Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Diary of a frustrated programmer

sammelvin

Recruit
Basic Member
Messages
6
Reaction score
0
Points
16
WARNING: LONG POST!!!

Hindi ko alam kung biktima lang ako ng pagkakataon, tamad talaga, o hindi lang talaga para sa kin ang programming.

Let’s go back in time when I was in college… I graduated 2008 pala sa course na IT. Pero ang totoo gumraduate lang ako ng walang alam. That time sa isang public university na 1:10 students per computer, 40-50 pesos ang rent sa comshop, walang pambili ng laptop kasi it would cost 40k up. Hindi ko din afford ang libro at wala pang youtube noon. Hindi nagtuturo ang mga professor ko, lagi kaming self-study and since sa group namin ay may isang magaling sa kanya na lang kami umaasa. At yung isang magaling na yun ang clerk lang ngayon sa SSS. Ang pinaka-achievement ko lang that time e nung gumawa ako mag-isa ng ordering system using Turbo C and I’m not proud of it.

When I graduated I did not pursue programming kasi nga hindi ako confident, nag-apply ako sa callcenter since magaling ako mag-english at akala ko hanggang doon na lang ako. Hindi naman ako pinapalad sa TSR (man lang) position kasi laging CSR ang bagsak ko… I don’t know baka yun lang ang opening that time or kulang talaga ko sa skills. I spent 8 years sa callcenter and it made me stagnant – I regret na sana habang nagwowork ako sana nagseself-study ako.

I came to a point na nagsawa na ko at inisip ko na kapag nakapasok ako sa public school ay magiging stable na ko. I took up education units and luckily pumasa naman ako sa mga tests. It made me confident of myself kahit papano. I am now a senior high school teacher and it’s my 3rd year to teach. Ang binigay sa kin na subject to teach ay programming na kinatatakutan ko. But since teachers kami we need to adjust, inaral ko yung basic ng Java at Oracle. Yun nga lang since advance na din ang mga bata ngayon dahil marami na silang resources, sobrang nach-challenge ako. Yung co-teacher ko na kami lang ang may konting alam sa programming gumraduate din siya ng walang alam.

On my first year, although maraming lapses pero kinaya naman. Infairness naman sa mga student ko kapag nakakachat ko sila thankful sila kasi natuto sila at nagagamit nila yun in college. In a way kung hindi dahil sa pagiging teacher ko hindi ako mapupush mag-aral pero I feel like it wasn’t enough kasi hindi man lang kami nakapag-advanced Java at Oracle.

On my 2nd year of teaching naging matanong ang mga bata ko, tinatanong nila kung nakagawa na ba ko ng system, inamin ko sa kanila na hindi pa at alam ko nawalan sila ng motivation dahil sa dun. Although mejo naituro ko naman ng konti yung advanced Java pero I still feel it wasn’t enough. Kasi kahit ako mismo hirap na hirap intindihin ang OOP. Pinagsasabay ko ang 2 libro ng Java at Youtube tutorials, makukulit na bata at sandamakmak na paper works. Pag may nagtatanong din sa kin ng mga hindi ko pa alam wala talaga kong maisagot.

Now on my 3rd year of teaching kinakabahan ako kasi may 2 students akong gumagawa na ng software para sa ibang students at binabayaran sila. Samantalang ako wala pa ding nagagawa kahit isa. I know some of you would judge or question me kung bakit ako nag-teacher, realtalk it’s because of stability and benefits pero kahit papano nagugustuhan ko na din ang pagtuturo because you get to inspire others.

I want to learn more but I don’t know where to start, although nakapagstart na ko pero I still feel it wasn’t enough. Ngayon I’ve committed myself to make time learning more and make a software but nahihirapan ako. So hindi ko alam kung hindi talaga para sa kin ang programming? Should I give up? Pero it’s actually a long time dream na magamit ko yung course ko, pero sobrang takot ako. Sana malaki na sweldo ko ngayon at hindi nagtatyaga sa mababang pasahod sa mga teacher. Although some of you may say na “you do not program because of money” pero realtalk kailangan natin ang pera. Sana may nakakarelate sa akin dito at meron ako ditong maging mga kaibigan to guide me through this. Thank you nga pala sa time kahit mahaba tong post ko. Sana may makatulong. God bless!

PS. Since (konting) Java at Oracle palang alam ko sana makahanap ako ng mga free software at ebook para makapag-aral pa ng ibang language. TIA.
 
i feel you sir... like me naging best progmmer daw ako way back 2011 peru di ko nagamit dahil wala ako pc noon... kaya ito Job Order lang ako sa City....
need kac ng pera for daily needs..
 
pwede ka din sir mag take ng mga short courses then sabay google or youtube :salute:
 
just try and try... kung passion mo yan, hindi imposible...

- - - Updated - - -

pwede ka din sir mag take ng mga short courses then sabay google or youtube :salute:

san merong short courses dito bro?
 
salamt sa pag share ts. namomotivate din tuloy ako
 
wag mo pansinin ang insecurity mo sa mga students mo. kahit naman noong nag aaral ka may kklase ka na mas magaling kesa sa teacher mo. tuloy mo lang ang isa an goal mo kung bakit ka naging teacher, "to inspire others". kaibiganin mo sila at matuto sa kanila. Siguro may kakayahan sila sa buhay o madaming resources kaya sila natuto agad unlike others na kailangan mag trabaho. dont regret kung ano man ang hindi mo nagawa noon kasi nasa positive ka na kalagayan ngayon.
 
Pero para sa akin? Opinion or make it advise na din haha

Ilagay mo sa ganito.
1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung tumigil ka mag pursue sa career mo in programming?
Tapos isipin mo naman, 1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung di ka tumuloy dream mo nga ito?
Tapos piliin mo yung mas gusto mong future dun.

Gawin mo lahat para makuha mo yung gusto mo.

Alam mo ba na may studies sa mga malapit na mamatay na tao, on their death bed,
tinatanong sila kung anong pinagsisisihan nila.
Most of them answered na pinagsisisihan daw nila yung mga bagay na hindi nila nagawa, kesa sa mga bagay na nagawa nila.

Kung iisipin mo, pagsisisihan mo ba yung minsang nadapa ka kasi nakipag habulan ka?
Pagsisihan mo ba yung natapunan mo ng juice yung libro mo?
Pagsisihan mo ba yung napalo ka ng nanay mo kakalaro?
O pagsisishan mo yung panghihinayang mo sa DREAM Career mo kasi takot ka sa Failure? Kasi nung time na yun nahirapan ka o nawalan ng pag asa?
Bakit, may madali ba? May short cut?

Walang extend sa buhay tol.
Ito na yun, isa lang to.
Isa lang, either success or not.

Yung mga negativity sa paligid mo, pakyu sila.
Hawak mo ang buhay mo, wala silang magagawa.
Pero ikaw, ikaw meron!

Pero inaasahan ko na gagawin mo yung tama.
Gagawin mo yung laman ng puso mo.
Gagawin mo yung ikakabuti mo.
Naniniwala ako sayo.
Naniniwala kami.
Ikaw? Naniniwala ka ba sa sarili mo?

Thank me Later ;)
 
Follow W3Schools at yung Courses ng Skillshare at Lynda.
Wala kasing motivation kaya di mo ma digest yung programming.
Gumawa ka nang mga projects na unti2 maging isang malaking system.
 
programmer din ako (2 years diploma), wala pa ngang YouTube nun at mejo mahirap, ayun call center din bagsak. Pero ikaw, anjan ka na sa sitwasyon na yan at ikaw yung mag tuturo sa mga bata. Siguro tulungan na lang kayo sa pag aaral ng pagcocode at pagprogram. Yung mga bata ngayun, halos spoon feed na sa info reg technology, dapat makipagsabayan tayo.
 
Pero para sa akin? Opinion or make it advise na din haha

Ilagay mo sa ganito.
1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung tumigil ka mag pursue sa career mo in programming?
Tapos isipin mo naman, 1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung di ka tumuloy dream mo nga ito?
Tapos piliin mo yung mas gusto mong future dun.

Gawin mo lahat para makuha mo yung gusto mo.

Alam mo ba na may studies sa mga malapit na mamatay na tao, on their death bed,
tinatanong sila kung anong pinagsisisihan nila.
Most of them answered na pinagsisisihan daw nila yung mga bagay na hindi nila nagawa, kesa sa mga bagay na nagawa nila.

Kung iisipin mo, pagsisisihan mo ba yung minsang nadapa ka kasi nakipag habulan ka?
Pagsisihan mo ba yung natapunan mo ng juice yung libro mo?
Pagsisihan mo ba yung napalo ka ng nanay mo kakalaro?
O pagsisishan mo yung panghihinayang mo sa DREAM Career mo kasi takot ka sa Failure? Kasi nung time na yun nahirapan ka o nawalan ng pag asa?
Bakit, may madali ba? May short cut?

Walang extend sa buhay tol.
Ito na yun, isa lang to.
Isa lang, either success or not.

Yung mga negativity sa paligid mo, pakyu sila.
Hawak mo ang buhay mo, wala silang magagawa.
Pero ikaw, ikaw meron!

Pero inaasahan ko na gagawin mo yung tama.
Gagawin mo yung laman ng puso mo.
Gagawin mo yung ikakabuti mo.
Naniniwala ako sayo.
Naniniwala kami.
Ikaw? Naniniwala ka ba sa sarili mo?

Thank me Later ;)

Ngayon palang nagpapasalamat na ko sa moiviation, salamat, sobrang naapreciate ko :)

Naalala ko lang nung bata ako takot akong gawin lahat ng bago sa kin, sobrang baba ng self confidence ko. Nung 20 ako dun ko lang nalaman na may talent din pala ko sa singing. 25 na ko nung matutong magbike. 28 na ko nung 1st time kong makijam sa banda sobrang takot ko nun. 30 na ko nung magexam ako ng LET at pumasa naman agad ako. This experiences made me a better and confident person now. So i realise it's really never too late.

Ngayon i motivate my students to pursue their dreams and talents early at wag matakot sa sasabihin ng iba para menjoy nila ang buhay, di tulad ko. Salamat ;)
 
FYI TS, isa rin akong teacher. Math teacher, pero gusto kong matuto nang programming so kumuha ako ng mga ebooks dito. Yun, di ko maintindihan hahaha pero nagsimula ako sa access, at unti unti akong gumawa ng simpleng automation system para sa mga forms ng mga teachers dito samin. Kaya ngayon, hayahay na buhay namin sa checking of forms tsaka Yung database namin intact na, print na lang yung registrar dahil encoded na lahat. alam ko na simple para sa iba yung nagawa ko, pero proud ako na yung simpleng system ko, nakatulong. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa, continue mo lang bagay na nagpapasaya sayo, maraming magsasalita nang hindi maganda, tsaka may mga students ka na magchachallenge talaga sayo, So wag kang magpadala sa kung anong may alam sila, instead ask them also kung ano yung master mo na language. Huwag kang magsabi na hindi mo alam, kasi teacher ka, mawawala trust ng mga student mo pag ganyan. Instead, sabihin mo na still mas advance ka sa kanila, ipadama mo para matuto sila ng respect tsaka mahalin ka nila kasi teacher ka talaga ganun. medyu komplikado explanation ko, pero nasa prof ed po yan. anyways, mabuti ka pa nga alam mo na java, ako vba lang hahaha
 
Hello Sir. Maganda subukan mong gumawa ng app na idea mo. Mas okay kung na eexcite ka sa idea mo para ganahan ka. Basta ma explore at ma solve mo yung common problems sa programming like CRUD, File upload, etc.
Pag gumawa ka kasi ng full app ma eexperience mo yung mga bagay na di mo nakita sa tutorials at ebooks.

Usually ako nag dodownload lang ng torrents ng video tutorials (like pluralsight) at ebooks para sa basics.
 
/*
* Programming its not for everyone, programmer rin ako, naalalako pa ng college na lahat ng classmate ko
* sakin umaasa pag may assignments and programs activities, hindi ko naman inaasume na matalino ako
* kasi line of 76 ang general average ko noong highschool.
*
* the point is, programming is for those person who are not afraid to fail, has strong mindset and long patience
* the more you fail the more you learned, if kaya mo i build up your self then kaya mo maging programmer,
*
* you need to fail to succeed so goodluck :)
* sana in the future maka work kita in some online projects
* */
 
nakaka inspire naman yung the way you motivate others. kaya heto I'm starting to learn kahit babae ako. Kudos kuya.
 
/*
* Programming its not for everyone, programmer rin ako, naalalako pa ng college na lahat ng classmate ko
* sakin umaasa pag may assignments and programs activities, hindi ko naman inaasume na matalino ako
* kasi line of 76 ang general average ko noong highschool.
*
* the point is, programming is for those person who are not afraid to fail, has strong mindset and long patience
* the more you fail the more you learned, if kaya mo i build up your self then kaya mo maging programmer,
*
* you need to fail to succeed so goodluck :)
* sana in the future maka work kita in some online projects
* */

Same with me nung high school ako mataas na yata yung 78 kong average at ang pinakamasaklap yung nag summer class ako ng 1st year. Siguro nasa dugo na din kung para talaga sakin ang programming. Nag build ako ng career ko by Job Hopping(Thanks sa Manager ko nung OJT days). Now i end up in a good company in my own field of web developing.

Kay TS naman don't feel bad. Talagang sadyang maraming performing young future programmers ngayon.Nung panahon kasi natin hindi pa ganun ka hinog ang field ng programming(Hi assembly language).They will soon build their own career. Ikaw meron ka ng career kaya pangalagaan mo at paghusayan.
 
Last edited:
sa PUP ka din ba TS? ako nga Com Sci ang natapos ko eh. pero d programming ang kinalabasan ko.. more on Software and Hardware (IT Support) ako sa isang company. pero balak kong kumuha ng Microsoft Cert or Cisco Cert, para nman umaangat angat ang sweldo.

just pursue your dream. "Aim high hit the mark"
 
Just continue improving yourself. Lahat naman tayo may times na nahihirapan but don't let doubts creep on you.
 
/*
* Programming its not for everyone, programmer rin ako, naalalako pa ng college na lahat ng classmate ko
* sakin umaasa pag may assignments and programs activities, hindi ko naman inaasume na matalino ako
* kasi line of 76 ang general average ko noong highschool.
*
* the point is, programming is for those person who are not afraid to fail, has strong mindset and long patience
* the more you fail the more you learned, if kaya mo i build up your self then kaya mo maging programmer,
*
* you need to fail to succeed so goodluck :)
* sana in the future maka work kita in some online projects
* */

Agree ako dito. 2 years course lang ako I.T., di ako pinaka magaling sa klase namin pero yung mga kaklase ko nuon na mga de medalya at achievement awards sa programming, sales clerk lang sa mall ngayun. the key is, aral lang ng aral, then i apply mo din yung binabasa mo o pinapanuod sa tutorial. ngayun web dev at designer ako at di tumitigil sa pag aaral ng mga bagong programming language. wag masyado idown sarili mo TS. di lahat ng syntax kabisado ko, pero nandyan naman si google to help. di na mahirap matuto ngayun. strong mindset and long patience lang talaga. di sapat na gusto mo lang magamit pinag aralan mo, kelangan passion talaga at hilig mo programming and learning new techs.
 
Kailangan mo rin TS iset kung anong klaseng programmer ba gusto mo maging. Ano ba yung gusto mo madevelop o mabuild someday. Madami kasing klase ng programmer. When I was in college, late 90's, I studied Computer Science, sobrang frustrated ako kasi ang gusto ko talaga is Fine Arts. But anyway wala din akong natutunan hindi dahil hindi magagalin yung mga Prof ko kundi hindi talaga ako interesado. But then later on, narealize ko fulfiling and satisfying din pala pag meron ka nang nabubuong system or kahit simpleng app lang. Sa ngayon I'm more on desktop programs and web development, kasi I realized yung pala talaga ang gusto ko. Kilalanin mong mabuti sarili mo TS, alamin mo kung ano ba talaga gusto mo, then go for it. Wag mo isipin sasabihin ng ibang tao... just go for it. Tutal pangarap mo naman yan. It's all about you not them. I know magiging magaling ka rin na programmer or developer. Goodluck TS. And God bless.
 
Back
Top Bottom