- Messages
- 109
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
ang galing ni ts. talas ng memorya sana meron warp gaya sa super mario na pwede natin balikan ang ating pagka bata..
Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
yung tamiya ko pinapalitan ko ng gear yung rollers, hahahah, pag umabot sa ibang tamiya at natabihan siguradong gasgas ang aabutin. nyahaha, for me the best ang 90's simpleng simple lang pamumuhay.
*Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
meron ako dati iyun street fighter na tex. hehe tpus sandamukal ang pog pack ko from coke. hahaha! naalala ko pa nga may limited edition pa yun eh! :P ohh db sosyal. haha.
* May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
-yah!! joe tawag dun. hehe. :read it but don't really collect.Skit pa nman sa Panga Nguyain yan ska madikit msyado eh. whahaha!!
* Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
-meron ako nun. yung matigas talaga. Tpos bibili pa ko nun 5 pesong Goma,ska ung Leathered na lagayan na bala,,di Yun Supot ng snow Bear na Candy..heheheh
* Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
-pag high-class ka may barbie na paper dolls; complete with ken and ken's car. totoo yun ah.
* Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
-meron. .45calibre na nasira ko yung pang kasa. sbay magpapraktis sa mga puno ng saging.
* Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
-Waaah. hindi ko na experience to. Siguro dahil walang ganun sa tindahan! hehe. family computer ko to nalaro e. Tpus un street fighter sa SEGA na. Hahaha
* Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
-panalo watusi pang inapakan mo gamit bato. parang bawang na ang tunog.Medyo Mhapdi nga lng pag natapsikan ka sa paa..
* Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
-Yupyup! Grade 2 ako nun. Binawal siya sa school.LA gear pa nga brand e! hahaha. Pero kahit na bawal pag PE un pa din gamit ko. Hahaha. Naalala ko nag Matigas pa nga ako nun e.. Sabi ko sa teacher kung ayaw nya pagamit sakin un bilhan nya ko ng bago! hehe.
* Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
-Ahh eto wala. Haha. :P pero idol ng erpat ko c michael jordan. Meron kami jersey nya! haha na #23. Inspired lang. nyaahahaha
michael jordan -- "Fear is an obstacle for some people; Fear is an illusion"
* Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
-pinapatulog ako sa hapon. Pero hindi rin nagtagal yan.. ang hirap naman kasi patulugin ng ayaw matulog. hehe.Sbi pa nga skin ni mama
pag di raw ako natulog wlang meryenda,at wlng fiveman na panonoorin.
* Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
-HAHAHAHA! c erpat. lagi sinasabi iyun lalabas iyun pari.. minsan madre pa nga e. Hindi ko lang ma gets?! bat bigas? hahahaha
* Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
-Di ko ata napansin ko that days...puro baril barilan tuwing hapon ina aatupag ko...hihihhi
* Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
-pang babae ang Polly Pocket eh.pero ill remembered ung sitmate ko sa school,meron pa ung pencil case na may bahay. tpus meron din ung castle na sosyal. May swimming pool pa. Sosyal din if umiilaw ang polly pocket mo! hehe. Nung panahon na to maliit pa si polly. Hahaha!
* Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
-WAAA! totoo to. Hindi ko alam sinu nag pauso nito! pero nung nursery-grade 2 naniniwala ako na nanganganak ang KISSES! the heck. hahaha. Pagnilagay nga daw sa bulak nanganganak! hahahaha. naging uto-uto din pla ako! hahha.
* May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
-Oo Lion King chaka Aladdin na nilalagay sa notebook para cool. at pang hold ng plastic coverm at ska sa REF.astig!
* Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
-Syempre. Mas malakas mas cool. hehe
* Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
-drawing book ako noon eh, merit chaka corona sketch pad haha.
pero minsan nkgmit na ko stationary,,pang love letter
sa mga crushes xmpre pra mbango....
* Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
-yung tamagochi ko namatay kasi iniwan ko lang tapos naubusan ng baterya. so di ko kasalanan yun haha.
* Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
taga-an (tayaan)
tigso (agawan base)-ako tga save lage ng bihag..ksi ako pinakambilis tumakbo...
step-in (patintero)
basketball life ng buong grade school life
Kickball-ako star player nila..hihihhi
* Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
-Hahahaha. guilty ako sa 1st 3. HAHAHA! hind na ako familiar sa 'Akin iyung factory ng pambura' hehehe.
* Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
-Pencil case ng mayaman yan! hahahaha. Dream ko magkaroon ng ganyan dati. Ang kaso lang hindi ako binilan ng parents ko ever. Hahaha! )
* Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
-YUCK! hahaha. pag may muka ng artista baduy nu! pang katulong iyun. hehe. Uso nun pag looney tunes ang design! iyun pwde.
* Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
-ang coleman ko ay tubig ng buong klase at ng buong basketball team. hindi tubig ang laman nun kundi 8 o'clock. minsan RoyaL. haha!
haaay... I miss those days, yung mga araw na nanghihingi (minsan dumudukot, hehe) kay mama ng mga barya para lang makapaglaro ng Metal Slug sa video-han.. haha!
nami-miss ko na ring umakyat sa puno ng Aratilles at manguha ng bunga... may puno pa ba ng Aratilles ngyon?