Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
ang ganda,galing mo bro ang lawak ng imahinasyon mo para magawa yan. Iba yung dating pag binasa .may damdamin. Saka yung mga linya makatotohanan ang husay talaga. Hindi ko mapalawak skills ko hangang essay lang ata ako. Babasahin ko lahat ng likha mo bro :salute:
 
ang ganda,galing mo bro ang lawak ng imahinasyon mo para magawa yan. Iba yung dating pag binasa .may damdamin. Saka yung mga linya makatotohanan ang husay talaga. Hindi ko mapalawak skills ko hangang essay lang ata ako. Babasahin ko lahat ng likha mo bro :salute:

WAG!

Kulang-kulang yung iba...

Please... wag niyo na i-up...

hahahahaha...

JK!
 
Ugh! GRABE ka dude!! Sori guy k pala, nagcomment din kasi ko dun sa u2me..

Kakain-love! kYAAAAH! Hahaha!This one's Heavy!-- One of the tragic love stories na nagustuhan ko..Ung mga nmamatay ung bida.. I didn't cried though,, nakakahiya kasi nasa work ako! Hahaha--*sighs* ansakit na nga lalamunan ko kakapigil.. >///<

love it! keep it up! Goodluck!!
 
nice story sir:praise: binasa ko lahat this morning.
 
Ang ganda ng takbo ng story nkakabitin haha sana ituloy mo na agad I'm craving for your work *thumbs up!
 
may pagkawindstruck at my sassy girl, kaso dinagdagan mo ng mas malupit pa..
Salamat sa author nito! Pinaluha ako talaga.
 
nice one ts!

I salute you for writing this story.
I've stumbled upon your new story,
but I've followed your link redirecting to this thread.

this is one of the best I've read so far mula nung naging tambay ako sa section na 'to a few days ago.

sa sobrang ganda ng pagkagawa,
binasa ko nang buo sa isang harap.
sinimulan ko ng around 4am,
natapos ko, ngayon lang.

sa sobrang ganda ng pagkagawa,
tumawa ako nang paulit ulit sa mga tagpong talaga namang nakakatawa.
madaling araw na,pero natagpuan ko ang aking sarili na tumatawa habang enjoy na enjoy sa pagbabasa.

di ko sukat akalain na mapapaluha ako
sa gawing dulo ng kwento.
napukaw ng katha mo
ang aking imahinasyon at damdamin.
dahil jan, saludo ako sa yo!

two thumbs up for you ts!

sana, marami ka pang maisulat na kwento
na kasing ganda nito.

mula ngayon, I'm one of your followers na.
I'll be looking forward to reading more of your stories.

more power!
 
I'll read your other stories later this evening...

33 out of 38 threads under stories and essays...

I'm sure I'll stumble upon something worth reading again within those threads .. :D
 
nice one ts!

I salute you for writing this story.
I've stumbled upon your new story,
but I've followed your link redirecting to this thread.

this is one of the best I've read so far mula nung naging tambay ako sa section na 'to a few days ago.

sa sobrang ganda ng pagkagawa,
binasa ko nang buo sa isang harap.
sinimulan ko ng around 4am,
natapos ko, ngayon lang.

sa sobrang ganda ng pagkagawa,
tumawa ako nang paulit ulit sa mga tagpong talaga namang nakakatawa.
madaling araw na,pero natagpuan ko ang aking sarili na tumatawa habang enjoy na enjoy sa pagbabasa.

di ko sukat akalain na mapapaluha ako
sa gawing dulo ng kwento.
napukaw ng katha mo
ang aking imahinasyon at damdamin.
dahil jan, saludo ako sa yo!

two thumbs up for you ts!

sana, marami ka pang maisulat na kwento
na kasing ganda nito.

mula ngayon, I'm one of your followers na.
I'll be looking forward to reading more of your stories.

more power!

Salamat ng marami. Isa ka sa may pinakamahabang comment sa stories ko. And I'm really happy na 'napukaw' ko nga ang isp mo sa 'katha' ko. hehehe. Thank you very much. :)
 
What a tragic ending..... Sayang si jaf at marj

Before, nung sinusulat ko 'to, hindi ko intended na mamatay si Jaf sa ending. Pero hindi rin naman na to live happily ever after. I'm just going with the flow. It just happen na biglang pumintig sa ibang direksyon ang utak ko kaya nagkaganun.

Kaya ngayon, medyo nanghinayang din ako na bakit ko nga ba pinatay yung character sa dulo? At parang naging utang ko yun sa character ni Marj kasi kahit iniwanan ko siya ng Justin sa dulo it's so unfair for her kasi yung tragedy and drastic emotions bumagsak sa ending.

Hindi ko na talaga susundan pa dapat yung story and just leave it like that. What pushed me to write the sequel is because I thought of a good plot and I know it will benefit Marj's character, at ang pinakarason eh gusto kong ilabas lahat ng emosyong nadarama ko ngayong nakita ko 'siya' na matagal ko nang pinatay sa buhay ko. #WowMayPinaghuhugutan :rofl:
 
Thanks sa kung sinu man ang nag UP ulit nang Thread na ito.

Very inspiring TS. Polaris, Do not lose Direction! Tatandaan ko yan.

Thank you nang marami. The characters you created are brilliant. Jaf, you're way tooo good to be true nga lang. Marj, :clap:. Ayus talaga.

Keep it up.
 
Galing mo TS!

my sassy girl at windstruck inpired to no? ^_^

kala ko nung una, magiging boring tulad ng pagreremake ng iba...

pero ngawan mo sya ng kakaibang plot..

ayos! VERY EFFECTIVE!

kaya naman 10/10 to saken..

at dahil jan, ipapabasa ko to sa GF ko na love na love ang mga love story na my twist! hehe
 
galing mo ts... napatawa ako at napaluha wag naman iyak baka pag tawanan ako ng mga client ko dito.... baka sabihin kalalaking tao umiiyak ahhahaha :thumbsup:
 
Thanks sa kung sinu man ang nag UP ulit nang Thread na ito.

Very inspiring TS. Polaris, Do not lose Direction! Tatandaan ko yan.

Thank you nang marami. The characters you created are brilliant. Jaf, you're way tooo good to be true nga lang. Marj, :clap:. Ayus talaga.

Keep it up.

Tama! Salamat sa nag-up nito. LOL. Salamat po sa pagbasa. the characters somehow exists in real life, naghalo nga lang ng personalities para hindi naman halata.

ganda interisting

Interesting po. Juke. Salamat po sa pagbasa. :D

Galing mo TS!

my sassy girl at windstruck inpired to no? ^_^

kala ko nung una, magiging boring tulad ng pagreremake ng iba...

pero ngawan mo sya ng kakaibang plot..

ayos! VERY EFFECTIVE!

kaya naman 10/10 to saken..

at dahil jan, ipapabasa ko to sa GF ko na love na love ang mga love story na my twist! hehe

Halo-halo yung plot sa mga karanasan ko at nasaksihan ko sa buhay, pati private. May pagka-open-book pala ako. LOL

galing mo ts... napatawa ako at napaluha wag naman iyak baka pag tawanan ako ng mga client ko dito.... baka sabihin kalalaking tao umiiyak ahhahaha :thumbsup:

In all fairness ito lang ata yung kwento na umiiyak ako habang sinusulat. Hindi pa naulit yun kahit sa I Miss You Like Crazy Sequel: Need You Now.

boss wala po bang PDF file ito? penge naman po if meron.. mamats

.doc lang ang meron ako, yung u2me! ang nagawan ko ng .pdf pero hindi ko din pinost. hehehe.

Salamat po ng marami sa walang sawang nagco-comment at nagbabasa!
 
Grabe idol. Sobrang Ganda. Print ko to ha? Pabasa ko sa GF ko.

- - - Updated - - -

Sir, penge din pala po ako ng doc file nito.

Sana ts magkaron ka ng libro.
 
Back
Top Bottom