Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Connected: re:Heart

Walong taon na siguro kaming hindi nagkikita ni Kagami. Ano kaya ang magandang i-regalo sa kanya? Tanong ko sa isip ko habang narito ako sa Duty Free.


Kakauwi ko lang kasi mula sa Canada. Greencard holder na rin ako sa wakas—salamat sa Tita ko na sobrang bait. Nabahala ako sa pag-uwi kaagad dito sa Pilipinas dahil hindi ko alam kung tatanggapin dito ang records ko galing sa lumang school ko sa Canada.


Hindi ako nakapagpaalam kay Kagami dahil biglaan ang pag-alis ko. Magpapaliwanag ako sa kanya at sana kausapin niya pa rin ako. Alam ko sa sarili ko na mali yung ginawa ko. Kahit isang simpleng paalam kasi ay wala akong sinabi, o kahit pinasabi sa kanya kung gaano ako katagal mawawala at kung saan man ako pupunta. Kinuhanan ko si Kagami ng parang souvenir na bracelet. Knowing him, ayaw niya sa mga mamahaling bagay na binibigay sa kanya.


Habang naglalakad palabas sa Duty Free, nakita ko na kaagad ang placard na dala ng Papa ko. Hindi talaga nagbago si Papa, ganoon pa rin. Punong-puno pa rin ng saya bawat wagayway niya ng kamay sa ere noong nakita niya ako. Hindi ko naman masisisi si Papa dahil sa tagal naming hindi nagkita at nagkausap. Close kasi ako kay Papa kumpara kay Mama. Si mama kasi reserved masyado at palagi akong hinahanapan ng Boyfriend. Madalas ko nga sabihin kay Mama na bata pa ako, at si Kagami lang ang gusto ko at wala na akong gugustuhing ibang tao.


Natatandaan ko pa nung minsan na nag-usap kami ni Mama. "Anak, madaming isda sa karagatan," sabi pa niya sa akin patukoy sa mga Canadian na nagkakandarapa sa akin.


"Oo alam ko, ma, pero si Kagami kasi 'yong dagat ko sa mundong 'to," sagot ko naman sa kanya.


Halos kiligin si Mama para kay Kagami sa mga salitang sinabi ko sa kanya.


Malapit na ako kay Papa nang biglang parang nagulat ang mukha niya. Siguro, dahil nabago na ang katawan ko, hindi sa pagyayabang pero "gumanda" raw akong lalo sabi ng mga tita ko at mga pinsan ko sa Canada. Napa-punas pa sa mukha si Papa dahil sa nakita niyang pagbabago ko.



"Diyos ko, anak, sobrang laki ng pinagbago mo. Nasaan na ang anak ko na sobrang liit na tulo sipon?! Nasaan?!" sigaw ni Papa dahil sa galak at saya nung maka-lapit ako sa kanya.



Natatawa talaga ako kay Papa kapag ganitong mga eksena. Hindi mo siya mapagkakamalang 48 years old dahil sa energy niya palagi. Siguro dahil na rin sa pagiging masiyahin niya kaya ganoon.



Matipuno ang pangagatawan ni Papa pero dahil sobrang hilig niya sa beer, eh malaki ang tiyan niya. Masiyahin si Papa, pero sa kabila no'n, eh istrikto siyang guro at sobrang pagdidisiplina ang ginawa niya sa 'kin noon, kaya ito halos palagi akong naiimbitahan sa mga patimpalak na may kinalaman sa ganda at talino.



"Pa, na-miss kita," sambit ko habang nakayakap sa kanya nang mahigpit.



"Weh? Yung totoo anak?! " biro pa niya habang hinahalikan ako sa aking noo.





Naglalakad kami nila Papa at Paine patungo sa Family Van namin nang bigla akong mahilo. Hindi pa nga pala alam nila Papa na may sakit akong iniinda. Sasabihin ko na lang sa kanila kapag kaya ko na, sa ngayon hindi ko pa kaya at hindi nila kakayanin panigurado dahil sobrang bata ko pa para makipaglaban dito. Walang nakakaalam sa pamilya namin nito...ako lang. Sa Canada ko nalaman na meron ako nito. Nakakalungkot talaga 'yon dahil nga, syempre bata pa ako para sa ganitong pagsubok.



"Pa, daan muna tayo sa Church please bago tayo umuwi."



Tumango naman si Papa sa pag sang-ayon sa akin. "Oo anak, panata muna tayo sa kapilya bago tayo umuwi."



Habang tinatahak namin ang traffic dito sa EDSA ay nakatulog ako; isa ito sa epekto ng gamot ko, 'yong bigla na lang ako nakakatulog.



"Ate, malapit na tayo sa kapilya," gising ni Paine sa’kin. "Anong ginawa mo Ate? Bakit ganyan ka na ngayon? Grabe ha. Naging coke na katawan mo. 'Yong 500 ml. ha, hindi 'yong 1.5 Liter. Saka mas pumuti ka, saka ang tangkad mo na ha. Dati magkasing laki lang tayo, ngayon halos nasa dibdib mo lang ako. Pero wala ka pa rin dede, no?"



Okay na sana eh. Puro pamumuri na pero bakit punyetang nauso pa kasi 'yong dede na 'yan, hayop. Bakit ba wala ako no'n?! I feel so much blessed sa looks, sa brain, sa kurba ng katawan ko, sa kutis ko na hindi na kailangan ng dermatologist sa kinis, sa mahaba kong legs, at sa mahaba kong straight na buhok na parang palaging bagong rebond pero bakit sa parte na 'yon hindi ako pinagpala? Juice ko Lord! Bakit!?



Bigla na lang tumawa nang malakas si Paine pagkatapos niyang sabihin sa 'kin 'yon, ganoon din si Papa. Pinagtulungan pa 'ko ng dalawa na 'to. Akala mo hindi nila ako kaanak. May oras din kayong mag ama kayo, mga leche!



Dumating kami sa Kapilya. Nagbigay ng pasasalamat sa Ama, sa mga biyayang binibigay Niya at sa gabay na binibigay Niya na ibibigay pa sa mga susunod na araw. Taimtim kaming nagbigay ng panalanging pasasalamat sa Ama. Pag katapos namin mag-alay ng panalangin, nagkatinginan pa kaming mag-anak habang may ngiti sa mga labi namin ni papa pagkalabas sa kapilya.



"Saan tayo ngayon, anak?" tanong ni Papa sa 'kin. Hindi pa man ako nakakasagot ay agad na nagsalita si Paine, "Pa, tara mag mall. Bili tayong Ps2."



Agad din akong natuwa sa ideya ni Paine dahil gusto ko rin maglaro ng Ps2. Hindi ko kasi dinala yung sa 'kin na nasa Canada dahil hindi ito kasya sa maleta ko at magiging excess baggage siya.



"Sige na, Pa. Bili tayo please?" pag pu-push ko rin sa suhestiyon ni Paine kay Papa, at walang pagdadalawang-isip ko.



Agad na yumakap si Papa sa amin ni Paine. "Kayo talaga! Alam na alam niyo naman na hindi ako tumatanggi kapag parehas ninyong ginusto."



Hindi ako nahihiya sa mga gesture ni Papa na ganito habang si Paine naman eh, pumapalag sa pagkakayakap ni Papa.





Nagtungo kami sa Mall at bumili sa isang gaming store roon. "Uy! Final Fantasy X, X-2 at XII!" napa sigaw pa 'ko dahil hindi ko pa ito nalalaro dahil naging busy ako.



"Ate, eto gusto ko," sambit naman ni Paine habang inaabot sa ’kin ang isang DVD Game.



"Jak and Daxter? Maganda rin ‘to, kunin mo lahat ng DVD nito dali." pagmamadali ko kay Paine.



Habang nasa labas si Papa kami naman ni Paine ay busy sa pag hahanap ng DVD Games para sa ps2. "



God of War din, miss, maganda rin kung into action games kayo ni Maam," sabi ng nag-assist sa 'min na crew ng gaming store. Kinuha ko na rin dahil mukhang maganda nga.

Inabot kami ng halos isang oras sa gaming store na 'to. Ako na ang nagbayad nong pinamili namin ni Paine dahil kaya ko naman. Saka sabi ko kay Papa na bumili na lang s'ya ng bagong TV para sa 'min ni Paine o kaya naman siya na lang ang bumili ng LCD TV. Agad naman siya bumili ng TV at pinamili niya pa kami. Syempre, dahil si Papa magbabayad sinulit na namin ni Paine. Yung 32 inches na agad ang kinuha namin.



Pag-uwi namin agad akong nagpunta sa kwarto ko. Sinalubong ako ni Aling Susan na inabutan ko pang nagpapalit ng kobre kama ko at mga punda. Ngiti lang ang nagawa ni Aling Susan, sa 'kin dahil busy siya, gano'n din naman ako. Kinuha ko kaagad 'yong mga gamot ko na dapat kanina ko pa ininom pag katapos kumain. Nagtungo ako sa banyo at doon uminom ng gamot.



"Hindi nila dapat to makita," bulong ko sa mga foils ng gamot ko.



Sa toilet ko na lang ni-flush ang mga foils habang sa counter-top ko nilagay ang gamot ko. Hindi naman kasi yon ginagalaw ng mga maids kung ano man ang mga nasa counter-top ng washrooms namin.



Lumabas ako sa banyo para kumuha ng damit ko sa maleta ko na pinaakyat ni Papa sa driver namin kaninang si Mang Juancho nang biglang sumigaw si Paine.



"Ate, game na! Laro tayo nitong Jak and Daxter! Coop tayo! Dali!" sigaw ni Paine mula sa salas namin.



"Mamaya na 'ko! Maliligo pa 'ko saka mag pa-pahinga. Labas na lang ako r'yan later, okay!?" sagot ko naman kay Paine.



Hindi na 'ko nakarinig ng sagot mula kay Paine dahil mukhang tutok na tutok na ito sa paglalaro ng ps2.



Pagkatapos ko maligo lumabas ako sa sala namin. Tumabi ako kay Paine sa Sofa na kasya ang apat na tao. Dahil malamig naman sa loob ng bahay hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa.



Nakita ko ang mukha ni Kagami sa panaginip ko na umiiyak habang naka hawak sa kamay ng isang babae na hindi ko kilala.



"Frei, 'wag kang ganyan. Pa'no na 'yong pangarap nating trentang anak na kamukha ko lahat?" At tuluyang nag laho ang muka ni Kagami at nung babaeng nakita ko sa panaginip ko.



Kinabukasan, naglakad ako sa bayan. Agad ako nagtungo kung saan nakatayo ang dating pinag tra-trabahuhan ni Kagami bilang isang computer attendant, nakita ko ang mga kababata ko for the first time sa loob ng walong taon, na pag kakawalay ko sakanila, nakita ko rin sa wakas si Kagami.



Natigilan ako sa iniisip ko dahil bigla ko naalala kung ano ang panaginip ko. Si "Frei" siya na kaya yung babae na hinawakan ng kamay ni Kagami? Hindi ko rin alam kung bakit bigla ako nag-walk out nung napansin ako ni Jheck. Para bang kusang gumalaw ang katawan ko pauwi sa bahay pagkatapos kong makita na gano'n ang sitwasyon ni Kagami kasama si "Frei".



Tama ba ang naramdaman ko na magselos sa kanya? Hindi ko nga rin alam kung puwede akong magselos.



Hindi ko rin alam kung meron pa akong babalikan na Kagami. Hindi ko rin alam kung puwede pa ako magpaliwanag sa kanya, dahil sa sobrang biglaang pagkawala ko. Sobrang bilis kasi ng pangyayari na ‘yon. Wala pang isang araw simula nung tumawag ang Embassy sa 'kin at agad-agad ako pinag-book ng ticket ni Papa papuntang Canada.



Maayos ang takbo ng buhay namin. Nasa Upper Class kami pero siguro, kami ang pinaka mahirap sa buong angkan namin. Si Tita Zenaida ang pinaka mayamang tita ko. She owns a huge IT Company, at gusto niya na mag-take ako ng Business related course at IT Course para ma-handle ko lahat ng kumpanya nita. Wala kasing asawa si Tita Zen kaya ako ang napipisil niyang maging Heir ng maiiwanan niya.



Dumating ako sa bahay na sobrang pagod. Lakad-takbo kasi ang ginagawa ko dahil sobrang sakit ng dibdib ko dahil sa nakita ko. Napahiga ako sa Sofa kung saan nag lalaro pa rin si Paine ng Jak and Daxter sa ps2. Mukhang walang tayuan 'tong babaitang ito sa paglalaro.



"Ate, laro na tayo. Ang hirap kasi nito, kailangan ko ng player na tao talaga. Engot 'tong AI e, hindi maka-timing sa platforming." reklamo ni Paine sa 'kin habang kumakamot pa sa kanyang ulo. Agad ko naman nilaro ang isang controller, si Daxter ang kino-control ko. Inabot kami ni Paine ng gabi kakalaro, naka limutan ko ung sakit na nararamdaman ko.



May narinig ako na katok sa gate. Morse code, sina Lanz kaya 'yon? Agad akong napatakbo sa gate.



"Hikari!? Pucha ikaw nga!?" pasigaw na bulalas ni Lanz.



Kasama niya si Jheck at Khalil na mga kababata ko.



"Balik kami bukas dito, nag paka-sure lang kami, dahil bigla kang nawala kanina," tugon naman ni Jheck.



"Sige, antayin ko kayo rito. Kakarating ko lang. Galing ako sa Canada," usal ko sa kanila.



"Kaya pala ganyan ka ngayon, sobrang putla ng kulay mo parang wala ka ng dugo. By the way, parang ibang Haillee na kaharap namin ngayon ah. Lumaklak ka yata ng Cherifer sa tangkad mo e," ani naman ni Khalil sabay bungisngis.



"Siraulo! Sige na, bukas na lang pagod na rin kasi ako dahil sa byahe," pag papaalam ko sa kanila.



Saka sila tumalikod sa 'kin habang kumakaway, senyas na uuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Gano'n nga ba ko talaga katangkad? Dati kasi ako ang pinaka maliit sa’ming mag ka-kalaro. Sila lang naman ang halos walang pinagbago. Gano'n pa rin. Si Jheck pa rin ang pinaka payat. Si Khalil pa rin ang parang chekwang hilaw pero purong pinoy. Si Lanzelot cute pa rin, yun nga lang naging chubby siya.



"Kailangan ko na mag-take ng meds." Pagkatingin ko sa wrist watch ko ay alas diyes na pala ng gabi. Hindi ko rin namalayan ang oras dahil sa paglalaro. Kailangan ko na talaga i-set ang alarm sa phone ko para hindi ko na makaligtaan ang pag-inom ng gamot sa oras.



Kumain kami nila Papa, nag paalam akong mauuna na sa kwarto para matulog. Tumungo muna ako sa washroom para kuhanin ang mga gamot na tina-take ko.



"Mauubos na pala, shit. I need to buy tomorrow."



Pag kainom ko ng gamot ko, naligo ako. Habang tinutuyo ko ang buhok ko, napaisip ako ulit.



Napansin ko na lang na naka yukom na ang kaliwang palad ko dahil sa naalala ko na panaginip ko at nag papa ulit-ulit ang sinasabi ni Kagami sa babaeng si "Frei". Napansin ko na lang 'yong mga luha ko na naglalakbay sa mga pisngi ko.



"Ano ba yan, lecheng panaginip kasi yon eh," mahinang usal ko sa sarili ko habang akmang pahiga na sa kama ko.





~Flashback~



"Good Evening Miss Shinoda. This is Mr. Redwood of Canadian Embassy. I called you this evening to notify you that, your petition has been approved. Congratulations!" Masaya ang tono ni Mr. Redwood sa kabilang linya.



"Thank you for calling Mr. Redwood. Thank you for notifying me. Shall I go to the embassy tomorrow for personal pick up of my Visa?" tugon ko sa linya ko.



"No need, Miss Shinoda. We've already sent it to your Auntie for further processing of other neccesary papers."



"Alright, thank you."



"Welcome to Canada," sabi niya bago tumunog ang linya sa telepono.



Alam ni Papa na approved na ang mga papeles ko sa petisyon ng Tita ko sa Canada, kaya naman pag ka baba ko, naka handa na ang mga gamit ko at ang ticket ko. Mabigat ang loob ko, kasi hindi man lamang ako naka pag paalam sa mga kaibigan ko nung araw na ‘yon. Sa Manila na lang ako pinag-stay dahil sa mahaba rin ang byahe papunta doon at idagdag mo pa ang traffic. Ang bigat lang sa pakiramdam ng ganito. Maiiwanan ko sila nang walang paalam.
 
Matagal akong nakatingala sa kisame. Naririnig ko pa ang sounds sa nilalaro ni Paine sa Salas. Wala kasing second floor itong bahay namin—ayaw ni Papa.



Bumangon ako sa kama para uminom ng gatas para mabilis akong makatulog. Dumaan ako sa salas, iba na ang nilalaro ni Paine. Sinisimulan na niya ang pag lalaro ng Final Fantasy X. Nanonood ako kay Paine habang umiinom ng gatas sa coffee mug na pagkalaki-laki. Napansin ko na hininaan ni Paine ang sounds dahil nakasandal ako malapit sa kanya at titig na titig ako sa mga scenario ng nilalaro niya.



Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang gatas ko sa mug. Nakaka-relax talaga ang gatas.



Pumuwesto ako ng higa sa sofa pagkalagay ko ng coffee mug sa lababo. Parang mas malamig dito sa salas kaysa sa kwarto ko.



Nakatulog ako sa sofa ng ilang oras, nagising lang ako sa isang malakas na sigaw ni Paine, "Yes! Nakuha ko rin ang Jetch Shot!"



Hindi ko alam sa ngayon kung anuman 'yon, pero bumalik ako sa pagtulog. Bago pa man ako tuluyang makatulog, narinig ko pa si Paine na nag-usal ng, "Sorry 'te, nagising yata kita."



Kinabukasan, nagising ako sa sofa nang maaga. Pagtingin ko sa Wall Clock alas siyete palang. Agad akong nagpunta sa banyo ng kwarto ko upang maligo. Uminom na rin ako ng gamot bago ako tuluyang mabasa ng tubig sa shower. Mabilis akong nakaligo, damang-dama ko ang lamig ng bawat patak ng tubig sa shower. Bahagya pa akong natawa dahil naalala ko na hindi nga pala uso rito sa pinas ang heater. Ang tanging heater lang dito eh yung electronic kettle.



Medyo nahilo ako habang naka-roba sa gawing dulo ng kama ko. Epekto ng gamot talaga itong biglang pagkahilo ko. Bumaba ako sa dining area para kumain. May nakahain na Omelette, Pancakes, Breadloaf, Luncheon Meat, at Corned Beef.



Si Paine raw ang nagboluntaryong magluto ng breakfast. Kumain na 'ko agad dahil hinihintay ko sina Lanz. Expected ko na pupunta sila rito ngayong umaga para tumambay katulad ng dating gawi. Mabilis lang ang ginawa ko na pagkain, narinig ko kasi na may kumakatok sa gate, baka sila na.



Nagulat ako sa nakita ko, si Kagami. Agad itong yumakap sa ’kin, at naramdaman ko ang dating pakiramdam na mayakap ng taong pinakaminamahal mo.



Para pa rin akong kinukuryente sa pagyakap ni Kagami sa’kin. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.



"Sobrang na-miss kita. Hindi sapat ang miss, at mahal na mahal kita, para sa pagkawala ko. Alam ko yon," salita ko kay Kagami na siya lang ang nakarinig.





"This hug means nothing. This is just the usual hug I give to everybody. I already have Luna. Na-miss lang kita bilang kaibigan, pero hanggang doon na lang siguro 'yon," tugon niya nang malamig pagkatapos niya kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.



Hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko, alam ko naman na wala na akong karapatan.



"Please let me explain all the things that has happened, please?" pagmamakaawa ko kay Kagami.



"No need, I already liked Luna, she's slowly taking my world. Please don't ruin what I have now like you ruined me before."



"Please Kagami. I still love you. I missed you, the "happy" you, the you when we are together, please."



"I’m sorry, Hikari," 'yan lang ang narinig ko sakanya habang naglalakad ito papalayo kung nasaan man ako ngayon.





Naging bato na ang Kagami ko. Ang Kagami ko na sobrang mahal na mahal ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kahit sobrang bata pa kami noon. Hindi sa salita niya ito ginagawa kundi sa pagpapakita na mahal niya ko talaga.



Action speaks louder than words sabi nga. At 'yon ang ginawa ni Kagami sa 'kin, sa relasyon namin kung ito mang relasyon na 'yon noon ay totoo dahil sa sobrang bata pa namin. Sana lang mapagbigyan ako ni Kagami na makapag-usap. Sana lang talaga.



Pinatuloy ko si Lanz, Khalil, at Jheck sa bahay. Agad silang nagpunta sa Mini Bar ni Papa. Maraming alak ang naka-display dito.



"Wala ba kayo r'yan alak, Hail?" tanong ni Khalil na pabiro.



"What kind ba gusto niyo?" tanong ko naman.



"Basta alak kahit ano," sagot naman ni Lanz.



Naghanda ako ng hard drink. Mukhang hindi ‘to kakayanin basta-basta ng beer. Gusto ko lang malasing kahit na alam kong bawal. Sa Canada kasi ginagawa kong tubig ang pag-inom ng alak dahil sa lamig ng klima roon. Kailangan ng pang painit ng katawan.



"Oy Hikari, tugtog tayo ulit? I can play guitar and bass. Si Lanz at Jheck drums and guitars din." suhestiyon ni Khalil habang nakaupo sa high chair.



"I can only play Guitars and Vocals. Alam n'yo naman yon," tugon ko sa kanya. Habang kumukuha ng yelo sa mini-ref.



"Walang problema. Sana hindi pa rin nag-iba ang genre mo, kasi kami hindi eh. Kaya mo pa ba yung tugtugan ng Faber Drive? Urbandub? The Used? MCR?" tanong na pagkahaba-haba ni Lanz habang nakatingin sa istante kung nasaan ang mga mamahaling alak ni Papa.



"Actually, sa Canada, Lead and Vox ako sa all-female group. Malas lang dahil ‘di nila kaya ang Genre na gusto ko. Gusto kasi nila Pop Rock lang," tugon ko kay Lanz na binubuksan ang istante.



Naging mabilis ang inuman namin nang magpaalam na sila. Napagdesisyonan namin na buo-in ulit ang banda namin nang wala si Kagami. Dati kasing meron kaming banda kasama siya. Pero napakatagal na no’n. Ilang taon na rin ang nakalipas. Kaming dalawa ang Vocalist.



Malapit na rin kasi ang Fiesta ng Bayan kaya ito, susubukan namin makakuha ng performance slot, dahil para sa lahat naman ang fiesta rito sa amin. Saka isa sa sponsor si Papa kaya mapagbibigyan naman ako siguro sa hiling. Uminom pa ko ulit sa Mini-Bar bago ko nagpunta sa kwarto ko, naligo, at tumitig sa kisame habang iniisip ang mga puwedeng mangyari.



Kinaumagahan kinuha ko ang Gitara ko, malapit sa dresser ko at tumipa ng kaunti.



You know that Im a crazy bitch~

I do what I want when I feel like it~




"Ugh! Potek naman napakamalas."



Pumitik kasi ang string ng acoustic guitar ko. Hindi na kasi ito napalitan simula nung hindi ko na ginamit. Pumunta ako sa pinakamalapit na Instrument Shop.



"Miss meron kayong Elixir Strings? Yung one to six. Pati pang Electric one to six na rin."



"Meron po lahat, ma’am. May free pick na included na po sa set ng strings, ma’am," tugon ng nagbebenta sa 'kin.



"Magkano lahat?" tanong ko sa nag-assist sa 'kin habang binubunot ko ang wallet ko.



"Seven Thousand po lahat included na po ang tune-in ng electric guitar ninyo saka checkup."



"Sige dalhin ko na lang dito ang mga gitara ko, miss, pero bayaran ko na muna lahat.” Saka ko inabot ang pera sa cashier.



Pagkabayad at pagkakuha ng resibo agad ako bumalik sa bahay para kuhanin ang gitara ko. Naging mabilis naman ang pagpapalit ng mga strings at pag-tono nito.



"Meron ba kayong Capo?" tanong ko sa nagpapalit ng strings ng gitara.



"Out of stock ma’am," sagot niya. Pina-testing niya ang electric guitar sa 'kin at ako na rin ang nag-tono.



"Why should I care~

Cause you weren't there when I was scared, I was so alone~

You! You need to listen~"



"Pwede na, sir, sayang walang capo," sabi ko sa nagkabit ng strings kanina sa gitara ko. Nagulat yata siya sa pag-test ko dahil natameme siya nang konti bago nakasagot at hinugot mula sa amplifier ang gitara ko.



"Ilang years na kayo sa guitars, ma’am?" tanong nung babaeng kahera sakin.



"Siguro mga 12 years na. Wala ng praktis ng isang taon," sagot ko sa kahera na nakangiti.



Napatango na lang ang kahera, habang tinitingnan ang Les Paul Fender ko na puti.



Lalabas na sana ko nung nakita ko si Lanz na bumibili ng drum sticks.



"Oh, ilang sticks kailangan mong kumag ka?" tanong ko kay Lanz na parang nagulat.



"Mga 5 siguro, bakit libre mo ba?" tanong niya sa’kin.



"Sige kuha ka na, praktis tayo mamaya, punta kayo sa bahay, wag na sa studio mainit do'n e. Tingnan na lang natin ung mga ampli kung okay pa mamaya."



Agad kaming lumabas ni Lanz pag kabayad ko ng mga sticks niya. Ako na rin ang nagdala since meron naman drum set sa bahay. Sobrang hilig kasi ni Papa sa music kaya meron kaming Music Room na talaga namang mapagyayabang ko. Kahit siguro sila Khalil, mabibigla mamaya pagtumapak sila rito.





Dumating sila sa bahay, nasa may gawing gate kasi ako dahil nililinis ko ang ibang ampli na kung gugustuhin nilang palitan ang naka-set up sa loob ng music room. Naka-set kasi ang Sakura Amplifiers sa Music Room sa ngayon. Ang nililinis ko naman dito ay Shure.



"Tangina, 'yan na agad ang gamitin!" pagsigaw ni Jheck na tinulungan ako kaagad magpunas.



"Ang ganda-ganda naman ng babies na ituuu~" sabi pa ni Jheck habang parang hinahalikan niya ang mga speakers at ampli.



"Mas maganda 'yong may-ari!" biro ko sa kanya na agad naman sinagot ng kunot noo nilang tatlo na may pagbusangot pa.





"Okay na sana e." Si Jheck na parang nalugi ng isang daang taon sa kumpanya ang mukha.



"Haist. Ano ba yan, Hail?" tanong ni Khalil na iiling-iling pa.



"Thanks sa sticks pero hayy, bakit ba kaibigan natin ‘tong mayabang na ito?" nanghihinayang na tanong ni Lanz sa dalawa.



"Tangina n'yo talaga, e no?" tanong ko sakanila na agad silang sumagot ng malalakas na tawa.



Nagpunta kami sa Music Room, inayos namin ang mga amplifiers at speakers. Kinuha ko rin ang mga microphones na gagamitin namin.



"Anong mic trip nyo? Studio?" sumagot sila ng tango lang.



"Ito lang Sennheiser meron, badtrip eh, walang iba," sabi ko sa kanila na agad naman namangha ang mga kumag.



Napasulyap ako sa Grand Piano na nasa gitna. Mamaya gagamitin ko rin ito.



"Studio recording na ba to, Hail?" tanong ni Khalil na namangha sa Music Room namin.



"Siraulo," sagot ko na pabalang sa kanya habang sinasaksak ang mga amplifiers.



"Lesgetiton mga dubista!" sigaw ko habang winawagayway ko ang mic sa hangin.



"Teka, anong kanta, gago!?" tanong ni Lanz sa likod namin.



"Start muna tayo sa warm-up syempre, Evidence," sagot naman ni Jheck na may hawak ng isa pang gitara.





Caught you in the arms of another~

I've been dying everyday since then~

Caught you in the arms of another~

I found out about you~



What more is it that you need?~

Right now clearly it's not me~



Despite everyhing I gave to you excuse, if I'm surprised~

with the moment that I found out we were through~





"Ayos walang kupas ang lead at vox talaga." Si Lanz na parang ngayon lang ulit narinig ang boses ko.





"Pakain naman kami, Hikari, nakaka gutom ka taragis," reklamo ni Jheck.



"Talaga bang isang taon ka walang praktis?" angal naman ni Khalil.



"Tara kumain na tayo. Oo isang taon wala," sagot ko sa kanila.



Binaba ko ang gitara ko na gamit, at ganon din ang ginawa nilang dalawa, habang si Lanz naman ay nakatutok sa ilalim ng air-con.



Tahimik ang naging pagkain namin, dahil siguro pagod kaming apat.



"Aneki, kayo ba tumutugtog sa baba?" tanong ni Paine na parang kakagising lang.



"Oo baka mag-prod number kami sa fiesta," tugon ko sa kanya habang sumusubo ng adobo.



"Tagal pa no'n Aneki ah. Pakain nga rin ako. Nakakasawa rin mag-ps2 no."



"Kaya mo ba mag-synth?" tanong ni Khalil kay Paine.



"Sakto lang. Ilang songs palang ng Linkin Park alam ko e," sagot naman niya habang umupo malapit kay Jheck.



"Anong songs?" tanong ulit ni Khalil.



"Numb, Crawling, Papercut, Points of Authority, Figure 09, saka Leave out All the Rest," sagot ni Paine habang nakatitig sa juice na iniinom ko.



Napa-ismid ako sa mga kantang sinabi niya



"Kaya mo ba mag-scream, Hail? Ako na sa rap part," medyo natatawang tanong ni Jheck sa 'kin.



"Ehhh. Medyo. Tingnan natin," sagot ko naman



"Nandyan ba ang Synth mo, Paine?" tanong ko kay Paine na nagsisimula ng kumain.



"Oo Ate, aayusin ko lang 'yon sandali, saka bibili lang ako ng vinyls.”



"Anong Band name naten!?" tanong ni Jheck na halos pasigaw. Wala sa amin ang naka-isip nito.



Nabuhayan sila ng sigla nung mga nag-isip na sila ng pangalan para sa banda namin.



"Eye Scream?" suggestion ko sa kanila.



"Bakit yon?" tanong ni Lanz sa 'kin.



"Eye is our reflection, we don't really mind them, when we are staring at them but in my mind, they scream all the things our mind thinks," tugon ko habang nilalaro ang kanin na natira sa plato ko.



"Wow. Parang pinag-isipan talaga 'yan, Ate ha," pang-ookray ni Paine sa pangalan na naisip ko.



"Parang surbetes ang pota," natatawang sagot ni Jheck.



Naging mas masaya ang pag-uusap namin dahil nadagdagan kami ng isang bagong member—si Paine.



Bumaba ako sa Music Room. Binuksan ko ang Grand Piano. Nakita ko ang isa sa pinaka paborito kong pyesa sa Music Sheet.



"Wings of Piano," usal ko habang may ngiting mapait.



Buong puso ko na tinugtog ito. Napaka lungkot pala talaga nito kapag Piano Solo lang.
 
Back
Top Bottom