Good evening po muna sa mga Ms. Mrs, Kumander, Ma'am na walang sawang sumasagot sa mga katanungan namin! sana huwag po kayu mag sawa!
Warning to all readers, mejo mahaba to, This contains graphic images, kasi may screenies ng convo namin at gaano ako kapalpak (pagpasensyahan niyo na po ako)
Tanong ko lang po, How do I start a conversation with my officemate, actually more than 3 to 5 years ko na siya kasama sa office, at first time ko siya nakausap ng mejo may katagalan is nung office swimming november last year, random talk lang, willing naman makipag usap si officemate pero feeling ko one way lang ang convo at mauubusan ako ng topic para tumagal yung usapan namin, ang naalala ko lang na mga tanong ko is ilan kapatid mo? pinayagan ka ba sa swimming? (thinking na 26 to 27 na yung kausap ko) and ang mejo personal lang na natanung ko nun is wala ka bang BF? yung mga ganun kababaw na tanungan, tingin niyo wala lang ako naiisip dahil nag aalangan ako mag tanong o natotorpe ako? o hindi lang talaga ako interesting kausap? kasi parang sumasagot lang siya ehh di naman nagtatanong...... alam ko sincere naman sagot niya pero parang hindi man lang siya nag tanong feeling ko lang ahh....
Paano po ba mag karoon ng healthy exchange of conversations with her?
isa pa po may times na kakausapin ko siya na ang reaction niya is soplak kaagad ako either snobbed, or titingin lang siya with dead eyes, T_T then continue sa kung anumang ginagawa niya, may times din na kakausapin ko siya na titingnan niya ako directly sa mata with a big smile, kaso ako naman itong nauutal at lilihis na ko ng tingin sabay takas na (opo alam kong mahina akong nilalang kung sa tingin pa lang tunaw na ako)
How should I address this?
isa pa po ulit, niyaya ko siya lumabas end of december, sumama naman po siya, paki kastigo naman mga pinag gagawa ko, Una parang ang pangit kasi ng paraan ng pag aya ko sa kanya as in pangit talaga hahah di ko na idedeny dami ko pa kabobohan that night, please see the convo (warning: sorry sa mga naka mobile baka di nyo makita yung picture)
View attachment 1303030
so ayun na nga niyaya ko siya sa isang mall ng wala akong ka plano plano, di ko alam kung san kami kakain kaya naglibot pa kami, nung nakapili kami ng kainan Minake sure ko naman na busugin siya, Na proud ako sa sarili ko dun ahaha, after kumain nag lakad lakad kami sa garden ng mall, after mag pahinga nag aya ako mag sine, on the spot ko lang naisip mag sine haha, pag punta sa sinehan puro MMFF yung pelikula pelikula ni vice, coco, at aga, Pinapili ko siya kasi wala akong maisip panuorin, sabi niya ako bahala, ayun unang choice ko is miracle at cell no. 7 yung kay aga kasi napanood ko na yung korean version at maganda siya, ang problema last showing lang available 10:45pm sabi ko masyadu ng late aabutin kami ng hating gabe, tinanong ko siya kung ok lang? nag agree naman siya, kaso concern talaga ako sa oras ng pag uwe niya kasi baka abutin ng hating gabe sa daan (note ko na din 26 to 28 yo na siya di na bata para magkaroon ng curfew) pero concern talaga ako kaya yung mas maagang showing ng pelikula kinuha namin yung kay vice, after mag sine mga past 9 or 10 ata yun diretcho uwi na kami binook ko na sya ng grab pauwe,
yung scenario ng pag labas namin ang madame akong tanong,
- Dapat ba pinag planuhan ko pag labas namin like kung san kami kakain? anung movie panunuorin?
- Girls dapat ba predetermined na yung kakainan o ayus lang sainyu maglibot sa mall para mag hanap ng kakainan?
- How do I know kung may preferred kayung food? (pero hindi naman siya mapili sa pagkain, minsan basta busog siya ok na)
- How do I know kung may preferred kayung movie? lalo na kung sasabihan mo ako ng ako na bahala?
- Regarding sa oras? note 26 to 27 yo na siya, if willing siya mag palate ng mejo aabutin ng hating gabe, should I take the chance or ipriority ko na makauwe siya ng maaga?
tanong ko na din pagdating namin sa mall napansin ko yung distansya nya sakin, habang nag lalakad kami, mga 3 steps yung layo niya sakin, nung pag sakay sa escalator, mga 3 steps away din siya and nasa opposite side ko lagi, after mag sine and pauwe na kami, side by side na kami,, Girls! mejo nag progress ba o pakiramdam ko lang, and after ko siya ibook ng grab habang nag hihintay sa labas ng mall, nan jan nanaman yung tingin niyang direkta sa mata na may malaking ngiti... kala ko matutunaw ako nag auautomatic yung leeg ko lumayo ng tingin, Girls dapat ba tingnan ko din ng mata sa mata pag kinausap niya ko ng ganun? hindi ba masyadong straight forward?
May balak ulit ako na yayain siya sa labas, sana pumayag pero tingin ko naman papayag, any tips and suggestions? lalo na sa conversation department? sana magkaroon man lang kami ng long talk, kaso anu topic?
sana matulungan niyo ako Thanks in advance!!