Ganto ang nangyari mga kasymbianize: nung bago pa lang ako dito sa first job ko, naging ok naman ang pagkakaibigan namin ni girl, madalas kaming nagbibiruan, binibiro din kami ng mga katrabaho namin, masaya, madalas niya akong binibiro hanggang sa dumating yung point na tinatwag niya akong "bhe" ng pabiro after naming matulog ng magkasama sa office night after ng kasiyahan. Sa pagbibiro niya ng ganito at iba pang bagay ay hindi ko napigilang magkagusto sa kanya hanggang sa nainlab ako. Hanggang sa dumating yung araw na nalaman niya na siryoso na ako sa kanya, ayun din yung unang araw na pakiramdam ko nagbago na siya. Hindi na siya nagbibiro at napapansin ko na hindi na siya tumitingin sa akin. Masyado akong nasaktan at naguluhan sa mga nangyari. Hindi naman ako nagassume, ayaw ko rin naman kasing maniwala na gusto niya ako sa isip ko dahil alam kong biro lang yun. Halos hindi kami nagpansinan hanggang ngayon, 5 months na nakalipas, kung magusap man kami ay parang wala lang at pag may kaylangan lang. Gusto ko siyang iapproach pero pakiramdam ko umiiwas siya. At may mga pangyayari din na nagparamdam sakin na ayaw niya akong makausap. Lalong humina loob ko hanggang sa nagbakasyon na magbabagong taon na tapos naisipan kong sabihin sa kanya nararamdaman ko sa chat lang. Tinanong ko siya kung bakit siya biglang nagbago... maliwanag naman ang pagkakasabi ko sa kanya at ang kanyang sagot ay dahil "naiilang siya". Yun lang ang dahilan. Hindi naman pala siya galit, nagtuloytuloy ang chat hanggang sa nasabi ko sa kanya nararamdaman ko..."hindi raw siya sanay ng siryosong usapan" (hindi pa pala siya nagkakabf). Ok naman pala kami. Masyado akong siryoso sa kanya mga kasymbianize, sobra akong kinakabahan pag malapit siya, madali akong mauutal sa kanya, at baka hindi ko pa maisip ang sasabihin sa sobrang kaba. Ngayon after namin magchat nung bakasyon, ganon parin ang sitwasyon sa work. Parang hindi niya ako nakikita, parang wala lang lahat ng pinag usapan namin sa chat. Di ko alam gagawin ko mga kasymbianize, natotorpe ako sa kanya, iniisip ko tuloy na sana'y hindi nalang ako nagsiryoso sa kanya ng sa gayon ay madali ko siyang maliligawan. Ano ba dapat gawin? Tulungan niyo naman ako sa tamang diskarte. Medyo mahina kasi ako sa ganitong bagay, puro aral lang kasi inatupag ko nung akoy nagaaral. Siguro pag alam ko ang dapat gawin, baka mabawasan o mawala ng tuluyan ang aking kaba. Kaya pls help me mga kasymbianize specially yung marami ng karanasan.