Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Epekto ng mga pagsabog sa halaga ng piso

merde

Novice
Advanced Member
Messages
28
Reaction score
1
Points
28
Kadalasan, bumababa ang halaga ng piso kapag may nangyayaring kaguluhan gaya ng mga pagsabog o pambobomba:

Glorietta explosion
May 17, 2000
  • 13 sugatan
  • bahagyang humina ang halaga ng piso sa mismong araw ng pagsabog at sa sumunod na araw
SM Megamall bombing
May 21, 2000
  • 1 patay
  • Linggo nangyari ang pambobomba; walang trading
  • bumaba ang halaga ng piso noong sumunod na araw, nang magbukas ang trading; mula 41-level, mabilis itong bumulusok ng 42- hanggang 43-level sa loob lamang ng ilang araw
  • nangyari ang pambobomba ilang araw lang matapos ang pagsabog sa Glorietta
Rizal Day Bombings / LRT bombing
December 30, 2000
  • 22 ang patay at humigit-kumulang 100 ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pambobomba sa Kamaynilaan. Kabilang sa mga binomba ang LRT
  • Bumaba ang halaga ng piso by almost one peso matapos ang pambobomba. Nasa 50-level lang ito nung Biyernes bago ang insidente; nang mag-resume ang trading after the weekend bombing, nag-51-level na ang halaga ng piso
  • Hindi na nakabawi pa ang halaga ng piso sa mga sumunod na linggo dahil na rin sa patuloy na impeachment trial laban kay Pangulong Estrada. Nagsimula na lang itong tumaas muli matapos ang EDSA II.
FitMart bombing
April 21, 2002

  • 15 patay
  • inako ng Abu Sayyaf ang pambobomba
  • Linggo nangyari ang pambobomba; walang trading
  • bahagya lamang na bumaba ang halaga ng piso kinabukasan; matapos nito, nakabawi agad ang halaga ng piso
Davao Airport bombing
March 4, 2003

  • 21 ang patay sa pambobombang nangyari malapit sa arrival area ng Davao International Airport sa Davao City, Davao del Sur. Inako ng Abu Sayyaf ang pambobomba.
  • bahagyang bumaba ang halaga ng piso sa mga sumunod na araw matapos ang insidente
Valentine's Day Bombings
February 14, 2005

  • 8 ang patay sa magkakahiwalay na pambobomba sa General Santos City, Makati at Davao City.
  • tapos na ang trading nang maganap ang pambobomba
  • kung titingnan ang trend ilang araw bago ang mga pambobomba, palakas ang halaga ng piso; pero matapos nito, bahagyang humina ang piso sa loob ng ilang araw
  • halos isang buwan din ang inabot bago nakabawi ang piso (bumalik sa range nung halaga nito before the blast)
M/V Doña Ramona explosion
August 28, 2005

  • 29 sugatan
  • mula 55-level, umabot ng 56-level ang halaga ng piso matapos ang pagsabog
  • matatantong kasagsagan noon ng impeachment complaints laban kay Pangulong Arroyo
Palace explosion
February 20, 2006 (Monday)
  • Niyanig ng pagsabog ang Malacañang. Lacquer thinner na itinapon sa basurahan ang itinuturong dahilan ng pagsabog.
  • Bahagyang bumaba ang halaga ng piso matapos ang pagsabog, pero kinabukasan lang ay agad na nakabawi ito. Bumaba na lang ito ulit nang mag-anunsyo si Pangulong Arroyo ng state of national emergency noong linggo ding iyon
  • ayon sa Philippine Stock Exchange, ang pagsabog sa Palasyo ay isa rin sa mga naging dahilan kung bakit humina ang stock market sa buwan ng Pebrero 2006
pre-ASEAN bombings
January 10, 2007
  • mula 48-level, umapak ng 49-level ang halaga ng piso
Glorietta explosion
October 19, 2007

  • 11 ang namatay at mahigit 100 ang sugatan sa pagsabog sa Glorietta 2 sa Makati noong October 19.
  • bumaba ang halaga ng piso nang mangyari ang pagsabog sa Glorietta 2; mula P44.05=$1 noong October 18, bumaba ito sa P44.24=$1 noong October 19.
  • tapos na ang trading sa stock exchange nang mangyari ang pagsabog; pero nang sumunod na Lunes, bumaba nga ang Philippine stocks, maging ang stocks ng Ayala Land Inc., ang may-ari at operator ng Glorietta.
  • makalipas ang weekend, tila bahagya nang nakabawi ang halaga ng piso; nagsara ito sa P44.115=$1 noong October 22.

Bagamat madalas na bumababa ang halaga ng piso kapag may pagsabog o pambobomba, may mga pagkakataon ring hindi ito naapektuhan ng kaguluhan. Kapansin-pansing ang mga insidenteng ito ay nangyari sa labas ng Kamaynilaan:
  • Sasa Wharf Bombing (April 2, 2003) - 16 patay
  • pagsabog sa Parang, Maguindanao (January 4, 2004) - 22 patay
  • sunog sa SuperFerry 14 (February 27, 2004) - 94 patay; ayon sa Abu Sayyaf, sila ang may kagagawan sa insidente
  • pagsabog sa palengke sa General Santos City (December 12, 2004 at September 7, 2006)
  • - mahigit 10 ang patay sa dalawang magkaibang insidente
  • magkahiwalay na pagsabog sa Tacurong City, Sultan Kudarat at Makilala, North Cotabato (October 10, 2006) - 14 patay
 
Kung ganyan nga ang trend, yung may pakana nito e kumikita rin kasi bumibili ng dolyar tapos saka nya binebenta pag nangyari na :ranting:
 
anu pa nga ba? palagi nman gnito kpag mgpapasko... mas marami ksing papasok na dollar from ofw's kpag malaki ang palitan... what else is new? :upset:

pero tingin nio ba sinasadya yan ng government? :think:
 
Last edited:
... what else is new? :upset:
pero tingin nio ba sinasadya yan ng government? :think:
hindi naman siguro government, pero matagal ko nang napapansin, pag dere-deretso ang pagtaas ng PESO against the dollar or pagtaas ng Stock Market, meron at merong man-made event na magpapabagsak sa value ng peso at philippine stock market.

meron kasing nakikinabang sa pagbulusok ng piso at stocks, pag maanda ang timing pwedeng kumita ng BILLION PESOS sa pagbagsak ng stocks, basta alam ang ginagawa at maganda ang timing ng mga kaguluhan.

ngayon, ang million dollar question, "sino ang utak"?
 
:giggle: un lng... un pa! :lol:

bsta ang msasabi ko lng, kawawa ang taong-bayan lalong naghihikahos :disapprove:
 
nirvana9
Male.gif
user_online.gif

Forum Advisor
mod.gif

post3.gif


wawa nmn tau:giggle:
 
the strength of the PESO doesn't seem to matter..

if the Peso strengthens, do wages and sallaries increase?

does the prices of products decrease? NOT really effective..

isang malaking WHATEVER lang yan.. yahaha..
 
haha uu nga watever na nga lng... :lol: ang affected lng nman kc jan ang mga investors sa stock market eh... :sigh:
 
Ganyan tlaga ang buhay.. Dami kc Mag Terrorista dito sa atin.. laht ng mga leader ng Kunmander din nila.. At sa Baba ang piso dahil sa mga tahedya at economico ng bansa naitn kc s mga gamot at serbisyo..
 
bottomline si juan dela cruz ang nag sufer sa mga kaguluhang ito...
tayo lage ang kawawa... :weep:
 
amf lumalakas nga piso marami naman nababawian ng buhay :weep:
 
noong biyernes, pumalo ang lakas ng piso sa pinakmalakas niyang 42 pesos laban sa dolyar.

ewan kung coincidence na naman, martes ng gabi, pinasabog ang Batasan. patay ang isang congresista (Wahab Akbar) at ang driver ng Gabriela partylist representative.

as always, inaasahang babagsak ang halaga ng piso ngayon araw (Nov14) at sa mga susunod pa na araw. sasabay na rin a stock market.

kung hindi sila naawa sa dalawang namatay sa Batasan, sana maawa sila sa mga milyung-milyon na mahihirap na pilipino, na maghihirap bunsod sa pagbagsak ng piso.

ang pagtaas kasi ng piso ang nagpagpahina sa epekto ng mataas na presyo ng langis.
 
Back
Top Bottom