Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
CHAPTER 82


After ng pasabog ni Sir Tristan he apologized profusely dahil sablay ang timing talaga ng pagkakasabi niya, pero as I’ve come to find out mayroon talaga kaming conference sa Cebu. Sa original plan nga lang hindi talaga ako dapag kasama doon, gusto niya lang buwisitin si Chuck kanina kaya talagang sinadya niyang sabihin ‘yon.

Chuck looked like he wanted to punch him daw.

So I think na-establish na namin kung bakit galit sa akin si Chuck, at least alam ko na ngayon. Ako naman ang dapat mag-apologize sa kanya. I need to come clean.

Ang pinagtataka ko lang is kung bakit nagseselos si Chuck kay Sir Tristan, wala naman kasi talagang nangyayari e. Nagkataon lang yung tawag niya nung gabing ‘yon, but I still need to reassure him. Kailangan maintindihan niyang wala talaga, na siya lang.

Wala pa rin paramdam si Chuck maghapon pero I still tried to call him, tine-text ko rin siya ng kung ano-ano, para lang alam niyang I want to talk to him.

Si Sir Tristan naman parang umiiwas na rin sa akin maghapon, sa hiya siguro.

“Hey, Andi.”

Napalingon ako nang narinig ko si Sir Tristan magsalita sa bandang kaliwa ko.

I force a smile, “Yes Sir?”

“It’s already five. May sundo ka ba?”

Napalingon ako sa bintana at noon ko lang napansin na medyo madilim na nga, sobrang aga naman. Parang uulan pa.

Ibinaling ko lang ang tingin ko kay Sir Tristan at umiling, “Okay lang Sir. Aalis na rin po ako in a while.”

Napabuntonghininga si Sir, “Tara na. Ihahatid na kita.”

Umiling ako ng bongga. Kung sa ngayon pa lang nagseselos na ang jowa ko, paano pa kapag pumayag akong ihatid ni Sir sa amin, “No need po. It’s okay Sir.”

Kumunot ang noo niya, “Are you going to be weird with me from now on? I mean, magiging awkward ka na?”

Mabilis akong umiling, “Hindi naman Sir. Talaga lang pong gusto ko sana mapag-isa muna. Isip isip gano’n.”

I smile.

He sighs, “Okay. Mag-ingat ka pauwi ha.”

Tumango lang ako, “Yes Sir.”

Hinintay kong makaalis si Sir Tristan at saka huminga ng malalim. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko, parang gusto kong puntahan si Chuck sa office niya pero paano kapag pinagtabuyan ako? Paano kung hindi manlang ako kausapin? Sigurado nandoon pa yung Carla na ‘yon, unless magkikita sila ni Sir Tristan. Pero siguro hindi kasi in-offer pa ni Sir na ihatid ako sa bahay.

Ipinatong ko ang mga braso ko sa table at ginawang unan ang mga ‘yon. I close my eyes thinking about how screwed up everything is right now.

Siguro ang pagod at pag-alala ko these past few days took at toll on me na hindi ko na namalayan na napaidlip na pala ako.

+++

“What are you doing here?”


Naririnig ko sa panaginip ko ang boses ni Chuck at gusto ko umiyak. Kasi miss na miss ko na siya.

Napahikbi ako ng kaunti and I feel someone stroking my head. Parang yung ginagawa ni Chuck kapag naiiyak ako sa isang scene sa movie or kapag naglalambing ako sa kanya.

Humikbi ako ulit at naramdaman ko lang na tumutulo na ang luha ko. Naramdaman ko na may nagpupunas ng luha ko and I open my eyes.

Nakita ko ang mukha ni Chuck at lalo akong napaiyak, I’m still not sure kung panaginip ba ‘to or totoo na pero ginawa ko kung anong tingin kong gagawin ko kung totoo nga itong nangyayari.

Ibinalot ko ang mga braso ko sa balikat niya at humagulgol.

Wala akong paki kung nasasakal ko na siya, basta ang alam ko I miss him so much.

I cry harder nang maramdaman kong bumalot ang mga braso niya sa likod ko, wrapping me in a hug na kasing higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.

I think yung mixture ng pag-aalala at yung takot na akala mo tapos na ang lahat is just overwhelming. The number of days na lumipas na wala kaming communication took a toll on me mentally, emotionally and physically. And I’m just tired. Gusto ko lang mag-stay forever sa mga bisig niya.

Tumayo si Chuck at kailangan niya akong kapitan para makatayo ako ng maayos, nawala ang lakas ng katawan ko and I’m just holding on to him for balance.

Wala akong masabi nang nagsalita na siya.

“What the hell are you doing sleeping here?”

Humikbi lang ako, dahil hindi ako capable na magsalita ngayon. Wala siyang maiintindihan kasi puro hikbi lang ang ginagawa ko.

“Where’s Tristan? He left you sleeping here?”

Pumalatak siya, “What if I didn’t check on you? Dito ka matutulog all night? Do you even know what time it is?”

Alam ko galit siya, he’s berating me for not taking better care of myself pero hindi ko magawang magalit pabalik or magsalita ng kung ano dahil sa totoo lang lahat ng sinabi niya just makes me happy. He’s here and he still cares enough to check on me, so may pag-asa pa ako para ayusin ito. I haven’t lost him yet.

I hold on to his neck tighter and he just sighs.

“Andi, let go. I can’t breathe.”

Hindi pa rin ako makapagsalita so I just shake my head.

Nagbuntonghininga ulit siya, “Fine.”

Naramdaman ko na lang na inalis niya ang braso niya sa likuran ko at bago pa ako makapag-protesta he puts his arm sa ilalim ng legs ko and lifts me up. Inilapat ko lang ang tear-stained cheeks ko sa dibdib niya at pumikit.

Using one hand he grabs my bag and puts it on my lap.

Bitbit niya ako palabas ng office at narinig ko siyang nagsalita ulit.

“Thanks Manong.”

“Welcome Sir. Buti na lang nakapag-check po ang roving guard namin sa floor na ‘to bago kami nagsara.”

Narinig kong nag-ding at alam kong nasa harap na kami ng elevators.

Nagsalita ulit si Manong, “Buti na lang rin Sir hindi pa kayo umaalis sa parking kanina.”

Pumasok na kami sa elevator nang sumagot si Chuck, “Hindi po kasi sumasagot si Andi sa tawag ko kanina so I got worried.”

Nagsalita ulit si Chuck, “Kamusta ang CCTV system dito Manong?”

“Naku, maganda ang inilagay niyo Sir. Walang nag-ha-hang…”

Nag-usap sila tungkol sa system at I took this time para lang magpasalamat dahil kahit papaano, kahit na alam kong masama ang loob niya sa akin hindi niya pa rin ako kayang pabayaan.

So nasa parking siya malamang habang himbing ang tulog ko sa office. Wala naman talagang magche-check sa akin doon dahil madalas ako ang huling umaalis ng office.

Nakagawian na rin ng mga guard na silipin ang office ni Sir Tristan kung naka-lock.

Tinatawagan niya raw ako, bakit kaya? Siguro gusto na niyang makipag-usap, siguro hindi na siya gaanong galit. I would beg him to stay if I have to.

Siguro nga I’ve changed over the past months na nakilala ko si Chuck at karamihan ng mga magagandang realizations ko is because of him. That’s what you get siguro kapag natutunan mong hindi lahat ng sakripisyo dapat ikaw ang gumagawa, na hindi dapat one-sided ang hirap sa isang relationship.

Nag-ding ang elevator at bumukas ang pinto, “Sige Sir Chuck, ingat po kayo ni Ms. Andi. Sana po bumuti na ang pakiramdam niya.”

So Chuck told him I’m sick.

“Thanks Manong. Ingat po!”

Sumara ang pinto at dahan-dahan kong sinilip ang mukha ni Chuck.

“Tapos ka na mag-pretend na tulog?” he asks.

I bite my lip, “Kung oo ang sagot ko, ibababa mo na ba ako?”

Nagbuntonghininga siya, “Do you want me to let you go?”

And something about that question felt ominous. Feeling ko double meaning kaya yumapos lang ako ulit sa kanya, dahil kahit anong ibig sabihin ng tanong niya my answer will be the same, “no.”

Never.

He sighs again habang naglalakad siya palabas ng elevator, “You need to let me go at some point, Andi. I need to drive.”

‘Bakit Andi ang tawag mo sa akin?’ I wanted to ask so bad pero natatakot ako sa sagot niya.

He opens his car door at inilapag ako sa passenger seat, I’m scared to let go of him kaya nakayapos pa rin ako.

He rubs my back, “I’m not going to run off, so you can let me go.”

Nakasimangot ako pero binitiwan ko na siya, he scans my face, “You look like you’ve been crying. Maga mata mo, what will you say to Tita?”

Hindi ko pa naiisip ngayon si Tsang dahil hindi pa nga kami nakakapag-usap ni Chuck so I say, “Pwede bang ‘wag mo muna ako ihatid? Hindi ba tayo mag-uusap?”

He sighs, parang pagod na pagod. I can see the bags under his eyes at mukhang ilang araw na rin siyang hindi nakakapag-shave so I say, “Doon na lang tayo sa house mo, pwede ba? So you can rest and I can talk kahit kaunti. I don’t want to go home like this.”

He looks at me lang and I add, “Please.”

Huminga siya ng malalim and just nods.

He goes to his side of the car and starts to drive off.
 
CHAPTER 83

Pagdating namin sa bahay niya nag-park lang si Chuck at bumaba na kami ng sasakyan, he looks so tired so hindi na ako nag-react nang hindi siya nagtanong kung anong kakainin namin pagdating doon. Naisip ko magpa-deliver na lang kung sakaling wala akong pwedeng lutuin sa bahay niya.

It feels awkward pero alam kong kailangan kong um-effort dahil may atraso ako sa kanya, kaya pagpasok ng bahay kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya paakyat ng hagdan.

We go to his room and I face him, “Magpahinga ka na muna, I’ll check kung anong pwede kong iluto sa baba.”

He looks like he wants to say something pero after staring at me for a while he just yawns, “I don’t think I have anything.”

Hinawakan ko lang ang mga braso niya at iginiya siya papunta sa kama, “Just rest, ako nang bahala.”

Naupo siya sa mattress pero hindi pa tuluyang humiga, naka-tingala siya at nakatingin sa akin. Napabuntonghininga ako dahil alam naming parehong kailangan naming mag-usap pero mas kailangan niya ng pahinga, mamaya ko na siya tatanungin kung dito ba siya natutulog nung mga nakaraang araw or baka nag-stay lang siya sa office noong mga araw na hindi niya ako pinapansin.

Lumuhod ako sa harap niya at habang tinatanggal ang necktie niya I say, “Marami tayong dapat pag-usapan pero I think we both need to rest muna before we do.”

I put his necktie sa tabi ko sa sahig and proceed to untie his shoes, he moves to stop me pero I gently move his hand away, “Dati lagi ko ito ginagawa para kay Papa, kapag galing siya sa trabaho sa planta nung bata ako. Maliit na bagay pero alam ko nabibigyan ko siya ng kaunting ginhawa lalo na kung nahirapan siya maghapon sa pag-ttrabaho.”

I start to untie his shoes, “Pagdating niya sa bahay he sits down sa sofa tapos he rests his head sa backrest ng sofa, at tinatanggal ko ang sapatos niya tsaka medyas tapos kinukuha ko ang tsinelas niya para isuot sa kanya.”

I remove his shoes and his socks at tiningnan ko siya, “It’s my small way of letting him know that I appreciate his hard work, kahit hindi ako nagsasalita while I do it, I think he knows.”

He gives me a small smile at iginiya ko na ang legs niya papunta sa kama, “Go on. ‘Wag na makulit, just rest muna. We’ll talk when you wake up.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko, “What if I wake up tomorrow na? How can we talk?”

Tumango lang ako, “Then I’ll be here. We’ll talk then.”

“How?” he asks.

Pumalatak lang ako, “Basta. Matulog ka muna.”

He sighs, “You need rest too.”

Tumango ako, “I’ll rest later. Sige na, ang dami mong dahilan.”

He finally lies down pero he doesn’t close his eyes. Umupo ako sa tabi niya and I put my hands on each side of his face and kiss his forehead, “Sleep.”

It takes a few seconds pero maya-maya pumikit na si Chuck and I stay a while sa tabi niya until I see him breathing evenly. Tulog na.

Humikab rin ako at parang gusto ko na siyang tabihan pero I need to prepare some food para may makain siya ‘pag gising. I quietly leave the room at bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina niya, sinilip ko ang ref niya at nakitang wala nang laman ‘yon.

I sigh.

Wala rin laman ang mga cabinet so kinuha ko na lang ang cellphone ko para tumingin ng kung anong pwede naming order-in.

Nag-order lang ako online sa favorite Thai restaurant ni Chuck, at habang hinihintay ko ang delivery I nag-ikot ako sa bahay niya. Habang nag-iikot humihikab-hikab na ako kaya pumunta ako sa kusina at naghilamos at nag-prepare ng kape sa coffeemaker.

I remember kung anong huli naming pinag-usapan ni Chuck dito sa kusina, he knew then na kausap ko si Sir Tristan bago ako natulog no’n. He wasn’t being mean intentionally, hindi niya ako gustong insultuhin but he was speaking out of frustration. And I reacted defensively agad, I felt like he was looking down on me and my job pero sa totoo lang, if I just cleared my mind for a bit that time at hindi nagpadala sa emosyon I should have known he wasn’t being himself. Hindi siya ganoong klase ng tao. Ni isang beses sa relationship namin, never akong minaliit ni Chuck. In this relationship, we are equals eventhough in reality we are not.

He could do so much better than me.

At iyan, sumisingit na naman sa utak ko ang hindi magagandang thoughts. I shake my head at huminga ng malalim.

Why am I here?

I need to be sure kung bakit ako nandito, it’s unfair of me na magkaroon ng ganitong feelings kapag kasama ko siya – that feeling that I’m lacking.

He needs someone na tatabi sa kanya feeling proud of what he’s accomplished and not feel jealous, envious or small.

He needs someone to be there for him kapag siya naman ang nakakaramdam ng panliliit or may pagkukulang. And how can I give that to him kung sa sarili ko hindi ko ‘yan maibigay? Yung pang-uunawa na hindi ka man perfect, you are enough.

Bakit ba kasi masyado akong nag-iisip?

Nakaupo ako sa stool at nagkakape sa kitchen island niya nang may mga ilaw na nakita ako sa tapat ng bahay niya, dali-dali kong binunot ang wallet ko sa bag at nagpunta sa gate para salubungin ang delivery. Laking gulat ko nang makitang may magarang kotse sa tapat ng bahay ni Chuck.

Kumunot ang noo ko at pinanood habang may bumabang medyo may edad na lalaki sa driver’s side. Napatingin sa akin ang lalaki at tumingin ito sa bahay ni Chuck.

Bumaling ito sa kotse niya at kinausap ang kasamang bumababa ng kotse, “Darling, are you sure this is the place?”

Napalingon ako sa kausap niya at nakita ang kasama niya at nanlaki ang mata nang makita ko kung sino ang bumaba sa passenger side ng kotse.

Nagkatinginan kami at lumapad ang ngiti niya nang makita ako, “Andi! Long time no see, Dear.”

Nakangiti yata ako pero hindi ako sure kasi parang nanlamig ang katawan ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa kasama ng Mommy ni Chuck, he eyes me with some sort of recognition now kahit na alam kong hindi pa kami na-iintroduce ng maayos. Nung kasal ng pinsan ni Chuck he was mingling with people sa party, pinakilala ako ni Chuck when he was passing by and I was just a friend then so baka kaya hindi niya ako pinag-aksayahan ng atensyon.

Naglakad sila palapit at ngumiti lang ako sabay sabing, “Good evening po, Mr. and Mrs. Santos.”

Nakangiti sa akin ang Mommy ni Chuck, “Please call us Tita and Tito, after all you’re our son’s girlfriend now.”

Kumunot ang noo ng Daddy ni Chuk at napalunok ako, nag-mostra ako na pumasok sila sa loob ng gate, “Ay, pasok po kayo.”

Unang pumasok ang Mommy ni Chuck, “Thank you, Andi.”

Pumasok ang Daddy ni Chuck sabay sabing, “Do you live here?”

Ang bilis ng pag-iling ko at sinabayan ko pa ng pag-wave ng kamay ko, “N-naku hindi po. Sinamahan ko lang po si Chuck kasi medyo pagod po siya kanina. Ipagluluto ko po sana.”

Wala na siyang ibang sinabi at pumasok na sa loob ng bahay.

Teka, bakit ko nga ba sila pinapasok e hindi ko naman ito bahay?

Ano, itataboy mo ang parents niya?

Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanila papasok sa loob.
 
CHAPTER 84

Wala pang gamit sa loob ng bahay kaya nakatayo lang kami sa living room habang iginala ng mga magulang ni Chuck ang mata sa loob ng bahay, napakagat lang ako sa labi ko habang hinihintay silang magsalita.

Syet, anong sasabihin ko? Do you want a tour?

At last nagsalita na si Tita Andrea, “It looks beautiful, so open. Maganda ang design ng bahay.”

Nagbuntonghininga lang ang Daddy ni Chuck, “It looks small though, I wonder why he bought a house here. There are bigger lots in our Village.”

Hindi naman masama ang relationship ni Chuck with his Daddy pero mas madalas ikwento sa akin ni Chuck ang Mommy niya.

I clear my throat, “W-wala pa po kasing mga gamit ngayon, bale ang sabi po ni Chuck ilang months pa bago ma-complete itong bahay so pasensiya na po wala akong mai-offer na upuan.”

Chuck’s Dad – oo, kahit sa utak ko hindi ko siya matawag na Tito – awkward kaya – he waves my comment away, “We’re not staying.”

Itinuro ko ang kinaroroonan ng kitchen, “Naggawa po ako ng coffee, baka gusto niyo po muna mag-kape?”

Pumihit paharap sa akin ang Daddy ni Chuck, “Where’s Charles?”

Charles. Napaka-formal.

“Uhm, natutulog po siya sa room niya. Pinagpahinga ko po kasi parang pagod po siya kanina, para pong ilang araw nang hindi nakakatulog ng maayos…”

He sighs, “He should take better care of himself.”

Napalingon ako kay Tita Andrea and she just rolls her eyes, “We came here unannounced, so you shouldn’t have expected him to be ready to see you.”

“I didn’t even know he bought a house!”

Medyo tumaas ang boses ng Daddy ni Chuck at muntik na akong mapa-“ssshh” sa inis.

Itinuro ko ulit ang kusina, “Uhm, coffee po?”

Si Tita Andrea ang sumagot, “Sure Andi.”

Kinapitan niya ako sa braso at sabay kaming pumunta sa kitchen, napangiti siya nang makita ang kitchen ni Chuck, “Wow. This is nice, at least this part of his house is complete na.”

Kumuha ako ng mga cups habang nauupo sila sa paligid ng kitchen island, may ibinulong si Tita Andrea sa Daddy ni Chuck at tumikhim siya bago nagsalita, “So, Andi. What do you do for a living?”

Naglalagay ako ng kape sa cups nang sumagot, “Ah, Executive Assistant po para sa isang Marketing Company.”

Hindi siya sumagot at parang bumabalik ang panliliit ko, kasi ito na naman ako nagtitimpla ng kape para sa mga taong mas importante kaysa sa akin.

I bite my lip at iniayos ang ngiti ko nang humarap sa kanila.

Pagkaabot ko ng kape sa kanila nagsalita ang Daddy ni Chuck, “Can you wake up my son? I need to talk to him.”

Napatingin ako kay Tita Andrea bago sumagot, ibinaling ko ang tingin ko sa Daddy niya, “Sorry Sir. As I said po kanina pagod po kasi si Chuck, kakatulog niya lang po kasi kaya I don’t think…”

He butts in, “His parents came here to see him, so I think it’s right for him to come down and talk to us.”

Kinuha ko ang sugar at creamer sa cabinet at inilapag sa table at pinigilang sumagot ng pabalang sa Daddy niya na medyo hindi na maganda ang tono ng pakikipag-usap sa akin, “I’m sorry po Sir. This is not my house, this is Chuck’s, the best I can do is let you in and offer you coffee but I can’t wake him up po.”

I sigh at tumingin ako kay Tita Andrea, “Sorry po Tita. I’m sure he just wanted to have the house in good condition before he invited you over.”

Sumingit ulit ang Daddy ni Chuck, “I doubt that.”

Inirapan ni Tita Andrea ang Daddy ni Chuck, “You have to forgive my husband, he’s a bit grumpy today.”

Ngumiti lang ako sa kanya.

May bumusina sa tapat ng bahay ni Chuck at naalala ko ang delivery ng pagkain namin, sakto at binago ko ang topic, “Ah, iyan na po siguro yung food na in-order ko, baka po gusto niyo dito na mag-dinner.”

Tumayo ang Daddy ni Chuck, “No. We’ll see ourselves out.”

Naglakad na siya palabas, at tumingin lang sa akin si Tita Andrea, “Sorry Andi.”

Tumango lang ako sa kanya, “Naiintindihan ko naman po.”

Sinamahan ko sila palabas ng bahay at bumeso pa sa akin si Tita Andrea bago siya lumabas ng gate, “See you soon, okay Andi? Tell Charles we stopped by.”

I nod, “Opo Tita.”

Pinanood ko silang umalis at inasikaso ang dinner namin na dala ng Manong na Delivery Man.

Huminga ako ng malalim at inilapag ang mga in-order na pagkain sa kitchen counter. Sa lahat naman ng pagkakataon ngayon pa talaga naisipang pumunta ng parents ni Chuck, kung kailan wala siyang malay at hindi kayang makipagsabayan ng English-an sa parents niya.

Did I make things worse sa sagot ko sa Daddy niya? Did I ruin my chances of giving a good impression as his girlfriend?

“Sh*t.”

Well, wala na akong magagawa doon. What’s done is done. Iiwas na lang siguro muna kami sa mga family gatherings at mga lugar na pwede kaming makita ng mga magulang niya.

I sigh and deflate ulit.

What would they say to Chuck kapag nag-usap na sila?

Your girlfriend is rude?

Rude na bang matatawag ‘yon? ‘Di ba sila ang pumunta ng walang paalam? Kahit na ba anak nila si Chuck, this is his house.

Magagalit ba sa akin si Chuck paggising niya?

More than sa galit niya sa akin ngayon?

Hay, nakakapagod ha.

I lose my appetite at umakyat ako pabalik sa kwarto niya to check up on him. Baka gusto na niya kumain.

Pagpasok ko ng kwarto he’s still sleeping pero tinanggal na niya ang shirt niya, so he must have woken up at some point para alisin ‘yon.

Alam kong I’m supposed to ask him para kumain na pero I suddenly felt sleepy so I went to the other side of the bed, inangat ang comforter at humiga sa tabi niya.

Maingat ko ‘yon ginawa pero naramdaman niya siguro kasi gumalaw bigla ang kamay niya at hinatak niya ako palapit.

I rest my cheek on his arm at nakita ko na medyo bumuka ang mata niya, “Gising ka na?”

He sighs, “Still sleepy.”

I know I should let him go back to sleep pero I think kailangan niya agad malaman so I say, “Galing dito parents mo.”

Kumunot ang noo niya, “When? Now lang?”

Tumango lang ako, “They left na.”

He closes his eyes again, so hindi ko alam kung gising ba talaga ‘to or nagsasalita ng tulog, “Your Dad asked me to wake you up pero sabi ko pagod ka and that this is your house.”

He smiles pero hindi namulat, “He must have been pissed.”

Sumimangot ako, “Galit yata sa akin Daddy mo.”

He wraps his arms around me, “Serves him right for not telling me they’re coming over.”

Nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya and I sigh, “Ang pangit ng first impression niya sa akin.”

He sighs, “We are in this relationship, Andi. Not him, not my Mom, not your parents – no one else. That’s why there’s no one that can come between us unless we let them.”

I know we still have a lot to talk about pero medyo kalmado na ako dahil we’re on the same page, we both want to talk it out and still work on it.

I hug him tighter, “I love you.”

He kisses the top of my head, “I love you, too.”

We slept soundly at nalimutan na parehong kumain.
 
CHAPTER 85

Namulat ako pero parang may nabago, I remember sleeping beside Chuck. Ginawa ko na namang unan ang dibdib niya, ewan ko kung paano ako nakatulog doon e ang tigas.

Madilim pa kaya tingin ko hindi pa yata umaga pero wala na sa tabi ko si Chuck kinapa ko pero wala na akong katabi so I push myself off the bed at tumingin sa paligid ng kwarto. Wala rin siya doon.

Pupungas-pungas pa ako nang tumayo at naglakad palabas ng kwarto, bumaba ako sa hagdan at narinig na may nagsasalita sa kitchen.

Dahan-dahan akong pumunta doon at narinig ko ang boses ni Chuck.

“It’s not like that, Dad.”

Hala! Bumalik ang Daddy niya?

Napatigil ako sa paglalakad and I hear his voice again.

“I’m sure she didn’t mean if she sounded like that to you. She’s not like that.”

Tumahimik ulit at may narinig akong mga nagc-clink, siguro plato or glasses?

“She’s right. This is my house after all.”

I realize na wala ang Daddy niya dito and he’s just probably talking to him on the phone kasi puro sagot lang ni Chuck ang naririnig ko.

I stay outside para pakinggan ang usapan nila.

“I’m sorry if I offended you, Dad. But I didn’t invite you over when I bought the condo too, that wasn’t a big deal that time, right?”

So normal lang kay Chuck ang ginawang pagbili ng bahay nang hindi sinasabihan ang parents niya? Ano nga naman ang pagkakaiba ng pagbili niya ng condo sa pagbili niya ng bahay?

Narining kong nagbuntonghininga si Chuck bago nagsalita ulit.

“I haven’t introduced her to you because we’re both busy right now…”

Parang may kasunod pa dapat ang sasabihin niya pero bigla siyang tumigil sa pagsasalita.

“Dad!”

Nagulat ako sa diin ng boses ni Chuck.

“If this is where this conversation is going then I’m going to hang up now. Let’s talk more when I visit -”

“Yes, I will visit. Thanks, Dad. Good night.”

I bite my lip at iniisip ko kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok sa kusina. Am I going to tell him na narinig ko ang conversation nila?

Will he lie to me and say na walang problema sa akin ang Daddy niya? Kasi sa dating ng usapan nila parang ako yata ang rason ng hindi nila magandang usapan.

Kontrabida ba ang peg ni Daddy dear sa mala-teleserye naming kwento?

Napabuntonghininga na lang ako at nag-decide na kailangan kong harapin ang kung anong dapat naming harapin.

I take a deep breath at pumasok sa loob ng kitchen.

Nakapatong ang mga kamay ni Chuck sa ibabaw ng kitchen island at nakayuko siya pero napa-angat ang tingin nang pumasok ako.

I bite the inside of my cheek. Bigla akong nakaramdam ng hiya seeing him looking frustrated and worried.

If we didn’t have problems right now lalapitan ko agad siya at lalambitin sa leeg niyang parang koala, pero kailangan kong mag-seryoso ngayon. Ayaw kong isipin niyang I’m making light of our situation, hindi ko pa nga mabasa ang reaction niya kung napatawad na ba niya ako based sa short sleepy discussion namin kagabi or hindi pa.

Hindi pa ako umaalis sa bandang pinto because frankly, natatakot akong mag-step forward. But then he shows me again why falling in love with someone like him is different, he just gives me a small smile, “Did I wake you? Was I too loud?”

Ang simple ng mga words pero they mean so much, kahit na inis siya sa akin at marami pa siyang gustong itanong nangingibabaw yung care.

Lumapit ako sa kanya at ibinalot ang mga braso ko sa baywang niya, he wraps his arms around me and kisses the top of my head, “Sorry. I tried to keep it down that’s why I went here sa kitchen.”

I press my cheek on his chest, “Hindi naman ako nagising sa boses mo, nagising ako kasi wala na akong katabi.”

He sighs, “Dad called.”

I bite my lip, “Oo, narinig ko ng kaunti yung conversation n’yo nung papunta ako dito.”

He strokes my head, “I’ll handle him, don’t worry. Mom loves you, you know that already.”

I pout, “So hindi nga ako gusto ng Daddy mo?”

“Hindi naman. He just doesn’t know you yet.”

We stay like that for a while.

Pwede kayang stay like this forever na?

Naisip niya sigurong sobrang kumportable ko na kaya he gently pushes me away and looks at me, “So, can we talk now?”

Biglang kumulo ang tiyan ko reminding me na hindi pa ako naghahapunan. Chuck laughs lightly, “Fine. Food first.”

Hinawakan niya ako sa mga balikat ko at pinaupo sa stool chairs doon, he gets some plates at kubyertos and sets it down in front of me. He takes the seat sa harapan ko as he opens the containers of the food I ordered earlier.

“Thanks for dinner.” He says and I nod.

Kapag ganitong kami it’s hard not to get nervous and excited at the same time. I can’t help but imagine this house being our home, ganito kami gabi-gabi, magkasalo sa pagkain at nagku-kwentuhan.

Napalingon siya sa akin and he stops preparing the food, “What are you thinking?”

I’m about to say my go-to answer “wala”, but he says, “And don’t say ‘nothing’ because I’m really at the point where I don’t know how I’ll talk to you if you do.”

Deserved ‘yon. Sobrang deserve ko ‘yon so I say, “I’m just thinking na siguro masarap magkaroon ng ganitong buhay. Yung kasalo mo sa pagkain yung taong mahal mo, yung pinagsisilbihan ka pa.”

Napayuko lang ako, biglang tinamaan ng hiya, “Yun lang.”

Itinuloy niya ang pagbubukas ng mga containers, “Yes. It’s nice.”

Ibinaba ko ang kubyertos ko sa lamesa. I feel like hindi naman rin ako makakakain ng maayos kung hindi ako magsasalita so inumpisahan ko na.

He stops what he’s doing and gives me his full attention.

Huminga ako ng malalim, “I’m sorry. Gusto ko lang malaman mo na I’m really sorry for not saying anything nung huli akong nandito.”

I bite my bottom lip, “Wala naman akong masamang intensyon sa paglilihim ko sa ‘yo that time. Na-overwhelm lang talaga kasi ako.”

I look at him at parang may sumusundot na kirot sa puso ko, “Ang hirap kasi sa pakiramdam e. Paano ko ba maipapaliwanag na I’m proud of you, that I’m happy for all that you’ve achieved, sa lahat ng success mo sobrang happy ako doon, pero at the same time I feel sad for myself?”

I look down at the table, “And it’s not even your fault, wala kang ginagawang mali. Lahat ng ginagawa mo is towards the future you worked hard for, the future you deserve. You’ve never made me feel like hindi ako bagay sa ‘yo, na kulang ako.”

I wipe at my cheeks dahil may mga tumutulo nang luha. I laugh at my own stupidity, “Ang tanga ko lang kasi sa lahat ng dapat kong ipagpasalamat, doon ako nag-focus sa kung anong wala.”

Tumingin ako sa kanya and he nods slowly, “So, you felt like I’m too good for you?”

I bite the inside of my cheek and I nod.

Kumunot ang noo niya, “So, you felt like this before but instead of telling me you talk to your boss – my best friend about it?”

Bago ako makasagot he adds, “And you pretended to sleep to avoid talking to me?”

He shakes his head, “See, that’s what I don’t get. You don’t want to talk to me about it but you talk to him? Is he easier to talk to? Does he have a say in this relationship?”

I put my hand up, “Hindi. Nagkataon lang ‘yon, hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya. I just panicked.”

Lalong nagsalubong ang kilay niya, “You panic and you call your boss?”

I shake my head, “Hindi. Hindi ko siya tinawagan, siya ang tumawag sa akin and it just came out. Hindi ko sinasadyang sabihin sa kanya ‘yon. You have to believe me.”

He shakes his head, “I don’t get it, Andi. I really don’t.”

He sighs and looks at me with disappointment, “Did you tell him what happened after? Did you tell him we’re not talking?”

Parang kumunoy itong pag-uusap namin, habang nagt-try akong umahon, kapag lalo ang sumusubok na sumagot, lalo akong lumulubog.

Even though I know kung anong mangyayari, kailangan kong maging honest. Iyon na lang ang pwede kong gawin ngayon so I nod, “Nakita niya kasi akong umiiyak kanina kaya…”

He puts a hand up and shakes his head, “I’ve heard enough.”

Nanlamig ako sa mga salitang ‘yon.

He sighs and stands up, “You should eat something. I need to take a shower before I take you home.”

I quietly cry as I watch him leave.
 
CHAPTER 86

I stayed there stunned in silence sa kitchen ni Chuck.

What does this mean?

Hanggang dito na lang ba kami? Dahil sa kagagawan ko?

Iniligpit ko lang ang pagkain dahil hindi ko rin naman ‘yon makakain. Baka kapag kumain ako hindi pa ako matunawan.

My eyes are heavy, daig ko pa ang naglagay ng false eyelashes dahil kusang sumasara ang mata ko.

Chuck is a kind person, siguro sa ngayon umaasa pa rin ako na mangingibabaw ang kabaitan niya at ang pagmamahal niya sa akin and he’ll give me another chance.

Kasi may pagmamahal pa naman siya sa akin ‘di ba? Kakasabi niya lang bago kami matulog, na mahal niya ako. Mabilis lang ba mawala ‘yon dahil sablay ako magpaliwanag? Dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko? Pwede bang mawala lang ‘yon or hindi na ‘yon sapat?

Umakyat ako sa kwarto niya at nasa banyo pa rin siya kaya dahan-dahan kong kinuha ang bag ko at bumaba. I sit at the bottom of the stairs at hinintay siyang matapos.
Saan naman ako pupunta? Aalis na lang ba ako?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, basta ang alam ko ayaw ko siyang mawala. So kahit magmukha akong tanga dito at maghintay, gagawin ko. Kung ano man ang desisyon niya sa amin, ipaglalaban ko. Ako pa ang manliligaw sa kanya kung kinakailangan.

I’m at that point again na wala na naman akong bait sa sarili.

Iniisip ko sa mga dati kong relationship, madalas ganito ang nangyayari kapag nakakaramdam ako ng hiwalayan. Nagpa-panic ako, natatakot sa kung anong pwedeng mangyari, kaya kahit ano ginagawa ko para lang hindi mawala yung taong mahal ko. Kasi gano’n naman dapat ‘di ba? Kapag mahal mo, kailangan ipakita mo. Pero anong pagkakaiba ng nangyari sa akin noon at sa ngayon? This time I deserve it.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya and I hear his steps pababa ng hagdan.

Napabuntonghininga siya sa bandang likuran ko, “Did you eat?”

I shake my head. Tumayo ako at humarap sa kanya, “Hindi na. Ikaw nga hindi kumain e.”

Nakatingin siya sa akin pero parang hirap ako humigit ng hininga sa matalim na tingin niya sa akin. Ang sakit sa puso kapag yung taong mahal na mahal mo biglang iba na ang tingin sa ‘yo. I can see hurt in his eyes – hurt I caused.

I fake it though, para hindi siya mag-alala sa akin. He’s a good guy, panigurado he’s feeling guilt now dahil kahit galit siya sa akin or masama ang loob I know he doesn’t want na malipasan ako ng gutom. Ngumiti ako kahit na sa loob ko gusto ko nang sumabog.

He doesn’t say anything nang naglakad na siya papunta sa pinto, I bite the inside of my cheek at nagdadasal na magkaroon ako ng sapat ng lakas para magpaka-peke hanggang bahay namin.

Pagdating sa kotse niya pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi na niya ako hinintay makasakay. I get in and put on my seatbelt.

Sinusubukan kong hindi tumingin sa kanya kasi feeling ko maiiyak ako. Pero naiisip ko kapag hindi ko na siya tiningnan ngayon hindi ko na ba siya pwedeng tingnan kahit kailan? I try not to think about it pero pilit sumisingit sa utak ko ang pwedeng mangyari – he’s going to break up with me.

I bite my lip, nagpipigil huminga para hindi mapansin.

I don’t want to cry. Not right now.

After everything na pinagdaanan namin ito na ba yung makakapagpaisip kay Chuck na iwan na ako?

Napabuntonghininga siya and hindi ko napigilan, napalingon ako. Hawak niya ang noo niya habang nakapatong ang siko sa pinto sa tabi niya. He looks sad and lost in thought.

His image becomes blurry at na-realize kong nag-iipon na naman ang luha sa mga mata ko. Is this the last image I get to capture in my head? Si Chuck nakatingin sa malayo habang ako nakatingin sa kanya? Sino naman nakatingin sa akin? Wala. Wala na naman.

Madalas kapag in pain tayo naiisip natin kung paano i-relieve yung pain na ‘yon and while mayroon rin akong pain ngayon, I just have this urge to make sure na ma-relieve ko muna yung pain na nararamdaman ni Chuck. I should say something.

Say something, Olga Andrea!

Sa dinami-rami ng dakdak mo sa buhay mo, ngayon ka magsalita.


Huminga akong malalim bago nag-attempt magsalita habang nakatingin straight forward, “Uhm. If hindi ko pa nasabi ng maayos kanina, I’m sorry.”

Medyo nanginginig pa ang boses ko so tumikhim ako, “I’m sorry sa lahat ng ginawa ko para magalit ka…”

Tumigil muna ako para mag-ipon ulit ng lakas ng loob, “Hindi ko intensyon kahit kailan na magalit ka or masaktan.”

Nagbuntonghininga lang siya.

Lalo akong kinakabahan pero kailangan kong magsalita, kasi kung hindi parang sumuko na lang ako.

I try to organize my jumbled thoughts, “I know sing nagsimula ako magtrabaho doon para kay Sir Tristan marami tayong mga naging problema, may pagkukulang ako, may pagkukulang ka rin. Alam ko this time na maling mali na kausapin ko si Sir Tristan tungkol sa atin kasi dapat sa atin lang ‘yon. Dapat hindi ko sinasabi sa ibang tao ang problema natin.”

Huminga ako ng malalim at pumikit, “I miss you at kung anong simpleng relasyon mayroon tayo dati, sana gano’n na lang ulit. Sana mapatawad mo pa ako sa nagawa ko sa ‘yo, kung hindi sabihin mo lang kung anong dapat kong gawin and I’ll try to do it.”

Dumilat ako at tumingin sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa kalsada, parang walang narinig dahil hindi manlang sumagot.

Nanahimik na ako at hinayaan siyang makapag-isip. Siguro hindi pa siya handang sumagot.

Bumyahe kami ng gano’n at finally nakarating na kami sa bahay ni Tsang.

Lumingon ulit ako sa kanya at nakitang nakatingin na siya sa akin.

He still looks closed off.

Nakatiim ang mga labi niya at matalim ang tingin.

Humarap ako sa kanya, “Sabihin mo lang kung anong kailangan kong gawin para maitama ko yung nagawa kong mali. Please.”

He sighs, “You’ll do anything?”

Tumango ako, “Oo. Just tell me.”

He doesn’t even blink when he says, “Resign.”

Napalunok ako, not sure I heard him right, “What? Anong sabi mo?”

He crosses his arms over his chest, “Resign.”

Napakurap ako ng ilang beses, “Seryoso ka?”

He smirks, “I thought you said you’d do anything?”

I can’t believe what I’m hearing, si Chuck ba talaga ‘to? Nasa ibang universe ba ako?

But I can’t blame him for being this way, kasalanan ko naman kasi.

Bago pa ako makasagot he starts the car again, “You can think about it. Let me know when you’ve decided.”

Just like that I’m dismissed.

Tinanggal ko ang seatbelt ko, tumingin sa kanya bago bumaba. Isinara ko ang pinto pagkababa ko at humarurot na siya palayo.

Naiwan akong nakatayo sa tapat ng bahay namin with no idea on what I should do.
 
CHAPTER 87

Isang oras na akong nakatitig sa laptop ko.

It’s a slow day today, halos wala akong ginagawa sa office, so parang nananadya ang kapalaran para pag-isipan kong maigi ang desisyon ko tungkol sa ultimatum sa akin ni Chuck.

Halos maubos na ang labi ko dahil kanina ko pa nginangatngat.

Maraming meetings si Sir Tristan pero dahil siguro nakita niyang wala ako sa hulog ngayon, hinayaan niya lang akong makipagtitigan sa laptop ko.

I’m thinking of filing my resignation, pero hindi ko magawa. I keep asking myself why I’m doing this? Just to prove that I love Chuck?

If I do this what does it mean for me? Sadya bang sinusuko ko na ang karapatan ko bilang tao na piliin ang gusto kong gawin sa buhay ko?

If I don’t do it, am I going to lose Chuck and regret it for the rest of my life?

Trabaho lang naman ito pwede akong mag-apply ulit sa iba. Pero gusto ko bang gawin ‘yon?

Masaya ako sa ginagawa ko, hindi man ako CEO ng kumpanya alam kong malaki ang ambag ko dito – well hindi ngayon kasi kanina pa ako walang ginagawa, pero kadalasan malaki talaga ang naitutulong ko.

Ano naman ngayon kung taga timpla ako ng kape minsan? Ibig sabihin ba noon hindi na ako dapat bigyan ng halaga at respeto bilang empleyado? It’s part of my job, it’s part of the task of making sure my boss gets what he needs and what makes him comfortable para magawa niya ng maayos ang trabaho niya.

It’s a job that I like.

Hindi pa ako tapos sa pagmumuni-muni ko nang biglang pumasoksa office si Sir Tristan, “Andi. I need you to clear up my schedule for the next couple of days.”

Agad akong tumayo at sinundan si Sir Tristan bitbit ang ballpen ko at notebook para ilista ang mga ibibilin niya, “Yes Sir. Ano pong sasabihin ko if anyone asks?”

Naupo siya sa chair niya at habang niluluwagan niya ang necktie niya he sighs, “Personal reasons.”

I nod habang pinapanood siya. He seems sad at ayoko naman manghimasok so I just say, “Noted po Sir. Anything else po? Do you want some coffee?”

Sumandal siya sa upuan niya at pinisil ang nose bridge niya, “Dee just called. Her mom died.”

Nanlaki ang mata ko at napaupo ako sa guest chair ni Sir, “Oh my God!”

Naluluha ako na nakatingin kay Sir Tristan, he just looks back at me like he understands.“Aalis kayo Sir? Pupunta po kayo doon?”

He nods.

Napakagat ako ng labi, alam kong para akong bata pero gusto ko rin makiramay kay Dee kaya kinapalan ko na ang mukha ko, “Sir, pwede ba akong sumama? Gusto ko rin po sana makiramay kay Dee.”

He rests his elbows on the table, “Are you sure that’s a good idea, Andi?”

I know kung anong pinapatungkulan niya sa comment na ‘yon pero alam kong maiintindihan ako ni Chuck.

Mabuting tao si Chuck at I’m sure hindi niya gagawing tungkol sa amin itong nangyari kay Dee. Dee’s my friend, kahit na saglit pa lang kami magkatrabaho. Nakita ko kung paano nag-react si Dee nang malaman niya ang nangyari sa Mommy niya, I’m sure she’s having a harder time now na ganito na ang sitwasyon.

Tumango lang ako kay Sir Tristan, “I understand what you’re getting at Sir, but I want to be there for my friend.”

Bigla kong naisip ang mga iiwan naming trabaho dito, “Ay,pero Sir if you need me to stay here, I’ll stay po.”

Umiling lang siya, “No. The company can run by itself for a couple of days without us, I’ll be on call naman for any possible concerns, we’ll fly back immediately if necessary.”

Tumingin lang sa akin si Sir Tristan, “If you’re sure then book us a flight out of here this afternoon, para makapunta agad tayo sa bahay nila Dee tonight. Don’t book a return flight yet, I want to check kung anong kailangan nila Dee at kung paano tayo makakatulong.”

Tumango lang ako, “Noted Sir.”

He’s typing on his computer na pero he says, “After you do that, go home and pack light.”

I nod and walk back to my workstation. I’m booking SirTristan’s flight, syempre Business Class at akong hindi may-ari ng kumpanya I’m going to book sa economy.

Sumilip si Sir Tristan sa pinto niya, “Book us both for Business Class, okay?”

I look up, “Ah, okay lang Sir. Okay lang po ako sa economy.”

He sighs at naglakad siya palapit sa akin habang binubunot ang wallet niya, he hands me his credit card, “Use this card. Book us both in Business Class or book us both in Economy. You choose.”

At siyempre alangan namang idamay ko sa kakuriputan ko yung boss ko’ng heredero, so I book us both in Business Class. Naghanap na rin akong hotel para sa pag-stay-an ni Sir. Gusto ko sana kina Dee na lang ako makitulog kung hindi naman masyadong abala sa kanya. Para makatulong ako sa bahay nila kung may kailangang gawin.

Sumilip ulit si Sir Tristan, “Also, don’t book our hotel rooms, okay? We’ll stay at my Lola’s house.”

Nakita siguro ni Sir Tristan ang gulat sa mukha ko, he just says, “I’m part Cebuano, if you didn’t know.”

Napangiti lang ako, “Ah. Got it Sir.”

Bumalik na sa office niya si Sir Tristan at sumilip ako saglit para magpaalam.

Umuwi ako sa bahay at nag-empake ng pang ilang araw na gamit, at dahil baka kailanganin kong magtrabaho doon, binaon ko na rin ang laptop ko.

Dali-dali akong bumalik ng office dahil nandoon na si Sir Tristan at hinihintay ako, I print out our tickets and he drives us to the airport.

Nakapag-check in na kami sa airport at nakapila sa mga checking ng bagahe nang biglang mag-ring ang phone ko.

“Oh no.”

I look down sa cellphone ko and I see six missed calls from Chuck.

Aligaga ako habang hawak ang boarding tickets namin ni Sir Tristan, habang hinuhubad ko ang jacket ko, inilalagay ang carry on ko sa roller ng x-ray machine at ibinubulsa ang cellphone kong nag-ri-ring pa rin.

Sh*t.

Sa dami ng nangyari ngayong araw, nakalimutan kong magsabi kay Chuck.

What kind of person does that?

Napapailing na lang ako sa sarili kong katangahan habang inaalis ang sapatos ko para maihabol ko sa tray ng gamit ko sa roller ng x-ray machine.

Inilahad ni Sir Tristan ang kamay niya para kunin ang jacket kong kakahubad ko lang, “I got it.”

Iniayos niya ang jacket ko kasama ng bag ko at sapatos sa tray.

Pinauna na niya ako para makadaan sa security, pero pinabalik ako dahil yung cellphone ko nasa bulsa ko pa.

“Sh*t. Ano ba ‘yan!”

Medyo may gigil na ako dahil hindi ko na alam ang uunahin ko. Sir Tristan offers to take my phone at iniabot ko sa kanya ‘yon, “Thank you.”

Nakakagulo pa ang pag-beep nang beep ng mga aparato dito sa checking area, pati na rin ang mga announcement sa airport na para akong minamadali, pero kailangan kong kumalma dahil baka akalain nila terorista ako dahil sobra akong magulo at haggard.

Pagkalampas ko ng checking area, inabangan ko ang bag ko, sapatos, cellphone at jacket.

Naupo ako sa bench malapit doon at iniayos ang gamit ko.

Tumabi sa akin si Sir Tristan na nakangiti at kalmadong kalmado, “You okay?”

Tumango lang ako habang nagsusuot ng sapatos, “Na-harrass lang ako doon sa pila Sir. Hindi ako prepared sa dami ng kailangan kong hubarin.”

He laughs, “First time mo ba?”

Umiling lang ako, “Hindi naman Sir, pero ewan ko ba kasi kapag nasa airport ako para akong laging minamadali.”

Nang maiayos ko na ang gamit ko tumayo ako at naglakad na kami ni Sir Tristan papunta sa boarding gate namin.

Habang naglalakad I check my phone and I see a new text message from Chuck and my blood runs cold.



“Are you at the airport????”




Patay.
 
CHAPTER 88

Sir Tristan goes inside the lounge para doon maghintay ng boarding announcement, I stayed outside para tawagan si Chuck.

I take a deep breath habang hinihintay mag-connect ang call.

He answers on the first ring, “Are you at the airport?”

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Chuck, he’s usually calm and collected pero I can hear the frustration in his voice, the disbelief.

“I- I’m sorry. Namatay kasi ang Mom ni Dee kaya nagmadali kaming mag-book ng flight para makapunta doon. Sorry hindi ko naisip na tawagan ka, nagmamadali kasi kami – “

“And you just forgot you had a boyfriend? You forgot that I exist and that I would go insane if I didn’t know where you were?”

Nangininig ang boses ko habang nagt-try magpaliwanag, “I’m sorry talaga. I don’t know what happened – I just –“

I sigh, “I’m so sorry.”

He scoffs, “So, is this your choice? You’re making your choice now?”

Inisip kong maigi ang sinasabi niya sa akin, and my mouth hangs open as I finally get what he’s saying. And frankly I’m disappointed. This is what he chooses to focus on now? I mean yes, I screwed up but I with good reason this time. My friend is grieving, and this time I’m not being selfish. I know she needs me and she just lost her Mom and that comes before my personal issues.

I shake my head in disbelief, “I can’t believe you’re making this about that right now.”

Natawa lang siya, “Wow! So you’re making this about me? That I’m being petty when you’re the one in an airport with a guy we’re having disagreements over.”

I stand up and I start pacing, “This is not about me or you or Sir Tristan. This is about Dee.”

I’m full on crying now and hindi ko na napapansin na medyo tumataas na ang boses ko, “I know we have our problems and I know pwedeng maging mitsa ito ng tuluyan nating paghihiwalay, but right now all I care about is my friend.”

I can’t hear myself sa lakas ng dagungdong ng dibdib ko, “She just lost her mother, Chuck.”

I scoff, “And for once in my freaking life I’m caring about another person more than myself, na nakalimutan ko ang sarili ko at ang mga issues ko sa buhay dahil siya ang dapat kong i-prioritize. She needs me. She needs a friend and that’s what I’m choosing. Not you, not Sir Tristan. Just her.”

He says nothing for a minute at kinalma ko ang sarili ko bago maupo ulit.

May mga nakatingin na sa akin sa paligid pero iniwas nila ang tingin nila when I catch them looking.

I sigh, “I’m sorry. I know I screwed up by not telling you, pero it was not intentional. Hindi ko sinasadya, you have to believe me.”

It was his last words that shook me, that made me feel even more sh*tty about myself and my recent decisions. He simply says, “I didn’t want to be prioritized, but if you knew me at all you know I would have come with you. If you only thought of me and asked, you know I would have left with you.”

Then the line went dead.



#​

Sinubukan ko ulit tawagan si Chuck pero hindi na siya sumasagot.

I think I really did it this time.

I just feel numb for some reason. Hindi ako naiiyak sa mga nangyari, siguro nauubos talaga ang luha. Sa dami ba naman ng beses na umiyak ako nitong mga nakaraan, siguro nasaid na talaga ang luha ko.

I focus my energy on Dee and what she needs, ka-text ko siya kanina habang naghihintay ng boarding. Hindi na ako sumama kay Sir Tristan sa lounge dahil ayaw ko ng kausap.

Dee says it was a surprise to them too. All the while they thought okay na ang Mom nila bigla namang inatake sa puso habang nagthe-therapy. Hindi na siya natulungan ng mga Doctor kahit nasa hospital sila when it happened. Siguro daw talagang time na ng Mom niya.

She says wala na rin daw silang kailangan, okay naman na daw ang nakuha nilang place na pagbuburulan ng Mom n’ya, sabi niya lang bago pa sila makapag-isip ng ganoong bagay may mga tumawag na daw sa kanya na malapit sa bahay nila. Sabi niya mukhang si Sir Tristan ang nag-asikaso. Wala rin daw pinabayaran sa kanila sa hospital kaya laking pagtataka ni Dee no’ng ilalabas na ang bangkay ng Mom n’ya.

I look beside me at nagbabasa lang ng newspaper si Sir Tristan.

Hindi niya rin ako kinakausap mula nang sumakay kami sa plane. He must have known about Chuck and I or nakita n’ya kaming magkausap sa phone kanina that’s why hindi rin siya kumikibo.

We’re both here for Dee, wala nang ibang rason.

We get to Cebu bago mag 9pm and siguro nauubos na ‘yong adrenaline ko kasi napahikab ako nang naka-land ang plane.

Nasa unahan kami ng eroplano at siguradong mabilis makakababa, hindi na rin kami ng check-in ng bagahe kasi nagmamadali kami kanina.

“You’re tired?”

Napalingon ako kay Sir Tristan at umiling, “Hindi Sir. Gusto ko na po makita si Dee.”

Tumango lang siya, “Me too. I can’t imagine what she’s going through right now.”

Tumango lang rin ako.

Hindi ko rin ma-imagine ang pinagdaanan niya, and I can’t help but feel guilty. Dapat kinumusta ko pa siya ng mas madalas, tinawagan kahit walang dahilan para malibang siya. I should have been a better friend.

Nang bumaba kami ng eroplano nabigla ako nang sa ibang daan pumunta si Sir Tristan, may guard na kasama at ini-escort kami sa isang lugar ng airport na hindi matao.

Kumunot lang ang noo ko pero sumunod lang ako sa kanila.

Paglabas namin ng pinto may isang SUV na nakaparada sa bungad ng pintuan.

“Hi Sir. Welcome home po.”

Binati si Tristan ng lalaking nagbukas ng pinto ng SUV.

“Thank you.”

Lumingon sa akin si Sir, “Andi, this is Willy. Family driver namin.”

Napangiti lang ako, “Hello po.”

Tumango lang siya sa akin at inilahad ang kamay niya, “Akin na ang bag mo, Ma’am. Ilalagay ko po sa likod.”

Iniabot ko ang bag ko at gano’n din si Sir Tristan.

Sumakay ako ng kotse at inalalayan ako ni Sir Tristan sa loob.

Wala kaming masyadong pinag-usapan ni Sir Tristan, I’m just anxious to see Dee.

After siguro an hour, dumating na kami sa viewing chapel kung nasaan nakaburol ang Mom ni Dee.

Pumasok kami sa loob at sobrang daming tao, sa labas ng pinto may mga nakatayo na rin doon dahil wala nang maupuan. Sumilip ako at nakita si Dee sa bandang unahan, malapit sa kabaong.

Lumingon si Dee at sumakit ang puso ko nang makita ang malungkot niyang ngiti.

Ang lalaki ng hakbang namin hanggang sa magtagpo kami sa gitna ng kwarto at niyapos ko siya ng mahigpit, “I’m so sorry, Dee.”

At doon ko lang na-realize, hindi pa pala ubos ang luha ko.
 
CHAPTER 89

Kinwentuhan kami ni Dee after niya kami ipakilala sa mga kamag-anak nila.

Hindi makapaniwala ang mga relatives niya nang ipakilala ni Dee si Sir Tristan sa kanila. Saan ka naman kasi nakakakita ng Presidente ng kumpanya na dali-dali ang pagbyahe papuntang Cebu nang malaman na namatayan ang empleyado niya.

I mean, I’m sure Sir Tristan doesn’t do this just for anyone, because Dee is no ordinary employee.

Kahit masakit ang pagkawala ng Mom ni Dee she says it’s still a good thing na she got to spend time with her Mom before siya nawala. Kaya wala na siyang regrets masyado nang nawala ang Mom niya.

Halos 2:00 AM na kami nang matapos ang kwentuhan ni Dee, si Sir Tristan naman kausap ang mga kamag-anak niya.

“Hey, it’s 2:00AM na, malayo pa ang binyahe n’yo ni Sir. Pahinga na muna kayo. Saan kayo naka check-in?”

Napalingon lang ako sa kinauupuan ni Sir Tristan, hindi bakas sa mukha n’ya ang antok pero I’m sure pagod na rin siya.

“Ah, nakakahiya yayain si Sir e. Sabi niya kasi sa bahay daw ng Lola n’ya kami tutuloy, kaya ‘di na ako nagpa-book ng hotel room.”

Tumaas ang kilay ni Dee at ngumiti, “Wow. You two have probably gotten real close. Alam kong may bahay si Sir Tristan dito sa Cebu, pero never pa niya ako in-invite na mag-stay sa kanila.”

I think about it for a bit, and then I say, “It’s a different situation naman kasi, Dee. We’re not here for business, we’re here to visit a friend.”

She smiles, “Well, bilang kaibigan n’yong dalawa I’m telling you both na kailangan n’yo na magpahinga.”

Tumayo si Dee, “I’ll tell him.”

Pinanood ko lang si Dee habang pinuntahan niya si Sir Tristan at kinausap, napalingon naman sa akin si Sir at tumango siya kay Dee.

Lumapit sila sa akin at nagsalita si Dee, “Thank you both sa pagpunta dito straight from the airport, pero I’m kicking you guys out. You need to get some rest.”

Ngumiti lang sa amin si Dee at natawa si Sir Tristan, “Yes Ma’am.”

Hinintay kami sa labas ng driver ni Sir Tristan at bumyahe na kami papunta sa bahay nila.

Hindi ko alam kung itatanong ko ba kung saan ‘yong bahay or hihintayin ko na lang na makarating kami doon, but Sir Tristan beats me to it.

“We’re near the house na. My family lives there and I’ve never asked anyone over so kung may magtanong sa ‘yo don’t worry. They’re naturally curious.”

Napalingon ako sa kanya, “Hala Sir! Pwede naman po ako sa hotel mag-stay, hindi naman po kailangan doon sa bahay n’yo.”

He smiles, “It’s okay. You’re a friend.”

Pumasok kami sa isang malaking gated village at tumigil sa isang malaking gate na bumukas habang nakatapat kami doon.

Bumungad sa akin ang engrandeng driveway na parang mga nakikita ko lang sa mga movies. Nakakaloka, ang laki ng bahay nila Sir Tristan.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng malalaking double doors at bumukas na ang pinto ng sasakyan.

Inalalayan ako ni Sir Tristan para bumaba.

Dahil madaling araw na wala nang gising na tao dito sa bahay nila.

“Are you hungry or something? Gusto mo muna kumain?”

Nabusog ako kakapapak ng mga pagkain sa burol ng Mom ni Dee so umiling ako, “Hindi na Sir.”

Tumango lang siya at binitbit ang bag ko papasok ng bahay, madilim na sa loob ng bahay nila pero may mga lamps na bukas sa mga corners.

Pagpasok namin ng bahay bumungad ang malaking staircase at dumiretso ng lakad doon si Sir Tristan, “I’ll give you a tour of the house tomorrow. I mean later kapag nakapagpahinga ka na.”

Umakyat kami ng hagdanan at lumiko papunta sa kanan, parang hotel ang laki ng bahay nila Sir Tristan. Nang makarating kami sa dulo ng hallway tumigil siya at binuksan ang pinto sa kanan, “Here’s your room.”

Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Sir Tristan bitbit ang bagahe ko, inilapag n’ya ‘yon sa upuan malapit sa pinto.

Para ngang hotel room ang kwarto, may queen sized bed sa gitna, may bed-side table sa magkabilang tabi ng kama, may desk sa kaliwang side at sa kanan naman ang cabinet at ang pinto papunta sa CR.

Pumihit ako para humarap kay Sir Tristan, “Sir, hotel ba bahay n’yo?”

Kumamot lang sa batok si Sir Tristan, “Mahilig magpa-party ang Lola ko and she’s the perfect hostess so maayos and well-maintained itong bahay. She kept adding guest rooms para hindi na mag-ho-hotel ang mga bisita n’ya.”

He shrugs, “She’s pretty obsessed about it.”

Tumango lang ako and he points to the door, “I’ll be staying in the room in front of yours so knock if you need anything, okay?”

Humikab ako at nahawa si Sir.

Natawa kami pareho.

“Sige Sir, maraming salamat po. Good night.”

He leaves and shuts the door behind him.

Kahit pagod na ako I know hindi ako dapat matulog na suot ang damit ko so pumunta ako sa CR para mag-shower. Buti na lang matinong pajamas ang sinuot ko para hindi naman nakakahiya kay Sir Tristan kung makita n’ya ako bukas ng umaga.

I feel weird being here. It’s weird pero I have no other choice. Hindi naman kasi sa bahay nila Dee ang burol, tsaka nakakahiya rin kasi baka asikasuhin pa nila ako kung doon ako mag-stay. Wala naman problema sa akin kung sa bangko ako matulog pero I know hindi magiging kumportable si Dee kung gano’n ang maging kalagayan ko.

Itinali ko ang buhok ko at nag-toothbrush, after kong mag-ayos pumwesto na ako sa kama para makapagpahinga.

Ang bango ng kwarto hindi amoy moth balls, parang hotel room talaga.

Kanina ko pa iniiwasan tumingin sa phone ko kasi naka-tatlong check na ako pero walang tawag or text from Chuck. Parang nagkakatotoo na talaga ang mga naiiisip ko.

What would he say if he knew na dito ako natutulog sa bahay ni Sir?

Pag-iisipan n’ya kaya ulit ako ng masama?

Hindi ko alam kung nakapunta na dito si Chuck, pero ang sama pakinggan na nakitulog ako dito kahit na siguro kung iligaw ako ni Sir Tristan dito malamang ‘di na ako makalabas ng buhay sa laki ng bahay na ‘to.

Tsaka hindi lang naman kami ang nandito, nandito rin ang family ni Sir.

Still, kung si Chuck ang makitulog sa bahay ni Carla malamang sinugod ko na rin ‘yon.

I sigh.

I know how he feels and I know I should understand pero parang ang dami na naming pinag-awayan nitong nakaraan hindi ko na alam kung isang problema lang ba ang hinaharap namin or pati yung mga luma damay damay na?

Kahit na alam kong madi-disappoint lang ako, I check my phone.

Wallpaper ko pa ang picture naming dalawa no’ng kumain kami ng isaw, ‘yong first time naming kumain sa labas and my heart aches.

I contemplate texting him and telling him we made it safely here sa Cebu, but I doubt that he cares at this point.

Pagbalik ko ba ng Manila wala na akong babalikang boyfriend?

I still text him kahit na hindi ako siguradong sasagot siya.

“I’m sorry for coming here without telling you. We went to see Dee immediately paglapag namin dito, she’s doing okay but syempre hindi maipaliwanag ang sakit ng pagkawala ng Mom n’ya. Hindi namin alam kung babalik pa siya sa office, but Sir Tristan said the job is still hers and that she can take all the time she needs.”

I send it and sigh before typing again, “Is that what we need? Time? Hindi ko na rin kasi alam kung anong pinag-aawayan natin. I mean, I know I screwed up pero I feel like it’s more than that now. Kaya yung pag-sorry ko kanina is not just for coming here, but for all the things I’ve done wrong. I’m sorry. I hope we can talk about this when I get back. I’m sorry. I love you.”

Nakatulog akong yapos ang phone ko pero walang dumating na ibang message.
 
CHAPTER 90

“She’s pretty. Though I’ve never heard of her.”

“Tristan doesn’t talk about girls, let alone bring one over.”


Namulat ako sa boses ng mga nagsasalita sa paligid at napaiktad ako nang makitang may dalawang babaeng nakatayo sa paanan ng kama ko, “Ay puwit!”

Napaatras ‘yong isang babae at napangiti naman ‘yong mukhang mas matanda.

Ngumiti ‘yong mas matanda, “Sorry to startle you, hija. We were just curious about the girl my apo brought home in the dead of night.”

“Lola!”

Napalingon ako sa likod nila at nandoon si Sir Tristan mukhang bagong gising pa. Naglakad siya palapit sa dalawang babae sa harap ko, which I’m guessing is his Mom and Lola.

Humarang si Sir Tristan sa paanan ng kama at sa dalawang babae, “Mom, Lola, please leave Andi alone.”

Sumilip ang Mom ni Sir at ngumiti naman ako ng bahagya, hindi ako makapagsalita at feeling ko may tuyong laway pa ako sa gilid ng bibig ko.

Itinakip ko ang kumot sa bibig ko habang nakaupo sa kama.

Napabuntonghininga lang si Sir Tristan at hinalikan sa mga pisngi ang Mom at Lola niya, “Mom, Lola, Andi is my employee. She’s just staying for a few days while we’re visiting Dee – you remember Dee? Her Mom died.”

Napasinghap ang Mom ni Sir Tristan, “Oh my goodness. Is she okay? What can we do to help?”

Tumango lang si Sir, “She’s fine Mom. I had it taken cared of.”

Iginiya ni Sir Tristan ang Lola at Mom n’ya palabas ng kwarto, “Now please, give Andi some privacy.”

Bumulong ang Lola n’ya habang naglalakad palayo, “She’s pretty, hijo. Why not date her? You’re not getting any younger.”

Napakamot ulit si Sir sa batok n’ya, “Abuela, por favor no me avergüences.”

Bumulong ang Lola n’ya, “No hay por qué avergonzarse.”

Nang makalabas na ng tuluyan ang Mom at Lola ni Sir Tristan bumalik siya sa kwarto at nagtakip ako ng kamay ko sa mukha ko, “Hala Sir! Nakakahiya po sa Lola’t Mommy n’yo. Sabi sa inyo mag-ho-hotel na lang ako e.”

Tumawa siya at umupo sa chair malapit sa kama, “Sorry. Hindi ko kasi nasabi sa kanila na pupunta tayo today.”

See? Hindi lang ako ang nakalimot dahil sa pagmamadali kahapon.

Ngumiti lang ako, “Ngayon alam ko na kung bakit ganyan itsura n’yo kamukha ni Papa Jesus. Spanish pala kayo Sir.”

Tumango siya, “Sa mother’s side.”

Ngayon ko lang napansin na naka-grey sweatpants lang si Sir at naka-tshirt na puti. Bagay sa kanya, I mean bagay naman yata dito kahit anong isuot. Pero he looks younger.

Napansin n’ya sigurong medyo kakaiba ang tingin ko sa kanya so he says, “What? What are you looking at?”

Natawa lang ako, “Wala Sir. Never pa kitang nakitang naka-casual wear, laging naka-dress shirt or suit gano’n.”

Napayuko siya at tinignan ang suot n’ya, “Ah oo nga no. I like wearing sweatpants kapag nasa bahay lang ako, kumportable kasi.”

Tumango lang ako pero napangiti nang maisip ko si Ella, siguro hihimatayin ‘yon kapag nakita kung anong itsura ni Sir kapag bagong gising.

He smirks, “What now?”

Ngumiti lang ako, “Naisip ko lang mga nagkaka-crush sa inyo sa office, siguro magkakagulo ‘yong mga ‘yon kapag pumasok kayong naka-sweatpants at white shirt.”

Sumandal lang siya sa upuan and says, “Bagay sa ‘kin?”

Nabura ang ngiti ko nang mamalayan ko what that must have sounded like to him so itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko, “Ay Sir. Sorry hindi pa pala ako nagtu-toothbrush.”

Pero imbis na pabayaan na n’ya akong mamatay sa kahihiyan he just says, “Andi, are you going to act all awkward with me when we talk about things other than work? Because that’s not a very healthy working relationship.”

I’m conflicted kasi masarap naman talaga kausap si Sir Tristan, he’s super easy to talk to pero parang nawe-weirduhan na ako dahil hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin or kung mayroon bang ibang ibig sabihin when I talk to him like I want to.

So I tell him the truth, “Honestly Sir, I have no problem talking to you. Alam ko namang walang malisya, mabait ka lang kasi talaga. Pero parang feeling ko minsan hindi ko alam kung nagiging –“

Tumigil muna ako contemplating if I want to tell him what I want to tell him.

He sighs, “Just spit it out Andi so we can talk about it and move on.”

I bite the inside of my cheek, “Minsan kasi parang feeling ko nagiging flirty na ‘yong usapan? I mean, hindi ko naman po iniisip na nilalandi n’yo ako or whatever, pero parang gano’n parang playful gano’n?”

Hindi ko alam kung mas maigi na lang na lamunin ako ng lupa or tatalon na lang ako sa bintana.

He leans forward, resting his arms on his knees, “Listen Andi, if I was flirting with you, there would be no question because you would know.”

Naningkit ako, “Like how Carla would know?”

He chuckles, “That was a one-time thing, you do know that, right?”

“Weh?”

Tumawa siya, “Yes. I just did that for you and Chuck, para lang makita ko kung anong intentions n’ya or kung warranted ba ‘yong pagiging paranoid mo.”

Napangiti ako, “Thanks Sir.”

Tumango lang siya, “You’re welcome. And that girl is so conceited, I wanted the date to end before it even began.”

Tumawa ako, “Sabi ko na e, may something talaga ‘yong girl na ‘yon.”

Umiling siya, “Totally not my type.”

Bigla ko na naman naalala na pwedeng hindi type ni Sir Tristan si Carla pero pwedeng type siya ni Chuck ngayong medyo malabo na kami ni Chuck, baka magkaroon nang chance. I haven’t checked my phone so I don’t know kung sumagot ba siya sa message ko kagabi.

Nagbuntonghininga si Sir, “How are you?”

I know what he’s asking and I’d be doing the same thing again kung sasabihin ko sa kanya ang nangyayari sa amin. Pero bago pa ako makasagot, he says, “Look Andi. I want to explain this to Chuck pero I’m not sure I’ll get the chance so I’ll just tell you.”

He sighs, “I treat you differently because your my best friend’s girlfriend. I know hindi ‘yon dapat ginagawa sa office so I’m sorry if I’ve done that before and made you uncomfortable, but that’s just how I am with friends. And I consider you a friend.”

Napayuko lang ako sa hiya.

“I’m not trying to make you feel bad, pero talagang I’m always like this when I’m unguarded. When I’m with people that I trust. And I’m sorry if that’s causing problems between you and Chuck, so I’ll try to act better next time.”

Tumango lang ako, “Thanks Sir.”

Tumayo na siya, “Siguro it’s best if we go back to Manila tonight.”

Umiling ako, “No Sir. Baka pwede pa tayo po mag-stay. I mean, I still want to see Dee.”

“Do you think that’s a good idea? What does Chuck say about it?”

Umiling ako, “It’s my decision to stay, for my friend. If he’s got a problem with that then pag-uusapan namin ‘yon pagbalik ko ng Manila, but he has to understand that this is important to me. That I’m being here for a friend.”

He nods, “Okay.”

Lumabas ng kwarto si Sir at iniwan ako with my thoughts, pagtingin ko sa relo it’s almost 9:00 AM. I grab my phone and dread opening it.

Huminga ako nang malalim at binuksan ang phone ko and my mood immediately changes.

No messages.

No calls.
 
wala pa ding kupas heto talaga
damn just realized this is 2017 pa hahahhaa
 
wala pa ding kupas heto talaga
damn just realized this is 2017 pa hahahhaa
Ang tagal na nga! hahaha
Ito na pinakamatagal kong sinulat. *laugh*
Patapos na tayo. Kaunting kembot na lang. :-)
 
Andi anu na 6 na taon na pala to hahahahahhahaha malapit na sa legacy ng diary ni mara at clara hahahah
 
Andi anu na 6 na taon na pala to hahahahahhahaha malapit na sa legacy ng diary ni mara at clara hahahah
Di ko pa nabasa message mo natatawa na ko. hahahahaha
Oo na po. Tatapusin na ho.
Abangan mo na lang book 3 baka si Coco Martin na lumabas don. hahaha
Post automatically merged:

Chapter 91
Nag-stay pa kami ng dalawang araw sa Cebu, nag-stay lang ako sa burol ng Mom ni Dee. Tumulong ako sa pag-aasikaso sa mga bisita nila.

At dalawang araw ring walang message or tawag galing kay Chuck.

Hindi na ako nag-message ulit, kasi para saan pa ‘di ba? Nakapagpaliwanag na rin naman ako, pero alam kong kailangan ko pa ulit siyang kausapin pagbalik ko sa Manila.

Kaya heto kami, pabalik na ng airport para makabalik ng Manila.

I’m scared.

Kinakabahan ako dahil baka wala na rin akong babalikan doon.

I feel a nudge sa balikat ko.

“Hey, you okay?”

Napalingon lang ako kay Sir Tristan, I gave him a small smile, “Okay lang Sir. Medyo pagod lang siguro.”

Tumango lang siya, “Saan kita ihahatid? Sa bahay n’yo or do you want to go visit someone first?”

I know he means Chuck.

Kanina ko pa nga pinag-iisipan kung didiretso ba ako sa bahay ni Chuck para makapag-usap na kami or uuwi muna ako sa bahay para magpahinga. Honestly, nitong mga nakaraang araw halos wala akong tulog, lagi pa akong nagche-check ng phone ko para malaman kung may text manlang si Chuck pero wala. He’s read my messages pero he’s choosing to ignore me.

I shake my head, “Hindi ako sure kung ano’ng dapat ko’ng gawin, Sir.”

He sighs, “Well, you’ve been away for a while, and I think it’s safe to say na hindi pa kayo nakakapag-usap ni Chuck because I’ve never seen you so sad and worried than these past few days.”

He nudges me again, “You want my advice?”

I have nothing to lose and wala talagang pumapasok sa utak ko so I nod.

He moves to face me, “I think you both needed those three days away from each other so you’ll both know what really matters. I think that space you’ve allowed each other to have will give enough perspective on where you want to go in your relationship.”

Umiling lang ako, “I don’t know kung ‘yon po ang naiisip ni Chuck, but for me I still don’t know what will happen. Kaya hindi ako makapag-decide if pupunta muna ako sa kanila or what, or baka naman ‘yon na ‘yon Sir. Baka wala nang pag-uusap na mangyayari kasi nakapag-decide na siya to end things.”

He shakes his head, “I don’t think so. Chuck isn’t the type to just end things like that, he would want to talk to you and to understand. If it’s to end things then he would still want to talk. Hindi naman siya ang klase ng tao na iiwan ka na lang basta-basta.”

I shrug, “Maybe he changed. I don’t know.”

Hinawakan niya ang balikat ko, “Have a little faith. We both know he’s a good guy, right?”

Siguro nga naman hindi ako igo-ghost lang ni Chuck. He’s too mature for that.

I understand naman ang sinasabi ni Sir. If the time we spent apart should be any indication kung anong gusto naming mangyari sa relationship namin then I know that I would want to work on things. Hindi ko gusto matapos ‘yon sa gano’n lang. I love Chuck and I miss him so bad.

I know na may mga pagkakamali ako at pagkukulang, but I’m willing to work on it. Sana lang pareho kami.

I sigh, “Sige Sir, papahatid po sana ako mamaya. May gusto lang akong puntahan.”

Sir Tristan smiles, “Sure Andi.”



#

I’ve been to Chuck’s house twice pa lang, pero I’m pretty sure how to get there.

Hindi rin naman ako mahina sa directions kaya tingin ko naman tama naman ang pagkakaturo ko kay Sir Tristan.

“Are you sure this is the place?” tanong n’ya.

Sumilip ako sa bintana and it looks like the right house. Hindi ko lang alam kung bakit ang daming sasakyan sa labas.

Hindi kagaya ng ilang beses na pagpunta ko dito na madilim at parang wala pang katao-tao sa loob, this time it’s different. Ang daming sasakyang naka-park sa gilid ng kalsada at bukas lahat ng ilaw sa bahay. There’s also music coming out of the house, may mga tao rin na nakatayo sa parking area at bukas ang gate.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

Chuck is having a party?

We’re about to break up and he’s having a party?


I feel a touch on my arm, “Do you want to go, Andi?”

I can’t believe this is happening and nandito pa si Sir Tristan to see it. Mamamatay na ako sa kahihiyan.

I fight the tears na nagbabadyang tumulo and I smile at him, “Hindi na, Sir. Kailangan ko rin naman talagang kausapin si Chuck so might as well – “

Medyo humigpit ang kapit sa akin ni Sir nang buksan ko ang pinto ng kotse, “Are you sure, Andi? You can just call him or tell him you’re coming over tomorrow.”

I’ve been humiliated before, but this is on another level.

I shake his hand off, “I’ll be fine Sir. Sige na po, salamat po sa ride.”

Bago pa siya makapagsalita, bumaba na ako ng kotse at kinuha ko ang bag ko sa passenger seat sa likod, sumilip ako sa bintana nang buksan n’ya, “I’ll go ahead Sir. Maraming salamat.”

He looks worried pero hindi ko na hinintay siyang makapagsalita and I walk towards Chuck’s house.

Nakatingin sa akin ang mga bisitang nasa labas ng bahay at ang mga nasa garahe, pero diretso lang ako ng tingin dahil I don’t know any of them.

Ngayon ko lang nare-realize that I have no idea sa mga ka-opisina ni Chuck, I’ve never been sa office n’ya as his girlfriend long enough para ma-introduce sa mga katrabaho n’ya.

Do I want to be introduced? Do I need to be?

Hindi naman yata. That’s his professional life, hindi naman ako part no’n.

I walk over to the door habang bitbit ang bagahe ko, mukha akong alalay na galing sa probinsya sa suot ko. Naka-black cocktail dresses kasi ang mga babae at naka-dress shirt naman ang mga lalaki. Theme siguro ng party is black. Sakto lang siguro sa pinaglalamayan ko’ng puso.

I get to the door at hindi ko alam kung mag-do-doorbell pa ba ako or papasok na lang. At saan naman ako pupunta? Sa kwarto na n’ya or hanapin ko s’ya habang bitbit ko ang gamit ko? Hindi ba ako mukhang kawawa dito? Ano ba’ng ginagawa ko?

Bago pa ako makapg-decide kung anong gagawin bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang taong ayaw kong makakita ng kahihiyan ko. Si Carla.

Napaatras s’ya nang makita ako at napatingin sa bagahe ko’ng dala.

She gives me a smile, “Hi Miss Andi.”

I try not to roll my eyes, “Si Chuck?”

Lumingon s’ya sa likod n’ya, “Uhm, he’s in the kitchen yata.”

She’s still standing there blocking the door so I say, “Can I come in?”

Napaatras s’ya and she says, “Of course! Sorry Miss Andi.”

She opens the door for me at pumasok na ako bitbit ang bag ko. Nakalampas na ako and then she grabs my bag, “Here Miss Andi, let’s put it here first.”

She takes my bag at inilagay n’ya sa likod ng pinto, kasama sa mga gamit ng mga bisita.

I look around and the heart aches get worse.

There’s a bunch of people standing up, talking to other people at napatingin sila sa akin. I know mukha akong basura kumpara sa kanila ngayon, pero hindi ‘yon ang nagpasakit lalo ng dibdib ko.

May L-shaped sofa sa living room at may coffee table na, may malalaking lamps na rin sa corners ng kwarto. Industrial style lahat, parang ang design ng bahay ni Chuck.

He already bought furniture sa bahay n’ya.

I’ve been gone three days thinking about him and how I can work on our relationship, but it looks like he spent those days building a life without me.

I’m starting to regret coming here, hindi ko yata kayang makausap siya without falling apart.

But it’s too late now and Carla is walking with me papunta sa kitchen, she’s talking about how the house is so pretty daw and how stressful it was planning for the party.

Gusto ko siyang ingudngod sa pader dahil parang manhid ang babaeng ito, I think she knows there’s a reason why I’m here looking like this pero parang pinamumukha n’ya pa sa akin na wala akong alam sa mga nangyayari.

We get to the kitchen and I step inside as Chuck laughs with some people he’s drinking with.

Carla announced to the room, “Sir Chuck, Miss Andi is here.”

Chuck’s smile fades as he sees me standing there.
 
Last edited:
Back
Top Bottom