Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem HIHILOM RIN

Hihilom Rin

Maraming araw na ang lumipas,
hindi mo pa rin magawang umiwas.
Huwag na sanang maging pangahas,
may mga laban na kailangan ng i-atras.

Alam kong ramdam mo pa,
ang sakit doon sa una.
Imulat mo lang ang iyong mga mata,
Marami ka pang makikita.
Hindi ka pwedeng manatili sa iisa.
'Wag matakot sumubok ulit sa iba.

May mga bagay talagang natutuklasan
lamang sa pag-iisa.
Ang inaakala mong hindi mo kaya,
kaya mo pala.
Lahat'y nangyayari ng may dahilan.
Lahat ng ito'y kaya mong lagpasan.

Ikalma mo lamang ang iyong puso.
Unti unti kang nabubuo
sa bawat pagkawasak at pagkatalo.
Hayaan mo,
lilipas rin ang lahat, hihilom rin ang sugat.

 
Back
Top Bottom