Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit mahina ang Pinoy movies?

Sa totoo lang yung kwento kasi ng mga movies natin alam mo na mangyayari ganun kasi ginagawa ng mga direktor para patok kahit paulit ulit ba hahaha ang indie kasi kakaiba amg mga story line maaamaze ka . Ayun talaga ang panlaban di tulad sa mga movies na mainstream more on profit kasi sila.
 
Agree ako sa mga nasabi na dito, lalo na pagdating sa mga paulit-ulit na lang na plots kaya nakakasawa din talaga manood. Pero sa kabilang banda, gets ko rin naman kung bakit paboritong gawin yun ng mga malalaking movie production companies dito sa Pinas kasi in the first place, yun yung nakikita nilang patok eh. So sa madaling salita, may kasalanan din ang karamihan sa mga Pinoy na patuloy na tumatangkilik sa mga ganung product. Eh syempre business yan eh, kaya nga tinawag na showbiz, kaya kung saan o ano yung bumebenta, dun ang mga production companies.

Pero sa isang banda, meron din namang mga naglalakas-loob mag-risk na gumawa ng mga movies na taliwas sa nakasanayan nating mga formulas o movie plots, kaso despite that di pa rin bumebenta sa madla, either because in the first place hindi interesting yung story OR poorly executed yung movie kahit na may potential sana yung premise niya. May mangilan-ngilan na rin namang naging successful sa ganyan, tignan niyo na lang yung Heneral Luna tsaka yung Kita-Kita. Kaya dahil sa mga yan, naniniwala ako na kaya naman talaga nating lumabas dun sa nakasanayang mga "formulas" eh at maging successful din at the same time, kelangan lang talaga na patuloy mag-risk tsaka mas galingan pa lagi yung paghulma ng mga kwento especially pagdating sa mismong execution ng movies. Wag lang dapat puro tungkol sa pera, kumbaga dapat lagyan din ng passion yung gawa para sa entertainment ng nakararami.
 
Back
Top Bottom