Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit naging ally ni Duterte ang China? Communist country diba iyon?

Alodia143

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
1
Points
28
Ito ang una pagkakataon na nag sulat ako patungkol sa pamamahala ni mister Rodrigo Duterte.

Ang una ay hindi ko maunawaan sapagkat meron ako ilan na ba basa na gusto ng ilan o gusto ng na ka ka rami filipinos na gawin komunista ang Pilipinas.

Oo nga.

Sa youtube(dot)com? Ang sinasabi ng ilan tao na pabor kay mister Rodrigo Duterte na mas mabuti ang komunista kaysa sa demokrasya. Alam niyo ba na parang ang na ki kita ko ay meron galit ang ilan tao sa Pilipinas. Iyon lang ang basi sa ilan komento na ba basa ko sa ilan social media online.

Sa loob ng puso ko ay na isip ko na hindi ba alam ng ilan Filipinos na mahirap mabuhay sa pamamahala komunista?

Oo nga.

Halimbawa.

North Korea.

Ang North Korea ay isa komunista. Ang matatawag ko ay extreme communist sapagkat wala relihiyon sa North Korea. Ang sabi ay sobra mababa ang human rights ng North Korea. Ang mga refugee galing North Korea ay tumatakas at lumilipat sa South Korea. Pagkamalagi sa South Korea ay ayaw na bumalik ng North Korea ang ilan refugee o itinatawag na defector ng North Korea sapagkat ang parusa ay kamatayan.

Ang panginoon ay ang namumuno ng North Korea. Ito ay galing witness mismo ng ilan tao dati na malagi sa North Korea.

Dyos talaga.

Tinawag Dyos sapagkat ang na mamahala ng North Korea ang taga parusa at taga bigay ng libre pagkain sa na sa sakupan. Meron ito karapatan din mang bawi ng buhay ng tao.

Wala Jesus Christ.
Wala Allah.
Wala Buddha.
Wala Krishna.
Wala lahat.

Ang Panginoon o ang Dyos ay si Kim Jung-Un.

Ano man negatibo kritisismo patungkol sa pinaka ma mahal pinuno ng North Korea ay parusa kamatayan sa tao.

Pagkatapos ito. Ang ally ng North Korea ay China. Weird diba? Ang China ay komunista. Ang ipinagkaiba ay extreme ang North Korea kaysa China. Matatawag na komunista ang China pero malala ang North Korea.

Ika nga, " birds of the same feather flock together "

Ang North Korea at ang China ay similar mamahala komunista sa mga tao.

Ito naman ang pinaka weirdo sa akin.

Si mister Rodrigo Duterte ay inamin na meron kaibigan na komunista. Bago na lalo si mister Rodrigo Duterte ay inamin nito. Dagdag ay meron karunungan si mister Rodrigo Duterte patungkol sa komunista. Nang na lalo si mister Rodrigo Duterte ay naging ka kampi ang Pilipinas ang China.

Demokrasya ang Pilipinas na naging ka kampi ang komunista na China na ka kampi naman nito ay North Korea.

Weird diba?

Pangalawa ay hindi ko maunawaan pa paano na hikayat ang na ka ka rami filipinos na botohin si mister Rodrigo Duterte at nagawa ipagtanggol.

Sakali ipagkumpara ang bansa pagdating ng level ng human rights at komunista ay ito ang resulta.

Top 1 ay North Korea. Extreme communist. Extreme no human rights.

Top 2 ay China. Average.

Top 3 ay Philippines. Mild. Meron pagka communist na mix democracy at hindi malaman kung ano. Human rights ay less but hindi extreme.

Ang sabi ng parents ko kung meron ba daw kami passport. Sabi namin na oo. Sakali meron mangyayari hindi maganda sa Pilipinas ay meron kami passport papunta Amerika dahil ka kampi na tayo ng China sapagkat ang meron passport lang raw ang makakarating sa Amerika. Maaari kase daw na magbago ang patakaran sa pagkuha ng passport. Maaari kase raw na hindi maglabas ng passport sa panghinaharap at kung sino tao tatakas sa Pilipinas ay hindi makakatakas dahil wala passport. Ang makakalabas lang ng bansa ay meron passport.

So ang tawag sa amin ay refugee. Pinaghahandaan lang kami ng parents namin ng passport para sa panghinaharap. Pinaghahandaan lang.

Na isip ko nga din na weird dahil bakit naging ally ni mister Rodrigo Duterte ang China? Communist country diba iyon?
 
Last edited:
Maganda ang iyong idelohiya at opinyon.

Nawa ay may mga bagay na makakapagpatunay sa mga sinsabi mo.

Sa aking opinyon base sa mga balita, mga nababasa ko at obserbasyon simula nung ako ay mamulat taong 1980.

Ang Pilipinas ay hindi Komunistang bansa.

Nilason at pinamunuan tayo ng mga Komunista nung panahon na inakala ng marami na sinamantala daw ni dating Pangulong Marcos ang kanyang kapangyarihan sa pagdedeklara ng Martial Law.

Ayon sa mga matalik kong kaibigan, si dating Senador Ninoy Aquino ay isa sa mga nagtatag ng CPP-NPA-NDF. Di ba't si Ninoy ang bumuhay sa maraming Pilipinong nabulag sa totoong diwa ng demokrasya at sumiklab ang People's Power noong 1986.

Pero ano nga ba talaga ang pinaglaban natin nuon? Makalaya sa maling pananaw ni Marcos? O Pamunuan ang Pilipinas, ng isang Komunista?

Siguro kaibigan alamin natin ng sabay ang buong katotohanan sa likod ng mga opinyon natin kung totoo bang pinamumunuan tayo ng isang Komunista.
 
Okay naman maging ally ang China first of all never tayo sinakop ng China noon instead nakipag kalakal lang sila sa mga ninuno natin.
 
Hindi magandang ally ang China dahil tuso at traydor ang China. Sa mga walang kaalaman at nauuto lang ng mga magagandang pananalita ng mga pulitiko ang nagsasabi na maganda daw. Ok lang siguro maging trading partner pero ally? Wag na!

Ito po ang aking basehan na may mga facts at hindi kwentong kutsero, di tulad ng iba na puro salita pero walang ebidensya. Mahahanap mo ang mga ebidensya kung igo google mo.

A. Ang China ay Bully. Binu bully ng China ang mga mahihinang bansa at hindi niya nirerespeto ang international law.
Facts:
1. Nanalo ang Pilipinas sa Hague Tribunal pero di man lang nito nirerespeto ang naging desisyon. Bagkus, patuloy pa rin ang pananakop at pagmamay-ari ng mga isla sa WPS. Tanong, gusto mo pa rin ba maging ally yong mga walang respeto? Anong klaseng tao ka kung ganun.
2. Makikita mo rin na kahit yong dating ally nila na Vietnam ay nagkaroon sila ng 'strained relations'. Di lingid na inimbitahan nila ang Amerika para magkaroon ng magandang ugnayan. Bumisita pa nga si Obama kamakailan sa kanila. Ano ang dahilan? Sinakop pa rin ng China yong karagatang teritoryo ng Vietnam kahit ka alyado nila. Ang mas grabe pa ang yong pagpatay ng Chinese Navy sa 50 fisherman ng Vietnam na nangyari noong dekada 90's. Kahit nga ally nila di nila ni rerespeto.
3. Mahilig mang himasok at mangontrol ang China sa kalakaran ng ibang bansa. Tingnan mo ang Taiwan at Hongkong, pinanghihimasukan nila pati pulitika at edukasyon ng bansa. Yon nga sa HongKong nagrereklamo mga parents kasi gusto nila ipapasok ang communist party principles sa edukasyon nila.

B. Oportunista ang China.
1. Tuso talaga ang China, pauutangin ka kunyare pero grabe kung maningil mataas ang interes. Tingnan mo na lang ang nangyari sa Sri Lanka, Angola at iba pang parte ng Africa. May mga artikulo kang mababasa nyan sa internet.
2. Tapos kitang kita mo pag nagbibigay sila ng mga proyekto, naku magpapadala yan ng sangkatutak ng mga Chinese workers. Kumikita na nga sila sa kanilang pagpapautang, sila pa ang nagdidikta ng presyo ng proyekto (na overpriced), tapos kokonti lang na mga Pilipino ang makakapag trabaho dyan. Ito yong nangyayari sa Africa na pino protesta nila. Di mo ba alam na nagiging problema na yan ngayon, na isiniwalat sa Senado?

So, ano ngayon ang rason mo?
 
Independent Foreign Policy kasi approach natin.
Di naman 'ally' pero kelangan natin makisayaw sa geopolitics.
Wag lang Amerika kasi nako kontrol tayo e.
Buti yong pantay pantay ang pagtingin para wala may sama ng loob na bansa.
 
Anong Independent Foreign Policy ba yan eh yon o kitang kita halos halikan ni PDRRD yong pwet ni Xi. Kung si Macoy yan, nakatikim na sana ng maaanghang na Englis yang si Xi.
 
China at Russia lang kc ang hindi bumabatikos sa mga katumaldumal na pinaggagagawa ni Duterte dahil ganun din ang ng China at Russia kagaya ni Duterte. Pareparehong diktador ang mga namumuno sa mga bansang un.

- - - Updated - - -

Walang bansang kaalyado ng China ang umunlad. Ung mga bansa sa Africa nabaon at nahulog sa debt trap ng China. Ineexploit ngaun ng China ang resources nila. Ganun din ang mangyayari sa Pilipinas.
 
Tama ang obserbasyon mo tungkol sa comunista..

Bakit napakaraming intsik sa ibat ibang panig ng mundo? isa na dyan ang china town sa binondo!!
isa lang ang sagot dyan...dahil ayaw nila mismong intsik sa bansa nila dahil sa pagiging komunista
nito..umaalis sila sa bansa nila para takasan ang di makataong pamamalakad ng gobyerno nila...

sa isang komunistang bansa, kontrolado ng gobyerno ang buhay ng mga tao..magtra trabaho
ka para sa bansa mo ,hindi para sa pamilya mo..kaya napaka swerte natin at hindi komunista ang
gobyerno natin..

Kay Duterte naman, alam naman nya siguro ang kaibahan ng demokrasya at komunista...
at sa tingin ko di nya hahayaan na maging komunista ang pilipinas...matalinong tao si duterte,
baka sa huli maisahan pa natin ang china...opinyon ko lang:):)
 
Hindi na po purong communism ang pamamahala ng China. In fact, North Korea na lang ang bansang nanatiling purely communist.

Pero hindi naman sinabi ni PDu30 na ally. Neutral pa din naman ang Pilipinas kasi kaibigan pa rin natin ang Japan at US(na may conflict w/China).

Mas naniniwala akong mas pabor sa Pilipinas na kaibiganin ang China. Sabi nga ng economic experts, China na ngayon ang isa sa mga makapangyarihang bansa, mas powerful pa sa US. Malaki nga ang utang ng US sa kanila.P

Isa pa, mas gugustuhin kong peaceful ang pakikipag ugnayan sa kanila kesa sa makipag gyera tayo. At hindi naman nangangahulugan na binebenta ang Pilipinas porke't partner na natin sila sa maraming projects. Ganun din naman ang Japan at Russia. Maraming naitulong sa atin pero bakit walang umaangal?
 
Hindi na po purong communism ang pamamahala ng China. In fact, North Korea na lang ang bansang nanatiling purely communist.

Pero hindi naman sinabi ni PDu30 na ally. Neutral pa din naman ang Pilipinas kasi kaibigan pa rin natin ang Japan at US(na may conflict w/China).

Mas naniniwala akong mas pabor sa Pilipinas na kaibiganin ang China. Sabi nga ng economic experts, China na ngayon ang isa sa mga makapangyarihang bansa, mas powerful pa sa US. Malaki nga ang utang ng US sa kanila.P

Isa pa, mas gugustuhin kong peaceful ang pakikipag ugnayan sa kanila kesa sa makipag gyera tayo. At hindi naman nangangahulugan na binebenta ang Pilipinas porke't partner na natin sila sa maraming projects. Ganun din naman ang Japan at Russia. Maraming naitulong sa atin pero bakit walang umaangal?
Niluwagan lang ng Tsina ang sistema ng gobyerno nila pero ang nagpapatakbo ay ang Communist Party pa rin. Ang hirap lang pag di nila gusto yong leader nila e pede agad nila palitan. Di tulad sa atin para mapalitan dadaan muna sa eleksyon ng lahat ng rehistradong botante ng bansa.

Pede maging kaibigan ang Tsina sa pangangalakal, Trading Partner ika nga pero Ally mukhang di tama. Kasi pag naging ally ka nanghihimasok talaga sila sa affairs ng bansa mo. Ito nga di pa nga natin naging ally e bully na. Nakakapanood ka naman siguro ng mga Korean novelas tulad ng Jumong, kita mo naman doon kung paano sila manghimasok. Kung sa ngayong panahon, makikita mo yong pressure na ginagawa nila sa Tibet, Hongkong at Taiwan. At ngayon nga pinasok na rin nila yong mga ibang bansa tulad ng Sri Lanka, Djibouti, Montenegro, Pakistan, atbp. Ang teknik dyan sa ginagawa nila ay tinatawag na 'Debt Trap Diplomacy' para sa kanilang mithiin na Belt and Road Initiative or Silk Road project.

Willing sila gastusan ang mga proyekto at iba nga sinusuportahan/ginagastusan pa nila mga pulitiko para lang umanib sa kanila at matuloy ang kanilang mithiin. Nangyari na ito sa Malaysia na sinuportahan nila si Razak, pero nang matalo sa eleksyon laban kay Mahathir, umayaw si Mahathir na ituloy ang mga proyekto kasi nga may anomalya.

Ang pinaggagawa natin na manahimik na lang dahil sa kanilang ginagawang pambu bully at pang aagaw sa ating mga teritoryo ay isang kaduwagan at kahiya hiya. Wala tayong mukhang maihaharap sa mga iniidolong mga bayani tulad ni Gat Rizal, Bonifacio, at mga WW2 veterans. Kita mo wala pa ngang laban surrender na agad. Matatawag pa ba kaya tayong mga Pilipino kung di man natin maipag laban ang ating kasarinlan? Ang pakikipaglaban ay di nangangahulugan ng sandata o armas, ang sabi nga ni Gat Rizal, "the pen is mightier than the sword".

Matatawag pa kaya tayong mga Pilipino? O tayo'y Pilipino sa isip at salita lamang pero hindi sa gawa.
 
Last edited:
historically eh wala naman nangyayari pa na sinakop or inalila ng CHINA ng Pilipinas eh..Unlike USA na SINAKOP tayo at nagpatupad ng PARITY RIGHTS..same with SPAIN na 300 years tayo INALILA dba? Ang Japan din noong WWII eh makahayop ang ginawa sa Pinoy(buti nga nag apologize eh)..but ang US at SPAIN eh wala pa Apology galing sa mga bansa na yan....kay kung sa pagtitiwala lang eh mas katiwatiwala ang China kesa sa USA, SPAIN at Japan kasi kasaysayan na nagpapatunay na GANID ang mga bansa na yan.
 
Dahil China lang ang hindi bumabatikos kay Duterte dahil pareho si Duterte at China na puro human rights violations ang ginagawa. Isama mo pa ang Russia na puro pagpatay rin ang alam. Walang matinong bansa ang sumusuporta kay Duterte.
 
Tama ang obserbasyon mo tungkol sa comunista..

Bakit napakaraming intsik sa ibat ibang panig ng mundo? isa na dyan ang china town sa binondo!!
isa lang ang sagot dyan...dahil ayaw nila mismong intsik sa bansa nila dahil sa pagiging komunista
nito..umaalis sila sa bansa nila para takasan ang di makataong pamamalakad ng gobyerno nila...

sa isang komunistang bansa, kontrolado ng gobyerno ang buhay ng mga tao..magtra trabaho
ka para sa bansa mo ,hindi para sa pamilya mo..kaya napaka swerte natin at hindi komunista ang
gobyerno natin..

Kay Duterte naman, alam naman nya siguro ang kaibahan ng demokrasya at komunista...
at sa tingin ko di nya hahayaan na maging komunista ang pilipinas...matalinong tao si duterte,
baka sa huli maisahan pa natin ang china...opinyon ko lang:):)

Well... one reason why there are lots of Chinese around the world is not because they don't like each other but because China is over populated and they have the means to travel, start business and expand their opportunities outside China.
 
Well... one reason why there are lots of Chinese around the world is not because they don't like each other but because China is over populated and they have the means to travel, start business and expand their opportunities outside China.

Naku ang totoong sagot dyan ay nuong naging komunista ang bansang Tsina, duon nagsimula ang exodus ng mga Tsino papunta ibat ibang bansa. Dahil din sa pagiging komunista, grabe ang naranasan nilang kahirapan di tulad ng sa Russia. YOng mga mayayaman duon sa kanila ay nagsi alisan din dahil nga sa inalisan sila ng karapatan na makakapag may-ari at makakapag negosyo ng malaya. Yan kasi ang batas ng komunista, lahat ng bagay ay pag-aari ng Estado o gobyerno. Talagang mahigpit ang komunismo sa kapanahunan ni Chairman Mao Tse Tung. Kahit basahin mo pa yong mga biography ng mga Chinese na nandito sa Pilipinas, yan malalaman mo.

Sa makabagong panahon naman, mas dumami yong mga Tsino sa iba't-ibang bansa ay dahil gusto nilang mag expand sa kanilang negosyo. At yong iba naman dahil yumayaman na ay bumibili sila ng mga properties sa ibang bansa para duon makapag-aral ang kanilang mga anak at maging pangalawang tahanan o bakasyonan na rin. Nagsimula ang ganitong impluwensya nuong naging Sosyalista na ang bansang Tsina. Ibig sabihin di na sila gaanong mahigpit na naging Kapitalista na nga.

Alam ko ito di lang dahil sa nabasa ko pero sa mga natanong ko rin na mga Tsino.
 
Back
Top Bottom