Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

bm625 tutorial and user's tulungan thread

paranoia_rebirth

The Martyr
Advanced Member
Messages
759
Reaction score
0
Points
26
matagal ko nang iniisip na gumawa ng tutorial for bm625 users. puro nalang kasi bm622 and bm622i meron dito samantalang meron pang di hamak na mas magandang wimax model dahil 4 lan ports which is bm625 unlike bm622 and 622i na 1 lan port. mas maganda rin pagdating sa security dahil upgrade-able to libya firmware.

Para sa mga baguhan sa bm625, kelangan alam nyo kung ano ang firmware ng bm625 nyo, kung ito ba ay Phil fw or Libya fw.

Paano malalaman kung Phil o Libya fw ang bm625?
Phil firmware:
attachment.php

Libya firmware:
attachment.php


pansinin nyo mga pagkakaiba nila.
1. phil firmware kung huawei yung logo sa left topmost ng screen while bilog na may arabic letters yung sa libya.
2. blangko yung baba ng huawei logo sa phil samantalang libya telecom technology naman pag sa libya.
3. blangko yung tabi ng "Log Out" sa upper right ng phil samantalang "Check" naman sa libya.
4. lastly pero pinaka-sure na basehan is yung Software Version sa Status-->Device. pansinin nyo yung 3 letters sa gitna ng firmware.
PHL = phil firmware
LBY = libya firmware


Sa mga nagtatanong kung ano maganda, Libya or Phil fw. actually meron pong advantage and disadvantage ang bawat isa.

ito mga advantages ng libya over phil fw:
libya: hindi na nakasalalay sa mac ang password ng gui. ikaw bahala mag-set ng admin and pass.
phil: nakasalalay sa mac ang pass. kung admin pa rin username, pwede mapasok kung alam ang mac address dahil pwede i-generate sa tool.
libya: accessible pa rin yung config.
phil 2011: tulad ng 622i 2011, di mo na pwede i-edit.
libya: pwede mong ibahin ang telnet log in details. dahil custom telnet, hindi sya naba-backdoor unless alam rin ang telnet log in details mo.
phil 2011: dapat wimax/wimax820 telnet nya or di mo sya maa-access and change mac. naba-backdoor sya tulad ng 622i 2011 dahil wimax/wimax820 telnet nya.
libya: safe sya from maninira.
phil 2011: observe mo naman siguro mga nangyayari sa bm622i 2011 users. dami nasira modems from hackers. syempre prone din sa ganun.

advantages of phil 2009-2011 fw over libya:
phil: di mo na kelangan i-set ang frequency kung mag-change mac, restore def or reset.
libya: kelangan mo munang i-set yung frequency ayon sa frequency ng globe sa twing change mac, restore def or reset.
phil: di na kelangang i-set ang NAI and password kung mag change mac, restore def or reset.
libya: kelangan mo munang i-set ang NAI and password kung mag change mac, restore def, reset.

advantage of upgrading sa libya or phil 2011 fw:
phil 2011 and libya fw: pareho ang lakas sumagap ng signal. yun ang advantage nya over stock phil 2009 fw na mahinang sumagap.

Part 1: changing MAC address
ang pagche-change mac sa bm625 ay pareho lang ng bm622 pero may additional settings kung ang bm625 mo ay libya fw. in this case, yung tool ni Quantunbyte (click here for the tool) ang gagamitin natin para sure na supported ang libya. sa mga naka-phil firmware, di nyo na kelangang sundan yung part 2 nitong tutorial. at ang tutorial na ito ay for changing mac only. kung wala pa kayong live mac, go to my tutorial on how to scan mac.

kung naka-windows7 po kayo, be sure na naka-enable ang telnet nyo sa pc/laptop. hindi nyo maa-access ang telnet and hindi rin kayo makakapag-change mac kung hindi active sa pc.
eto po kung paano i-enable (credits to boss nozomi for the SS):
---> Start
---> Control Panel
---> Programs
---> Programs And Features
---> Turn Windows features on or off
---> Check Telnet Client
---> Hit OK
telnetgif.gif


1. download muna yung wimax tool ni Quantumbyte para mas madali yung mac change at di na CMD gagamitin. syempre i-run mo. Recommended ko po na gumamit kayo ng tool lalo na sa mga naka-libya firmware para auto-set na yung NAI and frequency hindi tulad ng sa CMD kelangan mo pang pumasok sa GUI (Graphical User Interface) para i-set ang NAI and frequency dahil hindi compatible sa globe ang settings ng libya fw.

2. see image on how to set the tool and change MAC.
attachment.php


Part 2: additional settings for Libya Firmware
ito ang mga sine-set sa GUI ng bm625 libya firmware kung sakaling kayo ay nag-change MAC thru CMD, restore default or reset.
1. log in as admin sa GUI and copy your MAC address
2. Run Quantumbyte WiMAC tool and follow screenshot.
attachment.php

3. click [ + ] WiMAX
attachment.php


3. Sundan yung mga numbers sa screenshot
attachment.php

ito ii-input nyo.
1= palitan yung domain na @ltt.ly gawin itong @globelines.com.ph
2= copy yung password na generated sa wimax tool kanina then paste dun sa User ID sa Security tab ng gui tapos dugtungan mo ng @globelines.com.ph ([email protected])
3= copy mo ulit yung password na generated sa wimax tool and paste mo sa User Password dun pa rin sa security tab. click apply.

4. Sa Scanset naman, burahin lahat ng frequency na naka-save at palitan ng frequency natin dito. iba kasi ang preset frequency ng libya sa frequency ng globe. kung di nyo alam frequency ng globe, eto yung mga yun: 2507500 2602000 2612000 2638000 2622000 2505000 2510000. syempre isang frequency sa isang box ang paglalagay. kung alam mo naman yung frequency dyan sa inyo, pwedeng yun lang ang ilagay. like in my case 2602000 frequency lang nilagay ko dahil yun ang frequency ko dito. click apply kung ok na...
attachment.php



Part 3A: changing settings and optimizing connection in gui (Graphical User Interface)
update: eto na tutorial kung paano i-secure yung settings and i-maximize yung internet connection ng inyong bm625 phil or libya firmware.
Note: hindi nyo na kelangan gawin ito kung gagawin nyo ang Part 3B nitong tutorial ko dahil permanent yung security settings kung yung configuration ang ie-edit nyo.

anyway see screenshots kung ito yung gusto nyong sundan na pagse-set ng security features ng bm625.

1. log-in as admin. punta sa [ + ] Advanced
attachment.php


2. Security-->Firewall-->set sa High then click apply.
attachment.php


3. NAT-->ALG-->uncheck lahat ng naka-check then click apply. kelangan ito para kung mag-upgrade ang globe ng firmware nila para sa mga bm625, hindi mag-o-auto update ang bm625 nyo.
attachment.php


4. ACL-->WAN-->uncheck nyo yung WAN (yung binilugan ko ng black sa screenshot). click apply. optional yung uncheck ng TELNET (yung binilugan ko ng blue). pag in-uncheck nyo yung telnet hindi kayo makakapagchange ng mac. iwas remote blank wan kung naka-default pa sa wimax and wimax820 yung telnet log-in details nyo.
attachment.php


5. QoS--> set lahat ng -1 to 63. click apply. optional itong last step kasi di naman ito sa security. note: hindi ito mag-i-improve ng speed, kundi para ma-maximize yung bawat bytes ng internet connection nyo.
attachment.php


ang tutorial na ito sa security ay kailangang gawin everytime magpapalit ng mac or magha-hard reset/restoredef.

Part 3B: editing config (advance users)
how to edit bm625 config. ito ay para sa libya and phil firmware.

ang tutorial na ito ay may risk dahil pwedeng ikasira ito ng modem nyo, pinapayuhan kong sunding maigi ang bawat steps na enumerated dito. at kung gagawin nyo ito, nangangahulugan na tinatanggap nyo yung consequence na pwedeng ikasira ito ng modem nyo kung magkamali kayo ng pag-edit.

kagandahan nito is hindi nyo na kelangan pang ulit-ulitin yung Part 3A nitong tutorial ko kung gagawin nyo ito. sunding maigi kung ano ipapalit lalo na kung numbers ang naka highlight ng red.

1. log-in as admin. go to [ + ] Maintain-->Device-->Advanced and click "Download Default Configuration".
attachment.php


2. open as wordpad yung downloadcarconfig nyo. press CTRL+F (find). in find dialog box, lagay mo firewall and press enter, mapupunta ka sa string na ito:
X_ATP_FirewallGeneralLevel="1" X_ATP_UrlFilterNumberOfEntries="0" X_ATP_UrlFilterEnabled="0" X_ATP_UrlFilterPolicy="0">
change yung value to 3.
katumbas ito ng Part 3A number 2.

3. sa find dialog box ulit, lagay type mo HTTPWanEnable and press enter. mapupunta ka sa string na ito:
<AclServices HTTPLanEnable="1" HTTPWanEnable="1" TELNETLanEnable="1" TELNETWanEnable="0" SSHLanEnable="0" SSHWanEnable="0"/>
change yung value to 0 (zero)
katumbas ito ng part 3A number 4.

3. sa find dialog ulit, find DSCP then mapupunta ka sa string na to:
note: magkaiba sila ng libya and phil firmware, eto ang sa libya
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="1" InterfaceName="LAN1" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="2" InterfaceName="LAN2" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="3" InterfaceName="LAN3" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="4" InterfaceName="LAN4" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="5" InterfaceName="IAD" Dscp="-1"/>
</X_ATP_QualityService>
eto ang sa phil
<X_ATP_QualityService NumberOfInstances="5">
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="1" InterfaceName="LAN1" Dscp="-1" QosPriority="1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="2" InterfaceName="LAN2" Dscp="-1" QosPriority="2"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="3" InterfaceName="LAN3" Dscp="-1" QosPriority="3"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="4" InterfaceName="LAN4" Dscp="-1" QosPriority="4"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="5" InterfaceName="IAD" Dscp="-1" QosPriority="0"/>
</X_ATP_QualityService>
change the value to 63.
katumbas ito ng part 3A number 5.

4. find dialog ulit, find TelnetUserName then mapupunta ka sa string na to:
<X_ATP_ServiceManage TelnetEnable="1" TelnetUserName="wimax" TelnetPassword="wimax820" TelnetPort="23"/>
palitan mo yung username and password according sa kung ano gusto mong log in details sa telnet.
wala itong katumbas na settings sa part 3A. recommended kong palitan nyo ito dahil nasa telnet ang control ng pagpapalit ng mac address. iwas blankwan ito. kung papalitan nyo ito, palitan nyo rin yung sa wimax tool dahil hindi kayo makakapagpalit ng mac kung iba telnet log in details nyo.

5. sa find dialog ulit, find ALGAbility then mapupunta ka sa string na ito:
<X_ATP_ALGAbility H323Enable="1" SIPEnable="0" SIPPort="5060" RTSPEnable="1" L2TPEnable="1" IPSECEnable="1" SIPWanPath="" PPTPEnable="1">
change all value to 0 (zero)
katumbas ito ng part 3A number 3.

6. find dialog ulit, find UserInfoInstance then mapupunta ka sa string na to:
<X_ATP_UserInfoInstance InstanceID="1" Username="eto admin id" Userpassword="eto admin password" Userlevel="2" Busy="0" LoginIP=""/>
<X_ATP_UserInfoInstance InstanceID="2" Username="eto user id" Userpassword="eto user pasword" Userlevel="1" Busy="0" LoginIP=""/>
</X_ATP_UserInfo>
palitan mo yung admin user id and password according sa gusto mong log in details sa gui. change rin yung user id and password para di na rin mapasok ng iba yung user. hindi pwedeng pareho yung id sa admin and id sa user pero pwedeng pareho ang password nila.
kung papalitan nyo yung admin id and password, palitan nyo rin yung sa wimax tool dahil hindi kayo makakapagset ng frequency and other settings sa wimax tool kung iba admin log in details nyo.
Note: for philippine firmware, ina-advise kong change the value to 2 sa userlevel para kung ma-blank wan man, mapapasok nyo pa rin admin and maa-upgrade pa sa libya and di na kayo gagastos magpagawa sa technician. see Part 4 ng tutorial ko para sa upgrade ng libya firmware.

7. save nyo yung ginawa nyo then back to gui na kayo ng modem nyo.

8. Maintain-->Device-->Advanced ulit, click "Choose File" then select nyo yung ginawa nyong config and click "Upload Default Configuration"
attachment.php


9. pagkatapos ma-upload, punta kayo sa "Reset" then click "Restore Default Configuration"
attachment.php


ok na yan kung phil firmware kayo pero kung libya, balik kayo sa Part 2 nitong tutorial, yung paglalagay ng password and domain. since nag-restore kayo, mawawala yung domain nyan and maiiba ulit yung frequency kaya kelangan nyo ulit na manually input yung mga yun para gumana sa globe.

kung natatakot kayo mag-edit ng config, request lang kayo sa akin. pm nyo sa akin gusto nyong log-in details sa telnet, admin at sabihin nyo rin kung phil firmware or libya ang bm625 nyo. or pwede nyo rin download and unzip itong config na ginawa ko. edited ko na yan pero iniwan kong default yung mga log in para kayo na mag-customize ng ayon sa preferences nyo. follow Part 3B number 4 and number 6 para sa pag-edit ng usernames. wimax/wimax820 telnet log in and user/user sa user gui log in.admin/admin libya admin gui log in. sa phil naman, admin pa rin username pero syempre nakasalalay sa mac address yung pass nya sa gui...

BM625 Libya firmware advanced config 2009 version
BM625 Phil firmware advanced config 2009 version
WARNING!: wag i-upload itong config na pinost ko kung bm625 2010 firmware gamit nyo. pang phil and libya 2009 lang ito.

Part 4
how to upgrade to libya firmware. ito ay para sa phil firmware lang.

ang tutorial na ito tulad ng pag-edit ng config na may kahalong risk. siguraduhing maayos ang pagkakasaksak ng power adaptor at ipanalangin na wag mag-brownout kung nagpapalit ng firmware...


1. una sa lahat, kopyahin nyo muna yung mac nyo. sa gui. lam nyo naman na kung saan yun hahanapin.
2. download bm625 libya firmware direct download here then unzip and save sa kung saan mang location na madali mong ma-locate.
3. log-in as admin, go to [ + ] Maintain-->Device-->Firmware then click "Choose File" and select nyo yung in-unzip nyong firmware then click upgrade software. (see screenshot)
attachment.php

4. once upgraded na firmware, go back to part 1, 2, and part 3A or 3B dahil kelangan nyo lagyan ulit lahat yan since back to zero kumbaga yan.

note: as much as possible, hindi ko nire-recommend na mag-upgrade agad kayo ng libya firmware. yun ay dahil para kung ma-blank wan man kayo sa phil firmware, pwede pa kayong magpalit ng firmware. hindi nyo kelangang gumastos ng pagpapagawa sa technician.

add-on: na-blank wan bm625 phil fw ko. ano gagawin ko?
una, protected ba unit mo? kung oo, alam mo ba i-unprotect? kung hindi, basahin mo yung part 3A para sa protection. pero instead na ipo-protect mo (yung mga uncheck), sayo naman is checkan mo para di mag-error yung upgrading process.

pano mo mache-check-an kung di nga ako makapasok as admin?
eto sundan mo:

1. log-in as user
2. go to 192.168.1.1/html/login.cgi?Username=admin&Password para makapasok ka sa admin.
3. unprotect mo bm625 mo kung protected man yan (see part 3A ng tutorial at i-reverse mo sya).
4. go to part 4 ng tutorial ko para sa upgrading ng libya firmware.


Troubleshooting
Q: Walang signal ang BM625 ko, bakit kaya?
A: Tama ba ang kinabitan mo ng antenna? Although 2 ang antenna slot ng BM625, magkaiba sila ng purpose. kung nakaharap sayo yung likod ng modem, yung kaliwa ang slot ng sumasagap ng signal, yung kanan is para sa pagpapalakas ng upload.

Q: Tama naman kinabitan ko ng antenna, bakit wala pa rin signal?
A: Baka hindi tama yung mga frequencies na naka-set. Ito ang madalas hindi alam ng mga naka-bm625 with libya firmware. Refer to Part 2 number 4 para sa pagchange ng frequency.

Q: Nag-restore default ako ng bm625 ko, ngayon ayaw na ako makapag-browse, bat kaya?
A: Ito ay laging nangyayari sa BM625 libya since di compatible yung settings ng libyan firmware dito sa Phils. Para maging compatible ulit dito sa atin, go to Part 2 nitong tutorial.

Q: Nag-upgrade ako into libya firmware, ngayon di na ako makapasok as admin, bakit kaya?
A: Ang default admin log in password ng libya fw is admin din.

sana nakatulong...

as per request by our fellow symbianizer eyestrey, inedit ko yung title. from bm625 tutorial, ginawa ko nang bm625 user's tambayan thread... salamat sa suggestion mo bro.

you may post questions, feedbacks, concerns, and all helpful information regarding wimax bm625 in this thread.


edit: may ginawa po akong modification sa aking bm625. nilagyan ko ng built-in wifi sa loob at ginawa kong molex yung power supply instead na dun sa built-in jack nya. kung gusto nyong malaman kung paano ko ginawa, check nyo to--> bm625 with built-in wifi modification.
 

Attachments

  • input domain and pass.jpg
    input domain and pass.jpg
    135 KB · Views: 11,777
  • nai.jpg
    nai.jpg
    136.8 KB · Views: 11,685
  • scanset.jpg
    scanset.jpg
    189.8 KB · Views: 11,467
  • phil.jpg
    phil.jpg
    140.1 KB · Views: 12,004
  • libya.jpg
    libya.jpg
    144.1 KB · Views: 11,999
  • bm625 change mac.jpg
    bm625 change mac.jpg
    223.9 KB · Views: 1,196
  • admin password from tool.jpg
    admin password from tool.jpg
    86.5 KB · Views: 6,062
  • bm625 change mac.jpg
    bm625 change mac.jpg
    212.6 KB · Views: 4,970
Last edited:
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

master salamat dito, unang subok.....:yipee::yipee::dance::dance:
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

Para sa mga naka libya FW na hndi alam kung pano mag change MAC at set ang NAI at Domain :thumbsup:
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

ngapala master pano procedure kapag magsnipe ka ng mac, tapos input ko naren!
:salute::salute:
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

hay salamat dito sir.sana ngayon mapagana ko n itong 625 ko,tagal ko na hinahanap ng paraan para mapa connect,sana ito na ang kasagutan,mabuhay ka boss.your the man
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

up ko to sir ..
625 libya fw user here ! :D
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

:salute: helpful thread, up for you Ts :thumbsup:
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

Up ko din ,para sa mga may 625.
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

master salamat dito, unang subok.....:yipee::yipee::dance::dance:
kala ko napansin mo na tong thread na to nung ginawa ko sya. dami mo kasi tanong dun sa isa mong thread kaya napilitan na akong gawin to eh! hahaha!

hinde. cge tanong lang kung may di ka maintindihan or kung may gusto ka pang malaman sa bm625.

ngapala master pano procedure kapag magsnipe ka ng mac, tapos input ko naren!
:salute::salute:
1. gamitin mo yung 4.0 and up na version ng wimax tool ni syntaxerror para compatible na sa libya.
2. sundin mo yung steps 2-4 sa part 1 ng tutorial ko.
3. dun pa rin sa settings, tingnan mo yung "Sniper"-->"Testing Time (sec):"-->lagay mo 45 seconds para mas matagal yung pagtest ng mac kung alive. wag mo muna intindihin yung domain dahil pang VIP scanning na yun. mangangamote ka sa paghahanap kung baguhan ka sa mac scan. pag nagamay mo na paghahanap ng mac chaka mo pakilaman yung domain testing.
4. sa "Mac Sniper" tab, lagay ka ng mac address na gagamitin mong pattern sa pag-snipe.
5. i-check mo yung square ng "Lock in frequency" tapos select mo sa drop-down menu ng "Frequency" yung frequency jan sa area mo. pwede namang skip mo tong step na to kung di mo alam frequency mo jan pero mas maganda kung naka-lock ka sa iisang frequency para mas mabilis kumonnect sa cellsite mo jan.
6. sa "Generating Method" click mo yung drop down menu tapos select mo increment or decrement. available tries is depende sa mac na nilagay mo. nire-recommend ko na kung ilan yung Available tries is yun din ilagay mo sa "Number of tries" then click "Run".
7. kung nag-decrement ka at natapos na nya lahat i-test, mag-increment ka naman. sure na makakakuha ka ng mac nyan basta tama yung pattern ng mac mo.
eto screenshot ng mga sinasabi ko para mas maintindihan mo:
attachment.php


kung medyo magulo, click mo signature ko, andun full tutorial with screenshots din kung paano ang paghahanap ng mac.
Para sa mga naka libya FW na hndi alam kung pano mag change MAC at set ang NAI at Domain :thumbsup:
salamat sa pag-up boss.
hay salamat dito sir.sana ngayon mapagana ko n itong 625 ko,tagal ko na hinahanap ng paraan para mapa connect,sana ito na ang kasagutan,mabuhay ka boss.your the man
pagpasensyahan nyo na, tagal ko na iniisip na gumawa ng ganitong thread kaso sa dami rin ng mga pinapagbabasa ko dito sa sb nauubos oras ko, pag tapos na ako magbabasa ng mga thread, inaabot naman na ako ng katamaran gumawa! hahaha!

up ko to sir ..
625 libya fw user here ! :D
salamat jaypz. ano balita dun sa paghahanap mo ng vip? diba sabi ko sayo magrerelease si boss syntax ng flexible yung time ng pag-scan at napapalitan na ng domain? natupad na diba! hehehe!
:salute: helpful thread, up for you Ts :thumbsup:
salamat sa pag-up boss akotribal!
Up ko din ,para sa mga may 625.
salamat sa appreciation nyo sa thread ko!

maraming salamat sa inyong lahat. at least alam kong may natutulungan itong thread ko. sa tagal gumawa ng thread lalo na kung may screenshot, masarap sa pakiramdam na may nakaka-appreciate ng effort.
 

Attachments

  • mac snipe.jpg
    mac snipe.jpg
    275.1 KB · Views: 10,458
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

up ko para sa mga nka 625.thanks nadin po.
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

pa bookmark nga nito boss..tnx
 
Re: bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

hindi pa ako nakahawak ng libya fw pero ayos to ts.nice tut.
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

eto naman tutorial kung paano i-secure yung settings and i-maximize yung internet connection ng inyong bm625 phil or libya firmware.

1. log-in as admin. punta sa [ + ] Advanced see screenshot.
attachment.php


2. Security-->Firewall-->set sa High then click apply.
attachment.php


3. NAT-->ALG-->uncheck lahat ng naka-check then click apply. kelangan ito para kung mag-upgrade ang globe ng firmware nila para sa mga bm625, hindi mag-o-auto update ang bm625 nyo.
attachment.php


4. ACL-->WAN-->uncheck nyo yung WAN (yung binilugan ko ng black sa screenshot). click apply. optional yung uncheck ng TELNET (yung binilugan ko ng blue). pag in-uncheck nyo yung telnet hindi kayo makakapagchange ng mac. iwas remote blank wan kung naka-default pa sa wimax and wimax820 yung telnet log-in details nyo.
attachment.php


5. QoS--> set lahat ng -1 to 63. click apply. optional itong last step kasi di naman ito sa security. note: hindi ito mag-i-improve ng speed, kundi para ma-maximize yung bawat bytes ng internet connection nyo.
attachment.php


ang tutorial na ito sa security ay kailangang gawin everytime magpapalit ng mac or magha-hard reset/restoredef.

another update: how to edit bm625 config. ito ay para sa libya and phil firmware.

ang tutorial na ito ay may risk dahil pwedeng ikasira ito ng modem nyo, pinapayuhan kong sunding maigi ang bawat steps na enumerated dito. at kung gagawin nyo ito, nangangahulugan na tinatanggap nyo yung consequence na pwedeng ikasira ito ng modem nyo kung magkamali kayo ng pag-edit.

1. log-in as admin. go to [ + ] Maintain-->Device-->Advanced and click "Download Default Configuration".
attachment.php


2. open as wordpad yung downloadcarconfig nyo. press CTRL+F (find). in find dialog box, lagay mo to: HTTPWanEnable. mapupunta ka sa string na ito:
<AclServices HTTPLanEnable="1" HTTPWanEnable="1" TELNETLanEnable="1" TELNETWanEnable="0" SSHLanEnable="0" SSHWanEnable="0"/>
change yung value to 0 (zero)

3. sa find dialog ulit, find -1 then mapupunta ka sa string na to:
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="1" InterfaceName="LAN1" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="2" InterfaceName="LAN2" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="3" InterfaceName="LAN3" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="4" InterfaceName="LAN4" Dscp="-1"/>
<X_ATP_QualityServiceInstance InstanceID="5" InterfaceName="IAD" Dscp="-1"/>
change the value to 63.

4. find dialog ulit, find TelnetUserName then mapupunta ka sa string na to:
<X_ATP_ServiceManage TelnetEnable="1" TelnetUserName="wimax" TelnetPassword="wimax820" TelnetPort="23"/>
palitan mo yung username and password according sa kung ano gusto mong log in details sa telnet.

5. sa find dialog ulit, find ALGAbility then mapupunta ka sa string na ito:
<X_ATP_ALGAbility H323Enable="1" SIPEnable="0" SIPPort="5060" RTSPEnable="1" L2TPEnable="1" IPSECEnable="1" SIPWanPath="" PPTPEnable="1">
change all value to 0 (zero)

6. find dialog ulit, find UserInfoInstance then mapupunta ka sa string na to:
<X_ATP_UserInfoInstance InstanceID="1" Username="eto admin id" Userpassword="eto admin password" Userlevel="2" Busy="0" LoginIP=""/>
<X_ATP_UserInfoInstance InstanceID="2" Username="eto user id" Userpassword="eto user pasword" Userlevel="1" Busy="0" LoginIP=""/>
</X_ATP_UserInfo>
palitan mo yung admin user id and password according sa gusto mong log in details sa gui. change rin yung user id and password para di na rin mapasok ng iba yung user.
for philippine firmware, change the value to 2 sa userlevel para kung ma-blank wan man, mapapasok nyo pa rin admin and maa-upgrade pa sa libya and di na kayo gagastos magpagawa sa technician.

7. save nyo yung ginawa nyo then back to gui na kayo ng modem nyo.

8. Maintain-->Device-->Advanced ulit, click "Coose File" then select nyo yung ginawa nyong config and click "Upload Default Configuration"
attachment.php


9. pagkatapos ma-upload, punta kayo sa "Reset" then click "Restore Default Configuration"
attachment.php


ok na yan kung phil firmware kayo pero kung libya, sundan nyo yung part 2 sa first post, yung paglalagay ng password and domain. since nag-restore kayo and libya firmware, mawawala yung domain nya kaya kelangan nyo ulit i-input yun para gumana sa globe.
 

Attachments

  • security3.jpg
    security3.jpg
    131.2 KB · Views: 11,117
  • security1.jpg
    security1.jpg
    135.8 KB · Views: 11,256
  • security2.jpg
    security2.jpg
    120.7 KB · Views: 11,177
  • security5.jpg
    security5.jpg
    134.5 KB · Views: 10,972
  • security4.jpg
    security4.jpg
    128.8 KB · Views: 11,047
  • config1.jpg
    config1.jpg
    189.3 KB · Views: 10,863
  • config3.jpg
    config3.jpg
    142.3 KB · Views: 10,719
  • config2.jpg
    config2.jpg
    189 KB · Views: 10,830
Last edited:
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

anu ba main difference ng 622 sa 625 TS? depende sa 4ports po na nbanggit nyo
matanong lang :)
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

anu ba main difference ng 622 sa 625 TS? depende sa 4ports po na nbanggit nyo
matanong lang :)
upgrade-able to libya firmware ang bm625, bm622 wala.

kagandahan ng libya firmware, kahit admin pa rin yung username hindi gagana yung password na generated ng wimax tool sa kanya unlike bm625 phil firmware and bm622 na kahit palitan mo yung admin password makakapasok ka pa rin sa gui gamit yung password na generated ng wimax tool kung admin pa rin yung username.
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

bm muna..nice TS
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

anu ba main difference ng 622 sa 625 TS? depende sa 4ports po na nbanggit nyo
matanong lang :)

yung hugis parisukat samantala yung bm622 pabulkan :rofl::rofl::rofl: tapos yung antenna na d na kailangan ng crc9 yun lang po bossing :lmao::lmao::lmao:
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

yung hugis parisukat samantala yung bm622 pabulkan :rofl::rofl::rofl: tapos yung antenna na d na kailangan ng crc9 yun lang po bossing :lmao::lmao::lmao:

ayun nakalimutan ko sa pagkakaiba nila, yung bm622 kelangan pa ng crc9 kung iko-connect sa outdoor antenna samantalang ang bm625 di kelangan yun.

ang bm622 ay 12v 1 amp yung power supply while 12v 2amp naman ang bm625. pero di nagkakalayo yung power consumption ng mga adaptor nila.
 
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

--->master, naindihan kona po halos lahat! nagtataka lang ako bakit four [4] ang nakaset na frequency dito sa 625 libya ko, pwede ko po ba gawing one [1] nalang to! or gagana pa kaya eto kapag ginawa kung one [1] tapos dun sa wmaxtool pano ako magset ng frequency kapag ganun na four [4] ang nakaset or diko nalang set/lock frequency ko kapag nagsnife ako, tpos input kona din! pasensya na po talaga kasi napakarami kong tanong e! thanks po talaga master paranoia_rebirth's Avatar
paranoia_rebirth napakarame nyo na pong naitulong sa akin....:praise::praise::praise:
 
Last edited:
Re: eto bm625 tutorial naman! puro 622 and 22i lang eh!

nice,,gusto q din magkaroon ng 625 tipid 2 eh kc me wifin ksama,,sna meron mkipagswap sa 22i q:D
 
Back
Top Bottom