Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story The Lighthouse Project

CHAPTER 1

Sunod-sunod ang hikab ko at nilalabanan ang antok habang naglalakad pauwi. Kulang na lang papakin ko ang kape o lagyan ng toothpick ang mata ko para manatiling mulat.

Lumundag-lundag ako para makalog ang katawan at pilit na maiangat ang paa para makahakbang sa paparating na humps.

"Isang kanto na lang, kaya mo 'yan, self!"

Ganito ang eksena ko araw-araw, gising sa gabi, tulog sa umaga. Tinanggap ko nang ito ay malaking parte ng pagiging isang alipin sa BPO, dumadakdak kami habang naghihilik ang karamihan sa mga tao sa Pilipinas.

Tanggap man ng utak ko, nilalabanan naman ng katawan ko. Hinihingi niya ang tulog na pang-normal na tao na hindi ko naman kaya ibigay. Mas malakas ang tawag ni Madam "Judith" kapag katapusan ng buwan. Mas malaki ang pangangailangan sa pera kaysa sa tulog. Sa ilang taon kong ganito ang trabaho, hindi na nakabawi ang katawan ko, kasi kapag rest day ko ganito pa rin ang nangyayari sa gabi - mulat pa rin.

Kumanan ako sa kanto ng street namin, "kaunting kembot na lang, self. Lapit na makapagpahinga."

Nagkandirit pa ako habang lumiliko para aliwin ang sarili. Noong mga unang araw ko sa Call Center medyo takot pa ako bumiyahe ng madaling araw, pero talagang sanayan lang. May mga nakakasabay naman akong officemates na kapareho ko ng babaan sa bus, itong lakad lang talaga mula kanto ng Subdivision namin hanggang sa bahay ang kinailangan kong sanayin gawin mag-isa.

Tanaw ko na ang bahay namin habang naglalakad, pero iba ang pumukaw sa atensyon ko. Nakatalikod siya at parang iniilawan ang ilalim ng hood ng SUV niya gamit ang flashlight. Parang bagong bili yata iyang sasakyan, kasi ilang beses ko pa lang siya nakikitang ginagamit 'yan.

"Ano sira kaagad?" bulong ko habang naglalakad.

Ewan ko ba dito sa kapitbahay namin, mayaman naman, pero ang madalas na binibiling sasakyan ay iyong segunda mano. Gusto 'yata maging mekaniko nitong si Uno.

As usual binilisan ko ang lakad ko habang papadaan sa tapat niya. Bilang pagdaldal ang trabaho ko, kung makakaiwas sa kwentuhan ay ginagawa ko. Nakakaumay na rin makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan.

Iyong akala kong ligtas na ako sa walang kwentang comments ni Uno, bumati siya habang pabukas na ako ng gate namin.

"Freya! Inumaga ka na naman!"

Huminga ako nang malalim bago pumihit para harapin siya. Nginitian ko siya sabay sabing, "good morning, neighbor."

Madilim pa ang paligid pero naaninag ko ang mukha ni Uno galing sa liwanag mula sa poste ng kuryente. Naka-cargo shorts siya, sneakers at plain t-shirt at may nakasabit na bimpo sa balikat. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakangiti sa akin.

"Good night pa lang sa 'yo, Freya."

Napakadalang na nakakapag-usap kami ni Uno. Madalas wala manlang kaming bati sa isa't isa kapag nagkikita, kahit na dati magkadugsong ang bituka namin. Magkatapat ang bahay namin ni Uno, at noong bata pa kami ay madalas kaming magkasama. Naging playground at sanctuary ko ang bahay nila. Sa bahay nila, okay lang mag-ingay, sa bahay nila pwedeng maglaro, sa bahay nila hindi binibilang ang pagkain, sa bahay nila malaya ang mga batang maging bata. Walang kailangang gawin para makapag-laro bukod sa pagtapos ng homework, kapag tapos na namin iyon, libre na kaming maglaro at magligalig sa bahay nila

Well, noon iyon.

Ngayon, laging patay ang ilaw sa bahay nila Uno. Lagi niyang iniiwang madilim. Hindi mapakali si Uno sa katahimikan kaya siguro mas ginugusto niyang umalis.

Sumandal ako sa poste sa tabi ng gate namin, "Saan na naman ang punta mo?"

Tumingin siya sa langit, "kung saan dalhin ng..." bumunot siya sa bulsa niya at binilang ang lamang pera, "one thousand two hundred fifty three pesos."

Napairap ako. Hindi ko mapigilan. Sa mga kagaya kong hirap sa buhay at kailangang kumayod para kumita, malaking bagay na ang wawaldasing one thousand two hundred fifty three pesos ni Uno. Isa na 'yan sa mga dahilan kung bakit from bestfriend, na-demote na lang si Uno sa pagiging kapitbahay. Masyado na kaming malayo sa isa't isa, habang tumatanda lumalaki ang agwat.

Nang maibulsa niya ang pera itinutok niya sa akin ang flashlight at kumunot ang noo, "ano na naman ang sinabi ko?"

Napailing ako, "wala."

Tumalikod ako para buksan ang gate ng bahay namin. Nang isara ko ang gate, nagbalik na si Uno sa pagkukutingting niya ng kotse n'ya.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kuwarto ko. Wala pang gising sa bahay, ito ang isa sa mga advantage sa pagta-trabaho sa gabi, 'yong katahimikan.

Naglinis ako, nagbihis at humiga na sa kama. At kagaya ng ginagawa ko kapag nakakauwi, tinititigan ko ang mga pictures na nakadikit sa dingding ko. Luma na ang mga pictures na nakalagay, isinabit ko ang mga pictures na 'yon noong mga panahong marunong pa akong mangarap. May isang mapa ng Pilipinas na may mga pin sa iba't ibang lugar.

Freya = voyager, traveler. Nakakatawang isipin na kabaligtaran pala ng pangalan ko ang magiging realidad ko. Imbes na makapag-explore sa mundo at makapunta sa iba't ibang lugar, mapapako pala ako kung nasaan ako ngayon.

Mas matimbang pala ang responsibilidad kaysa sa kagustuhang pansarili. Mas mabigat ang ipinatong ng pamilya ko sa balikat ko kaya siguro hindi ako makausad.

Hindi ba iyan naman ang nararapat?

Kaya ka pinag-aral para makatulong sa pamilya.

Kaya ka inalagaan, para ikaw naman ang mag-alaga.

Narinig ko ang dagundong ng makina ni Uno.

Pasimula pa lang ang isa na naman niyang adventure, habang magsisimula pa lang ang paglalakbay ko na hanggang panaginip na lang.

"Hay buhay."

Ipinikit ko ang mata ko at pilit na natulog.

#

20220408
 
CHAPTER 2

"Ate, 'yong laptop mo, pahiram."

Nagising ako sa pangyuyugyog ni Tricia.

Bumangon ako at kinusot ang mga mata, "bakit? Anong nangyari sa PC diyan?"

Umupo sa tabi ko ang bunso kong kapatid, "Si Kuya kasi naglalaro, e may seminar ako."

Napabuntonghininga ako at sinilip ang orasan, "ang aga-aga naman, Tricia."

Apat na oras pa lang ang tulog ko, sabog na naman ako nito mamaya. Bumangon ako at in-unlock ang drawer kung nasaan ang kaisa-isang bagay na napundar ko para sa sarili. Ang laptop ko.

Iniabot ko 'yon kay Tricia, "ingatan mo ha, at isauli mo kaagad pagtapos ng seminar mo. Bawal mag-games."

Ngumiti si Tricia, "Opo."

Sabay takbo palabas ng kuwarto.

Dahil nagising na rin ako, sinilip ko na ang nangyayari sa labas, at para na rin kumain ng almusal. Gaya nga ng sabi ni Tricia, nandoon sa PC si Kuya at naglalaro. Napairap na lang ako. Naka-headset siya at kapag ganyan ang itsura niya alam kong hindi dapat siya inaabala.

Pumunta ako sa kusina at nakitang nilalamas ni Mama ang kanin sa tirang ulam.

"Ma, wala pong pagkain?"

Pinanlisikan ako ng mata ni Mama, "Ano ba naman 'yan, Eya. Sabihan mo muna ako kapag kakain ka sa umaga. Hindi ko naman alam na babangon ka pala e 'di sana 'di ko muna inihanda 'tong pagkain para sa mga aso."

Hindi na lang ako umimik dahil kahit ano naman explain ko, hindi naman ako mananalo. Bottom line, hindi ako nagsabing kakain, so wala akong karapatang magreklamo na wala akong pwedeng kainin.

"Ma, pahinging kape tsaka sandwich," sigaw ni Kuya mula sa salas.

Naghugas ng kamay si Mama at nagsimulang magtimpla ng kape para kay Kuya. Sumunod ako para magtimpla rin ng para sa akin.

Nang buksan ni Mama ang lagayan ng tinapay, iisang salop na lang ng tasty ang naiwan. Tumingin siya sa akin, "Oh, iisa na lang ito. 'Wag mo kalimutang bumili ng tinapay mamaya pag-uwi mo."

Tumango lang ako habang hinahanda ni Mama ang kape at tinapay ni Kuya.

Sanay na rin akong maubusan ng pagkain kahit ako ang bumibili, sanay na unahin ang mga kapatid ko kaysa sa akin. Lagi naman sinasagot sa akin ni Mama na ako naman ang paborito ni Papa noong buhay pa siya kaya bawing-bawi na daw ako sa atensyon.

Natutunan ko na ring sarilinin ang mga opinion ko tungkol sa mga bagay na ganyan, wala rin namang patutunguhan e. Ako lang ang bukod tanging nakapagtapos, si Tricia naman pa-graduate pa lang, at siguro inaasahan na rin na kapag nakatapos si Tricia ay siya naman ang tutulong sa amin.

Wala na naging hanap-buhay si Mama mula ng mamatay ang Papa. Si Kuya naman pasulpot-sulpot lang ang trabaho dahil hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral. Nakakuha lang ng Associate course sa Computer Science na ginagamit niya lang pagkutingting ng computer namin.

Ang tanging pamana ni Papa sa amin, ang bahay na tinitirahan namin. Bago mamatay ang Papa nakapagpundar siya ng bahay para sa amin, iyon ang una niyang inasikaso habang nasa barko. Kaya rin nasa magandang subdivision kami nakatira dahil sa pagsisikap ni Papa. Isang bawas sa intindihin ko sa pamilya namin, at least hindi na kami umuupa, mga pang-araw araw na pangangailangan na lang ang kailangan kong asikasuhin at ang pag-aaral ni Tricia.

Medyo mapait ang pagkakatimpla ko ng kape, nasimot na rin kasi ni Mama ang asukal at creamer para sa kape ni Kuya.

Binilang ko sa utak ko kung kailan ang susunod na sahod. Mukhang kailangan ko na naman mag-grocery.

Lumabas ako ng bahay at tumambay sa bangko sa veranda. Taklob na halos ang bahay namin sa dami ng halaman ni Mama. Ito pa ang isa sa mga alaga niya, certified Plantita. Halos gumuho na ang grills sa ibabaw ng gate namin sa dami ng bougainvillea na nakasabit. Kulay pink.

Pero mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang bahay nila Uno.

Halos walang nabago sa bahay nila, bukod sa mga nangamatay na halaman. Hindi na naalagaan ni Uno ang mga halaman ng yumao niyang Lola. Laki sa Lola si Uno, nag-abroad ang mga parents niya noong High School kami. Magta-trabaho raw, pero hindi na bumalik. Niyayaya si Uno na mag-migrate papuntang Amerika pero ayaw niyang iwan ang Lola niya kaya hindi siya sumama.

Kahit noong namatay na si Lola Belle hindi pa rin sumunod si Uno sa mga magulang niya. Nagdesisyon siyang manatili na lang dito sa Pilipinas, libre para gawin ang lahat ng gusto niyang gawin. Nagwaldas ng pera para sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Nakipagkaibigan sa kung kani-kanino. Napariwara dahil na rin sa kawalang-presensya ng magulang niya. Pinapadalhan lang ng pera, hindi manlang kinukumusta.

Sinubukan ko namang damayan si Uno, pero noong panahong iyon nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng Papa. May kanya-kanya kaming pinagdaanan. Ginawa ko ang pagluluksa ko sa sarili kong paraan, si Uno naman ay ganoon din.

Paminsan naiisip ko ring baka naging dahilan rin ako ng pagkakaroon ng mga problema ni Uno. Dahil kinailangan niya rin ng tunay na kaibigan noong mga panahong 'yon pero dahil sa sarili kong mga pinagdadaanan, late ko na rin iyan na-realize.

"Hala! Malapit na 'kong matapos e! Bwiset na internet 'to!" Sigaw ni Kuya mula sa loob ng bahay.

Narinig ko ang yabag ng paa niya habang humihigop ng kape kong mapait.

"Eya! Hindi mo ba pwede palitan ang internet natin? Lagi 'yang nagloloko!"

Lumingon ako kay Kuya at kita ang asar sa kunot niyang noo, magulong buhok at may amos pa ng tinapay sa bibig, "iyan lang ang kasya sa budget ko, Kuya. Di natin afford 'yong ibang internet provider. Mahal ang line."

Kumamot sa batok si Kuya, "E paano 'yan, tingnan mo itong si Tricia may seminar ngayon tapos naputol ang internet. Paano 'yan makakatapos sa pag-aaral?"

Kinagat ko ang labi ko at ibinaling ang tingin sa labas ng bahay. Ang hirap magtimpi kapag kausap si Kuya. Hindi ko masabihan dahil kailangan pa rin galangin kahit minsan 'di naman na kagalang-galang.

Huminga ako nang malalim bago sumagot, "titingnan ko na lang. 'Wag ka na lang muna maglaro para walang kahati si Tricia sa internet kapag bumalik."

Tumawa si Kuya, "Tangi! Walang kinalaman ang bandwith sa connection. 'Yong internet mo ang problema 'di 'yong gumagamit. Tsk."

Lumakad siya palayo habang bumubulong sa katangahan ko. Pero sa totoo lang, hindi naman 'yon ang point ko. Naisip ko lang na sana matamaan naman siya na ang dapat magreklamo ay si Tricia dahil importante ang ginagawa niya, hindi 'yong ang nagrereklamo ay 'yong naglalaro lang.

Hindi naman kami internet shop para pagreklamuhan ng ganoon. Lalo na't wala naman siyang bayad kahit per hour sa paggamit ng computer at internet.

Narinig kong bumukas ang TV sa loob ng bahay at umalingawngaw ang halakhak ni Kuya habang nanonood.

#

20220411
 
CHAPTER 3

Nag-inat ako habang hinihintay mag-log off sa workstation ko. Nagsisiligpit na rin ng gamit ang teammates ko at nagtatanungan na rin kung saan sila mag-iinom after ng shift.

Nasanay na sila na hindi ako sumasama kaya't wala na rin nagyayaya sa akin. Noong mga unang buwan ko sinusubukan pa nila akong isama, minsan nga nililibre pa ako para lang sumama dahil wala nga akong budget para sa mga ganyan, pero habang tumatagal naaasiwa na rin ako sumama dahil wala ako maiambag. Hindi ko mapigilang bilangin kung ilang bote na ang naiinom nila, ilang bucket ng beer ang pinapalitan ng waitress at kung ilang fries at sisig ang nililigpit mula sa lamesa.

Sayang. Napakalaki ng panghihinayang ko sa ginagastos nila. Kada isang bucket ng beer katumbas na ng ilang kilong bigas sa amin. Isang sisig pananghalian na naming ulam ang katapat. Kapag kasi ikaw ang gumagastos sa pamilya, ni pisong ginagasta alam mo dapat kung saan napupunta.

"Freya, sunod ka muna sa akin."

Kinalabit ako ng TL ko at napaiktad ako ng kaunti. Tumango ako habang kinukuha ang jacket ko at tubigan. Bitbit ang gamit ko dali-dali akong sumunod kay TL papunta sa coaching room.

Kunot ang noo ko habang naglalakad kasunod ni TL. Iniisip ko kung anong ginawa ko para ipatawag niya. Malinis naman ang calls ko ngayong gabi, nakapag-upsell rin ako sa dalawang customers. Wala akong sinayang na leads.

Pumasok ako sa kuwarto at sinenyasan niya akong isara ang pinto.

Naupo ako sa tapat niya at inilapag ang jacket ko sa lap ko, "yes po, TL?"

Ngumiti si TL Fash, beki si TL at sobrang kalog kausap kaya nakakakaba kapag hindi siya masyado maharot. Nakakatakot kapag seryoso siya.

"Well, first off maganda ang naging performance mo this month. Very consistent ka naman, as I always tell you during our one-on-one's."

Tumango ako at hinintay ang "but" niya.

Huminto sa pagsasalita si TL at tumingin lang sa akin habang nakangiti.

Inabangan ko ang kasunod pero wala siyang sinasabi.

Kinutkot ko ang tastas sa pantalon ko, "Ah. 'Yon lang po ba, TL? Wala naman po akong ginagawang mali? Wala akong atraso?"

Tumawa si TL at hinampas ang hita ko, "Grabe ka talaga, Freyabelles. Sobrang nega mo. Porke pinatawag ba kita may kasalanan agad?"

Ngumiti ako at napabuntonghininga, "katakot kasi expression mo, TL. Kala ko tuloy may sablay ako."

Hinawakan ni TL ang kamay ko, "Gusto lang kitang titigan kasi mami-miss kita."

Nawala ang ngiti ko at parang binuhusan ng malamig na tubig.

"Mami-miss?"

Tumango si TL kinuha ang kamay ko at nakipag-shakehands, "Congratulations, Freyabelles. You're considered for the Workforce Analyst position."

Narinig ko ngang may vacancy sa Workforce, pero siyempre hindi ko naman 'yon ine-expect na sa akin ibibigay. Agent naman kasi ako, wala ako sa Workforce team.

Nawala ang ngiti ni TL, "hoy Freya. Bakit parang ang lungkot mo. Promotion iyan no, so dapat mag-celebrate ka."

Pinilit kong ngumiti, "e bakit po kaya ako malilipat sa Workforce, TL? May sablay po ba ako sa calls? Hindi naman po kasi ako nag-apply sa Workforce."

Ang Workforce team kasi ang nag-aanalyze ng needs ng mga Agents. So hindi nagca-calls ang mga naka-assign sa Workforce. Hindi pa ako nakakapag-try magtrabaho as a Workforce Analyst so hindi ko alam kung bakit ako ang napili sa position.

Tinapik ni TL ang kamay ko, "syempre I was asked if I saw potential in anyone sa Team ko. Honestly, Freya I didn't want to let you go kasi sobrang helpful mo sa team. Wala akong maipapalit na kasing sipag mo, biruin mo 'yon lahat ng shifts ng mga ka-team mo willing kang i-cover."

Napakagat-labi ako, wala naman kasi akong ibang gagawin sa bahay, kaya kahit three days straight akong mag-cover para sa mga team mates ko ayos lang.

Tinapik ulit ako ni TL, "pero like I said ha, you should have a life of your own rin. Huwag puro trabaho. Ang bata bata mo pa sobrang lulong ka na sa pagpayaman."

Hindi ako nagku-kwento sa kanila tungkol sa sitwasyon namin sa bahay, hindi naman kasi ako pala-kuwento. Ano naman ang sasabihin ko? Batugan kasi ang kapatid ko kaya wala akong ibang magawa kundi mag-trabaho para sa aming lahat?

Ngumiti lang ako, "tingin mo TL kaya ko 'yon? Baka mawalan pa ako lalo ng trabaho kapag lumipat ako sa Workforce."

Pumalatak si TL, "huwag ganyan ang thinking mo dapat, Freya. Dapat maging proud ka sa sarili mo dahil ikaw ang napili. Second, dapat maging excited ka kasi bagong challenge 'yan sa 'yo. And third, if anything goes wrong – but I doubt that will happen, I will always be here to welcome you back. Just let me know."

Kagat ko ang labi ko habang tumatango sabay tayo, "thank you, TL."

Tumayo na rin si TL, "wait mo na lang ang official form from HR, they'll call you in one of these days. Pero I've already signed the form kaya tuloy na tuloy na 'yan."

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng office, hindi ko na rin nahintay ang kung ano pang sasabihin ni TL. Dumiretso ako ng CR, halos hindi ko na makita ang pinto nang buksan ko at dumiretso ako sa isang cubicle. Hindi ko pa nalo-lock ang pinto nang bumuhos na ang luha ko.

Siguro ito na 'yong hinihintay kong bawi naman ng buhay sa akin. Ilang taon rin akong nagtiis para umasenso kahit papaano. Kung ano man ang kikitain kong extra mula sa promotion ko, baka pwede ko na 'yon maitabi para sa sarili ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago lumabas. Naghilamos na rin ako pagkatapos para hindi masyado mahalata ang pagmumugto ng mata ko.

Napagdesisyon na rin akong hindi ko muna sasabihin sa bahay ang nangyari. Siguro okay lang maging selfish muna sa bagay na 'to. Hindi ko naman ito pinlano, pero katas ito ng pagta-trabaho ko.

24 years old na ako, sa tingin ko naman pwede na siguro akong mag-plano para sa sarili ko. Yung mga gusto kong gawin dati, baka pwede ko na ulit balikan.

#

20220411
 
wala pa ding update :unsure:

naka ilang silip nako :sigh:

:lol: pa update po TS
 
CHAPTER 4

Habang nasa bus pauwi nag-message na ang HR namin, may virtual meeting kami mamayang hapon bago ako pumasok.

Mukhang tuloy na talaga ang paglipat ko, hindi ko pa alam kung anong dapat kong i-expect sa bago kong assignment, pero sabi nga ni TL dapat maging proud ako dahil na-consider ako doon. Nagkakandirit ako habang papauwi, at kumakanta-kanta mula gate ng Subdivision.

Kaya ko sigurong bilangin ng mga daliri ko kung ilang beses ako umuwi ng ganito. Baka nga hindi pa makasampu. Naging normal na sa akin ang parang kinakaladkad ang paa ko kada uuwi ng bahay. Hindi madalas ang good news sa buhay ko, parang nagpapatong-patong lang ang mga responsibilidad, walang nababawas.

Pagpihit ko papunta ng street namin nakita ko na naman ang kapitbahay naming si Uno. Mukhang kakauwi lang dahil imbes na magsakay ng bagahe, ay nagbababa siya ng gamit mula sa kotse niya. Mukhang umulan kung saan pumunta si Uno dahil putik-putik ang kotse niya.

Bilang maganda ang mood ko ngayon, ako ang unang bumati sa kanya, "Inumaga ka na naman, Uno!"

Ang bilis ng ikot niya at nanlaki ang mga mata, "hoy! Langya ka, nagulat ako!"

Tumawa ako, "sus! Hindi mo alam na paparating ako? Sabi mo dati alam mo kaagad kapag ako ang dumarating."

Ngumiti siya, "noon 'yon. Ako lang at si Lola ang nasa bahay, so kapag dumarating ka at binubuksan mo ang gate alam ko na ikaw kaagad 'yon."

Napairap ako habang papalapit sa kotse niya, "akala ko pa naman may special reason kung bakit mo nalalamang paparating ako, wala ka pala ibang choice."

Tumawa siya, "cute mo ngayon, Freya ah! Friendly ka na ulit?"

Nagbuntonghininga ako habang sumasandal sa hood ng kotse niya, "hindi naman ako suplada ah, busy lang sa buhay."

Lumapit si Uno at ginaya ang pwesto ko sa pagkakasandal sa kotse, "sabi ko naman kasi sa 'yo e, sama ka sa akin minsan para maigala naman kita. Puro ka trabaho."

Umirap ako, "talaga lang ha. Kailan mo ako niyaya?"

Bago pa siya makasagot itinaas ko ang kanang kamay ko para patahimikin siya, "huwag mo nang sagutin, wala rin naman akong balak sumama sa 'yo. Napakagastos mo kaya."

Tumayo siya sa harapan ko, "hoy babae, niyayaya kita palagi, sabi ko sa 'yo gala tayo ayaw mo naman sumama. Tsaka sino ba nagsabi sa 'yong kapag gagala kailangan maraming pera? If ever man na may gagastusin ako siyempre ang taya kasi ako naman ang nagyaya."

"Ah basta. Wala akong time gumala, lagi ako may pasok!" sagot ko.

Bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko si Uno, napansin kong nakapagpalit na siya ng damit, pero parang ganoon pa rin. Naka-sleeveless siyang t-shirt, shorts at tsinelas. Nakapuyod ang humahaba na niyang buhok.

Hinawakan ko ang buhok niya sa bandang batok, "balik sa dating hairstyle ah. Six years old ka ulit?"

Noong bata pa kami laging mahaba ang buhok ni Uno, sabi kasi ng Lola niya Mama niya dapat ang naggugupit sa kanya kaya si Uno ayaw magpaputol ng buhok kahit kanino. Kahit sa barbero ayaw, kahit sa Lola niya ayaw pa rin. Ako lang yata ang tanging nakapag-gupit sa buhok ni Uno, noong sinabi ko sa kanyang gusto kong matutong gumupit ng bangs.

Kaya itong si Uno dumaan sa stage ng buhay niya na bunot ang hairstyle, mahaba sa likuran pero may bangs na hindi pantay pantay sa unahan.

Umilag si Uno sa kamay ko, "hoy! Huwag mong balaking gupitin ang buhok ko ha. Bawal kang lumapit sa akin na may hawak na gunting."

Napahalakhak ako, "trauma 'yan?"

Imbes na sumagot sa pang-aasar ko, tiningnan lang ako ni Uno at ngumiti.

Hindi ko na matandaan 'yong huling beses na nag-usap kami ng ganito, pero hindi naman kami awkward ngayon. Parang hindi ilang taon ang nagdaan, parang noong araw na pumpunta ako sa bahay nila at pumapasok diretso nang hindi kumakatok. Nauupo sa salas nila, nakikinood ng TV, tumatambay sa kuwarto ni Uno. Maghapong nagku-kuwentuhan nang kahit ano ang pinag-uusapan.

Hinatak ni Uno ang ponytail ko at iniwang nakabitin sa buhok ko na iilang hibla na lang ang nakakapit.

Umirap ako habang inaayos ang buhok ko, "bata ka?"

Lumapad ang ngiti niya, "happy ka?"

Pinigilan kong ngumiti at ibinaling ang tingin ko sa malayo, "hindi."

Binangga ni Uno ang balikat niya sa balikat ko, "okay lang maging masaya, tangi."

Siguro kaya ako lumapit ngayon kay Uno, wala manlang akong makausap kung may magandang mangyari sa buhay ko. Sa pamilya ko, hindi ko rin naman pwedeng i-kuwento 'yung nangyari. Biglang nawala ang ngiti ko.

Tumayo ako at itinaas ang bag ko sa balikat ko, "sige na. Matutulog na 'ko. May pasok pa ako mamaya."

Nagsimula na akong maglakad nang maramdamang may pumipigil sa akin at hinahatak ang bag ko. Paglingon ko nakakapit sa bag ko si Uno.

"Kung gusto mo lang tumambay, bukas ang bahay para sa 'yo. Hindi ko na itatanong kung masaya ka ba o ano."

Hinatak ko ang strap ng bag ko para mabitiwan niya, "ano tayo bata? Hindi na ako pwedeng tumambay sa bahay n'yo no."

Ngumiti si Uno at sumandal sa kotse niya, "may malisya na ba?"

Napaatras ako, "h-hoy! Hindi gano'n!"

Tumawa si Uno, "grabe maka-hindi ah." Humaplos siya sa dibdib n'ya, "sakit ah."

Napairap na lang ako. Hindi naman ako bulag para hindi makitang hindi na si Uno 'yong batang kalaro ko dati. Hindi na siya bata. Matagal na siyang hindi bata sa paningin ko. Kaya rin siguro nailang na ako sa kanya dati. Ang laki ng naging epekto sa kanya ng puberty, kung ako halos hindi na tumangkad mula High School, si Uno naman tumubong parang kabute. Nag-mature kaagad ang itsura niya matapos mamatay ng Lola niya.

Alam ko rin na noong High School at College hindi naman siya loner. Kasi may mga nakikita akong babaeng sakay sa kotse niya. Hindi naman sa stalker, pero sakto kasi sa bintana ng kuwarto ko ang harap ng bahay nila. Kaya kapag nagpa-park siya kita ko kung may sakay o wala. Hindi ko na rin hinihintay tingnan kung pumapasok sa bahay nila yung mga babae. Gusto ko sana siyang sigawan na hindi matutuwa si Lola sa ginagawa niyang pambababae pero sino naman ako para mag-comment doon. Buhay naman niya 'yon.

Lumakad na ako papasok ng bahay nang magsalita siya ulit, "seryoso Freya, kung kailangan mo ng ka-tambay you know where to find me."

Hindi ko na siya nilingon at kinawayan na lang.

#

20220412
 
nice! kaabang abang to ts. relate sa mga kolsener dito sa symb!
 
salamat sa pagbabasa at pag-aabang :)
Dati rin akong nagwork sa kolsener kaya medj relate rin. hahaha
 
CHAPTER 5

Excited akong bumangon ng alas-kuwatro para mag-log in bago ang meeting ko sa HR ng alas-singko. Naligo ako at nagbihis ng maayos para presentable naman ako kahit na virtual meeting lang.

Wala pang pagkain sa bahay dahil alanganin sa hapunan ang bangon ko pero hindi ko masyado ininda ang gutom. Minsan lang ako makatanggap ng good news kaya maganda ang mood ko kahit na kulang sa kain.

Isinara ko ang pinto ng kuwarto ko para may privacy kahit papaano at nag-log on na sa meeting.

"Miss Freya Evangelista?"

Tumango ako sa camera, "yes, Ma'am."

Ngumiti ang HR Supervisor na si Miss Elaine, "Hi Freya, how are you?"

Ang lapad ng ngiti ko habang sumasagot, "I'm very good, Miss Elaine. It's good to see you."

Ang huling beses na nakausap ko si Miss Elaine is noong na-hire ako, wala akong masyadong interaction sa kanila dahil unang una hindi ako pasaway, hindi ako napapatawag sa HR. Pero sa kabilang banda, hindi rin ako stellar employee para ipatawag nila dahil ipo-promote ako o kung ano man. Maliban na lang sa ngayon.

Bumukas ng kaunti ang pinto ko at sumilip si Tricia, sinensyasan ko siya na isara ang pinto at ginawa naman niya. Kamamadali ko hindi ko na rin naisip na mag-earphones. Malakas naman ang audio ng laptop ko kaya't okay na rin siguro ang dating ko kay Miss Elaine.

"It's very good to see you too, Freya. It's been years since we last spoke so I am really happy to see you. In a good way too because these are the kinds of conversations that I enjoy having with our employees."

Tumango lang ako at walang masabi.

"Anyway, I guess your TL already talked to you about this because he gave you a head's up yesterday. I am very excited to talk to you today because I bear good news."

Ngumiti ako at nagpigil ng hininga.

"You have been a very consistent performer from your Team for the past three years. Your TL has given you stellar reviews because of your hard work, which we really appreciate. And I am so happy to offer you the position for Real Time Analyst effective Monday, April 8."

Napabuga ako ng hangin at hinawakan ang dibdib ko, "thank you, Miss Elaine! I really appreciate this opportunity."

Ngumiti siya, "I have your papers right here. Of course, this is a level up from your current position so you will be compensated accordingly. And your Personnel Action Notice, inclusive of your current salary and your new salary."

Ipinakita ni Miss Elaine ang papel at nakita ko ang bago kong salary, gusto kong umiyak.

Huminga ako nang malalim bago sumagot, "thank you Miss Elaine for the good news."

Humawak ako sa dibdib ko habang nagsasalita, na-ooverwhelm ako sa nangyayari at feeling ko maiiyak na talaga ako kapag nagsalita pa ako.

"You are very welcome, Freya. We will introduce you to your new team when everything is settled. You'll still need to perform clearance from your current team, but your TL says he'll help you with that on Monday."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero yung masayang klase ng kabog. Hindi takot o pag-aalala pero excitement.

Tumango ako ulit, "Thank you so much Miss Elaine. I'll talk to TL Fash."

Ngumiti siya, "Yup. Again, I'm very happy for you, Freya. Congratulations! Call me if you have any questions, okay?"

"I will. Thank you! Thank you!"

Kumaway si Miss Elaine at nagpaalam na. Nanginginig pa ang kamay ko at nanlalamig habang sinusubukan kong pindutin ang "leave meeting" button sa screen.

Humiga ako sa kama nang matapos ang call namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari, parang itong swerteng ito pang-akin lang talaga. Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko parang isang step para sa kinabukasan ng pamilya ko, lahat para sa pamilya ko. Noong naka-graduate na ako ng High School para naman makapag-College, one step closer sa pagiging professional at makakapag-trabaho na.

Wala akong inisip tungkol sa kung ano ba ang gusto kong gawin, lahat parang means to an end. At ang end goal lang ay makapagtaguyod ng pamilya. Hindi ko naisip kung ano ba ang gusto ko para sa sarili ko, ano bang goal ko bilang isang tao.

Tumayo ako at iniligpit ang de-tiklop na lamesa, itinago ang laptop ko at lumabas ng kuwarto.

Kumakain na sila Kuya at Tricia. Si Mama naman nagsasandok pa ng kanin, "kain na, Eya." Yaya ni Mama.

Naupo ako sa tapat ni Tricia, si Kuya naman nagce-cellphone habang kumakain.

Naiiisip ko kung gaano kasaya siguro kung may pamilya akong mapagsasabihan ng mga good news sa buhay ko. Pero sa ngayon parang ang awkward magsalita. Hindi ko alam kung paano uumpisahan na hindi magmumukhang nagyayabang. Hindi ko rin alam kung paano magsasabi sa kanila na hindi naman sasama ang loob ng iba.

Iniisip ko rin kasi ang mararamdaman ni Kuya, siya na walang trabaho, anong maiisip kapag sinabi kong na-promote ako? Anong mararamdaman niya? Matutuwa ba para sa akin o maiisip niyang siya rin sana makapagbalita ng ganyan.

"O, kumain na kayo, habang mainit ang sabaw." Inilapag ni Mama ang plato ng kanin sa harapan ko. Kapag minsan nagtatampo ako kay Mama dahil mas inaasikaso niya si Kuya at Tricia kaysa sa akin, naiisip ko lang na siguro dahil mas capable akong tumayo sa sarili kong paa kaya't hindi niya na ako iniintindi. Siguro dahil naaasahan niya ako kaya hindi na ako intindihin.

Kapag ganoon ang iniisip ko, hindi na masyado masakit. Hindi na masyado nakakatampo.

Kumuha ako ng kanin at ulam at tahimik na kumain.

#

20220413
 
Yey congrats Freya! You deserve it!
 
Pre-script: Sorry na agad, Freya.

CHAPTER 6

"Congratulations Freya, cheers!"

Sunod-sunod ang tunog ng nagbabanggaang bote sa ibabaw ng lamesa. Pati ako hindi na nakaiwas at nakiinom na rin ng beer. Hindi naman ako sobrang anti-social na sa sarili kong celebration ay hindi ako sasama.

Dala na rin ng kakulitan ni TL, nag-set ng despedida sa akin ang Team ko sa last day ko as an Agent. Isang linggo na rin matapos 'yong good news sa akin at magsisimula na ako sa Monday sa bago kong Team. Buti nga at 'di ako naiba ng shift kina TL Fash para makikita ko pa rin sila ng madalas.

Tumayo si Nate, 'yong isa naming team mate, "Basta Freya, 'yong mga five minutes na nawawala ako ha, alam mo na. Palampasin mo na 'yong mga gano'n."

Tumawa ako at nag-"ok" sign lang. Ano ba naman ang pwede kong isagot doon? Alam ko namang nagbibiro lang si Nate. Hindi ko naman pwedeng daanin sa favors 'yong magiging trabaho ko.

Bilang Workforce Analyst or Real Time Analyst, trabaho kong bantayan ang mga Agents kung tama ba ang ginagawa nila sa trabaho, 'yong output at quality ng trabaho nila ang i-mo-monitor ko. Kaya kahit na masaya kami ngayon, feeling ko may magtatampo rin sa akin kapag naging Analyst na ako.

"Hoy, 'wag niyo i-pressure si Freya. We are here to celebrate her accomplishment." Niyapos ako patagilid ni TL Fash.

Napunta na naman sa walang kwentang usapan after noon. Mula sa bagong tsismis sa office, papunta sa mga sarili nilang problema sa buhay. Alas-siete na kami ng umaga naghiwa-hiwalay. At bilang wala naman akong extrang pera na panlibre sa kanila, sinagot na ni TL Fash ang ambag ko sa inuman.

Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako sumakay ng bus.

Habang nasa bus iniisip ko na kung kailan ang unang sahod at kung ano ang pwede kong gawin sa extrang pera na makukuha ko. Kakaisip ko wala rin akong mapag-isipang pagkakagastusan kaya naisip kong magbukas na lang ng savings account.

May na-attend-an akong seminar last year tungkol sa emergency funds, wala kasi ako no'n. Bukod sa barya barya kong naiipon sa alkansya ko, wala akong naitatabi para sa sarili ko o para sa mga emergency. Sa medical insurance naman kasi covered ko si Mama at Tricia, si Kuya bilang adult na hindi na siya na-cover sa akin, pero buti na lang rin at hindi kami madalas magkasakit.

Nagsimula akong maglakad papasok sa Subdivision namin. Ngayon lang 'yata ako ulit inabot ng araw sa daan. Madalas talaga wala pang araw nasa bahay na ako, para naman maranasan kong matulog ng madilim pa. Ang hirap makatulog kapag maaraw na.

Inalis ko ang jacket ko at isiniksik sa backpack ko. Kahit maaga pa malagkit na rin sa batok ang sikat ng araw, siguro nasanay ang balat ko na sinag ng buwan lang ang tumatama sa akin.

Pagliko ko sa street namin inaasahan kong ang makikita ko ay ang kotse ni Uno. Malamang nakauwi na 'yon o papaalis pa lang depende sa trip niya. Pero ibang sasakyan ang naka-park at hindi sa tapat ng bahay ni Uno kundi sa tapat ng bahay namin. Kulay puti ang van. Dali dali akong tumakbo para tingnan kung anong nangyari sa bahay.

Pagtigil ko sa tapat ng bahay namin ay may dalawang lalaking naka-unipormeng puti, 'yong isa ay nasa ibabaw ng bubong at 'yong isa ay nasa baba at inaalalayan ang hagdan na nakakabit sa gilid ng bahay namin.

"Excuse me..." palapit na ako sa dalawang lalaki nang sumalubong sa akin si Kuya.

"Uy late ka na umuwi ah!"

Hindi ko pinansin ang comment niya at itinuro ang dalawang lalaki, "Anong meron? Anong ginagawa nila?"

Tumingin si Kuya sa mga nagkakabit, "Ah. Nagpakabit tayo ng satellite, may kasama na 'yang mabilis na internet."

Lalo akong naguluhan, "Ah. Bakit tayo nagpakabit?"

Sumandal si Kuya sa hamba ng pinto, "Di ba sabi ko sa 'yo kailangan na natin ng upgrade? Sobrang bagal na ng internet natin. Eh sakto naman na-promote ka 'di ba? So pwede na tayong magpakabit niyan."

Para akong sinuntok sa dibdib sa pagkawala ng hangin sa baga ko. Nakatingala si Kuya at tinitingnan ang pagkakabit ng mga lalaki. Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni Kuya at hindi ko na napigilan ang susunod na lumabas sa bibig ko, "Ano?! Ako ang magbabayad niyang pinakabit mo?"

Tumingin si Kuya sa akin na kunot ang noo, "Oh, 'di ba sinabi ko na sa 'yo 'yan. Bakit parang gulat na gulat ka? Buti nga inasikaso ko na 'yan e. Di mo naman 'yan magagawa dahil panggabi ka."

Bumuga ako ng hangin at kinuyom ang kamao ko, "Kuya, kailan tayo nag-usap na pumayag akong gastusan 'yan?"

Hinatak ko ang buhok ko, "Suweldo ko dinesisyunan mo kung saan gagastusin?"

Hinatak ni Kuya ang braso ko papasok ng bahay, "Kailangan ba sumigaw? Nakakahiya sa kapitbahay!"

Hindi ko na rin namalayan na sumisigaw na pala ako. Pumasok kami ng bahay at hinatak ko pabalik ang braso ko, "Kuya, sinong nagsabi sa 'yo na pwede mong gawin 'yan?"

Naupo si Kuya sa sofa, "Hindi ba nagta-trabaho ka para sa pamilya? Ito pangangailangan ng pamilya mo e, tapos hindi mo ibibigay?"

"Luho! Luho ang tawag diyan! Si Tricia nga hindi nagrereklamo sa bagal ng internet e, ikaw lang naman ang may gusto niyan!"

Tumawa si Kuya, "hindi na luho ang internet, Eya. Need na 'yan. Sa panahon kailangan na 'yan para maka-function ng maayos. Wala ka kasi madalas dito sa bahay kaya 'di mo 'yan nakikita."

Inilapag ko ang bag ko sa sahig, "Pero sweldo ko pa rin 'yong gagastusin para diyan. Sinong nagbigay sa 'yo ng karapatan para desisyunan ang kinikita ko?"

Pumasok si Mama sa salas galing sa kusina at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya, "Anong nangyayari dito?"

Bago pa ako makasagot, itinuro ako ni Kuya, "'Yan, Ma. Yung anak mo, nagagalit. Porke na-promote lumaki na kaagad ang ulo."

Gusto kong sumigaw, pero luha ang naunang lumabas. Pinapahid ko lang ang luha ko sa kamay ko.

"Oh, bakit ka umiiyak, Eya?" tanong ni Mama.

"Sus para internet lang iniiyakan mo na?" Hirit ni Kuya.

Sumabog ang dibdib ko sa sakit, "Magtrabaho ka! Kung gusto mo nang mabilis na internet, mag-trabaho ka! Huwag mo iasa sa akin ang lahat!"

Humawak ako sa dibdib kong parang lalong sumisikp, "ako mayabang? Kailan ko pinamukha sa 'yo na ako lang ang nagta-trabaho dito? Kailan ako nagdamot sa inyo ng kahit ano? Wala! Pero ikaw, wala kang ambag! Ilang taon ka nang walang ambag!"

Naramdaman ko na lang ang hampas sa braso ko, paglingon ko si Mama umiiyak at nakatingin sa akin.

"Eya! Huwag mong ganyanin ang Kuya mo."

Lalong tumulo ang luha ko, kinuha ko ang bag ko at pumasok sa kuwarto ko. Ni-lock ko ang pinto at doon umiyak.

#

20220413
 
update po

paupdate po ganda ng kwento,
salamat
 
Chapter 7​

Sinilip ko ang relo sa kuwarto ko, mag-aalas tres na ng madaling araw. Pagising-gising ako mula umaga, siguro dahil hindi rin ako mapakali dito sa bahay.

Iniisip ko kung nasobrahan ba ako sa mga sinabi ko kay Kuya kaninang umaga, inisip ko kung anong nakita ni Mama para mapagsabihan ako ng ganoon. Iniisip ko kung ako ba talaga ang mali.

Kapag naaalala ko ang sinabi ni Kuya kumikirot ang puso ko. Parang napakawalang kuwenta ko bang kapatid? Anong klaseng pag-uugali ba ang ipinakita ko sa kanila nitong mga nakaraang taon? Talaga bang sumobra ang reaksyon ko kanina?

Kahit anong gawin kong pag-iisip para makita ang pinanggagalingan nila, lagi akong bumabalik sa mga panahong walang natitira sa akin kahit ako ang naghirap. Kung paano ako mag-dalawang isip na bumili ng para sa akin kapag alam kong may mas mapaglalaanan pa ako sa bahay. Kung paano ko sila inuuna sa lahat ng bagay.

Pero sa dulo pala walang kuwenta lahat ng sakripisyo ko, dahil sa dulo ako pa pala ang masama. Kapag hindi ko naibigay ang gusto nila, kapag may kulang sa bahay, ako pa rin talaga ang may kasalanan.

Sa kagustuhan kong makapagbigay, para mapunan ang naiwang responsibilidad ni Papa ako pa ngayon ang nahihirapan. 'Di ba dapat ang pamilya nagtutulong para mabuo ulit? Hindi ba dapat lahat kami may kanya-kanyang responsibilidad?

Bumangon ako at hinilot ang noo kong kanina pa pumipintig. Hindi na rin ako nakakain kaya siguro ang sakit na ng ulo ko. Wala pa akong tigil sa pag-iyak mula kanina.

Hindi ako makalabas ng kuwarto dahil hindi ko alam kung anong sasabihin nila sa akin o ako sa kanila. Tingin ko hindi ko pa kayang harapin si Kuya, mukhang wala namang siyang balak mag-sorry sa akin. At lalo naman ako sa kanya - hindi ko pa makita 'yon sa ngayon.

Naaawa lang ako kay Mama at ayaw kong may dagdag pa sa iintindihin niya, pero hindi ko na rin kayang ipagsa-walang kibo 'yong nangyari.

Binuksan ko ang bintana ko para magpahangin. Sa ilang taon ko na pagta-trabaho, mas na-appreciate ko ang katahimikan ng gabi. Walang maingay, lahat ng tao hindi nagmamadali, parang mas kalmado, mas madaling makapag-isip kapag walang magulo.

Tumingala ako at tinitigan ang mga bituin. Mas maganda rin tumingin sa langit kapag gabi, hindi ka masisilaw sa liwanag ng buwan. Mas masarap titigan.

May kumaluskos sa harap ng bahay namin at nakita ko na naman si Uno na nag-aayos ng gamit. Ang dami niyang gala nitong mga nakaraang araw.

Naisip ko lang kanina mukhang wala naman siya sa bahay dahil wala ang sasakyan niya. Siguro hindi niya nabalitaan ang nangyari sa amin ni Kuya. Matagal nang asar si Uno kay Kuya, para raw hindi Kuya kung umasta. Kahit noong bata pa kami, masyadong mahangin sabi niya. Siyempre ipinagtatanggol ko si Kuya noon kasi hindi ko pa naman naiintindihan ang mga bagay-bagay noon. Feeling ko lang inggit lang itong si Uno kay Kuya kaya't ganoon siya, pero ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Uno kahit na never ko naman aaminin sa kanya 'yon. Kahit pa magkaaway kami ni Kuya, kapatid ko pa rin siya at dapat maging loyal ako sa pamilya namin.

Naaninagan ko si Uno na nagsasakay ng bag sa kotse niya at may kayak sa ibabaw ng kotse niya. Hindi ko alam kung hiram ba 'yan o binili na naman niya. Hindi naman malabong bumili siya kasi nga gumagastos siya sa kung ano-anong bagay.

Minsan hindi ko rin maiwasang hindi mainggit kay Uno. Kahit na siguro wala siyang normal na trabaho – hindi ko nga alam kung may trabaho ba talaga siya, siguro ang saya ng buhay niya kahit mag-isa. Kasi lagi siyang may pinupuntahan. Lagi siyang may nararating, hindi siya nag-iipon ng pera o kung ano mang material na bagay pero nakakapag-ipon naman siya ng memories. Masasabi niya kapag matanda na siya na ang dami niyang narating, ang dami niyang naranasan.

Ako? Wala akong gano'n. Ni isang bagay na gugustuhin kong ikuwento sa mga anak ko o apo, parang wala. Iyong bagay na nangyari sa akin nitong nakaraan, 'yong promotion ko nabahiran pa ng hindi magandang pangyayari.

Lumingon ako sa mapa na nasa ibabaw ng kama ko, ang mapa na kumupas na dahil hindi naman nagagalaw. Ginawa na ring bahay ng gagamba ang mga gilid dahil wala namang silbi kundi magpaalala sa akin ng mga bagay na hindi ko nagawa.

Hindi ko na rin alam kung anong susunod na nangyari at kung paano ako nakapagdesisyon pero dali-dali akong pumunta sa cabinet ko at kumuha ng damit. Kahit ano na ang madampot ko isiniksik ko sa bag. Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit na suot ko pa mula kagabi at nagsapatos. Binitbit ko ang backpack ko at lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan akong naglakad sa salas at lumabas ng bahay, sakto at nakasakay na si Uno sa kotse nang makalabas ako ng gate.

Napalingon sa akin si Uno nang buksan ko ang pinto ng kotse niya at sumakay sa loob. Yapos yapos ko ang bag kong hindi ko rin sigurado kung ano ang laman at tumingin ako kay Uno.

Naghihintay ako sa kung anong sasabihin niya, hindi ko alam kung tatanungin ba niya ako kung anong ginagawa ko rito, pabababain ba niya ako o kukumbinsihing umuwi na lang sa bahay. Pero ngumiti lang siya at sinabing, "seatbelt."

bitin ulit haha nice nang story sana ma update agad, ty
 
Chapter 8

Ang ingay ni Uno.

Wala siyang ginawa kundi kumanta nang kumanta samantalang nagmumuni-muni ako habang nakatingin sa labas ng bintana. May isang oras na rin siguro kaming buma-byahe pero puro anino lang ang nakikita ko sa labas.

Tinitiis ko na lang ang boses niyang nagkakandapiyok sa taas ng sinasabayan niyang kanta na tumutugtog. Naisip kong mas maigi na sigurong marinig ang boses niyang wala sa tono kaysa manahimik kami at kausapin niya ako tungkol sa nangyari o kaya matanong pa niya ako kung bakit ako nandito at kung bakit ako sumama sa kanya.

Wala rin akong maisip maisagot kung bakit ba ako nandito ngayon. Ang alam ko lang hindi ko na matiis ang bahay na 'yon. Hindi ko matiis iyong pakiramdam na hindi ako kumportable sa sarili kong bahay. Hindi ko matiis yung bigat sa dibdib ko na hindi ko alam kung welcome pa rin ako sa pamilya ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang luha ko. Mabilis kong pinahiran ng jacket ko ang mga mata ko.

Humina ang music at napalingon ako kay Uno. Hindi ko alam kung kailan siya tumigil sa pagkanta, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kung tanungin niya ako kung bakit ako umiiyak.

Nagbuntonghininga siya, "Sabihin mo lang kung ayaw mo akong marinig kumanta, 'di mo naman kailangan umiyak."

Napatulala ako kay Uno at unti-unting lumabas ang halakhak kong hindi ko na mapigilan.

Dumagundong sa kotse ang tawa ko. Inipit ko ang tiyan ko para pigilan ang pagtawa pero hindi ako maka-recover. Yumuko ako at inilagay ang ulo ko sa pagitan ng mga hita ko para kalmahin ang sarili. Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa, naghahalo na ang saya at lungkot ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon pero nang mahimasmasan ako napansin kong hindi na kami gumagalaw. Sumilip ako at nasa tabi na pala kami ng kalsada.

Madilim sa loob ng kotse, at ang ilaw lang ng mga aparato sa loob ng kotse ni Uno ang nagre-reflect sa mukha niya, nakapangalumbaba siya sa manibela at nakatingin sa akin may hawak siyang t-shirt at iniabot sa akin.

"Punasan mo muna 'yang luha mo, naghalo na sa sipon."

Nanginginig ulit ang labi ko habang kinukuha ang t-shirt, bumulong lang ako ng "thanks".

Hindi gumagalaw sa pagkakaupo niya si Uno habang pinupunasan ko ang mukha ko, siningahan ko na rin ang t-shirt bago ko iabot sa kanya.

Napaatras si Uno, "Ew. Iyo na 'yan."

Napangiti ako habang nilalagay ang maduming t-shirt sa sahig. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa harapan at ngayon ko lang napansin na parang nasa-expressway pala kami. Kinuha ko na ang pagkakataon para itanong kung saan ba kami pupunta.

"Nasaan na tayo?"

Kumunot ang noo niya at parang pinag-iisipan kung sasagutin ba ang tanong ko o siya ang magtatanong sa akin. Napaatras ako nang bahagya nang pumikit siya at i-extend ang mga braso niya sa magkabilang side, habang naka-open arms siya sabi niya, "Sige na. Yakapin mo na 'ko. I can be your shoulder to cry on."

Tinitigan ko lang siya habang nag-iisip ako kung tatawanan, babatukan o papatulan ko ba siya.

Binuksan niya ang isa niyang mata at nang ma-realize niyang nakatingin lang ako, ibinaba niya ang mga kamay niya at umambang lalapit sa akin, "'Wag ka na mahiya, yakap na."

Umatras ako hanggang sa nakasandal na ang likod ko sa pinto ng kotse at dahil palapit pa rin siya sa akin, gamit ang hintuturo ko itinulak ko ang noo niya palayo, "Kalmado na 'ko."

Nakakapit siya sa likod ng upuan ko at ang isang kamay ay nakalapat sa dashboard pero huminto siya sa paglapit habang nakatitig sa akin. Medyo naniningkit pa ang mata ni Uno at parang pinag-aaralan kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Hindi pa ako sobrang okay, pero hindi ko na kailangan ng yayakapin o iiyakan. Sa mga pinagdaanan ko sa buhay, hindi ko matandaan kung kailan ako nangailangan ng yakap o hagod sa likod para kumalma.

Siguro normal sa ibang tao na kapag umiiyak ay kailangan ng taong mag-co-comfort sa kanila, kailangan siguro ng kausap para kumalma at maibsan ang nararamdamang lungkot, pero ako kasi tingin ko kabaliktaran ang nangyayari kapag kinakausap ako ng ganoon. Kapag umiiyak ako, gusto kong tumigil, hindi lalong umiyak at kadalasan kapag may taong gustong mag-comfort sa akin lalo akong naiiyak, so anong point?

Umatras si Uno at ikinabit ulit ang seatbelt n'ya, "Ang choosy mo ha. Sa susunod hindi na free ang yakap, may bayad na."

Umirap lang ako at ibinaling ang tingin sa labas habang nagsisimula na ulit siyang magmaneho, "Nasaan na nga tayo?"

"Pa-south tayo, sa Express."

Parang gabi pa rin sa dilim ng dinadaanan namin, nilakasan niya ulit ang music at napuno ng tugtog ang sasakyan. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya in-attempt na sabayan ang kanta. Isinandal ko ang ulo ko at pinagpatuloy lang ang pagtingin sa labas.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo muna kumain?"

Napahawak ako sa tiyan ko, hindi pa pala ako kumakain mula ng umuwi ako sa bahay kahapon. Bitbit ko naman ang wallet ko pero parang hindi pa ako nakakapag-withdraw. Hindi pa rin pala ako nakapag-abot ng pera kay Mama.

"Ang hirap ba ng tanong ko at 'di mo masagot?"

Napasimangot ako. Hindi nga naman mahirap ang tanong niya, tinatanong niya lang kung gutom ba ako. Ang normal na tao siguro papakiramdaman kung gutom, kung gutom ang sagot ay "oo", kung busog ka pa ang sagot naman ay "hindi". Pero bakit kapag ako ang tinatanong ang unang iniisip ko ay kung may sobra pa ba akong pera pang-kain. Ang unang pinupuntahan ng utak ko ay kung may sapat pang bigas sa lagayan sa bahay, ilang takal na lang ba ang natitira at kung may extrang cup noodles pa ba o pansit kanton para iyon na lang ang kainin ko.

Inistorbo na naman ni Uno nag pag-iisip ko nang kurutin niya ang pisngi ko.

"Aray!"

Hinatak ni Uno pabalik ang kamay niya, "Nagda-diet ka pa ba? Ang nipis na ng pisngi mo."

Hinagod ko ang pisngi ko. Noong mga bata kami lagi niya akong kinukorot ang sinasabihang chubby. Malaking part ng pagiging malusog ko dati ang lola niya, dahil lagi akong busog kapag nasa bahay nila.

Lumabi ako, "wala na kasi si Lola kaya wala nang nagpapakain sa akin."

Matapos ang ilang minuto nag-signal si Uno na liliko sa may gas station, "dahil wala na si Lola. Ako na ang bahalang magpataba ulit sa 'yo."

Hindi na ako umimik at pinagdasal na huwag niya marinig ang pagkalam ng sikmura ko.

#

20220503
 
more po haha
 
oks lods wala magawa dito sa office e maganda sana me binabasa haha
Baka bet mong basahin yung "My Bandaid heart", medyo mahaba na 'yon. At para dumagdag ka sa naiinis sa akin kasi di ko pa sya tapos. hahahaha
 
try ko idol salamat

ar
Post automatically merged:

san ko sya makikita idol?
 
try ko idol salamat

ar
Post automatically merged:

san ko sya makikita idol?
Dito rin sa Original Literature na thread. Kakareply ko lang kanina doon sa nagagalit. haha
Punta ka lang doon sa Original Literature na forum tapos nandoon na "My Band Aid Heart" na thread. :)
 
Back
Top Bottom