Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Clothing Business and/or Online toy shop

cimpaparu

Apprentice
Advanced Member
Messages
91
Reaction score
0
Points
26
Good day Symbianize,

May mga katanungan ako tungkol sa pagbi-bisnes dahil wala akong kaalaman dito at hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Ang isa sa gusto kong makuha ngayon o masimulan ay yung Clothing Line business at alam kong madaming kompitisyon sa larangan na ito pero gusto ko sanang subukan bago ako sumuko. Ano kaya ang mga maari ko dapat malaman o pag aralan tungkol dito? May ilan kasi akong tanong saaking sarili tulad ng mga sumusunod sa ilalim.
  • Paano ang shipping expenses, isasama ko na ba sa buong kabayaran yung shipping expense?
  • Kung mapagbibigyan na ilagay ito sa isang shop paano kaya ang transaksyon na tama?
  • Kung makukuha ko ang kabuuang gastos ko sa nagastos sa produksyon ilang pursyento kaya ang aking dapat ilagay na tubo na tama at makatarungan.
yan palamang po ang aking mga katanungan sa ngayon, kung may mga karanasan na kayo sa larangang ito pakibahagi naman :)

Ang aking pangalawang balak naman ay pagbebenta ng mga laruan mula Japan, tulad ng Gundam, figures, anime merchandise atbp.
Ang kaso dito wala akong kakilala sa japan at ang kailangang budget ay ubod ng laki, may paraan paba para makakuha ng mga laruang ito sa tama at medyo mas murang paraan at para maibenta sa online? at ganon din ang aking katanungan magkano kaya ang ipapatong sa mga ito.

Isa po akong I.T graduate pero sa katotohanan parang hindi ko talaga linya o magaling doon at gusto ko subukang humanap ng paraan para kumita sa paraang satingin ko ay may pagasa pa akong magkapera.

Maraming salamat sa lahat ng mga tutulong saakin.
 
  • Paano ang shipping expenses, isasama ko na ba sa buong kabayaran yung shipping expense?

Opo TS pwede mo isama na yun, dahil mag sisimula ka palang mas ok kung papasok muna ng pera ang iisipin.

  • Kung makukuha ko ang kabuuang gastos ko sa nagastos sa produksyon ilang pursyento kaya ang aking dapat ilagay na tubo na tama at makatarungan.
  • Kung mapagbibigyan na ilagay ito sa isang shop paano kaya ang transaksyon na tama?

Madedepende yan sa naging kita mo / o kikitain mo palang. Ang isipin mo nalang TS ang worth ng pagpapakapagod mo sa binebenta mo. Yan ang magiging basehan mo.

Same as ng transakyon mo sa online TS. Pero tip ts wag mo muna isipin mag shop hanggat hindi ka pa nakakabuildup ng audience

Ano kaya ang mga maari ko dapat malaman o pag aralan tungkol dito?

  • Target mo na audience na gusto mo pag bentahan
  • Ano gusto ng audience kase kung di yan gusto hindi yan tatangkilikin ( resulta = lugi )
  • Mahabang pasensya, at pangunawa
  • Mag hanap supplier ng kagamitan mura pero may quality.

:hat:
 
Last edited:
Maraming salamat sir. Mukhang talaga need muna ibuild up lahat bago tignan ang maari kong kitain dito dahil baka mapressure lamang ako sa kailangan kong makuha sa lahat ng pagod ko. Maraming salamat muli.

Doon sa shipping, ibig mo bang sabihin ay Presyo ng damit + Shipping expense = Free shipping na ang labas nito ?
 
Walang anuman, hindi mo maiisip yan pagod TS basta masaya ka sa ginagawa mo.

Doon sa shipping, ibig mo bang sabihin ay Presyo ng damit + Shipping expense = Free shipping na ang labas nito ?

Ok lang TS yung idea mo, karamihan ng nakikita ko at naorderan ko na clothing shop is hindi nila sinasabi na free shipping. Kasi sinasama pa yun sa babayaran ng buyer TS. Price shirt then shipping expenses ( Free Shipping ).
 
Last edited:
Walang anuman, hindi mo maiisip yan pagod TS basta masaya ka sa ginagawa mo.
Tama ka dito, lehitimong kinakabahan kasi ako sa balak ko dahil wala akong background sa pagbebenta o anumang patungkol sa bisnes.

Ok lang TS yung idea mo, karamihan ng nakikita ko at naorderan ko na clothing shop is hindi nila sinasabi na free shipping. Kasi sinasama pa yun sa babayaran ng buyer TS. Price shirt then shipping expenses ( Free Shipping ).
Kuha ko na kuya, maraming salamat :)
 
Pwede man tanong saan ka naghahanap ng supplier?

IT rin ako pero gusto ko rin mag negosyo in the future.

Hindi ako expert pero nag work ako dati para gumawa ng dropshipping automation software. Pero ang idea ng dropshipping eh yung supplier na ang mag dedeliver sa customer, bale hindi na dadaan sa warehouse mo ang product. Isusubmit mo lang yung order sa supplier mo.
 
Back
Top Bottom