mong hinahabol ka. lahat mgagawa mo sa sobrang taranta. kahet mataas tatalunen mo mkakaya mo. pero kung aswang talaga ang usapan. kahet hinde pa ako nakaka kita nyan naniniwala ako sa mga ganyan.
 
parang oo naniniwala ata ako.
dito samin sa quezon prov.may nakakita na something na tumatalon sa bubong mga 100 meters ang distance non two houses.parang sobrang laking aso daw ang itsura:tense:
 
i do believe in those creatures, nung gradeschool ako,, malinaw ang yero sa kusina namin, nasa sala ako, nanonood ng t.v, si mom and dad nasa kusina, kumakain, naptingin ako sa kanila, si dad nakatingala at nagsasalita, bumaba ako sa kinauupuan ko at tumakbo ako sa kusina. pagtingin ko sa taas, nakita ko ang human like figure shadow of woman na nakadapa sa yero namin, ang sabi pa nga ng dad ko , "walang buntis dito lumipat ka dun sa kabila" , then umalis yung creature.
 
..dito sa mundo talagang merong mga hinde maipaliwanag na bagay o pangyayare. kaya kahet hinde pa ako nakakakita ng aswang e naniniwala ako sa mga ganyan. me mga karanasan den ako na nakakakilabot year 2000 noon ewan ko alng kung me nakabalita sa inyo nito, nasa aklan kame ng girlfriend ko nag bora kase kme. so bago kme bumalek sa manila eh pumunta muna kame sa mga lola nya na taga aklan para dumalaw at doon matulog ng isang gabe. hinde ko na maalala kung anu baryo iyon. meron kameng nadaanang burol isang matanda na albularyo daw ang namatay sa saket. bale isang araw na sya nakaburol. so un na nga at kme ay nasa bahay na ng lola nya mejo malayo naman doon sa burol. nung gabe cguro mga 8.30pm an dameng nag tatakbuhan na kapit bahay. lumabas kame para alamin kung baket yun pala lahat sila ay pupunta sa burol dahel ung matanda ay nabuhay daw. nagkagulo sa bahay nung matanda nung dumating kame para maki chismis nagtakbuhan lahat ng bisita palabas at yung asawa lang ang naiwan doon sa loob. narinig ko sa mga nakakita, bumangon yung matanda at hingal na hingal na humihingi ng tubig. isang oras nabuhay pa sya pero namatay ulet. hinde ko naitanung kung naembalsamo na un patay. dahel sa totoo lang eh nung dumating kame doon at nalaman namen bumangon yung patay eh hinde na kame nagtagal doon bumalek na agad kame sa bahay. at nag pa kwento nalang kme sa tricycle driver na naglamay doon .na dyaryo pa nga iyon eh. taliba.
 
I was in cebu for my very first job way back 2002. Stay in kami, yung staff house namin nasa likuran ng bahay kung saan puro mga punong kahoy nakapaligid. 2 lang kami sa room na yun, habang yung ibang employees nasa ibang bunker din a few meters away. matutulog na sana ako, kaso yung pintuan na nasa bandang paanan ko biglang parang may bubukas. binalewala ko lang akala ko aso na gustong pumasok. kaso pagtagal tagal, napansin ko na yung force ng tulak eh nasa bandang taas, kung saan hindi na kayang abutin kung aso man yun. hindi pa patay ang ilaw namin nun, kaya imposibleng magnanakaw yun kasi kung magnanakaw yun, dapat magda dahan dahan sya, di ba? so ang ginawa ko, kinuha ko yung tubo sa ilalim ng kama ko at dahan dahan akong lumapit sa may pintuan at bigla kong hinampas ng tatlong beses. biglang tumigil yung pagtulak, tapos after mga 1 minute, biglang kumalabog yung bubungan namin na parang nilindol, nayanig sa sobrang lakas. pinakiramdaman ko lang kung babalik pa. mayamaya kumatok yung driver namin, kasi narinig din pala nya yung kalabog sa bubungan. nagising na sa mga oras na yun ang roommate ko at kinwento ko sa kanila nangyari. palagi daw may mga ganung pangyayari dun matagal na. nasanay na sila at kung minsan hinahamon na nga nila ng suntukan.:lol:
 
ung nanay at lola ng kaibgan ko dyan nakatira dati.. may mga kakaibang nangyayari daw talaga tas meron pa daw na yung nagpapuppet na walang ginagamit na tali, telekenesis ata tawag dun, normal na daw yun sa karamihan ng tao dun.
 
Back
Top Bottom