Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Are you a Problem Solver?

armz71

 
 
The Eternal Symbianizer
Advanced Member
Messages
5,832
Reaction score
511
Points
228
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Problem Solver
(Taga-lutas ng mga Problema)

Sa aking obserbasyon, ang tao’y natatakot o nag-aalangan na gawin ang isang bagay o lutasin ang problema – kapag wala siyang alam o hindi niya alam ang gagawin.

Tanong:
Iniisp ba ninyo ang inyong sarili, na isang “Problem Solver,” o “Taga-lutas o Taga-ayos ng mga Problema?” (Do you think yourself as a Problem Solver?)

Problems that go unresolved often cause stress, mistakes and miscommunications. As a Christian, we are a problem solver and not a trouble maker.

Ayon sa Mateo 5: 9 (MBB)

“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak Niya.”

(ABAB)
“Mapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaginng mga anak ng Diyos.”

Basahin 1 Hari 3: 16- 27

Dalawang babaing nagbibili ng panandaliang aliw, ang pumunta kay haring Solomon na mayroong problema. Kapwa sila nakatira sa iisang bahay at kapwa sila mayroon na tig-iisang sanggol. Nadaganan ng isang babae ang kanyang sanggol, kaya ng hatinggabi na, ipinagpalit niya ang kanilang anak sa kasama niyang babae. Pag-gising ng unang babae, nang kanyang pade-dedehin na ang kanyang anak, nakita niya wala ng buhaty ito. Nang tingnan niyang mabuti, hindi ito ang kanyang anak, kundi sa kasama niya. Kaya, idinulog ito sa hari at nagtalo sila.

Isipin natin, wala pang DNA test noong panahon na iyon. Doon sa mga sanggol noon, na halos magkatulad sila ng mukha, anong gagawin upang humatol ng makatarungan?

To cut it short, sinabi ni Solomon sa kawal: “Kumuha ng tabak at hatiin ang bata. At ibigay ang kalahati sa bawa’t isa. Sa libu-libong taon nakalipas, alam ni haring Solomon, sa biyaya ng karunungan na ipinagkaloob sa kanya, alam niya, na ang tunay na Ina – poprotektahan niya ang kanyang anak, anuman ang maging kapalit nito.

v.26 “Nabagbag ang puso ng tunay na Ina ng batang buhay at napasigaw: “Huwag po, kamahalan. Ibigay nap o ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang hatiin.” Ang sabi ng pangalawang babae: “Hatiin ang bata!”
v.27 Kaya sinabi ni Solomon: “Huwag nang hatiin ang bata. Ibigay ninyo sa una: siya ang tunay na Ina.”

Pansinin natin sa v.28, ang sinabi dahil sa ginawang hatol ni Solomon kung paano niya nilutas ang problema, bilang isang “Problem Solver.”

v.28 “Nabalita sa buong Israel ang hatol na iginawad ng hari at nagkaroon ang lahat ng magalang na pagkatakot sa kanya. Napatunayan nila na sumasakanya ang karunungan ng Diyos upang humatol ng makatarungan.”

Ayon sa talatang 28, dahil sa ginawa ni haring Solomon na paghatol “nagkaroon ang lahat ng magalang na pagkatakot sa kanya…” dahil ang karunungan ng Diyos ay sumasakanya.
Kapag ang isang mananampalataya o anak ng Diyos ay nagiging kasangkapan siya para lutasin ang problema – ang mga tao sa paligid niya, nagkakaroon sila ng pagkamangha at pag-galang sa kanya. Amen po ba!
Bilang Cristiano, mga ank ng Diyos at higit sa lahat, bilang mga lider, lagi tayong may kakaharapin na problema. Hindi ito maiiwasan.

Note:
Karamihan sa mga tao, kapag sila’y may nakakaharap na problema, minsan, ang iniisip nila ang lulutas o gagawa ng kanilang problema ay ibang tao. Tulad ng mga bata, ano ang kanilang ginagawa, kapag sila’y may problema? . . . Nagsusumbong sila sa kanilang nanay. At ito’y angkop lamang para sa mga bata at hindi ito para sa mga lider o mga taong ganap na. ito’y isipan ng isang alipin o ng isang katulong lamang. Ngunit an glider, iba ang kanyang pananaw o ginagawa pag may problema. Kumikilos siya para ayusin at lutasin ito.

Kalimitan, may mga tao tayo na maririnig na hinihiling nila: “Sana, wala na lang akong problema na makatagpo o maranasan. Totoo, maraming tao na matatagpuan na walang problema. Ngunit, hindi na sila humihinga, sila’y mga patay na.
Ang mga tao na walang challenges (hamon) para harapin ang mga problema tulad ng mga stress, paano nila pagkakasyahin ang kanilang budget, o kaya’y problema sa relasyon sa kapwa at iba pa. . . ang mga taong hindi na iniisip ito, sila ay mga nakahimlay na.

Para sa akin, sa halip na ito’y isipin na problema, tanggapin ito na isang hamon o challenges. Ito’y hindi isang insidente na nangyari lamang sa atin sapagkat ipinahintulot ito ng Diyos na maganap at nais Niya na tayo’y lumago, maging matatag at matuto na tumayo sa sarili na maging “Problem Solver.” Amen po!


Characteristic of Effective Problem Solver (Katangian)

1. First, they are Pro-active, not reactive or problem analyst.

Pro-active
means he does not panic. Instead he begins to look for a plan in how to rebuil the walls.
(Ibig sabihin, hindi siya natataranta. Sa halip, nag-iisip siya ng paraan o gumagawa ng plano kung paano aayusin o lulutasin ang problema.)

Reactive – People have always have an excuse list.

Ang lagi niyang katwiran ay:
It’s not my fault!
It’s can’t be done!
It’s too big!
It’s more than I can handle!

Problem analysts – Examine a problem, identifies a problem and can give a detailed breakdown of the problem, but that’s where it ends. He doesn’t do anything at all to change or solve the problems he identifies.
(Ibig sabihin, tinitingnan niya ang kung ano ang problema at inaalam at sinisiyasat kung ano ang sanhi nito, pagakatapos, sinasabi ang mga detalye ng problema kung bakit ganito ang nangyari, ngunit hanggang dito na lamang na walang hakbang na ginagawa.)

Ngunit ang “Pro-active people” – Una, tinitingnan niya at inaalam ang mga problema. Pagkatapos, nagsisimula siya na maghanap ng solusyon sa mga problema.

We are “Pro-active people of God” Amen!

Sabi sa Nehemias 2: 17 (MBB)
“Ngunit sinabi ko sa kanila pagkatapos, nakikita ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan. Wasak ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan ng lungsod. Magtulung-tulong tayo. Itayo nating muli ang muog para hindi tayo malagay sa kahihiyan.”
Naglaan si Nehemias ng panahon para siyasatin ang problema at alamin ito pero hindi siya tumigil dito. Gumawa siya ng hakbang na plano para resolbahin ang problema at baguhin ang sitwayon.

2. Second, Problem Solvers are Team Builders
Kapag ang isang lider, siya lamang ang nakakaalam ng kanyang ginagawa, ang tawag sa kanya ay “Super Hero.” Ang ibig kong sabihin ng “Super Hero,” parang siya lamang ang may kakayahan na gumawa at walang tiwala sa ibang tao. Ngunit, hindi tayo mga “Super Hero,” kundi mga “Problem Solver.

T.E.A.M. stands for
“Togetherness Everyone Achieves More.”


Naririnig ko, sinasabi ng iba, kapag ang kanilang anak ay nagtatrabaho na at nagbibigay na ito sa kanila ng pera. Sabi nila, “Nakakatulong na ang kanilang anak sa kanila, bilang mga magulang.” Ngunit tama ba ang salita na ito?
Kapag ang magulang, pinadede niya ang kanyang anak, inalagaan ito, pinalaki, binihisan at pinag-aral, maaari ba niyang sabihin sa kanyang anak – tinulungan kita. Hindi! Ang tawag dito ay tungkulin. . . Gayundin, ang ginagawa ng mga anak ay isa rin responsibilidad o tungkulin.
At ganoon rin sa Iglesiya. . . Tayo ay may tungkulin na mga ginagampanan. . . Ibig sabihin, kailangan ng tulong at pakikiisa ng ating kapawa.

None of us is as strong as of all of us.

Hindi tayo gayon kalakas tulad ng karamihan. Si Nehemias, hindi lamang siya ang gumawa ng solusyon o lumutas ng mga problema, naghanap siya ng makakasama at makakatuwang para ayusin ang problema.


Ayon sa Nehemias 2: 17c
“Magtulung-tulong tayo. Itayo nating muli ang muog para hindi tayo malagay sa kahihiyan.”
Ibinahagi ni Nehemias ang kanyang pangitain sa mga taong naroon at hinamon sila na itaguyod muli ang pader o muog ng Jerusalem. Ipinakita niya, kung ano ang nakita niya at sinabi niya, “Wasak ang Jerusalem.” Ito ang totoo.
Sabi niya, trabaho natin ito, ang pader na ito ay hindi lamang sa akin, kundi pader rin ninyo ito. Pader natin itong lahat.
Parang sinasabi ni Nehemias, kung i-a-apply natin sa ating Iglesiya: “Ang Iglesiyang ito ay hindi lamang sa pastor, ito ay Iglesiya ng bawa’t isang mananampalataya na narito sa loob ng Iglesiya. Amen!
Ito’y gawain ng Diyos at hindi lamang ito sa akin, ngunit ito ay mga misyon na ibinabahagi sa bawa’t isa na naririto.

Problem Solvers are TEAM builders.
Nanalangin si Nehemias, bago siya humakbang. Pagkatapos, makikita natin, ginamit ng Diyos ang haring Artaxerxes – kahit na hindi siya Judio, gumawa siya ng liham sa mga gobernador na lugar na dadaanan ni Nehemias upang tulungan siya at paraanin.
Ginamit rin ng Diyos na tumulong ang mga mananampalataya na Judio na nasa loob ng Jerusalem.

3. Third, Expect opposition and obstacle.

Basahin Nehemias 2: 10; 19- 20

Kapag mayroon gagawin ka na tama, may mga hadlang o pag-uusig na makakaharap o mararanasan. Kapag mayroon na ipinapagawa ang Diyos, may mga tao na hindi sasang-ayon. Ayaw nila ng pagbabago at ayaw nila na umunlad ka. Ngunit, hindi hinayaan ni Nehemias na ang mga hadlang na ito at pag-uusig ay makagulo sa kanya. Si Nehemias ay nanalig at tumayo sa pangako ng Diyos.

Nehemias 2: 20 (MBB)
“Tinugon sila, “Pagtatagumpayin kami ng Diyos ng kalangitan, pagkat kami ay kanyang lingkod. Itatayo naming muli ang Jerusalem, ngunit kayo’y walang bahagi o karapatan o alaala sa lungsod na ito.”

Jeremias 1: 19 (MBB)
“Pakinggan mong mabuti ito, Jeremias! Ang bawa’t isa sa lupaing ito – ang mga hari ng Juda, ang mga pinuno, ang mga saserdote, at ang buong bayan – ay sasalungat sa iyo. Ngunit gagawin kitang sintibay ng isang lungsod na naliligid ng mga muog, sintatag ng haliging bakal, o pader na tanso. Hindi ka nila matatalo sapagkat Ako ang mag-iingat sa iyo. Akong si YAHWEH ang nagsasbi nito.”

Tayong lahat ay tinawag para maglingkod sa ating kapwa tao, we are “Problem Solvers.”
 
Back
Top Bottom