Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here to answer you

Boys tanong lang ha, although hindi ko naman nilalahat ng lalaki eh ganito...

Bakit nyo tinatanong kung kelan last nagka-bf yung babaeng gusto nyo? Big deal po ba un? Paki-explain please.
para may mapagkwentuhan syempre. para hindi ung kumain ka na ba? musta nman araw mo. ganun ganun..
 
Sa totoo lang po kasi hindi na kailangan alamin kung kelan huling nagkarelasyon yung babaeng gusto nyong ligawan. Nakakainsulto yun. Marami namang ibang topic na pwedeng pag-usapan. Napansin ko may mga lalaking ganun. Ekis yun para sa akin. Ako never kong tinanong ang isang guy kung kelan sya huling nagka-gf. Sa totoo lang, may sagot dito na ayaw nyo lang tumbukin dahil turn off para sa aming mga babae un.
 
Bakit nyo tinatanong kung kelan last nagka-bf yung babaeng gusto nyo?
1. May mga tao kasi na ginagawang basis yung length ng pagiging single mo from the time kung kailan ka huling nagkaroon ng boyfriend para masabi kung naka-move-on ka na ba talaga. They assume sa kung ano ba talaga nararamdaman mo, yes. Pero they are being cautious lang din siguro.
2. In relation to #1, para siguro iwas rebound na din. Kaya siguro by default, ang thinking ng ibang tao na kapag, let's say a couple of months pa lang ang lumilipas from your last relationship, they automatically assume or think na nasa healing stage ka pa lang.

Big deal po ba un?
NOPE.
 
Boys tanong lang ha, although hindi ko naman nilalahat ng lalaki eh ganito...

Bakit nyo tinatanong kung kelan last nagka-bf yung babaeng gusto nyo? Big deal po ba un? Paki-explain please.
What if alam naman nilang single bakit pa tatanungin un?
Most of the time para meron lang mapag-usapan, out of curiosity. Kung offending sayo yung mga ganung tanong, pwede mo namang sabihin sa lalake yun upfront para tumigil sila kung sakali.

Anyway, pati rin naman sa side niyong mga babae ganyan din eh, lalo pag may type na lalake. Pinaka-unang inuusyoso eh kung may gf, tapos pag nalamang wala, matic ang sunod dyan kung kelan huling nagka-gf o kung ilan na yung naging ex niya. Minsan nga puro na lang din tungkol sa lovelife yung hilig nila pag-usapan kaya parang nakakabagot din :lol: pero ayos na rin naman, kasi minsan magandang way din yun para may mapag-usapan lang lalo na kung type mo rin yung babae haha.
 
Pag gusto ko kasi yung lalaki never kong tatanungin sa kanya mismo kung may gf ba sya o kung kelan sya huling nagka-gf o nakailang gf sya kasi ayaw ko rin sya maoffend, cguro sa iba ko na lang sya ipagtatanong. :lol:

Anyway mejo na-enlighten din ako sa mga sagot nyo. Pero bilang babae, piece of advice na rin, iwasan nyong tanungin yan sa babaeng nagugustuhan nyo kc nakakaoffend talaga o nakakainsulto. Meron kasi akong nakuhang sagot sa iba na weird, nakaka turn off ba. Hayaan nyong ang babae ang mag-open up about sa past nya. Dahil pag nakita naman nyang genuine yung hangarin nyo sa kanya, wala yang ililihim.
 
Last edited:
Boys tanong lang ha, although hindi ko naman nilalahat ng lalaki eh ganito...

Bakit nyo tinatanong kung kelan last nagka-bf yung babaeng gusto nyo? Big deal po ba un? Paki-explain please.
Well, in my view there’s nothing wrong sa tanong esp if that certain person asked you in a very decent way naman.

I guess, nagiging red flag lang talaga if merong mga follow up questions like kapag nagtanong na ‘bout your last intimate experience, something like that.

The best thing to do is to dodge the question instead, you can response na change topic nalang magegets na ng guy yan. Block mo kapag hindi nakaramdam ganun lang.

Let’s be honest here, just tea no shade, Imma drop the bomb na kasi alam ko sis eto yung nasa isip mo :laugh:

Yes, meron talagang mga lalaki na gusto malaman kung gaano kasikip yung suot mong pajama :yes:
Somehow understandable naman kasi lalaki un e, it's your choice to feed his curiosity.

Paki-decode nalang sis . NSH :lol:
 
Well, in my view, for me, there's something wrong about this. Dito pa lng sa part na to eh red flag na. Kaya magkaiba tau ng perspective pagdating dito. Marunong akong rumadar kapag ang lalaki eh ang habol lang eh katawan, kaya nga until now I'm still single.

Marami ng nagtanong sa akin nyan, lahat sila nasa blocked list ko o na-unfriend na. Kahit gaano ka pa kagwapo o kayaman, bumababa ang tingin ko kapag tinanong ako about jan.

Actually natanong ko na yan dati sa ex ko. Kung talagang gusto ka raw ng isang guy, no need na tanungin nya un para lang magkaroon kayo ng pag-uusapan. Maraming ibang topic na pwedeng pag-usapan maliban sa past ng babae lalo na ung about sa "kung kelan ka last na nagka-bf". Mas sensitive kc pag babae ang tinatanong ng lalaki kesa sa babae ang nagtatanong sa lalaki. Ex ko never ako tinanong about past ko as in. Kasi alam nya yung salitang respeto.

Kaya gusto ko marinig sa iba kung ano papanaw nila sa tanong ko. Dahil sa totoo lang, alam nila kung ano ang tinutumbok ko, ayaw lang nilang magpakatotoo.
 
Sa totoo lang po kasi hindi na kailangan alamin kung kelan huling nagkarelasyon yung babaeng gusto nyong ligawan. Nakakainsulto yun. Marami namang ibang topic na pwedeng pag-usapan. Napansin ko may mga lalaking ganun. Ekis yun para sa akin. Ako never kong tinanong ang isang guy kung kelan sya huling nagka-gf. Sa totoo lang, may sagot dito na ayaw nyo lang tumbukin dahil turn off para sa aming mga babae un.
Dyan din kasi papasok ung tanong na ano bang tipo mong lalaki? mga ayaw mo na ginagawa ng lalaki sau. etc.... pero if offended sau well then, iba iba din kasi view ng bawat tao.
 
Well, in my view, for me, there's something wrong about this. Dito pa lng sa part na to eh red flag na. Kaya magkaiba tau ng perspective pagdating dito. Marunong akong rumadar kapag ang lalaki eh ang habol lang eh katawan, kaya nga until now I'm still single.

Marami ng nagtanong sa akin nyan, lahat sila nasa blocked list ko o na-unfriend na. Kahit gaano ka pa kagwapo o kayaman, bumababa ang tingin ko kapag tinanong ako about jan.

Actually natanong ko na yan dati sa ex ko. Kung talagang gusto ka raw ng isang guy, no need na tanungin nya un para lang magkaroon kayo ng pag-uusapan. Maraming ibang topic na pwedeng pag-usapan maliban sa past ng babae lalo na ung about sa "kung kelan ka last na nagka-bf". Mas sensitive kc pag babae ang tinatanong ng lalaki kesa sa babae ang nagtatanong sa lalaki. Ex ko never ako tinanong about past ko as in. Kasi alam nya yung salitang respeto.

Kaya gusto ko marinig sa iba kung ano papanaw nila sa tanong ko. Dahil sa totoo lang, alam nila kung ano ang tinutumbok ko, ayaw lang nilang magpakatotoo.
Regarding sa respeto, IMHO I don't see anything disrespectful sa tanong na yun. Siguro depende na lang yun sa context ng usapan nyo nung taong nagtanong niyan sayo at kung paano napunta sa tanong na yan. At gaya nga ng sabi ko sa previous reply ko, at kahit hindi naman big deal sakin yun if ever na ako yung tanungin, it's all about assessing the person kung ready na ba talaga siya makipag-relasyon ulit. And yes, aware ako na hindi natin pwedeng basta-basta i-judge na lang yung tao based doon. People handle/cope up with things differently. Pero hindi mo din naman maiaalis na mag-isip ng kung anu-ano kapag nalaman mo na jump na lang ng jump from relationship to relationship yung tao for let's say couple or few months after ng last relationship niya. Yan yung naiisip kong reason kung sakaling ako man yung mag-tanong (and to protect myself na din somehow). Nothing disrespectful about it. Hirap pa naman sa panahon ngayon. :cheers:
 
Well ibang usapan cguro kapag nalaman nyong single mom ung tinanong ng ganyan?Sensitive po kc sa single mom ang ganyang tanong. Naitanong nyo na ba yan sa babaeng niligawan nyo, oh let's say sa partner nyo kung meron man?
 
Well ibang usapan cguro kapag nalaman nyong single mom ung tinanong ng ganyan?
I see women equally. Single mom man o hindi. Pero kapag sa pakikipag-relasyon bias lang ako towards single mom (I've been in a relationship with single moms in the past). :loved:
Naitanong nyo na ba yan sa babaeng niligawan nyo, oh let's say sa partner nyo kung meron man?
Yes po. So far wala naman po akong na-receive na kahit na anong negative feedback (as far as I can remember) regarding sa tanong na yun. They asked me and I asked them back.
Sensitive po kc sa single mom ang ganyang tanong.
Regarding dito. Pwede mo po ba i-expound pa? Interested lang po ako malaman perspective/reasons mo why. Kung okay lang naman po. Dito or PM will do. Thank you.
 
Yes po. So far wala naman po akong na-receive na kahit na anong negative feedback (as far as I can remember) regarding sa tanong na yun. They asked me and I asked them back.
You are unsure of a certain fact.

Cguro di ganun kalalim yung sugat ng past nya. Pero sana be sensitive enough dapat sa tinatanong nyo lalo kung alam nyong single mom.
 
Well ibang usapan cguro kapag nalaman nyong single mom ung tinanong ng ganyan?Sensitive po kc sa single mom ang ganyang tanong. Naitanong nyo na ba yan sa babaeng niligawan nyo, oh let's say sa partner nyo kung meron man?
Diyan mo malalaman kung mahal ka talaga ng lalake. maging sino ka man. Iba iba rin ang views naman ng babae at lalake.
 
Yes tama ka..pero kung tlagang marespeto at seryoso ang lalaki sa isang babae, cguradong alam nya ang Dos and Don'ts. Sabi ko nga knina sa isang reply ko, kapag ramdam namin na genuine ung love na binibigay nyo, wala kaming ililihim sa inyo. Ipagkakatiwala namin ulit ng buong buo ang sa sarili namin ng walang pag-aalinlangan.
 
Boys tanong lang ha, although hindi ko naman nilalahat ng lalaki eh ganito...

Bakit nyo tinatanong kung kelan last nagka-bf yung babaeng gusto nyo? Big deal po ba un? Paki-explain please.
To check at may follow up question na bakit kayo naghiwalay. Common lang sya na question kahit babae tinatanong yan.

Magkakaproblema lang to kapag di pa accepted nung taong tinatanong yung last failed rs nila.
 
IMHO, kapag gusto mo din yung babae syempre hindi. Kapag hindi naman, medyo awkward pero never naman na turn-off. Nakaka-gulat lang kasi syempre hindi typical sa mga babae yung ganun, although meron naman. Yung pagpapakita naman ng motibo, ang perspective ko dyan bilang isang lalaki eh pa-fall moves. Hahaha, sorry. And do I/we find the girl easy? Again, kung gusto ko yung babae, well medyo. Pero wala na akong pakialam dun kasi pabor naman sakin. Pero kapag hindi ko gusto, hindi naman. Unless kakaiba yung personality niya. Yun bang may pagka-haliparot talaga. Hahaha.
Ako gusto ko sinasabihan ng i love you and gus2 kita .
 
Back
Top Bottom