Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
,nice..

matagal ko ng nabasa ito hanggang ngayon pala dami p ding nagbabasa..

galing mo t.s pwedeng pwede na..
nakakainis kc bakit ba lagi nalang may namamatay,ok n nga sana eh.. :weep:

nabitin ako,mejo nagmadali sa kamatayn..
hehe..

galing galing..

nice job.. :10:
 
,nice..

matagal ko ng nabasa ito hanggang ngayon pala dami p ding nagbabasa..

galing mo t.s pwedeng pwede na..
nakakainis kc bakit ba lagi nalang may namamatay,ok n nga sana eh.. :weep:

nabitin ako,mejo nagmadali sa kamatayn..
hehe..

galing galing..

nice job.. :10:

natawa ako sa comment mo about prating namamatay...

nagsasawa na nga ako sa mga korean movies na parating namamatay ang bida...

hahahaha...

i'll do different stories next time...

marami nang naka-line-up...

wala lang akong ganang mag-type...

hahahahaha...

♥♥♥ u ol...
 
,hehehe..
ou lagi namankc ganun ending happy n nga eh..

ok sige,we will wait.. :)

nice job again..
 
im made hard copy for my friends. nakakatuwa kasi binitin ko sila till chapter 14 lang print out ko. ayun nga dami nangungulit ng karugtong,hehehe. SURPRISE ba! ayus ba?

im so proud of you...lalo pa were both from SPL.
Mabuhay ka!
 
Bakit ba tamad akong mag-type?

Samantalang kung makapag-update ako sa fb ginagawa kong twitter?!
 
Parehas pala tayong tinamaan ng katam. :D Daming naka line up na kuwento pero tinatamad mag type. :lmao:
 
sir, nagprint out po ko nito para sa wife ko mahilig kasi magbasa ng pocketbook yung, napaluha rin sya... nabasa rin nga ng anak ko naluha din. at eto ang malupet kwento skin ng wife ko dinala pala ng anak ko yung print out ko sa school pinabasa nya sa kaklase nya, syempre ano pa nga ba napaluha din... tawa ng tawa nga raw ang anak ko habang pinapanood sila naluha. napagalitan nga sya ng prof. nila kasi nadinig sya natawa sa klase nila kaya kinuha yung binabasa nila at binasa rin at natawa sa unang pahina kaya hiniram ng prof. nila... :)
ang dami na sigurong napaiyak at napatawa sa istoryang to... the best talaga... :clap:
 
kanina ko lang 'to binasa habang di busy sa :work: ngayon tapos ko na basahin :weep: ako grabe :cry: huhuhu
 
Last edited:
:weep: ganda ng wento. kalungkot nga lang namatay siya. dun aku naiyak. grabe. tnx dito:praise: :thumbsup::salute:
 
astig.. Npaiyak aq d2 aHh.. Galing mu ts.. Slmat s kwento..
 
first time kung bumisita dito sa stories section ng symbianize.. Nadala agad aq ng kwento mo ts. Nakakaiyak.. Keep sharing
 
thank you ng marami otor! parang kombinasyon ng ibat ibang love story, pero ang sakit ng ending, ramdam na ramdam ko ang sakit, di ko ma take, tagal kong umiyak dito,huhuhuhuhu, i hate good byes!. . .sana may sequel poh, yun nmng love story ni marj o ng ibang chatacters sa story nato . . .ang galing!
 
Matagal ko ng nabasa to at talaga namang napakaganda ng kwentong to. Sana me makapansin at gawing pelikula. Sana maging ok kana sa problema mo brod para makagawa ka pa ng maraming magagandang istorya na gaya nito. Salamat!
 
ang astig worth reading ...:clap::clap::clap:
a round of applause..
 
as expected from boss heinriq...ang galing mo ts.., idol...nadala ako dito ah..:weep: :weep:
muntik na akong mapaluha,mabuti na lang napigil ko..kakahiya baka makita ako ng mga kasama kong umiiyak..:rofl:

of all the stories na nabasa ko,this is the best so far..:thumbsup::praise::praise::praise:
 
Back
Top Bottom