Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano nga ba ang MASAMA? San ba galing ang MASAMA?

niemae

(✿◠‿◠)
Star Member
Diamond Member
Messages
838
Reaction score
1,101
Points
823
Mind Stone
Power Stone
Soul Stone
Time Stone
Reality Stone
Space Stone
Good Luck
Perfect Health
Eternal Love
Enormous Fortune
Royal Wisdom
Solid Family
Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA? kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA? saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?
 
Hello sir. Maganda po ang tanong mo. Legit question naman yan at marami ang nagtatanong niyan. 🙂

Meron kasing FREEWILL na ibinigay ang Diyos sa mga nilalang niyang anghel at tao.

Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA?

Ginawa ba ng Diyos ang tao na may tendensiyang gumawa ng masama o kasamaan? Hindi. Nilalang ng Diyos na Jehova ang tao ayon sa kaniyang larawan, na may tendensiyang tularan ang pag-ibig ng Diyos. (Genesis 1:27; Job 34:10) Pero binigyan din ng Diyos ang tao ng kalayaang pumili. Nang piliin ng ating unang mga magulang na sina Adan at Eva na gumawa ng masama, hindi nila tinularan ang halimbawa ng Diyos kaya hindi na sila naging perpekto. Namana natin sa kanila ang tendensiyang magkasala.—Basahin ang Deuteronomio 32:4, 5.

kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA? saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?

Saan nagmula ang Diyablo?

Hindi nilalang ng Diyos ang Diyablo. Pero isang anghel na nilalang Niya ang nagpakasama kaya ito ay naging Diyablo, na tinatawag ding Satanas. Ipinahiwatig ni Jesus na noong una ang Diyablo ay hindi sinungaling at walang kasalanan. Kaya ang Diyablo ay isang dating matuwid na anghel na anak ng Diyos.—Basahin ang Juan 8:44.

Paano naging Diyablo ang isang anghel?

Kinalaban ng anghel na iyon ang Diyos at inudyukan ang unang mag-asawa na sumama sa kaniya. Kaya siya ang gumawa sa kaniyang sarili na Satanas, o “Mananalansang.”—Basahin ang Genesis 3:1-5; Apocalipsis 12:9.

Gaya ng ibang matatalinong nilalang ng Diyos, ang anghel na naging Diyablo ay may kalayaang pumili kung gagawin niya ang tama o mali. Pero hinangad niyang siya ang sambahin. Ang paghahangad niya ng kaluwalhatian ay mas matindi kaysa sa paghahangad niyang mapaluguran ang Diyos.—Basahin ang Mateo 4:8, 9; Santiago 1:13, 14.
Post automatically merged:

To illustrate, ganito lang po iyan...

Sa simula ng buhay ng isang tao, hindi masasabing magnanakaw siya. Baby palang e. Pero habang nagkakaisip siya, dipende sa matututuhan niya at magiging pasiya niya kung magiging magnanakaw siya. Sa simula, pagbata, baka makasanayan niyang magnakaw ng lapis o ballpen at ibang gamit sa mga kaklase niya. Habang lumalaki siya at nasasanay magnakaw, palaki na ng palaki yung nanakawin niya at posibleng mabansagan na talaga siyang magnanakaw at makasuhan pa nga

Ngayon, paano siya naging magnanakaw eh dati naman nung simula ng buhay niya hindi naman siya magnanakaw? Yes. Dahil ginusto niya yon. SIYA ang gumawa sa sarili niya na magnanakaw

Ganun lang din po sa Diyablo o Satanas. Noong una ay sakdal siya na anghel. Dahil meron siyang FREEWILL, naghangad siyang SIYA ang sambahin nina Adan at Eva, at posibleng pati yung magiging mga anak at lahi ng tao, kaya ang ginawa niya ay SINIRAANG PURI niya ang Diyos, that's why nabansagan siyang DIYABLO na nangangahulugang MANINIRANG PURI. Kasabay niyan ay naging SATANAS din siya, na nangangahulugang MANANALANSANG (OPPOSER) dahil ino-oppose, sinasalansang, o kinokontra niya ang original na layunin ng Diyos 🙂

PS: Gusto ko sana i send yung link kaya lang bawal ata :)
 
Last edited:
Bakit po ba may option 1 : MABUTI at option 2 : MASAMA? hindi ba pwendeng ang ginawa nalang ay option1 :KABUTIHAN? kung yung SATANAS ay dati naman MABUTI.. san nanggaling yung pagiging MASAMA nya? sino nag udyok sa kanya na maging MASAMA? kung una palang eh MABUTI sya.. eh d sana walang pagiisip ang mangyayari na gawin nya ang sarili nyang maging MASAMA.
 
Pakibasa po sir ng BUO yung sagot ko sa itaas. Nanjan na po yung sagot sa mga tanong na yan 🙂
 
Bakit po ba may option 1 : MABUTI at option 2 : MASAMA? hindi ba pwendeng ang ginawa nalang ay option1 :KABUTIHAN? kung yung SATANAS ay dati naman MABUTI.. san nanggaling yung pagiging MASAMA nya? sino nag udyok sa kanya na maging MASAMA? kung una palang eh MABUTI sya.. eh d sana walang pagiisip ang mangyayari na gawin nya ang sarili nyang maging MASAMA.
Yun pong explanation ay nabanggit na sa post ni sir @Arminz pero bigyan po kita ng mas simpleng paliwanag:

Sa lahat po ng ginagawa ng Diyos, lagi siya kumikilos ayon sa kanyang mga katangian lalong lalo na yung apat (4) na pangunahing katangian niya:
  1. Pag Ibig
  2. Katarungan
  3. Karunungan
  4. Kapangyarihan
Kitang kita po yan mga katangian nya sa lahat ng mga creations nya.
Balikan natin yung tanong kung bakit hindi na lang nya nilalang sina Satanas, Adan at Eva na walang choice or options (or mabuti, sumusunod sa lahat ng utos/bilin nya)?

Una, nilalang ng Diyos ang tao hindi dahil kailangan nya nito o gusto nya na magkaroon ng mga mananamba na susunod sa kanyang mga utos na parang ROBOT na walang kakayahang mag isip o mangatwiran sa sarili kundi dahil gusto nya i share sa atin ang kaligayahang mag exist.

Pagibig. Yan ang nag udyok sa kanya kaya siya lumalang ng mga anghel at ng tao.
At ng dahil sa katarungan niya, hindi xa lumikha ng mga nilalang na parang ROBOT (Anghel at Tao) which will blindly follow Him.
Ang gusto ni Jehova ay na sundin xa at magkaroon ng makadiyos na pagkatakot sa kanya ang kanyang mga nilikha dahil sa mahal nila siya. Gusto niya na maudyukan tayo ng pagibig na iyan para sundin siya at gawing ang lahat para mapasaya natin siya.

So in short, ang pagsunod is a CHOICE.

Dapat din nating tandaan na ang lahat ng mga utos ng DIYOS ay para sa ikabubuti natin so kung pipiliin nating sumunod, mapapabuti tayo at kung hindi naman ay ikakapahamak natin. Kung baga, ung mga batas at UTOS niya ay ginawa para sa ating proteksyon.

Walang iniwan yan sa mga magulang natin na nagbibigay ng mga batas and regulations.
Sinusunod natin ito at natatakot tayo na hindi sila sundin dahil ayaw nating masaktan ang damdamin nila pero at the same time, napoprotektahan tau ng mga RULES and Regulations nila dahil ibinigay nila ito sa atin with our security and health in mind.

I hope that makes more sense.
 
Last edited:
Technically, sa Diyos din. Sa simula pa lang, meron ng standard nang tama at mali, base sa kalooban ng Diyos mismo.
 
Kasamaan = Absence or kawalan ng kabutihan

Parang

Darkness = Absence of Light.

Parang nag exist sya because of the absence of that particular value, thing, thought, matter, etc.

Kaya siguro meron din kasabihan na "Kapag tumigil ka sa paggawa ng kabutihan, maghahari ang kasamaan"
 
Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA? kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA? saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?

ito ang explanation sa akin. naging masama si satanas dahil sa naka predestine na si satanas na maging masama. meron daw divine purpose. meron role si satanas na kinakailangan nito gampanan para magkaroon ng balance sa earth. kinakailangan daw magkaroon ng good and evil. alam daw ng Diyos ang mangyayari sapagkat ang Diyos ay perfect, omnipresent at omniscient.

ang explanation din sa akin na naging masama daw si satanas dahil pakiramdam ni satanas ay hindi siya mahal ng Diyos. Di siya mahal ng Diyos dahil di siya maka escape sa role na kinakailangan gampanan at ang naka predestine sa kanya kung kaya nag rerebelde siya. meron freewill si satanas at dahil binigyan talino ang Diyos si satanas (meron isip) pati lahat ng anghel sa langit, nagkaisip si satanas na di maganda raw ang pagpapatakbo ng Diyos sa sinasakupan nito na langit at lupa. Di raw ina agree ni satanas katulad ng pagparusa ng buong sanlibutan bilang kaparusahan ng lahat ng tao, katulad sa noahs' ark. marami daw. gusto maging hari si satanas dahil di siya agree sa pagpapatakbo ng kaharian ng Diyos. ang gusto ni satanas ay siya ang maging hari para siya ang magpatakbo sa kaharian ng Diyos na taliwas sa pamamahala ng Diyos. ang tingin ni satanas sa Diyos ay mali at masama ang ginagawa nito para sa mga tao. paniniwala niya iyon at iyon ang nakikita ni satanas para sa kanya kaya di niya gusto ang paraan ng pamamahala ng Diyos. meron siyang motibo na ibahin ang pamamahala ng Diyos kaya nagrebelde at dahil Diyos ang kinakalaban niya, masama siya. masama siya sa mga tao na kumakampi sa Diyos.

meron freewill si satanas, alam niya ang tama at mali. Diyos ang nagbigay kaya nagkaisip si satanas na mali ang paraan na pamamahala ng Diyos. kung sana siguro, tinanggal ang free will, malamang di magkakaisip na mali pala ang ginagawa ng Diyos na pamamahala sa tao pero explained sa akin, naka predestine na raw at meron divine purpose kaya siguro meron purpose kung bakit nga binigyan ng Diyos si satanas na dating anghel ng freewill.

hindi ko maiwasan na di ko mag isip na parang tama talaga. hihihi.

explained lang naman sa akin iyon kung bakit naging masama si satanas at kung paano siya naging masama.

Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA?

e di galing sa kanya ang masama. e diba Diyos din ang nagbigay ng free will sa mga tao at sa mga anghel at sa lahat ng creation? ang option lang naman sa free will ay mabuti at masama, tama at mali. Diyos lang naman nagbigay ng free will kaya galing din sa kanya ang masama.

=========================
sagot sa tanong mo in simplified answer
=========================

Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA?

-sa kanya nanggaling ang masama dahil siya ang nagbigay ng freewill kung saan ang option ay mabuti o masama.

kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA?

-naging masama si satanas dahil predestine o divine purpose siya na meron role na kailangan nito gampanan. alam ng Diyos iyon na mangyayari sa sitwasyon ni satanas.

saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?

-galing din sa Diyos ang pag iisip ni satanas. e Diyos lang naman ang nagbigay ng freewill sa option na mabuti at masama.
 
Self interpretation mo lang yang sagot mo sir no? Self explanation mo lang at hindi bible based? O turo po ni pastor mo?
 
Just like us humans, angels have free will because they were also created by God. Where does evil come from? In the heart of Lucifer. Because of pride, he wanted to be superior. because of the intention to surpass God, God threw him to the ground.

Read: Isaiah 14:13
Isaiah 14:12
 
Last edited:
Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA? kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA? saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?

ito ang explanation sa akin. naging masama si satanas dahil sa naka predestine na si satanas na maging masama. meron daw divine purpose. meron role si satanas na kinakailangan nito gampanan para magkaroon ng balance sa earth. kinakailangan daw magkaroon ng good and evil. alam daw ng Diyos ang mangyayari sapagkat ang Diyos ay perfect, omnipresent at omniscient.

ang explanation din sa akin na naging masama daw si satanas dahil pakiramdam ni satanas ay hindi siya mahal ng Diyos. Di siya mahal ng Diyos dahil di siya maka escape sa role na kinakailangan gampanan at ang naka predestine sa kanya kung kaya nag rerebelde siya. meron freewill si satanas at dahil binigyan talino ang Diyos si satanas (meron isip) pati lahat ng anghel sa langit, nagkaisip si satanas na di maganda raw ang pagpapatakbo ng Diyos sa sinasakupan nito na langit at lupa. Di raw ina agree ni satanas katulad ng pagparusa ng buong sanlibutan bilang kaparusahan ng lahat ng tao, katulad sa noahs' ark. marami daw. gusto maging hari si satanas dahil di siya agree sa pagpapatakbo ng kaharian ng Diyos. ang gusto ni satanas ay siya ang maging hari para siya ang magpatakbo sa kaharian ng Diyos na taliwas sa pamamahala ng Diyos. ang tingin ni satanas sa Diyos ay mali at masama ang ginagawa nito para sa mga tao. paniniwala niya iyon at iyon ang nakikita ni satanas para sa kanya kaya di niya gusto ang paraan ng pamamahala ng Diyos. meron siyang motibo na ibahin ang pamamahala ng Diyos kaya nagrebelde at dahil Diyos ang kinakalaban niya, masama siya. masama siya sa mga tao na kumakampi sa Diyos.

meron freewill si satanas, alam niya ang tama at mali. Diyos ang nagbigay kaya nagkaisip si satanas na mali ang paraan na pamamahala ng Diyos. kung sana siguro, tinanggal ang free will, malamang di magkakaisip na mali pala ang ginagawa ng Diyos na pamamahala sa tao pero explained sa akin, naka predestine na raw at meron divine purpose kaya siguro meron purpose kung bakit nga binigyan ng Diyos si satanas na dating anghel ng freewill.

hindi ko maiwasan na di ko mag isip na parang tama talaga. hihihi.

explained lang naman sa akin iyon kung bakit naging masama si satanas at kung paano siya naging masama.

Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA?

e di galing sa kanya ang masama. e diba Diyos din ang nagbigay ng free will sa mga tao at sa mga anghel at sa lahat ng creation? ang option lang naman sa free will ay mabuti at masama, tama at mali. Diyos lang naman nagbigay ng free will kaya galing din sa kanya ang masama.

=========================
sagot sa tanong mo in simplified answer
=========================

Kung ang Diyos ay MABUTI at sa kanya galing ang KABUTIHAN..... Saan naman nagmula ang pagiging MASAMA? saan ba talaga galing ang MASAMA?

-sa kanya nanggaling ang masama dahil siya ang nagbigay ng freewill kung saan ang option ay mabuti o masama.

kung si SATANAS ay dating Anghel na naging masama.. .paano sya naging MASAMA?

-naging masama si satanas dahil predestine o divine purpose siya na meron role na kailangan nito gampanan. alam ng Diyos iyon na mangyayari sa sitwasyon ni satanas.

saan ba nagmula yung pagiisip nya na MASAMA?

-galing din sa Diyos ang pag iisip ni satanas. e Diyos lang naman ang nagbigay ng freewill sa option na mabuti at masama.
ang mga anghel ay nilalang ng Dios infinto, dito din galing ang 24 matanda o ancianos. ang Dios Ama, Dios Anak, Dios Espirito at Becca(Lucifer) ay isa sa 24 Ancianos. inggit si Becca sa tatlo kaya naging masama siya.
ang sagot sa tanong ay galing din sa Dios Infinto ang Diablo o Satanas.
Kung gusto ng Dios na walang masama, nong nagrebelde si Lucifer laban sa Dios ay pinatay na niya. pero itinapon sa dito sa mundo.
 
Pa Share din po with respect to your views and opinions.

Sabi sa Tanong ay ; Ano ba ang masama? Saan ba galing ang masama?

Una:

Ano ba ang Masama?

Moral View
* kung Moral Law or Civil Law ang pagbabasehan ang masama ay ang mga paglabag sa mga umiiral na batas sa kahit saan man estado.
a. Government Law
b. School
c. Company
d. Family

God's Law
* bilang isang kristiyano kung pagbabasehan ang Bibliya ang masama ay mga bagay na pagsuway sa Diyos at hindi nakakalugod sa Kanya sabi sa;

1 Hari 11:11-13
Kaya nga't sinabi nito sa kanya, “Dahil sumira ka sa ating kasunduan at sinuway mo ang aking mga utos, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay...

Pahayag 21:8
[8]Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

1 Peter 3:12
" Ngunit sa mga taong gumagawa ng masama. Panginoo'y nagagalit at hindi natutuwa.”

* ito po ay ang pagsuway natin sa Diyos sa kanyang mga utos kaya ibinigay ang 10 commanments upang mabalanse ang moral value ng tao kung papansin natin halos lahat ng mga bansa ay naka sentro sa commandment of God.
* ito rin po ay nagbubunga ng kasalanan at hahantong sa kamatayan (Romans 6:23)

Pangalawa:
Saan galing ang Masama?

* Ang Masama ay nagsimula sa Hardin ng Eden nang suwayin ng unang tao ang utos ng Diyos.

Genesis 2:16-17
[16]Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan,
[17]maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”

* kung pinagmulan lang iyan ang kasimple sagot kaya lang maraming naglalaro sa ating isipan kaya may ....

Pangatlo:
Bakit hinayaan ng Diyos na magkasala ang tao ?

* hindi po natin kayang arukin ang isip ng Diyos sapagkat Siya ay Diyos at tayo ay tao lamang;

Deutoronomy 29:29
29]“May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman.
* Hindi po hinayaan ng Diyos na magkasala ang tao kaya nga sa V.17 ng Genesis ay mayroon Siyang babala sapagkat alam ng Diyos na sila ay mamatay.
* kaya sa Genesis 3:21 Iginawa ng damit ng Diyos na yari sa balat ng hayop ito po ay larawan na bagamat nagkasala ang tao ay gumawa pa rin siya ng paraan para matakpan ang kanilang kahubaran, ito rin ay anino sa Probisyon ng Diyos na kanyang Pangako sa pamamagitan ng ating Panginoon Jesu-Cristo.

Juan 3:16-18
[16]Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
[17]Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.
[18]Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.

sa susunod naman po ang iba.....
 
Corrupted ang bibliya. Ang tanging utos ng Diyos sa mga tao ay humayo at magpakarami. Yung ibang mga utos, gawa na ni Satanas yan ultimo si Jesus.

Bibliya at iba't ibang scriptures ang naging basehan ng moral standard at mga batas. Samakatuwid, dyan nagmula ang konsepto ng masama.

Dun lang ako sa utos ng Diyos na, "humayo at magpakarami"

Dyan pa lang, ang dami mo nang pwedeng mabuong batayan ng mabuting buhay.

1. Preservation of life ~ sisikapin mong mabuhay, na huwag mapatay ng ibang tao, o kaya ay mapatay ng hayup, o mamatay sa gutom.
2. Para hindi ka mapatay ng kapwa mo, dapat marunong kang makipag-kapwa tao.
3. Para hindi ka mapatay ng hayup, dapat may skill set ka, at katapangan, kalakasan ng katawan.
4. Para hindi ka mamatay sa gutom dapat marunong kang mag-tanim, mag-alaga ng mga hayup at mag-proseso/magluto/magpreseba nito

Dapat simple lang ang lahat, kaya lang may puwersa ng kasamaan na pinalaganap ang relihiyon sa iba'ibang dako ng mundo. Yan ang sumikil sa ispiritwalidad ng tao.

Kayang matuto ng tao sa kanyang sariling karanasan. Lahat ng mga normalidad natin ngayon: gubyerno, pukitika, edukasyon, pangkalusugan/gamot, at aliwan (entertainment), propesyon, pagta-trabaho... lahat yan ikinulong tayong lahat. Kung makakawala tayong lahat sa sistemang yan at magbalik sa pagiging Free Spirit/Free Thinker, mas magiging maayos ang buhay natin at relasyon sa Diyos.
 
Back
Top Bottom