Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

anu ba ang dapat

thegreatdivide

Recruit
Basic Member
Messages
5
Reaction score
0
Points
16
hi guys

may tanong lang ako lalo na siguro sa mga babae.

may nililigawan ako, mag 1 year palang. na cocompliment namin ang isa't isa. tahimik siya, makulit ako. tas magkasundo kami sa mga bagay bagay, hobbies at lifestyle. compatible naman kami. tas napaka dalang na meron kami hindi mapagkasunduan as in tas kung meron man talagang tapat lang siya sakin. syempre lumalamig ng onti pero hindi umaabot sa punto na hindi na siya namamansin. yung last time na may gusto sana siyang sabihin sakin pero naudlot pero nakakakutob na ako kung anu yon. at eto nung huling kita namin last week lang sinabi na niya sakin sa txt nung pauwi na ko, binalaan naman niya ako na may sasabihin siya before pa magkita. simulan ko sa umpisa.

may pinagtalunan kasi kami nung last month lang, dun naguugat lahat to. walang matinding pagaaway may nagawa lang ako na hindi niya nagustuhan. tinapat niya sakin yung issue, tas klinaro ko naman sa kanya na wala akong sama ng loob or intensyong panget nung nasabi ko yun sa kanya. misunderstanding lang naman, pero hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat sa kanya. parang feeling ko nga sinasadya lang niyang mag pagtalunan kami, kasi nung tinanong ko na siya kung bakit ba sumama yung loob niya sa sinabi ko, bigla nalang niya akong binanatan ng "wag kang assuming hindi pa tayo, pinapangunahan mo eh. wag na muna siguro tayo magkita" na pa wtf nalang ako eh. parang iniwasan niya yung tanong. pero syempre ako sorry na lang ako ng sorry tas hindi ko na brining up ulit.

sa mga sumunod na araw, mejo lumamig na talaga pero araw araw parin naman kami nag uusap. kamustahan mga ganun lang, mejo nawala na yung goodvibes namin. pero syempre ginagawa ko lahat para makuha uli loob niya, masasabi kong mejo bumuti yung stado namin ng pa unti unti. tas naging okay na kami nagbibiruan na uli kami, tas nagkikita na uli kami pero pag kailangan lang talaga. hanggang sa dumating yung last week, na tinapat niya na ako dun sa sasabihin niya dapat sakin nung bago pa mag november palang.

"pano kung sabihin ko na hindi ko kaya suklian yung pagmamahal na binibigay mo sakin ngayon?" sabi ko "pano kung lang ba o ayaw mo talaga sakin?" sabi nya "di naman sa ayaw. gusto naman talaga kita nung una palang pero nagbago talaga yon simula nung nanyari last month" tinapat ko lang din siya na "kung mas magiging masaya ka na wala ako, lalayo ako. kung maaayos natin to, lalaban lang ako. di naman ako magbabago, mahal naman kita eh yun lang sakin. binigay ko na dahilan ko dun sa issue nating last month pa, kung hindi mo talaga tatanggapin yon siguro deretsahin mo na ko" tas sabi niya "ang hirap mag decide. hindi ko alam kung tama ba magiging desisyon ko o kung anu ba. siguro hayaan mo na muna ako mag desisyon at sasabihin ko nalang sayo pag final na talaga para di naman masyang effort mo ang unfair ko kasi sayo." sinabi ko nalang na naiintindihan ko at andito lang ako lagi.. tas nung kinabukasan as usual goodmorning text tas pinapagaan ko yung tensyon samin. tas sabi niya di naman daw kami nag aaway.. tas mejo nag muka akong tanga nung bigla akong bumanat ng mahabang text na parang nagmamakaawa ako.. alam ko mali kasi ako na nga nagsabi na naiintidhan ko siya na magdesisyon muna siya. pero mali ba talaga? kasi sa totoo lang ang babaw talaga, wala naman kami pinagawayang matindi or hindi napagkasunduan. kaya na praning ako nun. at sa totoo lang naiintindihan ko naman talaga siya, lagi naman eh.

simula niyan, sobrang sobrang lamig na talaga. umaabot na sa punto na siniseen na lang niya ako tas maswerte nalang na makatanggap ako ng 3-5 msg. samantalang alam ko gising naman siya at online lang, na hindi naman busy. isang linggo na ang lilipas bukas.. pero parang wala na siyang imik talaga. para na akong tangang na ngangamusta sa hangin sa chat, puro seen nalang lagi. kung susundin ko lang puso ko, kahit taon pa abutin na mag muka akong tanga, gagawin ko eh sa totoo lang. pero syempre pag alam kong hindi na talaga tama haharapin ko na talaga siya.

nagmamadali ba ako sa sagot niya? tama lang ba na paghintayin ako ng ganitong katagal? mali ba na kinakausap ko parin siya araw araw na parang kala mo wala nanyari? mas maganda ba kung manahimik din ako muna? anu ba ang dapat
 
hindi siguro. tiga caloocan ako:lol: pero wow parang same na same. saya siguro kung ganyang ka concern saken yung nililigawan ko at nagpopost pa dito
 
Hi ka-TS, 'di ako expert sa mga ganitong bagay pero I'll try to help. :)

Since nanlamig na siya sayo through communication, parang useless na for now ito. Kailangan niya daw ng space and time para makapag-isip.
Maybe may other factors din na naka-affect kaya siya nanlamig, tulad ng baka meron din diyang ibang problems na kinakaharap na hindi mo alam.
Then ang akala mo lang is dahil doon sa pinagtalunan ninyo, which is hindi pala. Try to ask her if may mga bagay-bagay that bothers her for now.

Or maybe back to start ka ulit, try mo ulit siyang ligawan in a very romantic way.
Gamitan mo na rin ng element of surprise, gastusan na rin since 1 shot lang naman ito. 1 chance lang to have an opportunity with her para
makapag-usap kayo personally, heart-to-heart.
So yayain mo siya ng dinner maybe, yung very special dinner na never mo pa nagawa before na alam mong magiging very special moment in her life.
Tulad ng mga nakikita sa mga movies... Try mo rin siya sunduin if ever man na mapapayag mo siya, then with flowers na rin dagdag pogi points. :D

View attachment 294808

Ganyang klase ng set-up sana, then seize the moment para makapag-usap kayo. :)
Nanlamig na siya ka-TS, delikado yan. 1 chance lang ang need mo to sort things right kaya ibigay mo na lahat sa 1 chance na to.

Parang magulo yung sinabi ko na wala na in-order ahahah.. :D
Balik-tanaw nalang ulit.

1st try to invite her to dinner and try to do everything para mapapayag mo siya.
2nd - set the date na pereho kayong available and give yourself some time para makapag prepare.
3rd - Planning, planuhin mong maigi kasi 1 time lang naman to mangyayari.
4th - Try to make a research on how to make a romantic dinner. step-by-step mula sa very start (pagsundo) hanggang sa end.
5th - Effective yan, sa panahon ngayon bihira na ang mga ganyang galawan sa pagusyo ng isang nagtatampong girl ahahahha...

Just make sure to show her how much you care.
Hope it helps. :P
 
Attachments

  • zzz.jpg
    zzz.jpg
    24 KB · Views: 3

View attachment 1167744

wala naman siyang ibang problema, simple lang kasi buhay niya. bahay trabaho nood basa lang. usually na umuubos ng oras niya yung panonood lang sa net ng mga series. hindi rin palalabas ng bahay, tas basta taong bahay lang. nakakagala lang siya pag nasa work siya tuwing friday napakadalang pa. alam ko naman ano mga nakakaabala sa kanya, hindi naman siya yung maarte o maselan na babae. nasa plano ko na yang date namin pagnagkaayos na kami.

yun din naisip ko, na simulan sa umpisa. ang mahirap lang kasi talagang text lang communication namin eversince at sa totoo lang dito naman magsisimula ang lahat, sa pakikipag usap. ang punto kasi, hindi na siya nakikipag usap masyado katulad ng dati. mas madali sana kung hindi siya nanlalamig ngaun.. parang pinaka the best ata ngaun siguro laylo muna ako.. ang hirap lang talaga.. baka kasi magbago ng tuluyan nararamdaman niya pag ginaya ko ginagawa niya.. thanks pre
 
T.S kantahan mo nalang siya WAG MO AMININ BY RICO BLANCO hehehe
 
May connection ka yata sa thread na ito ni Ate untamed018 (http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1391466&p=22480749#post22480749)

or nagkataon lang?

Yan rin unang naisip ko dahil napaka-similar ng story. Maybe TS should send a message to untamed018 and try her out.

Anyway, back to regular programming...wala naman mali sa ginawa mo. I think kahit sino naman ay magiging atat kapag nasa situation mo. Kung gusto ka niya talaga it shouldn't matter kung atat ka. Sa mga nasabi mo naman sa kanya, although it might not be a big deal for you but it might have been a big deal for her. Even if you have already explained your side you can't do much about it if it really offended her and got her thinking. Since what's done is done and no point in crying over spilled milk, maybe both of you are just not meant for each other. And since you already done your part apologizing and explaining all you can do is wait. Should things not work out for the both of you then keep looking for that someone that's meant for you.
 
Siguro dito pumapasok yung kaunting paalala sa mga nililigawan natin

na Tao rin tayo

nagkakamali rin minsan
kahit di naman yun ang gusto natin
nadadala sa bugso ng damdamin natin
minsan naooverwhelm tayo
at minsan may nasasabi na di sinasadya
o iba ang dating sa ating gusto iparating

either way,

one action and one sentence
does not define the kind of person we are :yes:
though it shows what tendencies we tend to have
or how we handle ourselves.

So if I am in your situation
(which I can particularly relate to)

I'd let her know about my thoughts about what I've said
the actual intent, or how kung bakit mo nasabi yun
(probably you got too comfortable) :yes:
(and if it wasn't that nice really... cause we are.. you know.. guys)
you might want to tell her na its a part of you
na ayaw mo lang na puro magaganda about sayo nakikita niya
kasi gusto mo rin malaman if she can bear the good with the bad in you
as much as you want to see the bad in her and accept that

then segway, na you are far from perfect..
but you are doing your best na bumagay sa kanya
kasi *insert future plans with her crap* :rofl:
na sana, she could accept the bad things about you..

then... :) the hard part..

[
B]Tell her na you are going to give her time to think about that
[/B]kasi it effin hurts ipilit ang sarili sa taong parang ayaw na sayo.
moreover, yung taong iniisip na masama ka dahil lang sa isang mali.
(and you had higher hopes for her :evillol: <but dont say that) :lol:
in a sad and lonely tone.. (yeah, malungkot.. hindi mayabang, mapride o maangas)

then disappear for an indefinite period of time. :yes:

just don't give her bad thoughts na baka habang malayo ka eh kung ano mangyari.
just stay under the radar at magpamiss :)

This works.. often.. with just the right stimulus. :yes:

and saves alot of your pride from having to beg (which obviously don't work the second time around)
and time.. and effort... na masasayang lang.

to me it doesn't matter kung 6 weeks, 6 months o 1 year kna nanliligaw..
that is to be treated fairly, even for just a friend who considered the best for her.
and yeah, nanliligaw ka lang and you can't ask for too much to her..

but is it too much to ask na sana makita nya rin ang bagay sa mata mo?
like how you see her and nobody else..
like how she shines so bright, nothing else matters..
na you feel so imperfect sa harap niya..
but somehow, a part of her made you hope na
she can understand and bear with it.

kaya you feel bad na at the first sign of imperfection
she turns away from you. :weep:

Daanin mo na rin sa dasal yan TS :pray:

goodluck :salute:
 
Siguro nga kailangan nya ng oras na hanapin ang mga sagot sa sarili niya.. Nakakalungkot lang na kailangan pang umabot sa sugalan ng damdamin:weep: sa totoo lang nagawa ko na kasi lahat ng pwede ko masabi. Sagot na lang niya talaga kung ano ba. Pero isang linggo na anu ba to.. Tsaka pala dun sa sinabi mo na stay under the radar lang, tama lang ba yung tipong goodmorning take care text lang? Tas onting kamusta tas oky na. Sunod na paalam ko na goodnight na lang. Hindi kaya lalo siyang magbago since nasanay siya na ang kwela ko lagi:noidea:
 
Nasayo yan TS..

I cant say for sure how do you want to play this out
kasi depende yan sa dating mo sa kanya, at ugali mo na rin.

di ko rin alam ang magiging impact either way dahil di ko siya kilala.

pero kung dun tayo sa effective.. dun sa wala talagang communication.
for these reasons..

1. time para mapag isip isip nya ang importance mo sa buhay nya
2. marealize nya ang feelings nya sayo.
3. mamiss ka nya
4. to realize how it is na wala ka sa buhay nya.

IF... and only IF ginawa mo talaga ang lahat ng makakaya mo
and you did that consistently and effectively..
more or less, this probably would work.

But I won't ask you to do this if di buo ang loob mo.
kasi there's a risk involved here too.

usually, you need to get a good timing..
and get her attention.. at pag usapan kung ano ba ang mali
if need mo ba sya bigyan ng space at magpakalayo layo muna
to help her settle what she feels for you
kung ayaw nya ba talaga o gusto sayo..

kasi somehow it feels futile..
and aminin na rin natin na nakakatanga
na effort tayo ng effort pero parang "wala lang" sa kanya.

kaya need mo na magsabi ng maayos..
and assure her na anjan ka naman within reach nya.
naghihintay na marealize niya kung gusto ka ba nya sa buhay nya
o sadya lang masyado kang imperfect para sa kanya :(

you can't just bear na ganyan ang nangyayari sa inyo.
at parang lahat ng ginagawa mo ay abala lang sa kanya.

Honestly, this mostly works effectively on people who had been too pampered
and who got so used to us being at their beck and call
na minsan sa sobrang convenient sa kanila
gusto nila ligawan na lang sila ng ligawan.

People should realize na ang courtship
is more than just vying for that YES
but also a process to get to know each other
and realize if you really want to be together.
also to prove one's self to deserve the other's love.
and/or commitment to companionship.

and this goes without saying..

There's the risk na marealize nya nga na ayaw nya sayo
dahil dun sa kung ano mang bagay na sinabi mo or ginawa mo.

na habang nag iisip sya, someone may come along.
and took her heart away (but I dont think so if maeffort ka naman)

or buo na talaga ang loob nya to begin with...

But still, I really do hope.. this will do the trick..
at marealize nya na mahalaga ka talaga sa kanya
na she misses you at nag iinarte lang sya..
na she has to compromise too and understand your shortcomings
forgive you for whatever mistake you did or say.
 
Last edited:
nkakatuwa nman basahin tong mga kwentong gnaitoo... hahaha pro eto advice lang

hindi mo nman namention ano yong pinagtalunan nyo... if big deal ba yun sa kanya o hindi. nagkataon nabasa ko yong post sa kabila nag girl nman na bawal daw xa magkaBF...

Either way bka nman xa yun... lol at pinoprotektahan ka lang nya na bka hindi na kau magkita at pinilit nyong maging kayo... at bawal pa. Wala pa nman cguro kayong 18 eh... antayin nyo nlang at wag magmadali.

Maging suplado ka sa kanya. Wag mo din imessage pro magspy ka... hahaha bka magaaligid2x sa guy.

Give her something like florwer bah or pagkain na sweet. Give a few statement like "eat this if naiiestress ka sa pagaaral" give it to her! Smile! then leave.

Do it MWF then TTH nman... be unpredictable my men.

Hindi ka mamimiss ng babae kung araw2x mo xa nakikita... Make yourself busy to something else like learning guitar or joining a sports hindi yong puro xa nlang inaatupag mo... That is a big NO NO!!!

Atupagin mo sarili mo... mag ayos ka, pagandahin mo katawan mo, magaral ka kumanta o magpiano or mag GYM ka para magka ABS ka... Tapos papainggit mo sa kanya ang abs mo... ROFL

ganun lang brad..

good luck
 
TS! brad isa lang yan apaka kulit mong tao :punish: tandaan mo hindi pa kayo kung umasta ka kasi parang kayo na agad
yan pagkakaintindi ko hahaha sorry naman kung mali please correct me hahaha :lol:

wag na wag mong pangunahan ung desisyon ng isang tao lalo na't wala ka naman karapatan pa dito :slap:
hayaan mo siyang magdecide sa sarili niya at antayin ung magiging desisyon niya kung hindi mo kaya antayin
edi maghanap ka na ng iba ganon ka simple.. walang wala ka magagawa kung ayaw na talaga sayo ng tao
mahirap para sayo? tara tagay na lang tayo :lol:
 
Back
Top Bottom