Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Ang Oras ay Mananatiling Oras Lamang

Ang Oras Ay Mananatiling Oras Lamang




Mga mabilis na pitik ng relo.
Mga sandaling dumaan.
Mga saglit na nag paalam.
Mga panahon at pagkakataong
Dadaan lamang at maglalagom.
Ang oras ay mananatiling oras lamang.

Tahimik na lilipas
Walang kwentong ibibigkas.
Piping saksi.
Mawawala, Malilimot, Maiwawaksi.

Mababalikan mo ang mga petsa.
Ngunit hindi mo malalaman ang mga kwentong nakaukit sa kanyang pahina.
Ang kalendaryo ay magtatala ng numero
Ngunit hindi ng kwento.

Hindi mo maalala kung gano katagal mo syang kaakbay.
Sa hindi mo matatandaang bilang ng paglubog ng araw.
Ang mga okasyon at bakasyon
Na pinagsaluhan ninyo noon
Ay kasama ng malilimot ng kahapon.

Ang mga oras ay mananatiling oras lamang
kung hindi ito magiging alaala na mag lalahad ng pag-ibig ng nakaraan.
Kung ito'y hindi magiging gunita
Na makakapag pangiti, makakapagpa-iyak, makakagulat at makakapagpagalit.
Ang mga oras ay mananatiling oras lamang
Kung di mo tatanggaping bahagi ito ng iyong nakaraan, ng iyong ngayon at ng iyong bukas.

Ang mga oras ay mananatiling oras lamang.
Maari mong baliwalain at kalimutan.
Maliban na lamang kung tatanggapin mo na ito'y mahalagang alaala
Nang pag-ibig na minsan sayo ay nagpasaya.



:thanks:
for reading

:hat:

 
Last edited:
Kung maibabalik lang sana ang lahat,hanggang sa wakas ang hadlang ay oras. Grabe halos araw araw ata may gawa ka makata,san mo hinuhugot yang sipag at dedikasyon na yan?
 
kapag mayron lang inspirasyon or stimulus para maexcite akong sumulat. :thanks: sa pag basa kapanalig!
 
kapag mayron lang inspirasyon or stimulus para maexcite akong sumulat. :thanks: sa pag basa kapanalig!

Wow. Inspirasyon lang talaga,gf-live-in-partner ko nga minsan iniisip ko nang awayin or makipagcool off,sa sobrang wala na kameng pag-awayan. Wala na tuloy akong inspirasyong magsulat ng maikling kwentong may masalimuot na ending ahaha. Pero madame ako naiisip na plots/ideas,wala lang motibasyon. Dame din naming pending ni padre,hehe.
 
kahit di nan as inspirasyon. kailngan ko lang i-trigger yung damdamin ko para makasalutan. minsan ayon sa mararamdaman ko at kung minsan naman salungan ng nararamdaman ko.
 
Back
Top Bottom