- Messages
- 11
- Reaction score
- 5
- Points
- 18
hindi ko pa rin maunawaan ang beliefs ng feminism kahit silipin ko sa online source. hindi ko maunawaan dahil meron ibang tao na ayaw nila eclaim sa sarili na feminist sila na parang derogatory word ang salitang feminism. bagkus nang sinilip ko ang opposite ng sexism ay egalitarian o feminism daw sa search online. ang ibig sabihin ng sexism ay can be a belief that one gender is superior to or more valuable than another gender. it imposes limits on what men and boys can and should do and what women and girls can and should do. patungkol sa oppression of girls at women ang sexism pero hindi katagalan, nag expand siya sa oppression of boys, men at homosexual na rin. nagtataka ako na bakit wala ako masyadong naririnig na feminism sa pinas o tipong wala pa akong naririnig na sinabi na feminist siya o sadyang di ako aware na meron sa pinas din? one time, meron ako nabasa na natutuwa sila dahil walang feminist daw sa pinas. forum ang nabasa ko. natutuwa sila dahil religious country daw tayo kaya wala daw feminist sa pinas. sakaling derogatory word ang feminism sa pinas, does it mean na tanggap natin o normal sa atin lahat na meron hierarchical gender o superior gender sa atin at iyon ang bale consider tama at mabuti? i talk with my mom at sabi rin daw niya sa akin na dinidisagree niya ang feminist dahil ayaw ni God ang feminist. ang gusto ni God na ang babae ay mababa kinakailangan sa lalake. mahina raw kase ang babae at malakas ang lalake. ginawa daw ni God ang babae para magpasubmit sa lalake. pagkatapos ganun din sabi sa akin ng lalake na magaling sa biblia. sabi sa akin with matching bible verse, ang babae ay kinakailangan magpa under sa lalake. lahat daw na pinoportray ni God ay malakas ang lalake at ipinalabas niya na it is good daw na ang bible ay sexism dahil iyan ang salita ni God kaya ano ba talaga ang definition o ano ang beliefs ng feminism talaga at bakit medio hindi pabor o hindi gusto ng ibang tao ang feminism? anong meron sa feminism?